“Ang Oras ay Dumating Na!”
“Ang Oras ay Dumating Na!”
“Dumating na ang kaniyang oras upang siya ay umalis sa sanlibutang ito patungo sa Ama.”—JUAN 13:1.
1. Habang papalapit ang Paskuwa ng 33 C.E., ang Jerusalem ay nagkakaingay sa anong mga haka-haka, at bakit?
SA KANIYANG bautismo noong 29 C.E., pinasimulan ni Jesus ang landasin na hahantong sa “oras” ng pagpatay, pagbuhay-muli, at pagluwalhati sa kaniya. Ngayon ay tagsibol ng 33 C.E. Ilang linggo pa lamang ang nakalilipas mula nang ang mataas na hukumang Judio, ang Sanedrin, ay magsanggunian na patayin si Jesus. Nang malaman ang kanilang balak, marahil mula kay Nicodemo, isang miyembro ng Sanedrin na naging palakaibigan sa kaniya, umalis si Jesus sa Jerusalem at pumaroon sa lalawigan sa ibayo ng Ilog Jordan. Habang papalapit ang Kapistahan ng Paskuwa, maraming tao ang pumupunta sa Jerusalem mula sa lalawigan, at humuhugong sa lunsod ang mga haka-haka tungkol kay Jesus. “Ano ang inyong opinyon?” tanong ng mga tao sa isa’t isa. “Na talagang hindi na siya darating sa kapistahan?” Lalo pang tumindi ang pagkakaingay nang iutos ng mga punong saserdote at mga Fariseo na sinumang makakita kay Jesus ay dapat na magsuplong sa kanila ng kaniyang kinaroroonan.—Juan 11:47-57.
2. Ano ang ikinilos ni Maria na pumukaw ng pagtatalo, at ang sagot ni Jesus bilang pagtatanggol sa kaniya ay nagpapahiwatig ng ano tungkol sa kaniyang kabatiran sa “kaniyang oras”?
Juan 12:1-8; Mateo 26:6-13) Alam ni Jesus na “dumating na ang kaniyang oras upang siya ay umalis sa sanlibutang ito patungo sa Ama.” (Juan 13:1) Limang araw pa at kaniya nang ‘ibibigay ang kaniyang kaluluwa bilang pantubos na kapalit ng marami.’ (Marcos 10:45) Kaya mula ngayon, magiging apurahan na ang lahat ng gagawin at ituturo ni Jesus. Tunay ngang isang kahanga-hangang halimbawa ang inilalaan nito para sa atin habang buong-pananabik nating hinihintay ang wakas ng sistemang ito ng mga bagay! Isaalang-alang ang nangyari sa kaso ni Jesus kinabukasan mismo.
2 Noong Nisan 8, anim na araw bago ang Paskuwa, si Jesus ay muli na namang nasa kapaligiran ng Jerusalem. Dumating siya sa Betania—ang sariling bayan ng kaniyang mahal na mga kaibigang sina Marta, Maria, at Lazaro—isang dako na nasa mga 3 kilometro sa labas ng Jerusalem. Biyernes ng gabi noon, at doon nagpalipas si Jesus ng Sabbath. Nang sumunod na gabi habang si Maria ay naglilingkod sa kaniya na ginagamit ang mamahaling pinabangong langis, tumutol ang mga alagad. Sumagot si Jesus: ‘Pabayaan ninyo siya, upang magampanan niya ito may kinalaman sa araw ng aking libing. Sapagkat ang mga dukha ay laging kasama ninyo, ngunit ako ay hindi ninyo laging kasama.’ (Ang Araw ng Matagumpay na Pagpasok ni Jesus
3. (a) Paano pumasok si Jesus sa Jerusalem noong Linggo, Nisan 9, at paano tumugon ang karamihan sa mga taong nakapalibot sa kaniya? (b) Ano ang isinagot ni Jesus sa mga Fariseo na nagrereklamo tungkol sa pulutong?
3 Kinalingguhan, Nisan 9, matagumpay na dumating si Jesus sa Jerusalem. Habang papalapit siya sa lunsod—na nakasakay sa bisiro ng isang asno bilang katuparan ng Zacarias 9:9—inilatag ng karamihan sa mga taong nakapalibot sa kaniya ang kanilang mga panlabas na kasuutan sa daan, samantalang ang iba naman ay pumutol ng mga sanga mula sa mga punungkahoy at inilatag ang mga ito. “Pinagpala ang Isa na dumarating bilang Hari sa pangalan ni Jehova!” sigaw nila. Nais ng ilang Fariseo na kabilang sa pulutong na sawayin ni Jesus ang kaniyang mga alagad. Subalit, sumagot si Jesus: “Sinasabi ko sa inyo, Kung ang mga ito ay mananatiling tahimik, ang mga bato ang sisigaw.”—Lucas 19:38-40; Mateo 21:6-9.
4. Bakit di-magkamayaw ang Jerusalem nang pumasok si Jesus sa lunsod?
4 Ilang linggo lamang bago nito, marami sa pulutong ang nakakita nang buhaying-muli ni Jesus si Lazaro. Ngayon ay patuloy na sinasabi ng mga ito sa iba ang tungkol sa himalang iyon. Kaya naman habang pumapasok si Jesus sa Jerusalem, ang buong lunsod ay di-magkamayaw. “Sino ito?” tanong ng mga tao. At ang mga pulutong ay patuloy na nagsasabi: “Ito ang propetang si Jesus, mula sa Nazaret ng Galilea!” Nang makita ang nangyayari, nanaghoy ang mga Fariseo: “Ang sanlibutan ay sumunod sa kaniya.”—Mateo 21:10, 11; Juan 12:17-19.
5. Ano ang nangyari nang pumasok si Jesus sa templo?
5 Gaya ng nakaugalian na niya kapag dumadalaw sa Jerusalem, si Jesus, ang Dakilang Guro, ay pumaroon sa templo upang magturo. Doon ay lumalapit sa kaniya ang bulag at ang pilay, at pinagagaling niya sila. Nang makita ito ng mga punong saserdote at ng mga eskriba at marinig nila ang mga batang lalaki sa templo na sumisigaw, “Magligtas ka, aming dalangin, sa Anak ni David!” nagalit sila. “Naririnig mo ba ang sinasabi ng mga ito?” protesta nila. “Oo,” Mateo 21:15, 16; Marcos 11:11.
sagot ni Jesus. “Hindi ba ninyo kailanman nabasa ito, ‘Mula sa bibig ng mga sanggol at mga pasusuhin ay naglaan ka ng papuri’?” Habang patuloy si Jesus sa pagtuturo, tinitingnan niyang mabuti ang nagaganap sa templo.—6. Paanong ang paraan ni Jesus ay naiiba na ngayon kaysa noon, at bakit?
6 Ibang-iba na ngayon ang paraan ni Jesus kaysa noong nakalipas na anim na buwan! Noon ay pumasok siya sa Jerusalem para sa Kapistahan ng mga Tabernakulo nang “hindi lantaran kundi gaya ng sa lihim.” (Juan 7:10) At noon ay palagi siyang gumagawa ng paraan upang makaligtas kapag nanganganib ang kaniyang buhay. Ngayon ay lantaran siyang pumapasok sa lunsod kung saan nagpalabas na ng utos na dakpin siya! Hindi rin naging ugali noon ni Jesus na ipamalita ang kaniyang sarili bilang ang Mesiyas. (Isaias 42:2; Marcos 1:40-44) Ayaw niyang magpasalin-salin sa mga bibig ang maiingay na balita o pilipit na mga ulat tungkol sa kaniya. Ngayon ay lantarang ipinahahayag ng mga pulutong na siya ang Hari at Manunubos—ang Mesiyas—at tinanggihan niya ang kahilingan ng mga lider ng relihiyon na patahimikin ang mga ito! Bakit nabago? Dahil “ang oras ay dumating na upang ang Anak ng tao ay luwalhatiin,” gaya ng ipinatalastas ni Jesus kinabukasan mismo.—Juan 12:23.
Matapang na Pagkilos—Pagkatapos ay Nagliligtas-Buhay na Pagtuturo
7, 8. Paano naaaninag sa mga ikinilos ni Jesus noong Nisan 10, 33 C.E., ang kaniyang ginawa sa templo noong Paskuwa ng 30 C.E.?
7 Pagdating sa templo noong Lunes, Nisan 10, kumilos si Jesus ayon sa nakita niya noong nakaraang hapon. Pinasimulan niyang “palayasin yaong mga nagtitinda at bumibili sa templo, at itinaob niya ang mga mesa ng mga tagapagpalit ng salapi at ang mga bangkô niyaong mga nagtitinda ng mga kalapati; at hindi niya hinahayaang ang sinuman ay magdala ng kagamitan sa templo.” Bilang paghatol sa mga nagkasala, ipinahayag niya: “Hindi ba nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa’? Subalit ginawa ninyo itong yungib ng mga magnanakaw.”—Marcos 11:15-17.
