‘Tinulungan Kami Nito sa Aming Pagsasamang Mag-asawa’
‘Tinulungan Kami Nito sa Aming Pagsasamang Mag-asawa’
IYAN ANG sabi ni Glenn, isang lalaking taga Louisiana. “Nang unang makilala ko si Glenn,” isinulat ng isa sa mga saksi ni Jehova, “siya’y nasa ilalim ng kanyang pickup trak, pero tumayo siya at nakinig na mainam sa aking presentasyon. Walang pagtutol na kumuha siya ng mga suskrisyon sa mga magasing Watchtower at Awake! Lumipas ang isang linggo bago may nadatnan kami sa kanila. Sa wakas ay nakilala namin ang kanyang maybahay, na nagsabi: “Opo, ibinalita niya sa akin ang tungkol sa pagsuskribe sa mga magasing ito. Nagulat ako sapagka’t dati’y hindi siya sumususkribe sa ano man. Nguni‘t dumarating na ang mga ito at, boy napakainam! Sa gabi‘y binabasa namin itong magkasama. Pagka natapos, kami‘y magpaparasyon uli!”
Kami‘y nangakong babalik pagka silang mag-asawa ay kapuwa nasa tahanan, at sila nga ay naghihintay na sa amin sa oras na pinagkasunduan. Nagsimula kami ng isang pag-aaral sa Bibliya. Ang komento ni Glenn: “Ang mga magasing ito ay tunay na mabuti. Nakatulong na ito sa aming pagsasamang mag-asawa. Pagdating ko sa tahanan para mananghali, itinatanong ko kay Becky kung mayroong bagong dumating.”
Maaari ka ring tumanggap sa inyong tahanan ng dalawang magasing ito sa Bibliya kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon.