Sino ang Makaliligtas sa Araw ni Jehova?
Sino ang Makaliligtas sa Araw ni Jehova?
“Ang araw ay dumarating na nagniningas na parang hurno.”—MALAKIAS 4:1.
1. Paano inilalarawan ni Malakias ang wakas ng balakyot na sistemang ito?
ANG propetang si Malakias ay kinasihan ng Diyos upang iulat ang mga hula tungkol sa kasindak-sindak na mga pangyayari na magaganap sa napakalapit na hinaharap. Ang mga pangyayaring ito ay makaaapekto sa lahat ng tao sa lupa. Ganito ang inihula ng Malakias 4:1: “ ‘Narito! ang araw ay dumarating na nagniningas na parang hurno, at ang lahat ng pangahas at ang lahat ng gumagawa ng kabalakyutan ay magiging tulad ng pinaggapasan. At lalamunin nga sila niyaong araw na dumarating,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘anupat hindi iyon mag-iiwan sa kanila ng ugat man o sanga.’ ” Gaano kalubos ang pagkawasak na mangyayari sa balakyot na sistemang ito ng mga bagay? Ito ay maihahalintulad sa pagkasira ng mga ugat ng isang punungkahoy anupat hindi na ito maaaring tumubo kailanman.
2. Paano inilalarawan ng ilang kasulatan ang araw ni Jehova?
2 Maaaring itanong mo, ‘Anong “araw” ang inihuhula ni propeta Malakias?’ Ito rin ang araw na tinutukoy sa Isaias 13:9, na nagsasabi: “Narito! Ang araw ni Jehova ay dumarating, malupit kapuwa sa pagkapoot at sa pag-aapoy ng galit, upang ang lupain ay gawing isang bagay na panggigilalasan, at upang malipol nito mula roon ang mga makasalanan sa lupain.” Ganito ang paglalarawan ng Zefanias 1:15: “Ang araw na iyon ay araw ng poot, araw ng kabagabagan at ng panggigipuspos, araw ng bagyo at ng pagkatiwangwang, araw ng kadiliman at ng karimlan, araw ng mga ulap at ng makapal na karimlan.”
‘Ang Malaking Kapighatian’
3. Ano ang “araw ni Jehova”?
3 Sa malaking katuparan ng hula ni Malakias, ang “araw ni Jehova” ay isang yugto ng panahon na doo’y magaganap ang “malaking kapighatian.” Inihula ni Jesus: “Kung magkagayon ay magkakaroon ng malaking kapighatian gaya ng hindi pa nangyayari mula nang pasimula ng sanlibutan hanggang sa ngayon, hindi, ni mangyayari pang muli.” (Mateo 24:21) Isipin ang kabagabagan na naranasan na ng daigdig, lalo na mula noong 1914. (Mateo 24:7-12) Aba, ang Digmaang Pandaigdig II lamang ay kumitil na ng mahigit sa 50 milyong buhay! Gayunman, ang ganitong mga kaligaligan ay totoong napakaliit lamang kung ihahambing sa mangyayari sa “malaking kapighatian.” Ang pangyayaring iyon, na siya ring araw ni Jehova, ay magtatapos sa Armagedon, anupat wawakasan ang mga huling araw ng balakyot na sistemang ito.—2 Timoteo 3:1-5, 13; Apocalipsis 7:14; 16:14, 16.