8 Ang mga ikinilos ni Jesus ay nagpapaaninag ng kaniyang ginawa tatlong taon na ang nakalipas nang dumalaw siya sa templo noong Paskuwa ng 30 C.E. Gayunman, mas maanghang ang pagtuligsa sa pagkakataong ito. Ang mga mangangalakal sa templo ay tinutukoy ngayon bilang “mga magnanakaw.” (Lucas 19:45, 46; Juan 2:13-16) Gayon nga sila sapagkat sinisingil nila ng pagkatataas na halaga yaong mga kailangang bumili ng mga inihahaing hayop. Nabalitaan ng mga punong saserdote, mga eskriba, at mga pangunahin sa bayan ang tungkol sa ginagawa ni Jesus at muling naghanap ng mga paraan upang ipapatay siya. Subalit, hindi nila alam kung paano ililigpit si Jesus, yamang ang buong bayan, palibhasa’y manghang-mangha sa kaniyang pagtuturo, ay palaging nasa tabi niya upang makinig sa kaniya.—Marcos 11:18; Lucas 19:47, 48.
9. Anong aral ang itinuturo ni Jesus, at anong paanyaya ang kaniyang ibinibigay sa kaniyang mga tagapakinig sa templo?
9 Habang patuloy si Jesus sa pagtuturo sa templo, nagpahayag siya: “Ang oras ay dumating na upang ang Anak ng tao ay luwalhatiin.” Oo, alam niyang iilang araw na lamang ang natitira sa kaniyang buhay bilang tao. Matapos ilahad kung paanong ang isang butil ng trigo ay dapat munang mamatay upang mamunga—katulad ng pagkamatay niya mismo at pagiging isang paraan upang magdulot ng walang-hanggang buhay sa iba—inanyayahan ni Jesus ang kaniyang mga tagapakinig, na sinasabi: “Kung ang sinuman ay maglilingkod sa akin, sumunod siya sa akin, at kung saan ako naroon ay doroon din ang aking ministro. Kung ang sinuman ay maglilingkod sa akin, ay pararangalan siya ng Ama.”—10. Ano ang nadarama ni Jesus hinggil sa napakasakit na kamatayang naghihintay sa kaniya?
10 Habang iniisip ang kaniyang napakasakit na kamatayan na apat na araw na lamang, nagpatuloy si Jesus: “Ngayon ang aking kaluluwa ay nababagabag, at ano ang sasabihin ko? Ama, iligtas mo ako mula sa oras na ito.” Subalit hindi na maiiwasan ang naghihintay kay Jesus. “Gayunpaman,” sabi niya, “ito ang dahilan kung bakit ako dumating sa oras na ito.” Sa katunayan, sang-ayon si Jesus sa lahat ng kaayusan ng Diyos. Determinado siyang maugitan ng kalooban ng Diyos ang kaniyang mga kilos hanggang sa kaniyang mapagsakripisyong kamatayan. (Juan 12:27) Isa ngang napakainam na halimbawa ang ipinakita niya sa atin—ang lubusang pagpapasakop sa kalooban ng Diyos!
11. Anong mga turo ang ibinigay ni Jesus sa pulutong na karirinig lamang ng isang tinig mula sa langit?
11 Palibhasa’y gayon na lamang ang pagmamalasakit tungkol sa kung paano maaapektuhan ng kaniyang kamatayan ang reputasyon ng kaniyang Ama, nanalangin si Jesus: “Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” Laking gulat ng pulutong na nagkakatipon sa templo nang lumabas ang isang tinig mula sa langit, na nagpapahayag: “Aking kapuwa niluwalhati ito at luluwalhatiin ko itong muli.” Ginamit ng Dakilang Guro ang pagkakataong ito upang sabihin sa pulutong kung bakit narinig ang tinig, kung ano ang kalalabasan ng kaniyang kamatayan, at kung bakit kailangan nilang manampalataya. (Juan 12:28-36) Ang nakalipas na dalawang araw ay tiyak na punung-puno ng gawain para kay Jesus. Subalit ang napakahalagang araw ay sa hinaharap pa.
