‘Patuloy Kayong Mamunga Nang Marami’
‘Patuloy Kayong Mamunga Nang Marami’
‘Patuloy kayong mamunga nang marami at patunayan ninyong kayo ay aking mga alagad.’—JUAN 15:8.
1. (a) Anong kahilingan sa pagiging alagad ang binanggit ni Jesus sa kaniyang mga apostol? (b) Ano ang kailangan nating itanong sa ating sarili?
IYON ang gabi bago siya mamatay. Gumugol na si Jesus ng sapat na panahon upang patibayin ang kaniyang mga apostol sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanila nang dibdiban. Marahil ay lampas na ang hatinggabi noon, ngunit palibhasa’y napakilos ng pag-ibig sa kaniyang matatalik na kaibigan, nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita. Pagkatapos, sa gitna ng pag-uusap na iyon, ipinaalaala niya sa kanila ang isa pang kahilingan na kailangan nilang abutin upang manatiling kaniyang mga alagad. Sinabi niya: “Ang aking Ama ay naluluwalhati rito, na patuloy kayong namumunga ng marami at pinatutunayan ninyong kayo ay aking mga alagad.” (Juan 15:8) Naaabot ba natin sa ngayon ang kahilingang ito sa pagiging alagad? Ano ba ang ibig sabihin ng ‘mamunga nang marami’? Upang malaman natin ang kasagutan, balikan natin ang pag-uusap noong gabing iyon.
2. Anong ilustrasyon hinggil sa bunga ang inilahad ni Jesus noong gabi bago siya mamatay?
2 Ang payo na mamunga ay bahagi ng ilustrasyong inilahad ni Jesus sa kaniyang mga apostol. Sinabi niya: “Ako ang tunay na punong ubas, at ang aking Ama ang tagapagsaka. Ang bawat sanga sa akin na hindi namumunga ay inaalis niya, at ang bawat isa na namumunga ay nililinis niya, upang mamunga iyon nang higit pa. Kayo ay malinis na dahil Juan 15:1-10.
sa salita na sinalita ko sa inyo. Manatili kayong kaisa ko, at ako na kaisa ninyo. Kung paanong ang sanga ay hindi makapamumunga sa ganang sarili malibang manatili ito sa punong ubas, sa gayunding paraan ay hindi rin naman kayo makapamumunga, malibang manatili kayong kaisa ko. Ako ang punong ubas, kayo ang mga sanga. . . . Ang aking Ama ay naluluwalhati rito, na patuloy kayong namumunga ng marami at pinatutunayan ninyong kayo ay aking mga alagad. Kung paanong inibig ako ng Ama at inibig ko kayo, manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, kayo ay mananatili sa aking pag-ibig.”—3. Ano ang kailangang gawin ng mga tagasunod ni Jesus upang mamunga?
3 Sa ilustrasyong ito, si Jehova ang Tagapagsaka, si Jesus ang punong ubas, at ang mga apostol na kausap ni Jesus ang mga sanga. Hangga’t nagsisikap ang mga apostol na ‘manatiling kaisa’ ni Jesus, mamumunga sila. Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Jesus kung paano magtatagumpay ang mga apostol sa pagpapanatili ng mahalagang buklod na ito: “Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, kayo ay mananatili sa aking pag-ibig.” Nang maglaon, sumulat si apostol Juan ng nakakatulad na mga salita sa mga kapuwa Kristiyano: “Siya na tumutupad sa . . . mga utos [ni Kristo] ay nananatiling kaisa niya.” * (1 Juan 2:24; 3:24) Kaya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga utos ni Kristo, ang kaniyang mga tagasunod ay nananatiling kaisa niya, at ang buklod namang iyon ang nagpapangyari sa kanila na mamunga. Ano ang pagkakakilanlan ng bunga na kailangan nating iluwal?
