Makikinabang Ka sa Makadiyos na mga Simulain
Makikinabang Ka sa Makadiyos na mga Simulain
WALANG alinlangan na batid mo na ang mga hayop ay pinapatnubayan ng likas na ugali (instinct). Maraming makina ang dinisenyo upang sumunod sa mga instruksiyon. Ngunit ang mga tao ay aktuwal na nilalang upang gabayan ng mga simulain. Paano ka makatitiyak na gayon nga? Buweno, nang kaniyang gawin ang unang mga tao, ipinahayag ni Jehova, ang Tagapagpasimula ng lahat ng matutuwid na simulain: “Gawin natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis.” Ang Maylalang ay isang espiritu; wala siyang pisikal na katawan kagaya natin, kaya tayo ay ginawa ayon sa kaniyang “larawan” sa diwa na maaari nating tularan ang kaniyang personalidad, anupat maipakikita ang kaniyang maiinam na katangian sa isang antas. May kakayahan ang mga tao na ugitan ang kanilang buhay batay sa mga simulain, iyon ay, salig sa kanilang pinaniniwalaang kodigo ng tamang pagkilos. Pinangyari ni Jehova na maiulat ang marami sa mga simulaing ito sa kaniyang Salita.—Genesis 1:26; Juan 4:24; 17:17.
‘Ngunit ang Bibliya ay naglalaman ng daan-daang simulain,’ ang maaaring sabihin ng isa. ‘Imposibleng Mateo 22:37-39, kung saan ipinakita ni Jesus na sa mga utos at kaugnay na mga simulain ng Kautusang Mosaiko, ang ilan ay mas mahalaga kaysa sa iba.
malaman ko ang lahat ng iyon.’ Totoo iyan. Subalit isaalang-alang ang bagay na ito: Bagaman kapaki-pakinabang ang lahat ng makadiyos na simulain, mas mahalaga ang ilang simulain kaysa sa iba. Mapapansin mo iyan saAling mga simulain ang mas mahalaga? Ang mga pangunahing simulain sa Bibliya ay yaong tuwirang nakaaapekto sa ating kaugnayan kay Jehova. Kung isasapuso natin ang mga ito, ang Maylalang ang nagiging pangunahing impluwensiya sa ating moral na kompas. Karagdagan pa, may mga simulain na nakaaapekto sa ating pakikipag-ugnayan sa ibang mga tao. Ang pagkakapit sa mga ito ay tutulong sa atin na mapaglabanan ang simulaing maka-ako, anuman ang tawag dito.
Una nating talakayin ang isa sa pinakamahahalagang katotohanan sa Bibliya. Ano ang katotohanang iyon, at paano ito nakaaapekto sa atin?
“Ang Kataas-taasan sa Buong Lupa”
Maliwanag na ipinakikita ng Banal na Kasulatan na si Jehova ang ating Dakilang Maylalang, ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Hindi siya kailanman mapapantayan o mahihigitan. Ito ay isang pangunahing katotohanan na nakaulat sa Bibliya.—Genesis 17:1; Eclesiastes 12:1.
Sinabi ng isa sa mga manunulat ng aklat ng Mga Awit hinggil kay Jehova: “Ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.” Sumulat si Haring David noong una: “Sa iyo ang kaharian, O Jehova, ang Isa rin na nagtataas ng iyong sarili bilang ulo ng lahat.” At ang kilaláng propeta na si Jeremias ay napakilos na mag-ulat: “Talagang walang sinumang katulad mo, O Jehova. Ikaw ay dakila, at ang iyong pangalan ay dakila sa kalakasan.”—Awit 83:18; 1 Cronica 29:11; Jeremias 10:6.
Paano natin ikakapit ang mga katotohanang iyon tungkol sa Diyos sa araw-araw na buhay?
Maliwanag kung sino talaga ang kailangang maging pinakapangunahin sa ating buhay—ang ating Maylalang at Tagapagbigay-Buhay. Kung gayon, hindi ba angkop na labanan ang anumang hilig na mag-ukol ng pansin sa ating sarili—isang hilig na marahil ay mas masidhi sa ilan kaysa sa iba? Ang isang umuugit na matalinong simulain ay ang ‘gawin ang lahat ng bagay sa ikaluluwalhati ng Diyos.’ (1 Corinto 10:31) Ang propetang si Daniel ay nagpakita ng isang mainam na halimbawa hinggil dito.