4. Kapag nagwakas na ang araw ni Jehova, ano na ang mga naganap?
4 Sa katapusan ng araw na iyon ni Jehova, ang sanlibutan ni Satanas at ang mga tagapagtaguyod nito ay nalipol na. Unang lilipulin ang lahat ng huwad na relihiyon. Pagkatapos, ang hatol ni Jehova ay isasagawa laban sa komersiyal at pulitikal na mga sistema ni Satanas. (Apocalipsis 17:12-14; 19:17, 18) Inihuhula ni Ezekiel: “Sa mga lansangan ay itatapon nila ang kanilang pilak, at magiging nakamumuhing bagay ang kanilang ginto. Maging ang kanilang pilak man o ang kanilang ginto ay hindi makapagliligtas sa kanila sa araw ng poot ni Jehova.” (Ezekiel 7:19) Hinggil sa araw na iyon, sinasabi ng Zefanias 1:14: “Ang dakilang araw ni Jehova ay malapit na. Iyon ay malapit na, at iyon ay lubhang minamadali.” Kung isasaalang-alang ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa araw ni Jehova, dapat na maging determinado tayong kumilos kasuwato ng matuwid na mga kahilingan ng Diyos.
5. Ano ang nararanasan ng mga natatakot sa pangalan ni Jehova?
5 Matapos ihula kung ano ang gagawin ng araw ni Jehova sa sanlibutan ni Satanas, iniulat sa Malakias 4:2 ang ganitong mga salita ni Jehova: “Sa inyo na natatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran, na may kagalingan sa mga pakpak nito; at kayo ay lalabas at dadamba sa lupa na parang mga pinatabang guya.” “Ang araw ng katuwiran” ay si Jesu-Kristo. Siya ang espirituwal na “liwanag ng sanlibutan.” (Juan 8:12) Si Jesus ay sumisikat taglay ang pagpapagaling, una ay ang espirituwal na pagpapagaling, na atin nang nararanasan sa ngayon, at pagkatapos ay ang kumpletong pisikal na pagpapagaling sa bagong sanlibutan. Gaya ng sinasabi ni Jehova, ang mga pinagaling ay “lalabas at dadamba sa lupa na parang mga pinatabang guya” na nasasabik at natutuwa dahil pinalaya sila mula sa pagkakakulong.
6. Anong pagdiriwang ng tagumpay ang tatamasahin ng mga lingkod ni Jehova?
6 Kumusta naman ang mga nagwawalang-bahala sa mga kahilingan ni Jehova? Ganito ang sinasabi ng Malakias 4:3: “ ‘Yayapakan ninyo [mga lingkod ng Diyos] ang mga balakyot, sapagkat sila ay magiging gaya ng alabok sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa araw ng aking pagkilos,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.” Ang mga taong sumasamba sa Diyos ay hindi makikibahagi sa pagpuksa sa sanlibutan ni Satanas. Sa halip, ‘yayapakan nila ang mga balakyot’ sa makasagisag na paraan sa pamamagitan ng pakikibahagi sa pagdiriwang ng tagumpay na magaganap kasunod ng araw ni Jehova. Nagkaroon ng malaking pagdiriwang kasunod ng paglipol sa mga hukbo ni Paraon sa Dagat na Pula. (Exodo 15:1-21) Ang pagkalipol ni Satanas at ng kaniyang sanlibutan sa malaking kapighatian ay susundan din ng isang pagdiriwang ng tagumpay. Ang mga tapat na makaliligtas sa araw ni Jehova ay hihiyaw: “Tayo ay magalak at magsaya sa kaniyang pagliligtas.” (Isaias 25:9) Kaylaking pagbubunyi ang magaganap kapag ipinagbangong-puri na ang soberanya ni Jehova at nilinis na ang lupa bilang isang mapayapang tahanan!
Tinutularan ng Sangkakristiyanuhan ang Israel
7, 8. Ilarawan ang espirituwal na kalagayan ng Israel noong panahon ni Malakias.
7 Ang mga nagtatamo ng sinang-ayunang katayuan kay Jehova ay yaong mga naglilingkod sa kaniya, di-tulad ng mga hindi naglilingkod sa kaniya. Totoo rin ito nang isulat ni Malakias ang kaniyang aklat. Noong 537 B.C.E., isang nalabi ng Israel ang isinauli pagkatapos ng 70 taóng pagkakabihag sa Babilonya. Gayunman, nang sumunod na siglo, ang isinauling bansa ay nagsimulang matangay ng apostasya at kabalakyutan. Nilapastangan ng karamihan sa bayan ang pangalan ni Jehova; winalang-bahala ang kaniyang matuwid na mga kautusan; dinumhan ang kaniyang templo sa pamamagitan ng pagdadala ng bulag, pilay, at may-sakit na mga hayop bilang hain; at diniborsiyo ang asawa ng kanilang kabataan.