Pagkakataong Sumulong
4. Ano ang matututuhan natin sa bagay na “inaalis” ni Jehova ang bawat sanga na hindi namumunga?
4 Sa ilustrasyon ng punong ubas, “inaalis,” o pinuputol, ni Jehova ang sanga kapag hindi na ito namumunga. Ano ang ipinababatid nito sa atin? Ipinababatid nito na hindi lamang hinihiling sa lahat ng alagad na mamunga kundi na ang lahat ay may kakayahang gawin ito, anuman ang kanilang kalagayan o limitasyon. Kung sa bagay, magiging salungat sa maibiging mga daan ni Jehova ang ‘alisin,’ o ituring na di-kuwalipikado, ang isang alagad ni Kristo dahil sa pagkabigong isakatuparan ang isang bagay na hindi niya kayang gawin.—Awit 103:14; Colosas 3:23; 1 Juan 5:3.
5. (a) Paano ipinahihiwatig ng ilustrasyon ni Jesus na maaari tayong sumulong sa pagiging mabunga? (b) Anong dalawang uri ng bunga ang isasaalang-alang natin?
5 Ipinakikita rin ng ilustrasyon ni Jesus hinggil sa punong ubas na dapat tayong maghanap ng pagkakataon upang sumulong sa ating gawain bilang alagad hangga’t magagawa natin. Pansinin kung paano ito sinabi ni Jesus: “Ang bawat sanga sa akin na hindi namumunga ay inaalis niya, at ang bawat isa na namumunga ay nililinis niya, upang mamunga iyon nang higit pa.” (Juan 15:2) Sa huling bahagi ng ilustrasyon, hinimok ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na mamunga ‘nang marami.’ (Talata 8) Ano ang ipinahihiwatig nito? Bilang mga alagad, hindi tayo dapat masiyahan na lamang sa ating nagagawa. (Apocalipsis 3:14, 15, 19) Sa halip, dapat tayong maghanap ng mga paraan upang sumulong sa pagluluwal ng bunga. Anu-anong uri ng bunga ang dapat nating pagsikapang iluwal nang sagana? Ito ay (1) ang “mga bunga ng espiritu” at (2) ang bunga ng Kaharian.—Galacia 5:22, 23; Mateo 24:14.
Ang mga Bunga ng mga Katangiang Kristiyano
6. Paano idiniin ni Jesu-Kristo ang kahalagahan ng unang-binanggit na bunga ng espiritu?
6 Ang unang nakatala sa “mga bunga ng espiritu” ay pag-ibig. Iniluluwal ng banal na espiritu ng Diyos sa mga Kristiyano ang pag-ibig, yamang sinusunod nila ang utos na ibinigay ni Jesus bago niya banggitin ang ilustrasyon hinggil sa namumungang punong ubas. Sinabi niya sa kaniyang mga apostol: “Binibigyan ko kayo ng isang bagong utos, na ibigin ninyo ang isa’t isa.” (Juan 13:34) Sa katunayan, sa kaniyang pakikipag-usap sa huling gabing iyon ng kaniyang buhay sa lupa, paulit-ulit na pinaalalahanan ni Jesus ang mga apostol hinggil sa pangangailangan na ipakita ang katangiang ito ng pag-ibig.—Juan 14:15, 21, 23, 24; 15:12, 13, 17.
7. Paano ipinakita ni apostol Pedro na ang pamumunga ay nauugnay sa pagpapakita ng tulad-Kristong mga katangian?
7 Naunawaan ni Pedro, na naroroon nang gabing iyon, na ang tulad-Kristong pag-ibig at mga kaugnay na katangian nito ay makikita sa mga tunay na alagad ni Kristo. Pagkalipas ng maraming taon, 2 Pedro 1:5-8) Anuman ang ating kalagayan, ang pagpapamalas ng mga bunga ng espiritu ay posible para sa atin. Kung gayon, magsikap nawa tayong magpakita ng pag-ibig, kabaitan, kahinahunan, at iba pang tulad-Kristong mga katangian nang lalo pang higit, sapagkat “laban sa gayong mga bagay ay walang kautusan,” o hangganan. (Galacia 5:23) Tunay nga, mamunga nawa tayo “nang higit pa.”
