Ang Kahulugan ng mga Balita
Ang Kahulugan ng mga Balita
Armagedon—Totoo o Guniguni?
Ang mga edukador ay nagtipon kamakailan sa USC (University of Southern Calitornia) upang hamunin ang lumalaganap na paniniwala na malapit na ang Armagedon, ang nasasaad sa Bibliyang digmaan ng Diyos at ng mga balakyot na “hari sa buong tinatahanang lupa.” (Apocalipsis 16:14, 16) Sa programa, na tangkilik ng isang grupong makahumanista, ay kasali ang Greek Scripture iskolar na si James M. Robinson ng School of Theology sa Claremont, ayon sa report ng Los Angeles Times. Imbis na itaguyod ang babala ng Bibliya tungkol sa Armagedon bilang isang katotohanan, sinabi ni Robinson na ang ginawa raw ng mga manunulat ng Kasulatang Griego ay inihalo ang “daya at ang pangkaraniwang” mga elemento sa mga turo ni Jesus upang takutin ang mga tao ng pagkapuksa. Isa pang tagapagsalita, si Randel Helms, ng Arizona State University, ang nagsabing ang mga aklat ni Daniel at ng Apocalipsis ay “relihiyosong mga guniguning” aklat.
Paano ba dapat makaapekto sa mga Kristiyano ang mga hamong ito sa Salita ng Diyos? Ipinayo ni apostol Pablo kay Timoteo na “huwag makialam sa walang kawawaang mga pilosopikong pagtatalu-talo at nagkakasalungatang mga paniwala ng ‘kaalaman’ na hindi naman talagang kaalaman.” Bakit? Sapagka’t “dahilan sa pinaniwalaan ito, ang iba ay tuwirang humiwalay sa pananampalataya.” (1 Timoteo 6:20, 21, The Jerusalem Bible) Gayundin, si Pedro ay sumulat na “sa mga huling araw ay may mga manlilíbak na manlílibák . . . at magsasabi: ‘Nasaan ang ipinangakong ito na pagkanaririto niya?’” Nguni’t, ang araw ni Jehova, kasali na ang digmaan ng Armagedon, “ay darating na gaya ng magnanakaw.” Kaya naman, ipinayo ni Pedro sa mga Kristiyano na manatiling gising sa espirituwal sa pamamagitan ng “laging pagsasaisip ng pagkanaririto ng araw ni Jehova.”—2 Pedro 3:3, 4, 10, 12.
Karahasan sa TV at Krimen ng mga Adulto
Ang pagdami ng krimen na ginagawa ng mga adulto o may-gulang na ay resulta ng panonood ng karahasan sa TV, ayon sa pag-aaral tungkol sa epekto ng karahasan sa TV sa normal na mga bata. Si Dr. Leonard Eron at Dr. Rowell Huesmann, ng University of Illinois sa Chicago, Department of Psychology, ay nag-ulat ng kanilang natuklasan sa isang komperensiya sa karahasan sa TV na ginanap sa Toronto, Canada. Sa kanilang report, ang mga batang sinubok noong 1960 sa edad na otso anyos ay pinag-aralan makalipas ang 22 taon nong sila’y mga adulto na. Ang mga bata na nanood ng lalong maraming karahasan sa TV pati yaong mga mas mahihilig sa karahasan sa TV noong 1960 ay sinentensiyahan dahil sa lalong malulubhang pagkakasala kung ihahambing sa mga iba pa nilang kaklase.
Ano ba ang magagawa ng mga magulang upang maiyilag ang kanilang mga anak sa pinsalang nagagawa ng panonood ng karahasan sa TV? Maipipili nila ng maiinam na libangan ang kanilang mga anak. Sa Filipos 4:8, ang Bibliya ay nagbibigay ng payo ng karunungan: “Ano mang bagay ang totoo, ano mang bagay ang karapat-dapat pag-isipan, ano mong bagay ang matuwid, ano mang bagay ang maiinis, ano mang bagay ang kaibig-ibig . . . patuloy na pag-isipan ninyo ang mga bagay na ito.” Pagka kapuwa ang mga magulang at ang mga anak ay sumunod sa payong ito kung tungkol sa kanilang libangan, ang hilig sa kapayapaan ang mananaig sa kanila sa halip na ang hilig sa karahasan.