Sinasabi sa atin ng makasaysayang ulat na si Haring Nabucodonosor ng Babilonya ay naligalig minsan ng isang panaginip at mahigpit na nag-utos na alamin ang kahulugan nito. Bagaman ang lahat ng iba pa ay nalito, may-katumpakang sinabi ni Daniel sa hari ang nais nitong malaman. Inangkin ba ni Daniel ang papuri para rito? Hindi, niluwalhati niya ang “Diyos sa langit na isang Tagapagsiwalat ng mga lihim.” Nagpatuloy si Daniel: “Hindi dahil sa anumang karunungan na nasa akin nang higit kaysa sa kanino pa mang buháy kung kaya ang lihim na ito ay isiniwalat sa akin.” Si Daniel ay isang tao na ginagabayan ng simulain. Hindi kataka-taka na sa aklat ni Daniel, tatlong beses siyang inilarawan na “lubhang kalugud-lugod” sa paningin ng Diyos.—Daniel 2:28, 30; 9:23; 10:11, 19.
Makikinabang ka kung tutularan mo si Daniel. Ang pinakapangunahing salik sa pagtulad sa halimbawa ni Daniel ay ang motibo. Sino ang dapat parangalan sa iyong nagawa? Anuman ang iyong kalagayan, may kakayahan kang kumilos kasuwato ng napakahalagang simulaing ito ng Bibliya—si Jehova ang Soberanong Panginoon. Ang paggawa ng gayon ay magpapangyari sa iyo na maging “lubhang kalugud-lugod” sa kaniyang paningin.
Ating isaalang-alang ngayon ang dalawang
pangunahing simulain na maaaring gumabay sa atin sa larangan ng pakikipagkapuwa-tao. Sa harap ng laganap na pagtatampok sa sarili, ang larangang ito sa buhay ay lalo nang isang hamon.“May Kababaan ng Pag-iisip”
Yaong mga inuuna ang kanilang sarili ay bihirang masiyahan. Nais ng karamihan ang mas magandang buhay, at nais nilang ngayon na ito makamit. Para sa kanila, ang kahinhinan ay nagpapahiwatig ng kahinaan. Itinuturing nila ang pagtitiyaga bilang isang bagay na dapat ipamalas lamang ng iba. Pagdating sa kanilang pagkakamit ng katanyagan o tagumpay, maaari nilang gawin ang kahit ano. Sa palagay mo ba’y mayroon kang ibang mapagpipilian na paggawi bukod sa kanilang ginagawa?
Napapaharap ang mga lingkod ng Diyos sa gayong saloobin araw-araw, ngunit hindi sila dapat mahawa rito. Tinatanggap ng mga may-gulang na Kristiyano ang simulain na “hindi ang isa na nagrerekomenda ng kaniyang sarili ang sinasang-ayunan, kundi ang taong inirerekomenda ni Jehova.”—2 Corinto 10:18.
Makatutulong ang pagkakapit ng simulain sa Filipos 2:3, 4. Pasisiglahin ka ng tekstong iyon na ‘huwag gumawa ng anuman dahil sa hilig na makipagtalo o dahil sa egotismo, kundi may kababaan ng pag-iisip na ituring na ang iba ay nakatataas sa iyo.’ Sa gayon ay ‘maitutuon mo ang iyong mata, hindi lamang sa personal na kapakanan ng iyong sariling mga bagay-bagay, kundi sa personal na kapakanan din ng iba.’
Ang isang tao na may wastong saloobin hinggil sa kaniyang sarili at may mahusay na pagtaya sa kaniyang sariling halaga, ay si Gideon, isang hukom sa mga sinaunang Hebreo. Hindi niya hinangad na maging isang lider ng Israel. Gayunman, nang atasan siyang gampanan ang papel na iyon, Hukom 6:12-16.
itinawag-pansin ni Gideon ang kaniyang pagiging di-karapat-dapat. “Ang aking sanlibo ang pinakamababa sa Manases, at ako ang pinakamaliit sa sambahayan ng aking ama,” ang paliwanag niya.—Bukod dito, pagkatapos ipagkaloob ni Jehova ang tagumpay kay Gideon, nagsimulang makipagtalo ang mga lalaki ng Efraim sa kaniya. Paano tumugon si Gideon? Nakadama ba siya ng higit na importansiya dahil sa kaniyang tagumpay? Hindi. Iniwasan niya ang kapahamakan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang mahinahong tugon. “Ano ba ang ginawa ko ngayon kung ihahambing sa inyo?” May kababaan ng pag-iisip si Gideon.—Hukom 8:1-3.
Totoo, ang mga pangyayari hinggil kay Gideon ay matagal nang naganap. Gayunman, mahalaga na isaalang-alang natin ang ulat na ito. Makikita mo na taglay ni Gideon ang saloobin na lubhang naiiba sa kung ano ang karaniwan sa ngayon, at namuhay siya ayon dito, na nagdulot ng kapakinabangan sa kaniya.