pinasigla ni Pedro ang mga Kristiyano na linangin ang gayong mga katangian gaya ng pagpipigil sa sarili, pagmamahal na pangkapatid, at pag-ibig. Idinagdag pa niya na ang paggawa ng gayon ay humahadlang sa atin sa “pagiging alinman sa di-aktibo o di-mabunga.” (Pagluluwal ng Bunga ng Kaharian
8. (a) Ano ang kaugnayan ng mga bunga ng espiritu sa bunga ng Kaharian? (b) Anong tanong ang dapat nating isaalang-alang?
8 Ang makukulay at makakatas na bunga ay nagpapaganda sa isang halaman. Gayunman, ang gayong mga bunga ay hindi lamang nakapagpapaganda. Mahalaga rin ang mga bunga sa pagpaparami ng halaman sa pamamagitan ng mga binhi nito. Sa katulad na paraan, ang mga bunga ng espiritu ay hindi lamang nagpapaganda sa ating Kristiyanong personalidad. Ang mga katangiang gaya ng pag-ibig at pananampalataya ay nag-uudyok din sa atin na palaganapin ang tulad-binhing mensahe ng Kaharian na masusumpungan sa Salita ng Diyos. Pansinin kung paano idiniin ni apostol Pablo ang mahalagang kaugnayan na ito. Sinabi niya: “Kami rin ay nananampalataya [bahagi ng bunga ng espiritu] kaya naman kami ay nagsasalita.” (2 Corinto 4:13) Ipinaliwanag ni Pablo na sa ganitong paraan, ‘naghahandog tayo sa Diyos ng hain ng papuri, samakatuwid nga, ang bunga ng mga labi’—ang ikalawang uri ng bunga na kailangan nating ipakita. (Hebreo 13:15) May mga pagkakataon ba sa ating buhay upang tayo’y maging higit na mabunga, sa katunayan ay ‘mamunga nang marami,’ bilang mga tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos?
9. Ang pagluluwal ba ng bunga ay katumbas ng paggawa ng mga alagad? Ipaliwanag.
9 Upang masagot natin ito nang tama, kailangan muna nating unawain kung ano ang bumubuo sa bunga ng Kaharian. Wasto bang sabihin na ang pamumunga ay nangangahulugan ng paggawa ng mga alagad? (Mateo 28:19) Ang bunga ba na iluluwal natin ay pangunahin nang tumutukoy sa mga indibiduwal na tinulungan nating maging mga bautisadong mananamba ni Jehova? Hindi. Kung gayon ang kalagayan, tunay na ito ay makasisira ng loob sa lahat ng minamahal na Saksi na tapat na naghahayag ng mensahe ng Kaharian sa loob ng maraming taon sa mga teritoryong walang gaanong tumutugon. Aba, kung ang bunga ng Kaharian na ating iniluluwal ay kumakatawan lamang sa mga bagong alagad, ang gayong masisipag na Saksi ay magiging tulad ng mga sangang hindi namumunga sa ilustrasyon ni Jesus! Siyempre pa, hindi gayon ang ibig sabihin nito. Samakatuwid, ano ang pangunahing bunga ng Kaharian ng ating ministeryo?
Pagiging Mabunga sa Pamamagitan ng Pagpapalaganap ng Binhi ng Kaharian
10. Paano ipinakikita ng ilustrasyon ni Jesus hinggil sa manghahasik at sa iba’t ibang uri ng lupa kung ano ang bunga ng Kaharian at kung ano ang hindi?
