Magtiwala kay Jehova—Ang Diyos na Totoo
Magtiwala kay Jehova—Ang Diyos na Totoo
Nasubukan mo na bang tumingala sa kalangitan sa isang gabi na walang ulap at makakita ng daan-daang bituin? Paano mo ipaliliwanag kung paano umiral ang mga ito?
SA KATAHIMIKAN ng gabi, waring bumubulalas ang mga bituin kay Haring David ng sinaunang Israel, na nag-udyok sa kaniya na sumulat: “Ang langit ay naghahayag ng kaluwalhatian ng Diyos; at ang gawa ng kaniyang mga kamay ay isinasaysay ng kalawakan.” (Awit 19:1) Oo, ang Maylalang sa halip na ang nilalang ang karapat-dapat “na tumanggap ng kaluwalhatian at ng karangalan at ng kapangyarihan.”—Apocalipsis 4:11; Roma 1:25.
“Siya na nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos,” ang sabi ng Bibliya. (Hebreo 3:4) Sa katunayan, ang tunay na Diyos, ‘na ang pangalan ay Jehova, ang Kataas-taasan sa buong lupa.’ (Awit 83:18) At hindi siya isang ilusyon—isang malikmata. Hinggil sa kaniyang makalangit na Ama na si Jehova, sinabi ni Jesu-Kristo: “Siya na nagsugo sa akin ay tunay.”—Juan 7:28.
Si Jehova—Ang Tagatupad ng Kaniyang mga Layunin
Ang pambihirang pangalan ng Diyos na Jehova ay lumilitaw nang halos 7,000 ulit sa Kasulatang Hebreo pa lamang. Ang mismong pangalang iyan ang nagpapatunay na siya ay totoo. Ang literal na kahulugan ng pangalan ng Diyos ay “Kaniyang Pinangyayaring Magkagayon.” Samakatuwid, inilalarawan ng Diyos na Jehova ang kaniyang sarili bilang Tagatupad ng kaniyang mga layunin. Nang tinanong ni Moises ang pangalan ng Diyos, pinalawig ni Jehova ang kahulugan nito sa ganitong paraan: “Ako ay magiging gayon sa anumang ako ay magiging gayon.” (Exodo 3:14) Tuwirang sinabi ng salin ni Rotherham: “Ako’y Magiging anuman na kalugdan ko.” Nagiging gayon si Jehova, o pinipili niyang maging gayon, anuman ang kailangan upang magkatotoo ang kaniyang matutuwid na layunin at mga pangako. Kaya, nagtataglay siya ng napakaraming titulo, tulad ng Maylalang, Ama, Soberanong Panginoon, Pastol, Jehova ng mga hukbo, Dumirinig ng panalangin, Hukom, Dakilang Tagapagturo, at Manunubos.—Hukom 11:27; Awit 23:1; 65:2; 73:28; 89:26; Isaias 8:13; 30:20; 40:28; 41:14.
Tanging ang tunay na Diyos ang may karapatang magtaglay ng pangalang Jehova, yamang hindi kailanman nakatitiyak ang mga tao na magtatagumpay ang kanilang mga plano. (Santiago 4:13, 14) Si Jehova lamang ang makapagsasabi: “Kung paanong ang bumubuhos na ulan, at ang niyebe, ay lumalagpak mula sa langit at hindi bumabalik sa dakong iyon, malibang diligin muna nito ang lupa at patubuan iyon at pasibulan, at maibigay ang binhi sa manghahasik at ang tinapay sa kumakain, magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa aking bibig. Hindi ito babalik sa akin nang walang resulta, kundi gagawin nga nito yaong kinalulugdan ko, at ito ay tiyak na magtatagumpay sa bagay na pinagsuguan ko nito.”—Isaias 55:10, 11.
Isinasakatuparan ni Jehova ang kaniyang layunin nang gayon na lamang katiyak anupat maging ang bagay na waring di-totoo sa mga tao ay totoo sa kaniyang pangmalas. Matagal nang panahon pagkamatay nina Abraham, Isaac, at Jacob, binanggit Lucas 20:37, 38) Ang tatlong tapat na patriyarka ay patay na, ngunit ang layunin ng Diyos na buhayin silang muli ay talagang tiyak na matutupad anupat sa kaniya, sila ay para na ring buháy. Ang pagbuhay-muli sa mga tapat na lingkod na ito ay kasindali ng paglalang ni Jehova sa unang tao mula sa alabok ng lupa.—Genesis 2:7.
sila ni Jesus at sinabi: “Siya [si Jehova] ay Diyos, hindi ng mga patay, kundi ng mga buháy, sapagkat silang lahat ay buháy sa kaniya.” (Naglaan si apostol Pablo ng isa pang halimbawa ng katotohanan na pinangyayari ng Diyos na maisakatuparan ang kaniyang mga layunin. Sa Kasulatan, tinawag si Abraham na “ama ng maraming bansa.” (Roma 4:16, 17) Samantalang wala pang anak si Abram, binago ni Jehova ang pangalan nito tungo sa Abraham, na nangangahulugang “Ama ng isang Pulutong (Karamihan).” Pinangyari ni Jehova na ang kahulugan ng pangalang iyan ay magkatotoo sa pamamagitan ng makahimalang pagsasauli sa kakayahang mag-anak ng matanda nang si Abraham at ng kaniyang may-edad nang asawa na si Sara.—Hebreo 11:11, 12.
Yamang pinagkalooban ng malaking kapangyarihan at awtoridad, bumanggit si Jesu-Kristo ng mga katotohanan sa isang nakatataas na pananaw kaysa sa pangmalas ng mga tao. Bagaman namatay ang kaniyang matalik na kaibigang si Lazaro, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Si Lazaro na ating kaibigan ay namamahinga, ngunit maglalakbay ako patungo roon upang gisingin siya mula sa pagkakatulog.” (Juan 11:11) Bakit sinabi ni Jesus na natutulog lamang ang isang patay na tao?
Nang makarating si Jesus sa tinubuang-bayan ni Lazaro sa Betania, nagtungo siya sa libingan at ipinag-utos na alisin ang bato na nakatakip sa pasukan nito. Pagkatapos na manalangin nang malakas, iniutos niya: “Lazaro, lumabas ka!” At samantalang nakatitig sa libingan ang mga mata ng mga nagmamasid, “ang taong namatay ay lumabas na ang kaniyang mga paa at mga kamay ay natatalian ng mga pambalot, at ang kaniyang mukha ay nababalutan ng tela.” Pagkatapos ay sinabi ni Jesus: “Kalagan ninyo siya at payaunin siya.” (Juan 11:43, 44) Binuhay-muli ni Jesus si Lazaro—anupat ibinalik ang buhay sa isang tao na apat na araw nang patay! Hindi nanlinlang si Kristo nang sinabi niya na ang kaniyang kaibigan ay natutulog. Sa pangmalas ni Jehova at ni Jesus, ang patay na si Lazaro ay parang natutulog lamang. Oo, si Jesus at ang kaniyang makalangit na Ama ay nag-uukol ng pansin sa mga bagay na totoo.
Maaaring Gawing Totoo ni Jehova ang Ating Pag-asa
Talaga ngang malaking pagkakaiba ang umiiral sa pagitan ng mapanlinlang na mga idolo at ng totoong Diyos! May-kamaliang ipinatutungkol ng mga mananamba ng idolo ang mga kapangyarihang nakahihigit sa tao sa kanilang mga bagay na sinasamba. Gayunman, walang anumang pagpipitagan ang maaaring magdulot ng makahimalang mga abilidad sa mga idolong ito. Sa kabilang dako naman, may karapatan ang Diyos na Jehova na tukuyin ang kaniyang matagal-nang-namatay na mga lingkod na parang sila’y nabubuhay yamang kaya niya silang muling bigyan ng buhay. “Si Jehova ay totoo ngang Diyos,” at hindi niya kailanman nililinlang ang kaniyang bayan.—Jeremias 10:10.
Tunay na nakaaaliw ngang malaman na sa takdang panahon ni Jehova, bubuhaying muli ang mga patay na nasa kaniyang alaala—isasauli ang kanilang buhay! (Gawa 24:15) Oo, nasasangkot sa pagkabuhay-muli ang pagsasauli sa pagkatao ng indibiduwal. Ang pag-alaala sa mga pagkatao ng mga patay at pagbuhay-muli sa kanila ay hindi problema para sa ating Maylalang, na walang hanggan ang karunungan at kapangyarihan. (Job 12:13; Isaias ) Yamang nananagana si Jehova sa pag-ibig, gagamitin niya ang kaniyang sakdal na memorya upang buhaying muli ang mga patay sa isang paraisong lupa taglay ang personalidad nila bago sila namatay.— 40:261 Juan 4:8.
Habang papalapit na ang kawakasan ng sanlibutan ni Satanas, tiyak na maganda ang kinabukasan ng mga nagtitiwala sa tunay na Diyos. (Kawikaan 2:21, 22; Daniel 2:44; 1 Juan 5:19) Tinitiyak sa atin ng salmista: “Kaunting panahon na lamang, at ang balakyot ay mawawala na; . . . ngunit ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.” (Awit 37:10, 11) Ang krimen at karahasan ay maglalaho na. Mananaig ang katarungan, at mawawala na ang paghihirap sa kabuhayan. (Awit 37:6; 72:12, 13; Isaias 65:21-23) Lahat ng bahid ng pagtatangi sa lipunan, lahi, tribo, at lipi ay aalisin. (Gawa 10:34, 35) Mawawala na ang mga digmaan at mga sandatang pandigma. (Awit 46:9) Sa panahong iyon, “walang sinumang tumatahan ang magsasabi: ‘Ako ay may sakit.’ ” (Isaias 33:24) Tatamasahin ng bawat isa ang sakdal at masiglang kalusugan. (Apocalipsis 21:3, 4) Di-magtatagal, ang paraiso sa lupa ay magkakatotoo. Nilayon ito ni Jehova!
Oo, lahat ng salig-Bibliyang pag-asa ay malapit nang matupad. Bakit natin hahayaang malinlang ang ating sarili ng mga bagay na iniidolo sa sanlibutang ito yamang maaari naman nating ilagak ang ating lubos na pagtitiwala kay Jehova? Kalooban niya na “ang lahat ng uri ng mga tao ay maligtas at sumapit sa tumpak na kaalaman sa katotohanan.” (1 Timoteo 2:3, 4) Sa halip na ilaan ang ating panahon at ari-arian sa mga ilusyon, o mga malikmata, ng sistemang ito ng mga bagay at sa mga diyos nito, nawa’y lumago ang ating kaalaman sa Diyos na totoo at magtiwala sa kaniya nang ating buong puso.—Kawikaan 3:1-6; Juan 17:3.
[Larawan sa pahina 6]
Sa pangmalas ni Jehova at ni Jesus, natutulog lamang si Lazaro
[Mga larawan sa pahina 7]
Di-magtatagal, ang paraiso sa lupa ay magkakatotoo