Ginaganti ang mga Mapagkakatiwalaan
Ginaganti ang mga Mapagkakatiwalaan
Isang kemist (parmasiyutiko) sa Timog Aprika ang nakabalita na ang mga Saksi ni Jehova ay magtatayo ng isang bagong complex na palimbagan sa bansang iyon. Sinabi niya sa isang empleadong Saksi: “Alam ko na ang inyong simbahan ay magtatayo ng isang bagong gusali sa Roodekrans at batid ko na ibig mong mag-abuloy para doon. Mayroong mga ilang kalakal sa aking tindahan na ibig kong ibenta mo at payag akong ibigay sa iyo ang komisyon na RI [92c, U.S.] para sa bawa‘t kalakal.” Ang babaing Saksi ay sumang-ayon at nang makapagbenta na siya ay binigyan siya ng R634. Ang kemist, na may balak na ipagpatuloy ang ganitong kaayusan, ay nagsabi ng ganito sa isang nag-uusisa nang malaunan: “Ganiyan ng lamang ang respeto ko sa babaing ito dahilan sa kaniyang kasipagan at siya’y mapagkakatiwalaan. Ang aking pagpapahalaga sa kaniyang paglilingkod ay hindi ka mabigkas sa mga salita, kaya naisip ko na ito ang lalong magaling na paraan.”