10 Binabanggit ng ilustrasyon ni Jesus hinggil sa manghahasik at sa iba’t ibang uri ng lupa ang sagot—isang nakapagpapasiglang sagot sa mga nagpapatotoo sa mga teritoryong hindi gaanong mabunga. Lucas 8:8) Anong bunga? Buweno, pagkatapos sumibol at lumaki ang isang tangkay ng trigo, nagluluwal ito ng bunga, hindi ng maliliit na tangkay ng trigo, kundi ng bagong binhi. Sa katulad na paraan, ang isang Kristiyano ay nagluluwal ng bunga, na hindi laging nangangahulugan ng bagong mga alagad, kundi ng bagong binhi ng Kaharian.
Sinabi ni Jesus na ang binhi ay ang mensahe ng Kaharian na masusumpungan sa Salita ng Diyos at ang lupa ay kumakatawan sa makasagisag na puso ng tao. Ang ilang binhi ay “nahulog sa mabuting lupa, at pagkasibol, ito ay nagluwal ng bunga.” (11. Paano maaaring bigyang-katuturan ang bunga ng Kaharian?
11 Samakatuwid, ang bunga rito ay hindi mga bagong alagad ni maiinam na Kristiyanong katangian. Yamang ang binhing inihasik ay ang salita ng Kaharian, tiyak na ang bunga ay ang pagpaparami ng binhing iyon. Ang pamumunga sa puntong ito ay tumutukoy sa paghahayag hinggil sa Kaharian. (Mateo 24:14) Posible ba ang pagluluwal ng gayong bunga ng Kaharian—ang paghahayag ng mabuting balita ng Kaharian—anuman ang kalagayan natin? Oo, posible ito! Sa ilustrasyon ding iyon, ipinaliwanag ni Jesus ang dahilan.
Pagbibigay ng Ating Pinakamagaling Para sa Ikaluluwalhati ng Diyos
12. Posible ba para sa lahat ng Kristiyano ang pagluluwal ng bunga ng Kaharian? Ipaliwanag.
12 Ang “isa na naihasik sa mainam na lupa,” ang sabi ni Jesus, ay “nagluluwal, ang isang ito ay isang daang ulit, ang isang iyon ay animnapu, ang isa pa ay tatlumpu.” (Mateo 13:23) Maaaring iba-iba ang bunga ng butil na inihasik sa bukid depende sa mga kalagayan. Gayundin naman, maaaring iba-iba ang nagagawa natin sa paghahayag ng mabuting balita depende sa ating mga kalagayan, at ipinakita ni Jesus na batid niya ito. Ang ilan ay maaaring may mas maraming pagkakataon; ang iba naman ay maaaring mas maganda ang kalusugan at mas malakas. Kaya maaaring mas higit o mas kaunti ang nagagawa natin kaysa sa nagagawa ng iba, ngunit hangga’t ito ang ating pinakamagaling, nalulugod dito si Jehova. (Galacia 6:4) Kahit na dahil sa katandaan o malubhang sakit ay nalilimitahan ang ating pakikibahagi sa gawaing pangangaral, walang alinlangan na minamalas tayo ng ating mahabaging Ama, si Jehova, bilang isa sa mga ‘patuloy na namumunga nang marami.’ Bakit? Sapagkat ibinigay natin sa kaniya ang ‘lahat ng taglay natin’—ang ating buong-kaluluwang paglilingkod. *—Marcos 12:43, 44; Lucas 10:27.
13. (a) Ano ang pangunahing dahilan upang “humayo” tayo at magluwal ng bunga ng Kaharian? (b) Ano ang tutulong sa atin na patuloy na mamunga sa mga teritoryong walang gaanong tumutugon? (Tingnan ang kahon sa pahina 21.)
