Malasin ang mga Bagay-bagay Ayon sa Pangmalas ng Diyos
Malasin ang mga Bagay-bagay Ayon sa Pangmalas ng Diyos
MAINIT at maaraw sa New York, E.U.A. noong Setyembre 14, 2002. Nang araw na iyon, nagtipon mula sa iba’t ibang bansa ang isang pulutong, na may bilang na 6,521, sa Patterson Educational Center at sa dalawang iba pang pasilidad ng mga Saksi ni Jehova sa rehiyong iyon. Ang pulutong ay nagtipon upang saksihan ang pagtatapos ng ika-113 klase ng Watchtower Bible School of Gilead. Ang mga estudyante ay mula sa 14 na lupain at ginugol nila ang nakalipas na limang buwan sa paghahanda para sa paglilingkod bilang misyonero sa 19 na bansa kung saan sila inatasan.
Si Carey Barber, na patuntong sa edad 98 at miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, ang naglingkod bilang tsirman ng programa. Itinampok niya ang halos 60-taóng pamana ng Paaralang Gilead, na naghanda sa libu-libong kapatid upang humayo sa larangan ng pagmimisyonero. Ganito ang komento ni Brother Barber: “Hindi kalabisang sabihin na napakalaki ng naging bunga ng higit na pagsasanay sa kanila. Literal na daan-daang libong maaamo sa buong lupa ang nag-alay ng kanilang buhay kay Jehova at nagsagawa ng tunay na pagsamba at sagradong paglilingkod dahil sa tulong na ibinigay sa kanila ng sinanay na mga misyonero.”
Bago pa man mag-aral sa Gilead, marami sa mga estudyante ang nagpamalas ng pagnanais na palawakin ang kanilang ministeryo. Isang mag-asawa ang gumugol ng mahigit isang taon sa pag-aaral ng wikang Mandarin upang maabot ang malaking populasyon ng mga etnikong Tsino sa kanilang lugar sa Canada. Isa pang mag-asawa ang nagsimulang mag-aral ng wikang Albaniano sa sariling sikap at nang maglaon ay lumipat sa Albania upang matugunan ang lumalagong interes sa Bibliya roon. Ang iba pang kabilang sa klaseng ito na nag-aral sa Gilead ay nagmula sa Hungary, Guatemala, at Dominican Republic, na mga lupaing kanilang nilipatan upang makapaglingkod kung saan may malaking pangangailangan sa mga guro ng Salita ng Diyos.
Ngayon, bago sila lumisan patungo sa kanilang mga atas sa Aprika, Silangang Europa, Sentral at Timog Amerika, at sa Malayong Silangan, ang lahat ng mga nagsipagtapos na estudyante ay pinatibay-loob na isaalang-alang ang Diyos sa lahat ng kanilang ginagawa.
Malasin ang mga Bagay-bagay Ayon sa Pananaw ng Diyos
Pagkatapos ng kaniyang pambungad na pananalita, ipinakilala ni Brother Barber si Maxwell Lloyd, miyembro ng Komite ng Sangay sa Estados Unidos. Itinampok niya ang temang “Malasin ang Lahat ng Bagay-bagay Ayon sa Pangmalas ng Diyos.” Itinawag-pansin ni Brother Lloyd ang mga halimbawa ni David at ng Anak ng Diyos, si Jesus. (1 Samuel 24:6; 26:11; Lucas 22:42) Matapos paalalahanan ang mga estudyante na ang kanilang limang-buwang pag-aaral ng Bibliya ay nagsanay sa kanila upang malasin ang mga bagay-bagay ayon sa pangmalas ng Diyos, ang tagapagsalita ay nagtanong: “Kapag nagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya sa mga tao sa inyong bagong atas, tutulungan ba ninyo silang mangatuwiran sa mga bagay-bagay ayon sa pangmalas ng Diyos?” At may kinalaman sa pagpapayo sa iba, ipinaalaala niya sa mga estudyante: “Huwag ninyong sasabihin, ‘Sa tingin ko, sa palagay ko . . .’ Sa halip, tulungan silang maunawaan kung ano ang pangmalas ng Diyos. Sa paggawa nito, kayo ay magiging tunay na pagpapala sa mga makakasalamuha ninyo sa inyong atas.”
Genesis 26:23, 24; 28:15; Josue 1:5; Jeremias 1:7, 8) Sa ating panahon, magkakaroon tayo ng gayunding pagtitiwala kay Jehova kung mananatili tayong tapat. Ganito ang sabi ni Brother Lösch: “Nag-aalala ba kayo kung makasusumpong kayo ng mga taong tuturuan sa Bibliya? Tandaan, sinabi ni Jehova, ‘Ako ay sumasaiyo.’ Nag-aalala ba kayo hinggil sa pagkakaroon ng sapat na materyal na panustos? Sinabi ni Jehova: ‘Hindi kita sa anumang paraan iiwan ni sa anumang paraan ay pababayaan.’ ” (Hebreo 13:5) Nagtapos si Brother Lösch sa pamamagitan ng pagpapaalaala sa mga estudyante na nangako si Jesus na siya ay sasakaniyang tapat na mga tagasunod sa paggawa ng alagad.—Mateo 28:20.
Ang sumunod na may bahagi sa programa ay si Gerrit Lösch, miyembro ng Lupong Tagapamahala. Sa pagpapahayag sa temang “Ako ay Sumasaiyo,” itinawag-pansin niya ang maraming pagkakataon nang sabihin ni Jehova sa kaniyang tapat na mga lingkod, “Ako ay sumasaiyo.” (“Masusumpungan ba Ninyo ang Inyong Katiwasayan sa Maaapoy na Pagsubok?” ang siyang tema ng pahayag ng instruktor sa Gilead na si Lawrence Bowen. Sinabi niya na dahil sa mga isyung ibinangon sa Eden, ang lahat niyaong nagnanais na magbigay ng kanilang bukod-tanging debosyon kay Jehova ay napaharap sa mahihirap na kalagayan at, kung minsan, sa maaapoy na pagsubok. Pinatibay niya ang nagsipagtapos na mga estudyante na tularan ang halimbawa ni Jesus, na nakasumpong Hebreo 5:8, 9) Maihahalintulad si Jehova sa isang tagapagdalisay ng ginto, na gumagamit ng tamang init lamang sa ginto upang alisin ang mga dumi mula rito. Mangyari pa, ang pananampalatayang nasubok sa apoy ay makapagbibigay ng higit na katiwasayan kaysa sa dinalisay na ginto. Bakit? “Sapagkat makatatagal ang dinalisay na pananampalataya sa anumang panggigipit,” ang sabi ni Brother Bowen, “at tayo’y sinasangkapan nito na makapagbata hanggang ‘sa wakas.’ ”—Mateo 24:13.
ng tunay na katiwasayan sa pamamagitan ng lubos na pagtitiwala kay Jehova at pagtanggap sa maaapoy na pagsubok na pinahintulutan ni Jehova upang pasakdalin ang pagkamasunurin ng kaniyang Anak. (Isa pang instruktor sa Gilead, si Mark Noumair, ang nagtanong: “Magiging Kaibig-ibig ba Kayo?” Ang kaniyang tema ay nakasentro sa mga salita sa 1 Samuel 2:26, na naglalarawan kay Samuel bilang “kaibig-ibig kapuwa sa pangmalas ni Jehova at niyaong sa mga tao.” Matapos isaalang-alang ang halimbawa ni Samuel, si Brother Noumair, na gumugol ng mahigit na isang dekada sa paglilingkod bilang misyonero sa Aprika, ay nagsabi: “Kayo man ay maaaring maging lubhang kaibig-ibig sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pananatiling tapat sa gawaing ipinagkaloob ng Diyos sa inyo. Pinagkalooban niya kayo ng isang mahalagang atas bilang misyonero.” Pagkatapos ay pinasigla ni Brother Noumair ang nagtapos na klase na ituring ang kanilang mga atas bilang isang sagradong bagay na ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos at taglayin ang kaisipan ng Diyos habang isinasagawa ang kanilang mga atas.
Sa panahon ng kanilang pag-aaral, tuwing dulo ng sanlinggo ay nagkaroon ang mga estudyante ng maraming pagkakataong ibahagi sa mga tao sa lugar na iyon ang “mariringal na mga bagay ng Diyos” na nakaulat sa Bibliya. (Gawa 2:11) Sa katunayan, naipakipag-usap nila ang tungkol sa mga bagay na ito sa sampung iba’t ibang wika. Kinapanayam ni Wallace Liverance, isa pang instruktor sa Gilead, ang isang grupo ng mga estudyante na naglahad ng kanilang mga karanasan sa ilalim ng temang “Pinakikilos ng ‘Mariringal na mga Bagay ng Diyos’ ang mga Tao.” Ganito ang kaniyang sinabi: “Yaong mga nasa silid sa itaas noong Pentecostes ay pinakilos ng espiritu na magsalita tungkol sa ‘mariringal na mga bagay ng Diyos.’ Ang espiritu ring iyan ang kumikilos ngayon sa lahat ng tapat na mga lingkod ng Diyos.” Ang ilan ay naudyukan pa ngang mag-aral ng bagong mga wika upang makapagpatotoo sa mas maraming tao.
