Ikaw Ba’y Mapagkakatiwalaan?
Ikaw Ba’y Mapagkakatiwalaan?
“GINOO, sa aming bayan, kung ikaw ay hindi magdaraya hindi ka mabubuhay. Kung ibig mong mabuhay, kailangang medyo magdaya ka sa iyong pamumuhay.” Ganiyan ang magalang na paliwanag ng isang Aprikano sa isang misyonero kung bakit sa palagay niya’y hindi lahat ng nasa Bibliya ay praktikal.
Kung minsan may inaayunan pa ng mga klerigo ang ganiyang paniwala. Sang-ayon sa pahayagang Rapport ng South Africa, sinabi ng Katolikong paring si Hinwood ng Pretoria: “Kung ang sinuman o ang kaniyang pamilya ay nakaharap sa panganib na magutom at walang sinuman na tutulong sa kaniya, sa palagay ko’y hindi masama na siya’y magnakaw sa kaniyang kapuwa. At marahil ay ganiyan din ang isasaloob ng Diyos.”
Sang-ayon ka man o hindi sa mga pangungusap na ito, ito’y nagpapatunay ng isang bagay: Patuloy na nauuso ang pagdaraya at pagnanakaw bilang isang tinatanggap at praktikal na paraan ng pamumuhay. Pakaunti nang pakaunting mga tao ang masasabing lubusang mapagkakatiwalaan. Sa buong daigdig ay lumulubha ang pagdaraya, at laganap ito sa lahat ng panig ng komunidad at sa lahat ng pitak ng buhay. Subali’t bagaman ang nauuso’y ang pagdaraya, baka iniisip mo kung ang hindi pagdaraya ang tunay ngang pinakamagaling na patakaran. May mapapakinabang ba sa pagiging mapagkakatiwalaan?
Ang Pakinabang sa Pagiging Mapagkakatiwalaan
Suriin mo ang kalakip na tsart, na batay sa mga pamantayan ng Bibliya. Sa palagay mo’y gaano ka mapagkakatiwalaan? Inaakala mo kayang ang mga pamantayan ay totoong napakataas? Totoo, kailangan ang pagsisikap upang ikaw ay maging mapagkakatiwalaan, sapagka’t ang di-sakdal na mga tao ay nakagagawa ng pagkakamali. Gayunman, ang pagsisikap na masunod ang mga pamantayang ito ay lubhang kapaki-pakinabang at nagdadala ng tunay na kaligayahan.
Sino ba ang hindi nagpapahalaga sa isang kaibigang mapagkakatiwalaan? Kung kasama mo ang gayong tao ay nakadarama ka ng katiwasayan, at may tiwala ka na ang personal na mga bagay ay hindi mapapabulgar Lucas 16:10; Hebreo 13:4.
sa publiko. Ang mga taong mapagkakatiwalaan ay maasahan sapagka’t tinutupad nila ang kanilang salita. Tapat kahit na sa maliliit na bagay, kanilang dinidibdib ang kanilang mga ipinangangako at ginagawa ang kanilang ipinanata nang sila’y ikasal at ang mga termino ng isang kasunduan.—Sa isang daigdig na dumarami ang walang hanapbuhay, ang isang taong mapagkakatiwalaan ay mas malamang na manatili sa kaniyang trabaho dahilan sa minamahalaga siya ng kaniyang pinapasukang amo. Ang kapabayaan at pag-aaksaya ay nagdadala ng malaking kalugihan sa mga kompanya at mga organisasyon. Malimit na ang mga empleado ay pinagkakatiwalaan ng mamahaling mga gamit o makina. Ang pagpapakita na karapat-dapat ka sa pagtitiwalang ito, ang pagpapaandar at pag-iingat sa gayong mga gamit ayon sa mga tagubilin, ay nangangahulugan ng katipiran sa maypatrabaho. Nakatitipid din ng salapi pagka ang mga empleado ay nagtatapat sa kanilang trabaho, hindi nag-aaksaya ng panahon na doo’y sinusuwelduhan sila. Ang ganiyang mga manggagawang mapagkakatiwalaan ay pinaghahanap at lubhang pinahahalagahan.
