Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Kahulugan ng mga Balita

Ang Kahulugan ng mga Balita

Ang Kahulugan ng mga Balita

‘Kalimutan ang Babala ng Doomsday’

Sinabi ni Jesus na ang mga tao noong kaarawan ni Noe ay napuksa sa Baha sapagka’t “sila’y hindi nagbigay-pansin” sa babalang pasabi ng Diyos. Ang tanyag na hula ni Jesus tungkol sa dapat nating asahan sa panahon ng kaniyang “pagkanaririto” at ng katapusan ng sistema ng mga bagay ni Satanas (nasa Mateo, kabanata 24) ay isang angkop na paglalarawan ng ating nasasaksihan araw-araw sa daigdig sa ating palibot. (Tingnan din ang 2 Timoteo 3:1-5.) Subali’t sa kabila ng nakalulungkot na mga kalagayang ito ay ipinipikit ng mga iba ang kanilang mata sa kahulugan ng gayong mga pangyayari.

Halimbawa, sa The Hopeful Future, isang kamakailan na aklat ni G. Harry Stine, kaniyang binabanggit ang isang magandang kinabukasan na kung saan hindi na pangangambahan ang giyera atomika, ang polusyon at ang kakapusan sa pagkain o gasolina. Marahil may paniwala si Mr. Stine na malayong mangyari ang doomsday. May pagtitiwalang umaasa siya na maganda ang kinabukasan sapagka‘t naligtasan na ng tao ang mga nakaraang kagipitan at sa paanuman ay maliligtasan din niya ang mga kagipitan sa kasalukuyan.

Ipinakikita ng Bibliya na darating ang panahon na wala nang mga digmaan, polusyon o kakapusan sa pagkain at gasolina. Subali‘t hindi ito darating sa pamamagitan ng pagsisikap ng tao sapagka‘t “wala sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.” Datapuwa‘t, magagawa ni Jehova at pangyayarihin niya ang isang mapayapang daigdig na kung saan iiral magpakailanman ang Paraiso. (Jeremias 10:23; Isaias 65:17, 18) Ang pagkakamit ng buhay na walang hanggan sa Paraisong iyon ang magdudulot ng tunay na tagumpay at kaligayahan.