8 Dahil dito, sinabi ni Jehova sa kanila: “Lalapit ako sa inyo ukol sa paghatol, at ako ay magiging mabilis na saksi laban sa mga manggagaway, at laban Malakias 3:5, 6) Gayunman, ipinaabot ni Jehova ang paanyaya sa sinumang tatalikod sa kanilang masasamang landasin: “Manumbalik kayo sa akin, at manunumbalik ako sa inyo.”—Malakias 3:7.
sa mga mangangalunya, at laban sa mga sumusumpa nang may kabulaanan, at laban sa mga gumagawi nang may pandaraya sa kabayaran ng bayarang manggagawa, sa babaing balo at sa batang lalaking walang ama, at sa mga nagtataboy sa naninirahang dayuhan, samantalang hindi nila ako kinatatakutan, . . . sapagkat ako ay si Jehova; hindi ako nagbabago.” (9. Paano nagkaroon ng unang katuparan ang mga hula ni Malakias?
9 Ang mga salitang iyon ay nagkaroon din ng katuparan noong unang siglo C.E. Isang nalabi ng mga Judio ang naglingkod kay Jehova at naging bahagi ng isang bagong “bansa” ng pinahiran-ng-espiritung mga Kristiyano, na nang maglaon ay napabilang din doon ang mga Gentil. Subalit si Jesus ay itinakwil ng karamihan sa likas na Israel. Kaya sinabi ni Jesus sa bansang iyon ng Israel: “Narito! Ang inyong bahay ay pinababayaan sa inyo.” (Mateo 23:38; 1 Corinto 16:22) Noong 70 C.E., gaya ng inihula sa Malakias 4:1, isang “araw . . . na nagniningas na parang hurno” ang sumapit sa likas na Israel. Ang Jerusalem at ang templo nito ay winasak, at iniulat na mahigit sa isang milyon katao ang namatay dahil sa taggutom, mga pag-aagawan sa kapangyarihan, at mga pagsalakay ng mga hukbong Romano. Gayunman, yaong mga naglingkod kay Jehova ay nakaligtas sa kapighatiang iyon.—Marcos 13:14-20.
10. Sa anong paraan tinutularan ng mga tao sa pangkalahatan at ng klero ang unang-siglong Israel?
10 Ang sangkatauhan, at lalo na ang Sangkakristiyanuhan, ay tumutulad sa unang-siglong bansang Israel. Mas gusto ng mga lider at ng mga tao sa Sangkakristiyanuhan sa pangkalahatan ang kanilang sariling mga kredo ng relihiyon kaysa sa mga katotohanang mula sa Diyos na itinuro ni Jesus. Lalo nang masisisi ang mga klero. Tumanggi silang gamitin ang pangalan ni Jehova, anupat inaalis pa nga ito mula sa kanilang mga bersiyon ng Bibliya. Nilalapastangan nila si Jehova sa pamamagitan ng kanilang di-makakasulatang mga turo, tulad ng paganong mga doktrina ng walang-hanggang pagpapahirap sa apoy ng impiyerno, Trinidad, imortalidad ng kaluluwa, at ebolusyon. Sa gayon ay ninanakawan nila si Jehova ng kapurihang nararapat sa kaniya, gaya ng ginawa ng mga saserdote noong panahon ni Malakias.