Ang isang magulang na mapagkakatiwalaan ay may mas malaking tsansang magtagumpay kaysa sa iba sa pagpapalaki ng mga anak. “Kung ipinangangalandakan mo kung paano ka nakalamang nang magsinungaling ka sa isang parokyano o nakapag-uwi ka ng inumit na mga lapis, mga papel na sulatan at halos ano mang bagay na madampot mo, huwag kang magtataka kung tularan ng iyong anak ang halimbawa mo. Huwag kalilimutan, ikaw ang kaniyang modelo, at pinauulanan ka ng labis na papuri pagka ginagaya ka,” ang sabi ng aklat na Hold Them Very Close, Then Let Them Go; How to Be an Authentic Parent. Oo, ang pagtuturo na sinasabayan ng mapagkakatiwalaang ulirang halimbawa ng magulang ay mas madaling masundan ng anak.
Higit sa lahat, ang pagkamapagkakatiwalaan ay nagbubunga ng isang malinis na budhi, na may kalakip na katahimikan ng isip at respeto sa sarili. Ang mga Kristiyanong mayroon nitong mainam na katangiang ito ay naghahanay ng sarili nila para sa lalong maraming pribilehiyo at pagpapala sa kongregasyong Kristiyano.—Exodo 18:21; 1 Timoteo 3:1, 2, 8-10.
Mga Halimbawa na Nagdiriin ng Kahalagahan Nito
Noong Hulyo ng 1936, si John, isang Ingles, ay nakipisan kay Pedro at sa kaniyang pamilya sa Jaca, Espanya. Kinailangan
noon ni John na bumalik siya sa Inglatera at saka bumalik uli sa Jaca, kaya ang kaniyang bisikleta, ang isang bitbiting ponograpo at kaunting kuwartang Kastila ay inihabilin niya kay Pedro. Mga ilang araw lamang ang nakalipas at nagsiklab ang giyera sibil sa Espanya. Si Pedro at ang kaniyang pamilya ay napilitang magtago sa mga yungib sa Pyrenees. Nang malaunan, sila’y tumawid sa hangganan at nagtungo sa Pransiya at nakulong sa isang kampo para sa mga takas. Makalipas ang labing-apat na taon ay muling nagkita si John at si Pedro, at agad-agad isinauli ni Pedro ang ponograpo at ang mga pesetas at inihingi niya ng paumanhin ang pagkawala ng bisikleta sa kabundukan. Isang kaibigan ngang mapagkakatiwalaan!Nakalulungkot sabihin, hindi lahat ng kaibigan ay nananatiling mapagkakatiwalaan. (Awit 41:9) Si Judas Iscariote ay nagkaroon ng kahanga-hangang pribilehiyo na mapili bilang isa sa 12 apostol ni Jesu-Kristo, na kaniyang matalik na mga kasama. Marahil, dahilan sa mga ilang katangian, si Judas ay pinagkatiwalaan din ng pangkalahatang pondo ng grupo. Subali’t hindi siya nanatili ng pagpapahalaga sa ipinagkatiwalang ito sa kaniya. “Siya’y magnanakaw at siyang nag-iingat ng kahon ng pera at kaniyang ninanakaw ang perang inilalagay doon,” ang isinulat ni Juan, isa sa mga tapat na apostol. (Juan 12:6) Ang pinakamasamang ginawa ni Judas ay ang ipagkanulo ang kaniyang Panginoon sa halagang 30 pirasong pilak. Hindi nagdulot sa kaniya ng walang hanggang pakinabang ang kaniyang pagnanakaw na iyon. Kaniyang iniwala ang pabor ng Diyos at pati kaniyang respeto-sa-sarili at sa kaniya’y inihalili si Matthias bilang isa sa mga pundasyon ng kongregasyong Kristiyano.—Mateo 26:14-16; 27 :3-5; Marcos 14:43-46; Juan 13:18; Gawa 1:26.