Ang Araw ng mga Pagtuligsa
12. Noong Martes, Nisan 11, paano sinikap ng mga lider ng relihiyon na masukol si Jesus, at ano ang naging resulta?
12 Noong Martes, Nisan 11, minsan pang nagtungo si Jesus sa templo upang magturo. Naroroon ang galít na mga tagapakinig. Patungkol sa mga ikinilos ni Jesus noong nakaraang araw, tinanong siya ng mga punong saserdote at mga nakatatandang lalaki ng bayan: “Sa anong awtoridad ginagawa mo ang mga bagay na ito? At sino ang nagbigay sa iyo ng awtoridad na ito?” Nilito sila ng Dalubhasang Guro sa kaniyang isinagot, at binanggit niya ang tatlong maliliwanag na ilustrasyon—dalawa sa mga ito ay tungkol sa isang ubasan at ang isa ay tungkol sa isang piging ng kasalan—na naglalantad kung gaano talaga kabalakyot ang kaniyang mga mananalansang. Palibhasa’y nagalit sa kanilang narinig, hinangad ng mga lider ng relihiyon na sunggaban siya. Subalit natakot sila sa mga Mateo 21:23–22:46.
pulutong, na ang turing kay Jesus ay isang propeta. Kaya hinangad nilang lansihin siya sa pagsasabi ng isang bagay na ikaaaresto niya. Hindi sila nakaimik sa mga isinagot ni Jesus.—13. Anong payo ang ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga tagapakinig may kinalaman sa mga eskriba at mga Fariseo?
13 Yamang ipinamamarali ng mga eskriba at Fariseo na itinuturo nila ang Batas ng Diyos, hinimok ngayon ni Jesus ang kaniyang mga tagapakinig: “Lahat ng mga bagay na sinasabi nila sa inyo, ay gawin ninyo at tuparin, ngunit huwag ninyong gawin ang ayon sa kanilang mga gawa, sapagkat sinasabi nila ngunit hindi isinasagawa.” (Mateo 23:1-3) Kay tinding pagtuligsa sa harap ng madla! Subalit hindi pa tapos si Jesus sa kanila. Ito ang huling araw niya sa templo, at buong-tapang siyang nagpalabas ng sunud-sunod na pagbubunyag—isa-isa na parang dumadagundong na kulog.
14, 15. Anong masakit na pagtuligsa ang ipinahayag ni Jesus laban sa mga eskriba at mga Fariseo?
14 “Kaabahan sa inyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw!” ang anim na ulit na ipinahayag ni Jesus. Gayon nga sila sapagkat, gaya ng paliwanag niya, isinasara nila ang Kaharian ng mga langit sa harap ng mga tao, na hindi pinahihintulutang makapasok yaong mga papasok na. Tinatawid ng mga mapagpaimbabaw na ito ang dagat at ang tuyong lupa upang gawing proselita ang isa, upang gawin lamang na sakop para sa walang-hanggang pagkapuksa. Samantalang winawalang-halaga “ang mas matimbang na mga bagay ng Batas, alalaong baga, katarungan at awa at katapatan,” sila’y nagbibigay ng higit na malaking pansin sa pagbabayad ng ikapu. Sa diwa, nililinis nila “ang labas ng kopa at ng pinggan, ngunit sa loob ang mga ito ay punô ng pandarambong at pagmamalabis” na doon ang kanilang panloob na kabulukan at kasiraan ay nakatago sa likod ng panlabas na pagpapamalas ng kabanalan. Bukod pa rito, handa silang magtayo ng mga libingan para sa mga propeta at palamutian ang mga ito upang tumawag ng pansin sa kanilang mga sariling pagkakawanggawa, kahit na sila’y “mga anak niyaong mga pumaslang sa mga propeta.”—Mateo 23:13-15, 23-31.
15 Bilang paghatol sa kawalan ng espirituwal na mga simulain sa bahagi ng mga mananalansang, sinabi ni Jesus: “Kaabahan sa inyo, mga bulag na tagaakay.” Sila’y bulag sa moral sapagkat mas pinahahalagahan nila ang ginto sa templo kaysa sa espirituwal na kahalagahan ng dakong iyon ng pagsamba. Sa pagpapatuloy, binigkas ni Jesus ang pinakamatitindi niyang salita ng pagtuligsa. “Mga serpiyente, supling ng mga ulupong,” sabi niya, “paano kayo makatatakas mula sa paghatol ng Gehenna?” Oo, sinasabi sa kanila ni Jesus na dahil sa pagtataguyod nila sa kanilang balakyot na landasin, sila’y daranas ng walang-hanggang pagkapuksa. (Mateo 23:16-22, 33) Tayo rin sana ay magpakita ng lakas ng loob sa paghahayag ng mensahe ng Kaharian, kahit na nagsasangkot iyon ng paglalantad sa huwad na relihiyon.
