“Wala Akong Babaguhing Anuman!”
“Wala Akong Babaguhing Anuman!”
AYON SA SALAYSAY NI GLADYS ALLEN
Kung minsan ay tinatanong ako, “Kung maibabalik mo ang iyong buhay noon, ano ang babaguhin mo?” Totohanan kong masasagot, “Wala akong babaguhing anuman!” Hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo kung bakit ganito ang nadarama ko.
NOONG tag-araw ng 1929, nang ako’y dalawang taóng gulang, may kamangha-manghang nangyari sa aking tatay, si Matthew Allen. Kumuha siya ng buklet na Millions Now Living Will Never Die!, na inilathala ng International Bible Students, gaya ng tawag noon sa mga Saksi ni Jehova. Pagkatapos na mabasa nang may buong pananabik ang ilang pahina pa lamang, bumulalas si Itay, “Ito ang pinakamagandang bagay na nabasa ko!”
Di-nagtagal pagkatapos noon, kumuha si Itay ng iba pang mga publikasyon ng mga Estudyante ng Bibliya. Kaagad niyang ibinahagi sa lahat ng kapitbahay ang natututuhan niya. Subalit walang kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa aming pamayanan sa probinsiya. Sa pagkaalam na kailangang regular na makisama sa mga Kristiyano, inilipat ni Itay ang aming pamilya sa Orangeville, Ontario, Canada, noong 1935 sapagkat may kongregasyon doon.
Noong panahong iyon, ang mga bata ay hindi pinasisiglang dumalo sa mga pagpupulong ng kongregasyon; karaniwang nasa labas lamang sila ng dakong pinagpupulungan at naglalaro hanggang sa matapos ang mga adulto sa pagdalo sa mga pulong. Hindi ito nagustuhan ni Itay. Nangatuwiran siya, “Kung ang mga pagpupulong ay mabuti para sa akin, mabuti rin ito para sa aking mga anak.” Kaya bagaman bago pa lamang kaugnay sa kongregasyong iyon, itinuro ni Itay sa akin at sa mga kapatid kong sina Bob, Ella at Ruby na sumama sa mga adulto sa mga pagpupulong, at gayon nga ang ginawa namin. Di-nagtagal ay dumalo rin ang mga anak ng iba pang mga Saksi. Naging
napakahalagang bahagi ng aming buhay ang pagdalo at pagkokomento sa pulong.Mahal ni Itay ang Bibliya, at kalugud-lugod ang paraan niya ng pagsasadula ng mga kuwento sa Bibliya. Sa pamamagitan ng mga ito, naikintal niya sa aming mga murang isip ang mahahalagang aral na magiliw ko pang naaalaala. Ang isa na natatandaan ko ay na pinagpapala ni Jehova ang mga masunurin sa kaniya.
Tinuruan din kami ni Itay na gamitin ang Bibliya upang ipagtanggol ang aming pananampalataya. Ginawa namin itong isang laro. Maaaring sabihin ni Itay, “Naniniwala ako na kapag namatay ako, magtutungo ako sa langit. Ngayon, patunayan ninyo sa akin na hindi ako magtutungo sa langit.” Hahanapin namin ni Ruby sa konkordansiya ang mga kasulatan na aming magagamit upang pabulaanan ang turong iyon. Pagkatapos naming basahin ang mga kasulatang aming nasumpungan, sasabihin ni Itay, “Mahusay iyan, subalit hindi pa rin ako kumbinsido.” Kaya maghahanap kami uli ng mga teksto sa konkordansiya. Kadalasang ito’y tumatagal nang ilang oras hanggang sa masiyahan si Itay sa mga sagot na ibinibigay namin sa kaniya. Bunga nito, kami ni Ruby ay nasangkapang lubos upang ipaliwanag ang aming mga paniniwala at ipagtanggol ang aming pananampalataya.
Pagdaig sa Pagkatakot sa Tao
Sa kabila ng mahusay na pagsasanay na tinanggap ko sa tahanan at sa mga pagpupulong sa kongregasyon, inaamin ko na mahirap para sa akin ang ilang aspekto ng pagiging isang Kristiyano. Katulad ng maraming kabataan, ayaw kong mapaiba, lalo na sa aking mga kaklase. Ang isang maagang pagsubok sa aking pananampalataya ay may kaugnayan sa tinatawag namin na mga information march.
