Kahinahunan—Isang Napakahalagang Katangiang Kristiyano
Kahinahunan—Isang Napakahalagang Katangiang Kristiyano
“Damtan ninyo ang inyong sarili ng . . . kahinahunan.”—COLOSAS 3:12.
1. Bakit isang pambihirang katangian ang kahinahunan?
KAPAG ang isang tao ay mahinahon, napakasarap niyang kasama. Gayunman, “ang mahinahong dila ay nakababali ng buto,” ang sabi ng matalinong si Haring Solomon. (Kawikaan 25:15) Ang kahinahunan ay isang pambihirang katangian na kapuwa kalugud-lugod at may lakas.
2, 3. Ano ang kaugnayan ng kahinahunan at ng banal na espiritu, at ano ang isasaalang-alang natin sa artikulong ito?
2 Inilakip ni apostol Pablo ang kahinahunan sa talaan niya ng “mga bunga ng espiritu,” na nasa Galacia 5:22, 23. Ang salitang Griego na isinaling “kahinahunan” sa talata 23 sa Bagong Sanlibutang Salin ay kadalasang isinasalin na “kaamuan” o “pagkabanayad” sa iba pang mga bersiyon ng Bibliya. Ang totoo, mahirap makahanap ng eksaktong katumbas para sa Griegong salitang ito sa karamihan ng iba pang mga wika dahil ang inilalarawan ng orihinal na termino ay hindi ang panlabas na pagkabanayad at kaamuan kundi ang panloob na kahinahunan at kagandahang-loob; hindi ang paraan ng paggawi ng isang tao, kundi ang kalagayan ng isip at puso niya.
3 Upang tulungan tayong lubos na maunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng kahinahunan, isaalang-alang natin ang apat na halimbawa sa Bibliya. (Roma 15:4) Sa paggawa nito, matututuhan natin hindi lamang kung ano ang katangiang ito kundi kung paano rin ito matatamo at maipamamalas sa lahat ng ating pakikitungo.
“Malaki ang Halaga sa Paningin ng Diyos”
4. Paano natin nalalaman na pinahahalagahan ni Jehova ang kahinahunan?
4 Yamang ang kahinahunan ay isa sa mga bunga ng espiritu ng Diyos, makatuwiran lamang na magkaroon ito ng malapit na kaugnayan sa kahanga-hangang personalidad ng Diyos. Isinulat ni apostol Pedro na ang “tahimik at mahinahong espiritu” ay “malaki ang halaga sa paningin ng Diyos.” (1 Pedro 3:4) Sa katunayan, ang kahinahunan ay isang makadiyos na katangian; malaki ang pagpapahalaga rito ni Jehova. Walang alinlangan na ang mismong bagay na ito ay sapat nang dahilan para linangin ng lahat ng lingkod ng Diyos ang kahinahunan. Subalit paano ipinakikita ng Diyos na makapangyarihan-sa-lahat at pinakamataas na Awtoridad sa sansinukob ang kahinahunan?
5. Dahil sa kahinahunan ni Jehova, anong pag-asa ang tinaglay natin?
5 Nang suwayin ng unang mag-asawa, sina Adan at Eva, ang maliwanag na utos ng Diyos na huwag kumain mula sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama, sinadya nilang gawin iyon. (Genesis 2:16, 17) Ang sinadyang pagsuway na iyon ay naging dahilan upang sila at ang kanilang magiging mga supling ay magkasala, mamatay, at mahiwalay sa Diyos. (Roma 5:12) Bagaman ganap na may katuwiran si Jehova sa pagbibigay ng gayong hatol, hindi naman niya basta na lamang itinuring ang pamilya ng tao na waring wala nang pag-asang magbago at matubos. (Awit 130:3) Sa halip, dahil sa kaniyang kagandahang-loob at sa kaniyang pagnanais na huwag maging mahigpit o mapaghanap—mga kapahayagan ng kahinahunan—inilaan ni Jehova ang paraan na sa pamamagitan nito, ang makasalanang sangkatauhan ay makalalapit sa kaniya at makapagtatamo ng kaniyang paglingap. Oo, sa pamamagitan ng kaloob na haing pantubos ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, ginawang posible ni Jehova na makalapit tayo sa kaniyang matayog na trono nang hindi natatakot o nanghihilakbot.—Roma 6:23; Hebreo 4:14-16; 1 Juan 4:9, 10, 18.