11. Paano ipinakikita ng mga relihiyon ng sanlibutan kung sino talaga ang pinaglilingkuran nila?
11 Noong 1914, nang magsimula ang mga huling araw, ipinakita ng mga relihiyon ng sanlibutang ito, na pinangungunahan ng mga nag-aangking Kristiyano, kung sino talaga ang pinaglilingkuran nila. Noong panahon ng dalawang digmaang pandaigdig, hinimok nila ang kanilang mga miyembro na makisali sa digmaan dahil sa pambansang 1 Juan 3:10-12.
mga hidwaan, kahit na mangahulugan iyon ng pagpatay sa mismong mga karelihiyon nila. Malinaw na ipinakikilala ng Salita ng Diyos kung sino ang mga sumusunod kay Jehova at kung sino ang mga hindi sumusunod sa kaniya: “Ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng Diyablo ay makikilala dahil sa bagay na ito: Ang bawat isa na hindi nagpapatuloy sa paggawa ng katuwiran ay hindi nagmumula sa Diyos, ni siya man na hindi umiibig sa kaniyang kapatid. Sapagkat ito ang mensahe na inyong narinig buhat pa nang pasimula, na dapat tayong magkaroon ng pag-ibig sa isa’t isa; hindi tulad ni Cain, na nagmula sa isa na balakyot at pumatay sa kaniyang kapatid.”—Pagtupad sa Hula
12, 13. Anong mga hula ang tinutupad ng mga lingkod ng Diyos sa ating panahon?
12 Nang magtapos ang Digmaang Pandaigdig I noong 1918, natalos ng mga lingkod ni Jehova na hinatulan na ng Diyos ang Sangkakristiyanuhan at ang lahat ng iba pang huwad na relihiyon. Mula noon, ang panawagan ay inilabas para sa mga may matuwid na puso: “Lumabas kayo sa kaniya, bayan ko, kung hindi ninyo nais na makibahagi sa kaniya sa mga kasalanan niya, at kung hindi ninyo nais na tumanggap ng bahagi ng kaniyang mga salot. Sapagkat ang kaniyang mga kasalanan ay nagkapatung-patong hanggang sa langit, at inalaala ng Diyos ang kaniyang walang-katarungang mga gawa.” (Apocalipsis 18:4, 5) Yaong mga nagnais na paglingkuran si Jehova ay inumpisahang linisin mula sa mga bakas ng huwad na relihiyon at sinimulan nilang ipangaral sa buong daigdig ang mabuting balita ng itinatag na Kaharian, isang gawain na kailangang tapusin bago magwakas ang balakyot na sistemang ito ng mga bagay.—Mateo 24:14.
13 Ito ay upang tuparin ang hula sa Malakias 4:5, na doon ay sinabi ni Jehova: “Narito! Isinusugo ko sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Jehova.” Ang hulang iyan ay nagkaroon ng unang katuparan sa gawain ni Juan na Tagapagbautismo, na siyang inilarawan ni Elias. Si Juan ay nagsagawa ng tulad-Elias na gawain nang kaniyang bautismuhan ang mga Judiong nagsisi sa kanilang mga kasalanan laban sa tipang Kautusan. Higit na mahalaga, si Juan ang siyang tagapaghanda ng daan para sa Mesiyas. Gayunman, ang gawain ni Juan ay isang maliit na katuparan lamang ng hula ni Malakias. Si Jesus, bagaman ipinakilala si Juan bilang ikalawang Elias, ay nagpahiwatig na magkakaroon ng gawaing katulad ng kay “Elias” sa hinaharap.—Mateo 17:11, 12.
14. Anong mahalagang gawain ang dapat isakatuparan bago magwakas ang sistemang ito?
14 Ipinakita ng hula ni Malakias na ang malaking gawaing ito ni Elias ay dapat isakatuparan bago “ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Jehova.” Ang araw na iyon ay magwawakas sa mabilis na dumarating na digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, sa Armagedon. Nangangahulugan ito na magaganap muna ang isang gawaing kahalintulad ng gawain ni Elias bago ang wakas ng balakyot na sistemang ito ng mga bagay at ang pasimula ng Milenyong Paghahari ng makalangit na Kaharian ng Diyos sa ilalim ng nakaluklok na si Jesu-Kristo. Kaayon ng hulang iyon, bago puksain ni Jehova ang balakyot na sistemang ito, ang makabagong-panahong uring Elias, na sinusuportahan ng milyun-milyong kapuwa Kristiyano na may makalupang pag-asa, ay buong-siglang nagsasagawa ng pagsasauli sa dalisay na pagsamba, dumadakila sa pangalan ng Diyos, at nagtuturo ng mga katotohanan sa Bibliya sa tulad-tupang mga tao.