Ang ideya ay isang grupo ng mga kapatid na lalaki at babae ang marahang maglalakad sa pangunahing mga lansangan sa bayan na may dalang mga plakard na may nakasulat na mga sawikain. Magkakakilala ang lahat sa aming bayan na may mga 3,000 katao. Noong ginawa namin ang isang information march, nasa dulo ako ng linya habang naglalakad na may dalang isang plakard na kababasahan ng “Religion Is a Snare and a Racket” (Ang Relihiyon ay Isang Silo at Isang Raket). Nakita ako ng ilan sa aking mga kaeskuwela, at agad silang sumunod sa akin, na inaawit ang “God Save the King.” Paano ko hinarap ito? Marubdob akong nanalangin para humingi ng lakas upang makapagpatuloy. Nang matapos sa wakas ang martsa, nagmadali ako patungo sa Kingdom Hall upang isauli ang aking plakard at umuwi. Gayunman, sinabi sa akin ng nangangasiwa na isa pang martsa ang magsisimula na at kailangan nila ng isa pang tao upang magdala ng isang plakard. Kaya lumabas akong muli, na nananalangin nang mas marubdob higit kailanman. Subalit sa pagkakataong ito, ang aking mga kaklase ay napagod na at nag-uwian na. Ang aking mga panalangin para sa lakas ay naging mga panalangin ng pasasalamat!—Kawikaan 3:5.
Ang mga buong-panahong lingkod ay laging tinatanggap sa aming tahanan. Sila’y isang maligayang grupo at nakatutuwa silang istimahin. Natatandaan ko pa, laging binabanggit ng mga magulang namin sa amin na mga anak ang buong-panahong ministeryo bilang ang pinakamainam na makukuhang karera.
Bilang pagtugon sa kanilang pampatibay-loob, sinimulan ko ang aking karera sa buong-panahong ministeryo noong 1945. Nang maglaon ay sumama ako sa aking kapatid na si Ella, na nagpapayunir sa London, Ontario. Doon, natutuhan ko ang isang bahagi ng paglilingkod na iniisip kong hinding-hindi ko magagawa. Ang mga kapatid na lalaki ay lumalapit sa bawat mesa sa lokal na mga bar at nag-aalok sa mga parokyano ng mga sipi ng Ang
Bantayan at Consolation (Gumising! ngayon). Mabuti na lang, ang gawain ay isinasagawa kung Sabado ng hapon, kaya mayroon akong buong sanlinggo upang manalangin para sa lakas ng loob na magtungo roon! Hindi, hindi madali para sa akin ang gawain, subalit ito’y kasiya-siya.Sa kabilang dako, natuto rin akong maghatid ng pantanging mga labas ng Consolation na tumatalakay sa pag-uusig sa ating mga kapatid sa mga kampong piitan ng Nazi, anupat nakipag-ugnayan ako sa kilalang mga negosyante sa Canada, kabilang na ang mga presidente ng malalaking korporasyon. Sa nakalipas na mga taon, nasumpungan ko na si Jehova ay laging umaalalay sa amin hangga’t nananalig kami sa kaniya para sa lakas. Gaya ng madalas sabihin ni Itay, pinagpapala ni Jehova ang mga masunurin sa Kaniya.
Pagtugon sa Panawagang Maglingkod sa Quebec
Noong Hulyo 4, 1940, ang gawain ng mga Saksi ni Jehova ay ipinagbawal sa Canada. Nang maglaon, inalis ang pagbabawal, subalit pinag-uusig pa rin kami sa Romano Katolikong lalawigan ng Quebec. Isang pantanging kampanya na gumagamit ng tract na may matatalim na pananalita na Quebec’s Burning Hate for God and Christ and Freedom Is the Shame of All Canada ang isinagawa upang itawag-pansin ang hindi mabuting pagtrato sa ating mga kapatid doon. Nakipagkita si Nathan H. Knorr, isang miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, sa daan-daang payunir sa lunsod ng Montreal upang ipaliwanag ang mga implikasyon ng aming isasagawa. Sinabi sa amin ni Brother Knorr na kung sasang-ayon kami na makibahagi sa kampanya, maaasahan namin na kami ay aarestuhin at ibibilanggo. Gayon nga ang nangyari! Sa isang yugto ng panahon, 15 beses akong naaresto. Kapag kami ay naglilingkod sa larangan, tinitiyak namin na dala namin ang aming sipilyo at suklay sakaling kailangan naming matulog sa piitan.