6. Paano nakita ang kahinahunan sa pakikitungo ng Diyos kay Cain?
6 Matagal pa bago dumating sa lupa si Jesus, nakita na ang kahinahunan ni Jehova nang ang mga Genesis 4:3-7) Tunay ngang si Jehova ang pinakalarawan ng kahinahunan.—Exodo 34:6.
anak ni Adan na sina Cain at Abel ay maghain sa Diyos. Palibhasa’y natatalos ang kalagayan ng kanilang puso, tinanggihan ni Jehova ang handog ni Cain ngunit “nagpakita [siya] ng paglingap” kay Abel at sa handog nito. Ang mabait na pangmalas ng Diyos sa tapat na si Abel at sa kaniyang hain ay pumukaw ng masamang reaksiyon kay Cain. “Si Cain ay nag-init sa matinding galit, at nagsimulang mamanglaw ang kaniyang mukha,” ang sabi ng ulat ng Bibliya. Paano tumugon si Jehova? Siya ba ay nainsulto sa masamang ikinilos ni Cain? Hindi. Sa mahinahong paraan, tinanong niya si Cain kung bakit siya galít na galít. Ipinaliwanag pa nga ni Jehova kung ano ang magagawa ni Cain upang matamo ang “pagkakataas.” (Nakaaakit at Nakagiginhawa ang Kahinahunan
7, 8. (a) Paano natin mauunawaan ang kahinahunan ni Jehova? (b) Ano ang isinisiwalat ng mga salita ng Mateo 11:27-29 tungkol kay Jehova at kay Jesus?
7 Ang isa sa pinakamainam na paraan upang maunawaan ang walang-katulad na mga katangian ni Jehova ay ang pag-aralan ang buhay at ministeryo ni Jesu-Kristo. (Juan 1:18; 14:6-9) Samantalang nasa Galilea noong ikalawang taon ng kaniyang kampanya sa pangangaral, nagsagawa si Jesus ng maraming makapangyarihang gawa sa Corazin, Betsaida, Capernaum, at sa karatig na lugar. Gayunman, karamihan sa mga tao ay mapagmapuri at walang interes, at ayaw nilang maniwala. Paano tumugon si Jesus? Bagaman mariin niyang ipinaalaala sa kanila ang ibubunga ng kanilang kawalan ng pananampalataya, naawa siya sa miserableng kalagayan sa espirituwal ng mga ‘am ha·’aʹrets, ang hamak at pangkaraniwang mga tao sa gitna nila.—Mateo 9:35, 36; 11:20-24.
8 Ipinakita ng sumunod na mga ikinilos ni Jesus na talaga ngang ‘lubos niyang nakikilala ang Ama’ at tinutularan niya Siya. Sa pangkaraniwang mga tao, ipinaabot ni Jesus ang magiliw na paanyayang ito: “Pumarito kayo sa akin, lahat kayo na nagpapagal at nabibigatan, at pagiginhawahin ko kayo. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo mula sa akin, sapagkat ako ay mahinahong-loob at mababa ang puso, at masusumpungan ninyo ang kaginhawahan ng inyong mga kaluluwa.” Tiyak na nakaaliw at nagpaginhawa ang mga salitang iyon sa mga naaapi at nasisiil! Nakaaaliw at nagpapaginhawa ang mga ito maging sa atin sa ngayon. Kung taimtim nating dinaramtan ang ating mga sarili ng kahinahunan, mapapabilang tayo sa mga indibiduwal na “sa [kanila] ay nais ng Anak na isiwalat” ang kaniyang Ama.—Mateo 11:27-29.
9. Anong katangian ang may kaugnayan sa kahinahunan, at paanong si Jesus ay isang mabuting halimbawa sa bagay na ito?
9 May malapit na kaugnayan sa kahinahunan ang kapakumbabaan, ang pagiging “mababa ang puso.” Sa kabilang panig naman, ang pagmamapuri ay umaakay sa pagiging palalo at madalas na nagiging dahilan upang ang isa ay maging mabagsik at walang malasakit sa pakikitungo sa iba. (Kawikaan 16:18, 19) Nagpamalas si Jesus ng kapakumbabaan sa buong panahon ng kaniyang ministeryo sa lupa. Kahit na nang sumakay siya patungong Jerusalem anim na araw bago siya mamatay at ipagbunyi bilang Hari ng mga Judio, si Jesus ay talagang ibang-iba sa mga tagapamahala ng sanlibutan. Tinupad niya ang Mesiyanikong hula ni Zacarias: “Narito! Ang iyong Hari ay dumarating sa iyo, mahinahong-loob, at nakasakay sa asno, oo, sa isang bisiro, na supling ng hayop na pantrabaho.” (Mateo 21:5; Zacarias 9:9) Nakakita ng isang pangitain ang tapat na propetang si Daniel na doo’y iniatas ni Jehova sa kaniyang Anak ang awtoridad ng pamamahala. Gayunman, sa isang naunang hula, inilarawan niya si Jesus bilang “ang pinakamababa sa mga tao.” Tunay ngang may malapit na kaugnayan ang kahinahunan at kapakumbabaan.—Daniel 4:17; 7:13, 14.