Ibang-iba ito sa halimbawa ni Saulo ng Tarso, na siyang naging si apostol Pablo! Nang mga sandaling makumberte si Saulo ay sinabi ng niluwalhating si Jesus: “Ang taong ito ay isang piniling sisidlan sa akin na magdadala ng aking pangalan sa mga bansa at pati sa mga hari at sa mga anak ni Israel.” (Gawa 9:15) Dahil sa siya’y isang dating mang-uusig sa mga tagasunod ni Jesus, nadama ni Pablo na siya’y hindi karapat-dapat pagkatiwalaan ng pantanging atas na ito. Subali’t taglay ang matinding pagpapahalaga ay ginanap niya iyon, at pinatunayan niyang siya’y lubos na mapagkakatiwalaan at tapat sa kaniyang kahanga-hangang Panginoon at makalangit na Kaibigan.—1 Corinto 15:9, 10; Efeso 3:8; 2 Timoteo 4:7.
Pag-iwas sa mga Silo
Sa bagay na tungkol sa pagkamapagkakatiwalaan, gaya rin sa ibang bagay, kailangang iwasan ang pagpapataw ng sukdulang maaasahan sa iba. Halimbawa, kailangang iwasan ng mga magulang ang “pagmumungkahi ng galit sa mga anak [nila], upang huwag manghina ang kanilang loob,” sapagka’t ito’y makahahadlang sa kaniyang paglaki bilang mapagkakatiwalaang mga adulto. (Colosas 3:21) Gaya ng sabi ng autor na si V. Cline: “Ang mga magulang na naging ugali na ang palakihin ang maliliit na bagay, na walang awang pinagwiwikaan ang kanilang mga anak kahit sa maliliit na bagay, ay tiyak na magkakaroon ng mga anak na hindi lamang mga nagsisinungaling kundi mahuhusay sa pagsisinungaling. . . . Ang pinagkaugaliang, paulit-ulit, o malupit na paninisi ay pambihirang magpahinto sa mga anak sa paggawa ng mga bagay na doon sila pinagagalitan. Bagkus, pinipigil nito ang mga anak sa pagkuha ng pananagutan ukol sa kanilang sariling mga ginagawa.”
Ang karalitaan ang nagdala sa maraming tao ng pagsubok at tentasyon, na kung minsan ay humahantong sa pamimihasa nila sa krimen. Dahil sa suliraning ito, isang manunulat ng Bibliya ang Kawikaan 30:8, 9) Ang ganitong panalangin ang tumulong sa maraming tunay na Kristiyano upang manatiling mapagkakatiwalaan, sapagka’t kinikilala nila na ang pagnanakaw, kahit na kung nagugutom ka, ay magdadala ng kalapastanganan sa Diyos. Hindi ba kaya niyang paglaanan ang kaniyang mga tapat na lingkod gaano mang kahirap ng mga kalagayan? (Mateo 6:31-33) Mangyari pa, hindi maaasahan ang ganitong tulong ng Diyos ng mga taong tamad o totoong mapagmataas upang tumanggap ng mabababang uri ng trabaho.—2 Tesalonica 3:10.