13 Anuman ang magagawa natin upang magluwal ng bunga ng Kaharian, tayo ay mapakikilos na “humayo at patuloy na mamunga” kung isasaisip natin ang dahilan kung bakit natin ginagawa ito. (Juan 15:16) Binanggit ni Jesus ang pangunahing dahilan: “Ang aking Ama ay naluluwalhati rito, na patuloy kayong namumunga ng marami.” (Juan 15:8) Oo, pinababanal ng ating gawaing pangangaral ang pangalan ni Jehova sa buong sangkatauhan. (Awit 109:30) Ganito ang sabi ni Honor, isang tapat na Saksi na humigit-kumulang ay 75 taóng gulang na: “Maging sa mga teritoryong walang gaanong tumutugon, isa pa ring pribilehiyo na kumatawan sa Kataas-taasan.” Nang tanungin si Claudio, isang masigasig na Saksi mula pa noong 1974, kung bakit patuloy pa rin siyang nangangaral bagaman kakaunti ang tumutugon sa kaniyang teritoryo, sinipi niya ang Juan 4:34: “Ang aking pagkain ay ang gawin ko ang kalooban niya na nagsugo sa akin at tapusin ang kaniyang gawain.” Sinabi pa ni Claudio: “Kagaya ni Jesus, ang nais ko ay hindi lamang pasimulan ang aking gawain bilang isang tagapaghayag ng Kaharian kundi nais ko ring tapusin ito.” (Juan 17:4) Ganiyan din ang pananaw ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig.—Tingnan ang kahong “Kung Paano ‘Mamumunga Nang May Pagbabata,’ ” sa pahina 21.
Mangaral at Magturo
14. (a) Ano ang dalawang layunin ng gawain ni Juan na Tagapagbautismo at ni Jesus? (b) Paano mo ilalarawan ang Kristiyanong gawain sa ngayon?
14 Ang unang tagapaghayag ng Kaharian na binanggit sa mga Ebanghelyo ay si Juan na Tagapagbautismo. (Mateo 3:1, 2; Lucas 3:18) Ang kaniyang pangunahing layunin ay “upang magpatotoo,” at ginawa niya iyon taglay ang masidhing pananampalataya at pag-asa na “lahat ng uri ng tao ay maniwala.” (Juan 1:6, 7) Sa katunayan, ang ilan sa mga pinangaralan ni Juan ay naging mga alagad ni Kristo. (Juan 1:35-37) Samakatuwid, si Juan ay isang mangangaral at manggagawa ng alagad. Si Jesus din ay isang mangangaral at guro. (Mateo 4:23; 11:1) Hindi kataka-taka kung gayon na inutusan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na hindi lamang ipangaral ang mensahe ng Kaharian kundi tulungan din ang mga indibiduwal na tumanggap nito na maging kaniyang mga alagad. (Mateo 28:19, 20) Kung gayon, ang gawain natin ngayon ay kombinasyon ng pangangaral at pagtuturo.
15. Anong pagkakatulad ang makikita sa tugon ng gawaing pangangaral noong unang siglo C.E. at sa gawain sa ngayon?
15 Sa mga nakarinig kay Pablo na mangaral at magturo noong unang siglo C.E., “ang ilan ay nagsimulang maniwala sa mga bagay na sinabi; ang iba ay ayaw maniwala.” (Gawa 28:24) Sa ngayon, gayung-gayon din ang tugon. Nakalulungkot, karamihan sa binhi ng Kaharian ay nahuhulog sa lupang hindi tumatanggap. Magkagayunman, mayroon pa ring ilang binhi na nahuhulog sa mainam na lupa, nagkakaugat, at sumisibol, gaya ng inihula ni Jesus. Sa katunayan, sa buong daigdig, isang katamtamang bilang na mahigit sa 5,000 katao ang nagiging tunay na mga alagad ni Kristo linggu-linggo sa buong taon! Ang mga bagong alagad na ito ay ‘naniniwala sa mga bagay na sinabi,’ bagaman ang karamihan sa ibang mga tao ay hindi naniniwala. Ano ang nakatulong upang tanggapin ng kanilang puso ang mensahe ng Kaharian? Karaniwan nang malaki ang nagawa ng personal na interes na ipinakita ng mga Saksi—ang pagdidilig sa kahahasik na binhi, wika nga. (1 Corinto 3:6) Isaalang-alang ang dalawa lamang sa maraming halimbawa.