Noong una ay isinagawa namin ang karamihan ng gawain sa gabi upang hangga’t maaari ay hindi kami gaanong makatawag ng pansin. Dati akong nagdadala ng ekstrang suplay ng mga tract sa isang bag na isinasabit ko sa aking leeg sa ilalim ng aking coat. Ang bag na punô ng mga tract ay maumbok, anupat para akong buntis. May bentaha ito sa akin kapag sumasakay ako sa siksikang trambiya papunta sa teritoryo. Madalas mangyari na isang maginoong lalaki ang tumatayo at nagbibigay ng kaniyang upuan sa babaing “buntis.”
Sa paglipas ng panahon, nagsimula kami sa gawaing pamamahagi kung araw. Nag-iiwan kami ng mga tract sa tatlo o apat na pinto, at pagkatapos ay lumilipat kami sa ibang teritoryo. Karaniwan na, nagiging matagumpay ito. Gayunman, kapag nalaman ng kura paroko na naroon kami, tiyak na magkakaproblema kami. Minsan, sinulsulan ng isang pari ang pangkat ng 50 o 60 mang-uumog na mga adulto at mga bata na batuhin kami ng mga kamatis at mga itlog. Nanganlong kami sa tahanan ng isang Kristiyanong kapatid na babae, kung saan kami natulog sa sahig upang magpalipas ng gabi.
May malaking pangangailangan para sa mga payunir upang mangaral sa mga taong nagsasalita ng Pranses sa Quebec, kaya noong Disyembre 1958, kami ng kapatid kong si Ruby ay nagsimulang mag-aral ng wikang Pranses. Pagkatapos, kami ay naatasan sa maraming lugar sa lalawigan na nagsasalita ng Pranses. Ang bawat atas ay isang natatanging karanasan. Sa isang lugar, nagbahay-bahay kami nang walong oras araw-araw sa loob ng dalawang taon nang walang sinumang nakakausap! Ang mga tao ay basta nagtutungo at sumisilip sa pinto at saka ibinababa ang mga venetian blind. Subalit hindi kami sumuko. Sa ngayon, may dalawang maunlad na kongregasyon sa bayang iyon.
Pinalakas ni Jehova sa Lahat ng Paraan
Ang gawain ng special pioneer ay nabuksan sa amin noong 1965. Sa isang atas bilang special pioneer, lubusan naming naunawaan ang pananalita ni Pablo na nakatala sa 1 Timoteo 6:8: “Sa pagkakaroon ng pagkain at pananamit, magiging kontento na tayo sa mga bagay na ito.” Kailangan naming magtipid ng husto upang may magastos kami. Kaya ibinukod namin ang pera para sa bayad sa heater, upa sa bahay, kuryente, at pagkain. Kapag nabayaran na ang mga iyan, 25 sentimos ang natitira upang gastusin namin sa isang buwan.
Dahil sa limitadong pera, napapainit namin ang aming tahanan sa loob lamang ng ilang oras sa gabi dahil sa iyon lang ang kaya naming bayaran. Kaya ang temperatura sa aming silid-tulugan ay hindi kailanman tumaas nang 15 digri Celsius at kadalasan ay mas malamig pa. Buweno, isang araw Awit 37:25: “Hindi ko pa nakita ang matuwid na lubusang pinabayaan, ni ang kaniyang supling na naghahanap ng tinapay”!
ay dinalaw kami ng anak ng isa sa mga estudyante ni Ruby sa Bibliya. Malamang na umuwi siya at sinabi sa kaniyang ina na kami’y ginaw na ginaw na, sapagkat pagkatapos niyaon ay pinadadalhan na niya kami ng sampung dolyar buwan-buwan na pambili ng langis upang mapanatili naming laging bukas ang heater. Hindi kami nakadama na kami’y pinagkakaitan sa anumang paraan. Hindi kami mayaman, subalit laging napaglalaanan ang aming mga pangangailangan. Naisip namin na ang anumang natira ay isang pagpapala. Anong pagkatotoo nga ng mga salita saSa kabila ng nakaharap naming pagsalansang, nalulugod akong makita na marami sa mga taong pinagdausan ko ng mga pag-aaral sa Bibliya ay nagkaroon ng kaalaman sa katotohanan. Itinaguyod ng ilan ang buong-panahong ministeryo bilang karera, na nagdulot sa akin ng pantanging kagalakan.