Pinagpapala ni Jehova ang Kaniyang mga Lingkod
15. Paano inaalaala ni Jehova ang kaniyang mga lingkod?
15 Pinagpapala ni Jehova yaong mga naglilingkod sa kaniya. Sinasabi ng Malakias 3:16: “Nang panahong iyon ay nagsalita sa isa’t isa yaong mga natatakot kay Jehova, bawat isa ay sa kaniyang kasamahan, at si Jehova ay patuloy na nagbigay-pansin at nakinig. At isang aklat ng alaala ang pinasimulang isulat sa harap niya para sa mga natatakot kay Jehova at para sa mga palaisip sa kaniyang pangalan.” Mula kay Abel at patuloy, para bang isinusulat na ni Jehova sa isang aklat ang mga pangalan ng mga taong aalalahanin niya upang pagkalooban ng buhay na walang hanggan. Sa mga ito ay sinasabi ni Jehova: “Dalhin ninyo sa kamalig ang lahat ng ikasampung bahagi, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay; at subukin ninyo ako sa bagay na ito, pakisuyo, . . . kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga pintuan ng tubig sa langit at ibubuhos sa inyo ang isang pagpapala hanggang sa wala nang kakulangan.”—Malakias 3:10.
16, 17. Paano pinagpapala ni Jehova ang kaniyang bayan at ang kanilang gawain?
16 Tunay ngang pinagpapala ni Jehova ang mga naglilingkod sa kaniya. Paano? Ang isang paraan ay sa pagkakaloob ng higit na kaunawaan hinggil sa kaniyang mga layunin. (Kawikaan 4:18; Daniel 12:10) Ang isa pa ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kamangha-manghang bunga sa kanilang gawaing pangangaral. Maraming tapat-pusong tao ang sumasama sa kanila sa tunay na pagsamba, at ang lahat ng ito ay bumubuo sa “isang malaking pulutong . . . mula sa lahat ng mga bansa at mga tribo at mga bayan at mga wika, . . . at patuloy silang sumisigaw sa malakas na tinig, na sinasabi: ‘Ang kaligtasan ay utang namin sa ating Diyos, na nakaupo sa trono, at sa Kordero.’ ” (Apocalipsis 7:9, 10) Ang malaking pulutong na ito ay nahayag sa isang kamangha-manghang paraan, at ang bilang ng mga aktibong naglilingkod kay Jehova ngayon ay lumampas na sa anim na milyon sa mahigit na 93,000 kongregasyon sa buong lupa!
17 Nakikita rin ang pagpapala ni Jehova dahil nailalathala ng mga Saksi ni Jehova ang pinakamalawak na ipinamamahaging salig-Bibliyang mga publikasyon sa buong kasaysayan. Sa kasalukuyan, 90 milyong kopya ng mga magasing Bantayan at Gumising! ang inililimbag bawat buwan, Ang Bantayan sa 144 na wika, at ang Gumising! naman sa 87 wika. Umabot sa mahigit na 107 milyong kopya sa 117 wika ang naipamahaging aklat sa pag-aaral ng Bibliya na Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan, na inilathala sa edisyong Ingles noong 1968. Ang Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, na inilabas sa edisyong Ingles noong 1982, ay umabot sa mahigit na 81 milyon sa 131 wika. Ang aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan, na inilabas noong 1995, ay nailimbag na ngayon sa mahigit na 85 milyon sa 154 na wika. Ang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?, na inilathala noong 1996, ay naipamahagi na ngayon sa bilang na 150 milyong kopya sa 244 na wika.