Malaki ang Nagagawa ng Personal na Interes
16, 17. Bakit mahalaga na magpakita ng personal na interes sa mga nakakausap natin sa ministeryo?
16 Si Karolien, isang kabataang Saksi sa Belgium, ay dumalaw sa isang may-edad nang babae na walang interes sa mensahe ng Kaharian. Yamang nakabenda ang kamay ng babae, inalukan ng tulong nina Karolien at ng kaniyang kasama ang babae, ngunit tumanggi ito. Pagkalipas ng dalawang araw, bumalik ang mga Saksi ring iyon sa tahanan ng babae at kinumusta ito. “Malaki ang nagawa nito,” ang sabi ni Karolien. “Namangha siya na malaman na talagang interesado kami sa kaniya bilang isang indibiduwal. Inanyayahan niya kami sa kaniyang tahanan, at napasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya.”
17 Si Sandi, isang Saksi sa Estados Unidos, ay nagpakita rin ng personal na interes sa mga pinangangaralan niya. Tinitingnan niya ang mga patalastas hinggil sa mga kapapanganak na mga sanggol sa isang lokal na pahayagan at pagkatapos ay dinadalaw ang bagong mga magulang taglay Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. * Yamang karaniwan nang nasa tahanan ang ina at ipinagmamalaki ang kaniyang sanggol sa mga dumadalaw, karaniwan nang napapasimulan ang isang pag-uusap. “Ipinakikipag-usap ko sa mga magulang ang hinggil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang matalik na kaugnayan sa kasisilang na sanggol sa pamamagitan ng pagbabasa,” ang paliwanag ni Sandi. “Sa kalaunan ay ipinakikipag-usap ko ang hinggil sa mga hamon ng pagpapalaki ng anak sa lipunan sa ngayon.” Kamakailan, bunga ng gayong pagdalaw, isang ina at anim na bata ang nagsimulang maglingkod kay Jehova. Ang pagkukusa at pagpapakita ng personal na interes ay maaaring umakay sa nakakatulad na nakagagalak na mga resulta sa ating ministeryo.
18. (a) Bakit ang kahilingan na ‘mamunga nang marami’ ay posible para sa ating lahat? (b) Anong tatlong kahilingan sa pagiging alagad ang binanggit sa Ebanghelyo ni Juan ang determinado mong abutin?
18 Tunay na nakapagpapasiglang malaman na ang kahilingang ‘patuloy na mamunga nang marami’ ay posible para sa atin! Bata man tayo o matanda, mabuti man ang ating kalusugan o hindi, nangangaral man tayo sa mga teritoryong marami ang tumutugon o kakaunti lamang, lahat tayo ay makapamumunga nang marami. Paano? Sa pamamagitan ng pagpapamalas ng mga bunga ng espiritu nang lalong higit at sa pamamagitan ng pagpapalaganap sa mensahe ng Kaharian ng Diyos sa pinakamagaling nating magagawa. Kasabay nito, pinagsisikapan din nating ‘manatili sa salita ni Jesus’ at ‘magkaroon ng pag-ibig sa isa’t isa.’ Oo, sa pamamagitan ng pagtugon sa tatlong mahahalagang kahilingang ito ng pagiging alagad na binanggit sa Ebanghelyo ni Juan, pinatutunayan natin na tayo ay “tunay ngang mga alagad [ni Kristo].”—Juan 8:31; 13:35.
[Mga talababa]
^ par. 3 Bagaman ang mga sanga ng punong ubas sa ilustrasyon ay tumutukoy sa mga apostol ni Jesus at sa iba pang mga Kristiyano na magmamana ng dako sa makalangit na Kaharian ng Diyos, ang ilustrasyon ay naglalaman ng mga katotohanan na mapapakinabangan ng lahat ng tagasunod ni Kristo sa ngayon.—Juan 3:16; 10:16.