Maaaring pilipitin ng laganap na saloobing nagtutuon sa sarili ang ating pangmalas hinggil sa pagpapahalaga sa sarili. Itinutuwid ng mga simulain ng Bibliya ang pilipit na pangmalas na iyan, na itinuturo sa atin ang ating tunay na halaga may kaugnayan sa Maylalang at sa ibang tao.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga simulain ng Bibliya, nadaraig natin ang saloobing maka-ako. Hindi na tayo madadala ng mga damdamin o mga personalidad. Habang higit nating natututuhan ang matutuwid na simulain, higit nating nakikilala ang Tagapagpasimula nito. Oo, sulit na sulit ang magbigay ng pantanging pansin sa makadiyos na mga simulain kapag nagbabasa ng Bibliya.—Tingnan ang kahon.
Ginawa ni Jehova ang mga tao na nakahihigit sa mga hayop, na pangunahin nang kumikilos sa pamamagitan ng likas na ugali. Nasasangkot sa pagsunod sa kalooban ng Diyos ang pagkakapit ng kaniyang mga simulain. Sa gayon ay mapananatili nating gumagana nang maayos ang ating moral na kompas, isang kompas na papatnubay sa atin tungo sa isang bagong sistema na ginawa ng Diyos. Binibigyan tayo ng Bibliya ng dahilan na umasang malapit nang dumating ang isang pandaigdig na bagong sistema na kung saan ay “tatahan ang katuwiran.”—2 Pedro 3:13.
[Kahon/Larawan sa pahina 6]
Ilang Kapaki-pakinabang na mga Simulain sa Bibliya
Sa loob ng pamilya:
“Patuloy na hanapin ng bawat isa, hindi ang kaniyang sariling kapakinabangan, kundi yaong sa ibang tao.”—1 Corinto 10:24.
“Ang pag-ibig ay . . . hindi naghahanap ng sarili nitong kapakanan.”—1 Corinto 13:4, 5.
“Ibigin . . . ng bawat isa sa inyo ang kani-kaniyang asawang babae gaya ng ginagawa niya sa kaniyang sarili.”—Efeso 5:33.
“Kayong mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyu-inyong asawang lalaki.”—Colosas 3:18.
“Makinig ka sa iyong ama na nagpangyari ng iyong kapanganakan, at huwag mong hamakin ang iyong ina dahil lamang sa tumanda na siya.”—Kawikaan 23:22.
Sa paaralan, sa trabaho, o sa negosyo:
“Ang madayang pares ng timbangan ay karima-rimarim . . . Ang balakyot ay nagtitipon ng huwad na kabayaran.”—Kawikaan 11:1, 18.
“Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw pa, kundi sa halip ay magtrabaho siya nang masikap.”—Efeso 4:28.
“Kung ang sinuman ay ayaw magtrabaho, huwag din naman siyang pakainin.”—2 Tesalonica 3:10.
“Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito nang buong kaluluwa na gaya ng kay Jehova.”—Colosas 3:23.
“Nais naming gumawi nang matapat sa lahat ng bagay.”—Hebreo 13:18.
Saloobin hinggil sa kayamanan:
“Siyang nagmamadaling magtamo ng kayamanan ay hindi mananatiling walang-sala.”—Kawikaan 28:20.
“Ang maibigin sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak.”—Eclesiastes 5:10.
Pagtaya sa kahalagahan ng isa:
“Ang paghahanap ng mga tao ng sarili nilang kaluwalhatian, kaluwalhatian nga ba iyon?”—Kawikaan 25:27.
“Purihin ka nawa ng ibang tao, at hindi ng iyong sariling bibig.”—Kawikaan 27:2.
“Sinasabi ko sa bawat isa sa inyo riyan na huwag mag-isip nang higit tungkol sa kaniyang sarili kaysa sa nararapat isipin.”—Roma 12:3.
“Kung iniisip ng sinuman na siya ay mahalaga samantalang siya ay walang anuman, nililinlang niya ang kaniyang sariling isipan.”—Galacia 6:3.
[Larawan sa pahina 5]
Ibinigay ni Daniel ang nararapat na papuri sa Diyos
[Larawan sa pahina 7]
Ang pakikitungo sa iba kasuwato ng makadiyos na mga simulain ay nagdudulot ng kalugud-lugod na mga ugnayan at ng kaligayahan
[Picture Credit Line sa pahina 7]
U.S. Fish & Wildlife Service, Washington, D.C./Robert Bridges