16. Habang nakaupo sa Bundok ng mga Olibo, anong mahalagang hula ang ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga alagad?
16 Paalis na ngayon si Jesus sa templo. Habang papalubog ang araw ng hapong iyon, siya at ang kaniyang mga apostol ay umaakyat sa Bundok ng mga Olibo. Habang nakaupo roon, ibinigay ni Jesus ang hula tungkol sa pagkawasak ng templo at ang tanda ng kaniyang pagkanaririto at ang katapusan ng sistema ng mga bagay. Ang kahalagahan ng makahulang mga salitang ito ay umabot hanggang sa ating kapanahunan. Nang gabing iyon, sinabi rin ni Jesus sa kaniyang mga apostol: “Alam ninyo na dalawang araw mula ngayon ay magaganap ang paskuwa, at ang Anak ng tao ay dadalhin upang ipako.”—Mateo 24:1-14; 26:1, 2.
‘Iniibig [ni Jesus] ang mga sa Kaniya Hanggang sa Wakas’
17. (a) Noong panahon ng Paskuwa ng Nisan 14, anong aral ang itinuro ni Jesus sa 12? (b) Anong paggunita ang pinasimulan ni Jesus matapos paalisin si Judas Iscariote?
17 Nang sumunod na dalawang araw—Nisan 12 at 13—hindi lantarang nagpakita si Jesus sa templo. Hangad ng mga lider ng relihiyon na patayin siya, at ayaw niyang may anumang humadlang sa kaniyang pagdiriwang ng Paskuwa kasama ng kaniyang mga apostol. Nagsimula ang Nisan 14 paglubog ng araw noong Huwebes—ang huling araw ng buhay ni Jesus sa lupa bilang isang tao. Nang gabing iyon, si Jesus at ang kaniyang mga apostol ay magkakasama sa isang bahay sa Jerusalem na inihanda para pagdausan nila ng pagdiriwang ng Paskuwa. Habang ipinagdiriwang nilang magkakasama ang Paskuwa, itinuro niya sa 12 ang isang magandang aral ng kapakumbabaan sa pamamagitan ng paghuhugas sa kanilang mga paa. Matapos paalisin si Judas Iscariote, na pumayag na ipagkanulo ang kaniyang Panginoon kapalit ng 30 pirasong pilak—ang halaga lamang ng isang alipin ayon sa Kautusang Mosaiko—pinasimulan ni Jesus ang Memoryal ng kaniyang kamatayan.—Exodo 21:32; Mateo 26:14, 15, 26-29; Juan 13:2-30.
18. Ano pang mga turo ang buong-pagmamahal na ibinigay ni Jesus sa kaniyang 11 tapat na mga apostol, at paano niya sila inihanda para sa kaniyang nalalapit na pag-alis?
18 Pagkatapos ng pagpapasinaya ng Memoryal, Lucas 22:24-30) Inutusan din sila ni Jesus na mag-ibigan sa isa’t isa kung paanong inibig niya sila. (Juan 13:34) Habang nagtatagal siya sa silid na iyon, buong-pagmamahal na inihanda sila ni Jesus sa kaniyang nalalapit na pag-alis. Tiniyak niya sa kanila ang kaniyang pakikipagkaibigan, hinimok sila na manampalataya, at ipinangako sa kanila ang tulong ng banal na espiritu. (Juan 14:1-17; 15:15) Bago lisanin ang bahay, nakiusap si Jesus sa kaniyang Ama: “Ang oras ay dumating na; luwalhatiin mo ang iyong anak, upang luwalhatiin ka ng iyong anak.” Sa katunayan, naihanda na ni Jesus ang mga apostol sa kaniyang pag-alis, at talagang ‘iniibig [niya] ang mga sa kaniya hanggang sa wakas.’—Juan 13:1; 17:1.
ang mga apostol ay nagkaroon ng isang mainitang pagtatalo hinggil sa kung sino sa kanila ang pinakadakila. Sa halip na pagalitan sila, buong pagtitiyagang itinuro sa kanila ni Jesus ang tungkol sa kahalagahan ng paglilingkod sa iba. Bilang pagpapahalaga sa pananatili nilang kasama niya sa panahon ng mga pagsubok sa kaniya, gumawa siya ng isang personal na pakikipagtipan sa kanila para sa isang kaharian. (19. Bakit nasa matinding paghihirap si Jesus sa halamanan ng Getsemani?