18. Bakit tayo nagtatamasa ng espirituwal na kasaganaan sa kabila ng pagsalansang?
18 Ang espirituwal na kasaganaang ito ay tinatamasa Isaias 54:17: “ ‘Anumang sandata na aanyuan laban sa iyo ay hindi magtatagumpay, at alinmang dila na gagalaw laban sa iyo sa paghatol ay hahatulan mo. Ito ang minanang pag-aari ng mga lingkod ni Jehova, at ang kanilang katuwiran ay mula sa akin,’ ang sabi ni Jehova.” Kaylaking kaaliwan para sa mga lingkod ni Jehova na malaman na ang Malakias 3:17 ay may malaking katuparan sa kanila: “ ‘Sila ay tiyak na magiging akin,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘sa araw na ako ay maglalabas ng isang pantanging pag-aari.’ ”
sa kabila ng pinakamatindi at pinakamatagal na pagsalansang mula sa sanlibutan ni Satanas. Ipinakikita nito ang katotohanan ngMay-Kagalakang Naglilingkod kay Jehova
19. Paano naiiba ang mga naglilingkod kay Jehova sa mga hindi naglilingkod sa kaniya?
19 Ang pagkakaiba ng mga tapat na lingkod ni Jehova at ng mga nasa sanlibutan ni Satanas ay lalong nahahalata sa paglipas ng panahon. Ganito ang inihula ng Malakias 3:18: “Tiyak na makikita ninyong muli ang pagkakaiba sa pagitan ng matuwid at ng balakyot, sa pagitan ng isa na naglilingkod sa Diyos at ng isa na hindi naglilingkod sa kaniya.” Ang isa sa maraming pagkakaiba ay na naglilingkuran nang may matinding kagalakan ang mga naglilingkod kay Jehova. Ang isa sa mga dahilan nito ay ang kamangha-manghang pag-asa na taglay nila. Sila ay may lubos na pagtitiwala kay Jehova nang sabihin niya: “Narito, lumalalang ako ng mga bagong langit at ng isang bagong lupa; at ang mga dating bagay ay hindi aalalahanin, ni mapapasapuso man ang mga iyon. Ngunit magbunyi kayo at magalak magpakailanman sa aking nilalalang.”—Isaias 65:17, 18; Awit 37:10, 11, 29; Apocalipsis 21:4, 5.
20. Bakit isang maligayang bayan tayo?
20 Naniniwala tayo sa pangako ni Jehova na ang kaniyang tapat na bayan ay makaliligtas sa kaniyang dakilang araw at aakayin patungo sa bagong sanlibutan. (Zefanias 2:3; Apocalipsis 7:13, 14) At bagaman ang ilan ay maaaring mamatay dahil sa katandaan, sakit, o aksidente bago mangyari iyon, ipinangangako ni Jehova na kaniyang bubuhayin sila taglay ang pag-asang buhay na walang hanggan sa hinaharap. (Juan 5:28, 29; Tito 1:2) Kaya, bagaman tayong lahat ay may mga problema at mga hamon, habang papalapit tayo sa araw na ito ni Jehova, taglay natin ang lahat ng dahilan upang maging ang pinakamaligayang bayan sa ibabaw ng lupa.
Paano Ka Sasagot?
• Ano ang “araw ni Jehova”?
• Paano tinutularan ng mga relihiyon ng sanlibutan ang sinaunang Israel?
• Anong mga hula ang tinutupad ng mga lingkod ni Jehova?
• Paano pinagpapala ni Jehova ang kaniyang bayan?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 21]
Ang unang-siglong Jerusalem ay ‘nagningas na parang hurno’
[Mga larawan sa pahina 23]
Pinaglalaanan ni Jehova ang mga naglilingkod sa kaniya
[Mga larawan sa pahina 24]
Dahil sa kanilang kamangha-manghang pag-asa, ang mga lingkod ni Jehova ay tunay na nagagalak