Praktikal na Payo Kung Paano Mamalasin ang mga Bagay-bagay Ayon sa Pangmalas ng Diyos
Pagkatapos ng panimulang mga pahayag, kinapanayam nina Gary Breaux at William Young, mga miyembro ng pamilyang Bethel sa Estados Unidos, ang mga miyembro ng iba’t ibang komite ng sangay sa mga lupain na doo’y may mga misyonero na kasalukuyang naglilingkod, gayundin ang isang mag-asawa na gumugol ng 41 taon sa paglilingkod bilang misyonero. Ganito ang isa sa mga komento: “Yaong mga hindi mapaghanap ang siyang nananatili nang mas matagal. Itinutuon nila ang kanilang pansin sa dahilan ng kanilang pagpunta roon. Alam nilang sila’y naroon upang ipangaral ang mabuting balita at upang tulungan ang mga tao na makilala si Jehova.”
Si David Splane, isa pang miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang tumapos sa programa sa pamamagitan ng pahayag na may temang “Hindi Naman Kayo Lalayo!” Ano ang ibig niyang sabihin, gayong ang 46 na nagsipagtapos ay ipadadala na sa mga lupain sa palibot ng globo? Ganito ang kaniyang paliwanag: “Saanmang bahagi ng daigdig kayo naroroon, lagi kayong nasa bahay ng Diyos hangga’t nananatili kayong tapat.” Oo, lahat ng tapat na mga Kristiyano, saanman sila nakatira, ay naglilingkod sa isang bahagi ng dakilang espirituwal na templo, o bahay, ng Diyos na nagsimulang umiral sa panahon ng bautismo ni Jesus noong unang siglo. (Hebreo 9:9) Tunay ngang nakaaaliw para sa mga nagsidalo na malamang si Jehova ay malapít sa lahat ng kaniyang tapat na mga lingkod sa lupa! Kung paanong interesado si Jehova kay Jesus nang siya’y nasa lupa, Siya rin ay interesado sa ating lahat at sa ating paglilingkod sa Kaniya, saanman tayo naroroon. Kaya kung may kinalaman sa ating pagsamba, hindi tayo kailanman malayo sa isa’t isa, kay Jehova at kay Jesus.
Matapos tanggapin ang mga pagbati mula sa iba’t ibang bansa, ipatalastas ang mga atas ng mga estudyante, at basahin ang liham ng klase na nagpapahayag ng pasasalamat sa pagsasanay na kanilang tinanggap sa Gilead, matagumpay na tinapos ng tsirman ang programa. Pinasigla niya ang mga bagong misyonero na ipagpatuloy ang kanilang mainam na gawa at magalak sa paglilingkod kay Jehova.—Filipos 3:1.
[Kahon sa pahina 23]
ESTADISTIKA NG KLASE
Bilang ng mga bansang may kinatawan: 14
Bilang ng mga bansang magiging atas: 19
Kabuuang bilang ng mga estudyante: 46
Katamtamang edad: 35.0
Katamtamang taon sa katotohanan: 17.2
Katamtamang taon sa buong-panahong ministeryo: 13.7
[Larawan sa pahina 24]
Ang Ika-113 Klase na Nagtapos sa Watchtower Bible School of Gilead
Sa talaan sa ibaba, ang mga hanay ay nilagyan ng bilang mula sa unahan patungo sa likuran, at itinala ang mga pangalan mula sa kaliwa pakanan sa bawat hanay.
(1) Ligthart, M.; Hosoi, S.; Berktold, A.; Liem, C.; Aoki, J. (2) Baglyas, J.; Bouqué, S.; Bossi, A.; Alton, J.; Escobar, I.; Escobar, F. (3) Stoica, A.; Stoica, D.; Freimuth, S.; Karlsson, M.; LeBlanc, R. (4) Bianchi, R.; Bianchi, S.; Kaminski, L.; Joseph, L.; Paris, S.; LeBlanc, L. (5) Paris, M.; Skidmore, B.; Horton, J.; Horton, L.; Skidmore, G. (6) Liem, B.; Alton, G.; Quirici, E.; Langlois, M.; Steininger, S.; Aoki, H. (7) Langlois, J.; Steininger, M.; Bossi, F.; Kaminski, J.; Bouqué, J.; Ligthart, E.; Hosoi, K. (8) Baglyas, J.; Quirici, M.; Karlsson, L.; Freimuth, C.; Berktold, W.; Joseph, R.