nanalangin ng ganito: “Huwag mo akong bigyan ng karalitaan ni kayamanan man. Pakainin mo ako ng pagkaing kailangan ko, sapagka’t baka ako mabusog at ikaila kita at sabihin ko: ‘Sino ba si Jehova?’ at baka ako magdalita at makapagnakaw at lapastanganin ang pangalan ng aking Diyos.” (Ang Pagkamapagkakatiwalaan ay Totoong Minamahalaga
Ang binanggit na misyonero, sa pagtugon sa lalaking Aprikano, ay nagsabi na mahigit na 28,000 mga Saksi ni Jehova sa bansang iyon ng Zaire ang malugod na sumusunod sa isang pamumuhay na ang isang katangian ay pagkamapagkakatiwalaan. Tungkol sa kaso ng 57,000 mga kapuwa Saksi sa karatig na Zambia, ito’y hindi nakahadlang sa kanilang ‘pagkaligtas.’ Bagkus pa, ito’y nakabuti sa kanila. Narito, halimbawa, ang isang ulat sa Times of Zambia:
“Ang kinukuha ng mga tagapangasiwa ng Zambia Trade Fair ay mga miyembro ng sekta ng Watchtower upang magbantay at mamanihala sa entrada—dahilan sa sila’y mapagkakatiwalaan. . . . Ang mga ibang organisasyon ay sinubok na marahil noong nakaraan nguni’t karamihan sa kanila ay kinakitaan ng ugaling nagpapakita na sila’y hindi mapagkakatiwalaan, kaya napuwersa ang mga tagapangasiwa na ang mga miyembro ng sekta ang kunin.”
At doon sa gawi pa roon sa bandang timog, sa Mdantsane, isa sa mga bayan ng mga negro sa Timog Aprika, ang alkalde, si Mr. Mphepha, ay nagsabi: “Sa loob ng ng mga anim na taon, wala akong nababalitaan na kahit isa mang Saksi na hindi nagbabayad ng renta, at sila’y hindi nakikipag-away sa kani-kanilang asawang babae, o nag-aaplay para sa diborsiyo. Kaya naman ako’y may malaking pagpapahalaga sa kanila.” Oo, ang mga taong mapagkakatiwalaan ay minamahalaga.
Ang pagkamapagkakatiwalaan ay isang katangian na hinahangaan ng mga tao. Noong mga kaarawan ng Imperyo ng Persiya, nang kinailangang umalis sa Jerusalem si Gobernador Nehemias, si Hananias ang iniwanan doon upang mangasiwa. Bakit? Ang rekord ay nagsasabi: “Siya’y isang taong totoong mapagkakatiwalaan.”—Nehemias 7:2.
Awit 93:5) Maaari mo ring maranasan ito. Ang ‘mapagkakatiwalaang mga tagapagpaalaalang’ ito ay masusumpungan sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Sa pagsisikap na masunod mo ang mga ito, matatamasa mo ang maraming pagpapala kapuwa ngayon at magpakailanman.—Juan 17:3.
Ang lalong mahalaga, ang pagkamapagkakatiwalaan ay isang katangian na hinihiling ng Diyos ng katotohanan, si Jehova. Tungkol sa kaniya ang salmista ay naudyukan na magsabi: “Ang iyong sariling mga tagapagpaalaala ay napatunayang totoong mapagkakatiwalaan.” ([Kahon sa pahina 11]
□ Katangian ng mga Taong Mapagkakatiwalaan
□ Sila’y tapat sa kanilang sinabi.—Mateo 5:37.
□ Ang mga bagay na lihim ay hindi nila inihahayag.—Kawikaan 25:9.
□ Sila’y nagsasalita ng katotohanan.—Efeso 4:25.
□ Hindi nagnanakaw o kumukuha ng hindi kanila, o kinukuha man iyon nang walang pahintulot.—Efeso 4:28.
□ Hindi naglalakuwatsa sa kanilang trabaho.—Colosas 3:22, 23.
□ Tapat sa kani-kanilang asawa.—Hebreo 13:4.
□ Kinikilala nila na sila’y nagkakamali.—Kawikaan 28:13.
□ Sumusunod sa mga batas ng lupain.—Tito 3:1.
□ Kanilang ibinibigay sa Diyos ang nauukol sa kaniya.—Mateo 22:21.
[Larawan sa pahina 12]
Ang manggagawang mapagkakatiwalaan ay pinahahalagahan at kadalasan hindi inaalis sa trabaho kung krisis ng kabuhayan
[Larawan sa pahina 14]
Ang isa ay makapagtitiwala sa isang mapagkakatiwalaang kaibigan at hindi siya mangangambang ang personal na mga bagay ay mapapabilad sa madla