^ par. 12 Yaong mga hindi makalabas sa kanilang mga tahanan dahil sa katandaan o sakit ay maaaring makapagpatotoo sa pamamagitan ng pagsulat ng mga liham o, kung ipinahihintulot ng kalagayan, sa pamamagitan ng telepono, o marahil ay maaari nilang ibahagi ang mabuting balita sa mga dumadalaw sa kanila.
^ par. 17 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Mga Tanong sa Repaso
• Anu-anong uri ng bunga ang dapat nating iluwal nang sagana?
• Bakit ang tunguhing ‘mamunga nang marami’ ay posible para sa atin?
• Anong tatlong kahilingan sa pagiging alagad ang binanggit sa Ebanghelyo ni Juan ang isinaalang-alang natin?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Kahon/Larawan sa pahina 21]
KUNG PAANO ‘MAMUMUNGA NANG MAY PAGBABATA’
ANO ang tumutulong sa iyo na magpatuloy sa pangangaral ng mensahe ng Kaharian nang may katapatan sa mga teritoryong walang gaanong tumutugon? Narito ang ilang kapaki-pakinabang na sagot sa tanong na ito.
“Ang pagkaalam na taglay natin ang lubos na pagsuporta ni Jesus ay pumupukaw ng optimismo at pagtitiyaga, anuman ang reaksiyon sa teritoryo.”—Harry, edad 72; nabautismuhan noong 1946.
“Palagi akong napatitibay ng kasulatan sa 2 Corinto 2:17. Sinasabi nito na nakikibahagi tayo sa ministeryo ‘sa paningin ng Diyos, kasama ni Kristo.’ Kapag nasa ministeryo ako, natatamasa ko ang pakikipagsamahan ng matatalik kong kaibigan.”—Claudio, edad 43; nabautismuhan noong 1974.
“Ang totoo, ang gawaing pangangaral ay isang pakikipagpunyagi para sa akin. Subalit nararanasan ko ang katotohanan ng mga salitang masusumpungan sa Awit 18:29: ‘Sa pamamagitan ng aking Diyos ay makaaakyat ako sa pader.’ ”—Gerard, edad 79; nabautismuhan noong 1955.
“Kapag nabasa ko ang kahit isang kasulatan man lamang sa ministeryo, nasisiyahan ako na mayroong isa na nagpahintulot na suriin ng Bibliya ang kaniyang puso.”—Eleanor, edad 26; nabautismuhan noong 1989.
“Patuloy kong sinusubukan ang iba’t ibang paraan ng paglapit. Napakaraming paraan ng paglapit anupat hindi ko magagamit ang lahat ng ito sa natitirang mga taon ng aking buhay.”—Paul, edad 79; nabautismuhan noong 1940.
“Hindi ko dinidibdib ang negatibong mga pagtugon. Sinisikap ko na maging palakaibigan ang paraan ng aking paglapit, anupat nakikipag-usap sa mga tao at nakikinig sa kanilang pananaw.”—Daniel, edad 75; nabautismuhan noong 1946.
“Nakilala ko ang ilang bagong bautisado na nagsabi sa akin na ang aking gawaing pangangaral ay may papel na ginampanan sa pagiging Saksi nila. Hindi ko alam na nang maglaon ay may iba palang nakipag-aral ng Bibliya sa kanila at tumulong upang sumulong sila. Nagbibigay sa akin ng kagalakan na malaman na ang ating ministeryo ay isang sama-samang pagsisikap ng lahat.”—Joan, edad 66; nabautismuhan noong 1954.
Ano naman ang tumutulong sa iyo upang ‘mamunga nang may pagbabata’?—Lucas 8:15.
[Mga larawan sa pahina 20]
Sa pamamagitan ng pagpapamalas ng mga bunga ng espiritu at paghahayag ng mensahe ng Kaharian, namumunga tayo nang marami
[Larawan sa pahina 23]
Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sabihin niya sa kaniyang mga apostol: ‘Patuloy kayong mamunga nang marami’?