Nililitis ang Pagkabuhay-Muli ni Jesus
Nililitis ang Pagkabuhay-Muli ni Jesus
“Masasabi ko sa iyo nang tahasan na bagaman lubusan tayong nakatitiyak na si Jesus ay nabuhay . . . , hindi natin masasabi nang may gayunding katiyakan na alam natin na ibinangon Siya ng Diyos mula sa mga patay.” Ganiyan ang sinabi ng pangunahing prelado ng Church of England, ang Arsobispo ng Canterbury.
ANG Kristiyanong si apostol Pablo ay walang gayong pag-aalinlangan. Sa kabanata 15 ng kaniyang unang kinasihang liham sa mga kapuwa Kristiyano sa sinaunang Corinto, sumulat si Pablo: “Ibinigay ko sa inyo, kasama ng mga unang bagay, yaong tinanggap ko rin, na si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa Kasulatan; at na inilibing siya, oo, na ibinangon siya nang ikatlong araw ayon sa Kasulatan.”—1 Corinto 15:3, 4.
Ang pananampalataya sa pagkabuhay-muli ni Jesu-Kristo ang nagpakilos sa kaniyang mga alagad na ipangaral ang ebanghelyo sa buong Greco-Romanong daigdig—“sa lahat ng nilalang na nasa silong ng langit.” (Colosas 1:23) Sa katunayan, ang pagkabuhay-muli ni Jesus ang pinakapundasyon ng pananampalatayang Kristiyano.
Gayunman, sa simula pa lamang ay waring hindi na kapani-paniwala para sa marami ang pagkabuhay-muli ni Jesus. Para sa mga Judio sa pangkalahatan, isang pamumusong sa bahagi ng mga tagasunod ni Jesus na sabihing ang ibinayubay na lalaking ito ay ang Mesiyas. At para sa karamihan ng mga edukadong Griego, na may paniniwala sa imortalidad ng kaluluwa, ang mismong ideya ng isang pagkabuhay-muli ay kasuklam-suklam.—Gawa 17:32-34.
Makabagong mga Mapag-alinlangan
Sa nakalipas na mga taon, ang ilang iskolar na nag-aangking mga Kristiyano ay naglathala ng mga aklat at mga artikulo na humahamak sa pagkabuhay-muli ni Jesus bilang isang kathang-isip at nagpasimula ng isang matinding pagtatalo hinggil sa paksang ito. Sa kanilang paghahanap sa “makasaysayang Jesus,” ipinangangatuwiran ng iba’t ibang iskolar na ang mga ulat ng Ebanghelyo hinggil sa puntod na walang laman at mga pagpapakita ni Jesus pagkatapos ng pagkabuhay-muli ay pawang kathang-isip, na malaon na siyang patay nang imbentuhin ito upang suhayan ang mga pag-aangkin na siya’y may makalangit na kapangyarihan.
Halimbawa, isaalang-alang ang mga pangmalas ng Alemang iskolar na si Gerd Lüdemann, propesor ng Bagong Tipan at awtor ng aklat na What Really Happened to Jesus—A Historical Approach to the Resurrection. Ipinangangatuwiran niya na ang pagkabuhay-muli ni Jesus ay “isang walang-batayang kapahayagan” na dapat tutulan ng sinumang may “makasiyensiyang pangmalas sa daigdig.”
Sinasabi pa ni Propesor Lüdemann na ang 1 Corinto 15:5, 6) Sa maikli, pinalilitaw na lamang ng maraming iskolar na ang mga ulat ng Bibliya tungkol sa binuhay-muling si Jesus ay isang serye ng mga personal na guniguni na nagdulot sa mga alagad ng panibagong pagkadama ng espirituwal na pagtitiwala-sa-sarili at sigasig sa pagmimisyonero.
binuhay-muling si Kristo na nagpakita kay apostol Pedro ay isang pangitain na ibinunga ng labis-labis na pagdadalamhati at pagsisisi ni Pedro dahil sa pagtatatwa kay Jesus. At ayon kay Lüdemann, ang pagpapakita ni Jesus sa mahigit sa 500 mananampalataya sa isang pagkakataon ay isang kaso ng “masidhing kagalakan ng karamihan.” (Sabihin pa, marami ang walang gaanong interes sa mga pagtatalong pang-intelektuwal. Gayunman, lahat tayo’y dapat magkainteres sa pagtalakay sa pagkabuhay-muli ni Jesus. Bakit? Sapagkat, kung hindi siya binuhay-muli, ang Kristiyanismo ay nakasalig sa huwad na pundasyon. Sa kabilang panig, kung ang pagkabuhay-muli ni Jesus ay talagang isang katotohanan sa kasaysayan, ang Kristiyanismo ay nakasalig sa katotohanan. Sa ilalim ng mga kalagayang iyan, hindi lamang maipagbabangong-puri ang mga sinabi ni Kristo kundi maging ang kaniyang mga pangako. Karagdagan pa, kung may pagkabuhay-muli, ang kamatayan ay hindi siyang dakilang manlulupig kundi isang kaaway na maaaring daigin.—1 Corinto 15:55.
[Picture Credit Line sa pahina 3]
From the Self-Pronouncing Edition of the Holy Bible, containing the King James and the Revised versions