Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Natatakot Ka Ba sa Iisipin ng Iba?

Natatakot Ka Ba sa Iisipin ng Iba?

Buhay ang Salita ng Diyos

Natatakot Ka Ba sa Iisipin ng Iba?

“HINDI Kristiyano ang mga Saksi ni Jehova,” sabi ng estudyanteng ito. “Hindi man lamang sila nagseselebra ng Pasko.” Ang mga iba pang kamag-aral ay nakikisali sa paglibak sa mga Saksi ni Jehova dahilan sa kanilang paniwala.

Halimbawa ikaw ay isang Saksi ni Jehova at naroon ka nang sinasabi ang mga bagay na ito. Hindi alam ng mga naroroon na ang Pasko ay isang paganong selebrasyon at ito’y hindi siniselebra ng mga sinaunang Kristiyano. a At hindi rin nila alam na ang mga iba pang mga bagay na sinasabi laban sa mga Saksi ni Jehova ay hindi rin totoo. Ano kung isang kamag-aral mo ang bumaling naman sa iyo at sinabi sa tinig na naririnig ng iba: “Ikaw ay isa sa mga Saksi ni Jehova, di ba?” Ano ang sasabihin mo?

Mapapasa kalagayan ka na gaya ng napaharap kay apostol Pedro noong gabi bago pinatay si Jesu-Kristo. Nang gabing iyon si Jesus ay dinala sa bahay ng mataas na saserdote kung saan nagpupulong ang mga pinuno ng relihiyon. Si Pedro ay sumunud-sunod at naghintay sa labas. Isa sa mga babaing utusan ng mataas na saserdote ang nakakita kay Pedro at nagsabi: “Ang lalaking ito ay kasama rin niya.” Nguni’t ikinaila iyon ni Pedro.

Pagkalipas ng sandali isa pang tao ang nakakita kay Pedro at ang sabi: “Ikaw ay isa rin sa kanila.” Si Pedro ay sumagot: “Hindi.” Pagkaraan ng mga isang oras, iginiit ng iba: “Tunay na isa ka sa kanila, sapagka’t, ang totoo, isa kang Galileano.” At si Pedro, gaya ng nakikita mo rito, ay tumugon: “Hindi ko kilala ang taong ito na tinutukoy ninyo.”—Lucas 22:54-60; Marcos 14:53-71.

Nguni’t hindi totoo ito. Tiyakang nakikilala ni Pedro si Jesus. Ang katunayan, mga ilang oras lamang bago noon, kaniyang ipinangako kay Jesus: “Panginoon, handa akong sumama sa iyo hanggang sa bilangguan man at hanggang sa kamatayan.” (Lucas 22:33) Ano ba ang dahilan nitong biglang pagbabago ng isip ni Pedro? Takot. Nang gabing ito ay pinilipit ang katotohanan. Ang mabuti ay pinagtingin na masama, at ang walang-sala ay pinagtingin na may-sala. Kaya, dahilan sa takot na kung ano baga ang iisipin ng iba at baka gawin, si Pedro ay hindi nagsabi ng katotohanan. Hindi niya pinarangalan ang Diyos o ang Kaniyang Anak, si Jesu-Kristo.

Maaaring may bumangon ngayon na ganiyan ding mga kalagayan. Totoo na lubhang pinagsisihan ni Pedro ang kaniyang ginawang pagkakaila at siya naman ay pinatawad. (Lucas 22:61, 62) Nguni’t anong inam na iwasan ang ganitong karanasan! Handa ka bang harapin ang mga kalagayan na katulad nitong napaharap kay Pedro—halimbawa sa panahon ng Kapaskuhan? Binuo mo ba sa iyong kalooban na manindigan sa katotohanan at parangalan ang Diyos na Jehova at ang kaniyang Anak anuman ang bumangon na mga kalagayan?

[Talababa]

a Tingnan ang pahina 6, 7.