Matagumpay na Pagharap sa Bagong mga Hamon
Naging bagong atas namin ang Cornwall, Ontario, noong 1970. Mga isang taon pagkatapos naming dumating sa Cornwall, nagkasakit si Inay. Namatay si Itay noong 1957, at kaming tatlong magkakapatid na babae ay naghalinhinan sa pag-aalaga kay Inay hanggang mamatay siya noong 1972. Ang aming mga kaparehang special pioneer, sina Ella Lisitza at Ann Kowalenko ay nakapagpapatibay na impluwensiya at maibiging alalay sa panahong ito. Inasikaso nila ang mga pinagdarausan namin ng pag-aaral sa Bibliya at ang iba pang mga pananagutan sa panahon na wala kami. Anong pagkatotoo nga ng mga salita sa Kawikaan 18:24: “May kaibigang mas malapít pa kaysa sa isang kapatid”!
Ang buhay ay tunay na punô ng mga hamon. Sa pamamagitan ng maibiging tulong ni Jehova, naharap ko ang mga ito. May kagalakan ko pa ring itinataguyod ang isang buhay ng buong-panahong paglilingkod. Si Bob, na namatay noong 1993, ay gumugol ng mahigit na 20 taon sa gawaing pagpapayunir, kabilang dito ang 10 mahahalagang taon ng pagpapayunir na kasama ng kaniyang asawa, si Doll. Ang aking ate na si Ella, na namatay noong Oktubre 1998, ay nagpayunir sa loob ng mahigit na 30 taon at laging pinanatili niya ang espiritu ng pagpapayunir. Noong 1991 ang isa ko pang kapatid, si Ruby, ay nasuri na may kanser. Gayunman, ginamit niya ang kaniyang limitadong lakas upang ipangaral ang mabuting balita. Mapagpatawa rin siya hanggang noong umagang mamatay siya, Setyembre 26, 1999. Bagaman wala na ang aking mga kapatid na babae, mayroon akong
espirituwal na pamilya ng mga kapatid na lalaki at babae na tumutulong sa akin na mapanatili ang aking pagiging mapagpatawa.Kapag ginugunita ko ang aking buhay, ano ba ang babaguhin ko? Hindi ako kailanman nag-asawa, subalit ako’y pinagpala sa pagkakaroon ng maibiging mga magulang, isang kapatid na lalaki, at mga kapatid na babae na inuna ang katotohanan sa kanilang buhay. Inaasam kong makita silang lahat sa lalong madaling panahon sa pagkabuhay-muli. Nakikini-kinita ko nang niyayapos ako ni itay at nakikita ko ang mga luha ni inay habang kami’y magkayakap. Sina Ella, Ruby, at Bob ay lulukso sa kagalakan.
Samantala, determinado akong patuloy na gamitin ang aking natitirang kalusugan at lakas upang purihin at parangalan si Jehova. Ang buong-panahong paglilingkuran bilang payunir ay isang kamangha-mangha at kasiya-siyang buhay. Katulad ito ng sinabi ng salmista sa mga lumalakad sa mga daan ni Jehova: “Magiging maligaya ka at ikaw ay mapapabuti.”—Awit 128:1, 2.
[Mga larawan sa pahina 26]
Mahal ni Itay ang Bibliya. Tinuruan niya kami na gamitin ito upang ipagtanggol ang aming pananampalataya
[Larawan sa pahina 28]
Kaliwa pakanan: Si Ruby, ako, si Bob, si Ella, si Inay, at si Itay noong 1947
[Larawan sa pahina 28]
Harap na hanay, kaliwa pakanan: Ako, si Ruby, at si Ella sa isang Pandistritong Kombensiyon, 1998