19 Marahil ay lampas na ang hatinggabi nang marating ni Jesus at ng kaniyang tapat na mga apostol ang halamanan ng Getsemani. Madalas siyang nagtutungo rito kasama ang kaniyang mga apostol. (Juan 18:1, 2) Sa loob ng ilang oras, mamamatay si Jesus na parang isang kasumpa-sumpang kriminal. Gayon na lamang katindi ang paghihirap sa inaasahang karanasang ito at ang maaaring idulot nitong kahihiyan sa kaniyang Ama anupat habang si Jesus ay nananalangin, ang kaniyang pawis ay naging gaya ng mga patak ng dugo na tumutulo sa lupa. (Lucas 22:41-44) “Dumating na ang oras!” sabi ni Jesus sa kaniyang mga apostol. “Narito! Ang aking tagapagkanulo ay malapit na.” Habang nagsasalita pa siya, lumapit si Judas Iscariote, kasama ang isang malaking pulutong na may dalang mga sulô at ilawan at mga sandata. Dumating sila para arestuhin si Jesus. Hindi siya tumutol. “Sa kalagayang iyan,” paliwanag niya, “paano matutupad ang Kasulatan na dapat itong maganap sa ganitong paraan?”—Marcos 14:41-43; Mateo 26:48-54.
Niluwalhati ang Anak ng Tao!
20. (a) Anong mga kalupitan ang sinapit ni Jesus pagkaaresto sa kaniya? (b) Mga ilang saglit lamang bago mamatay, bakit sumigaw si Jesus ng: “Naganap na”?
20 Pagkaaresto sa kaniya, si Jesus ay pinaratangan ng mga bulaang saksi, hinatulan ng may-kinikilingang mga hukom, sinentensiyahan ni Poncio Pilato, inalipusta ng mga saserdote at mga mang-uumog, at nilibak at pinahirapan ng mga sundalo. (Marcos 14:53-65; 15:1, 15; Juan 19:1-3) Pagsapit ng Biyernes ng tanghali, si Jesus ay nakapako na sa isang pahirapang tulos at nagtitiis ng labis na kirot habang binabatak ng bigat ng kaniyang katawan ang mga sugat ng pako sa kaniyang mga kamay at paa. (Juan 19:17, 18) Noong mga ikatlo na ng hapon, sumigaw si Jesus: “Naganap na!” Oo, nagawa na niyang lahat ang dapat niyang gawin sa lupa. Matapos ipagkatiwala ang kaniyang espiritu sa Diyos, iniyuko niya ang kaniyang ulo at namatay. (Juan 19:28, 30; Mateo 27:45, 46; Lucas 23:46) Ikatlong araw pagkatapos nito, binuhay-muli ni Jehova ang kaniyang Anak. (Marcos 16:1-6) Apatnapung araw matapos siyang buhaying-muli, umakyat si Jesus sa langit at siya’y niluwalhati.—Juan 17:5; Gawa 1:3, 9-12; Filipos 2:8-11.
21. Paano natin matutularan si Jesus?
21 Paano natin ‘masusundan nang maingat ang mga yapak ni Jesus’? (1 Pedro 2:21) Gaya niya, tayo’y magsikap nang buong-lakas sa gawaing pangangaral ng Kaharian at paggawa ng mga alagad at maging matapang at malakas ang loob sa pagsasalita ng salita ng Diyos. (Mateo 24:14; 28:19, 20; Gawa 4:29-31; Filipos 1:14) Huwag natin kailanman iwawaglit sa isipan kung nasaan na tayo sa agos ng panahon o kaliligtaang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maiinam na gawa. (Marcos 13:28-33; Hebreo 10:24, 25) Hayaan sana natin na ang ating buong landasin ng pagkilos ay maugitan ayon sa kalooban ng Diyos na Jehova at ng kabatiran na tayo’y nabubuhay na sa “panahon ng kawakasan.”—Daniel 12:4.
Paano Mo Sasagutin?
• Ang pagkaalam ni Jesus na malapit na ang kaniyang kamatayan ay nagkaroon ng anong epekto sa kaniyang huling ministeryo sa templo sa Jerusalem?
• Ano ang nagpapakita na ‘inibig [ni Jesus] ang mga sa kaniya hanggang sa wakas’?
• Ano ang ipinahihiwatig tungkol kay Jesus ng mga pangyayari sa huling ilang oras sa buhay niya?
• Paano natin matutularan si Kristo Jesus sa ating ministeryo?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 18]
Si Jesus ay “umibig sa kanila hanggang sa wakas”