10. Bakit ang kahinahunang Kristiyano ay hindi nagpapahiwatig ng kahinaan?
10 Ang nakalulugod na kahinahunan na ipinamalas ni Jehova at ni Jesus ay tumutulong sa atin na mápalapít sa kanila. (Santiago 4:8) Sabihin pa, ang kahinahunan ay hindi nagpapahiwatig ng kahinaan. Hinding-hindi! Si Jehova, ang Diyos na makapangyarihan-sa-lahat, ay nagpapamalas ng saganang dinamikong lakas at kapangyarihan. Sumisiklab ang kaniyang galit laban sa kalikuan. (Isaias 30:27; 40:26) Nagpakita rin si Jesus ng matatag na kapasiyahan na huwag makipagkompromiso, kahit noong sinasalakay siya ni Satanas na Diyablo. Tumanggi siyang kunsintihin ang ilegal na mga gawain sa negosyo ng mga relihiyosong lider noong kaniyang panahon. (Mateo 4:1-11; 21:12, 13; Juan 2:13-17) Gayunman, nanatili siyang may mahinahong kalooban kapag nakikitungo sa mga pagkukulang ng kaniyang mga alagad, at pinagtiisan niya ang kanilang mga kahinaan. (Mateo 20:20-28) Angkop na inilarawan ng isang iskolar sa Bibliya ang kahinahunan sa ganitong paraan: “Sa likod ng pagkabanayad, naroroon ang lakas ng bakal.” Maipamalas nawa natin ang tulad-Kristong katangiang ito—ang kahinahunan.
Ang Pinakamahinahong-Loob Noong Kaniyang Panahon
11, 12. Dahil sa paraan ng pagpapalaki sa kaniya, bakit naging pambihira ang kahinahunan ni Moises?
11 Ang ikatlong halimbawa na isasaalang-alang natin ay yaong kay Moises. Inilalarawan siya ng Bibliya bilang ang “pinakamaamo [pinakamahinahong-loob] sa lahat ng taong nasa ibabaw ng lupa.” (Bilang 12:3, talababa sa New World Translation of the Holy Scriptures—With References) Ang paglalarawang ito ay isinulat sa ilalim ng pagkasi ng Diyos. Ang pambihirang kahinahunan ni Moises ang nagpadali sa kaniya na tumanggap ng patnubay ng Diyos.
12 Hindi karaniwan ang paraan ng pagpapalaki kay Moises. Tiniyak ni Jehova na ang anak na lalaking ito ng tapat na mga magulang na Hebreo ay maingatang buháy noong panahon ng kataksilan at pamamaslang. Ginugol ni Moises ang unang mga taon ng kaniyang buhay sa pangangalaga ng kaniyang ina, na maingat na nagturo sa kaniya ng tungkol sa tunay na Diyos, si Jehova. Nang maglaon, kinuha si Moises mula sa kaniyang tahanan upang manirahan sa isang kapaligiran na Gawa 7:22) Nakita ang kaniyang pananampalataya nang mamasdan niya ang kawalang-katarungan na ginagawa sa kaniyang mga kapatid ng mga inatasan ni Paraon na mga panginoon ng mga alipin. Dahil sa pagpatay sa isang Ehipsiyo na nakita niyang nananakit ng isang Hebreo, kinailangang tumakas si Moises mula sa Ehipto patungo sa lupain ng Midian.—Exodo 1:15, 16; 2:1-15; Hebreo 11:24, 25.
ibang-iba. “Tinuruan si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Ehipsiyo,” ang salaysay ng sinaunang Kristiyanong martir na si Esteban. “Sa katunayan, [si Moises] ay makapangyarihan sa kaniyang mga salita at mga gawa.” (13. Ano ang naging epekto kay Moises ng kaniyang 40-taóng paninirahan sa Midian?
13 Sa edad na 40 taon, kinailangang alagaan ni Moises ang kaniyang sarili sa iláng. Sa Midian, nakilala niya ang pitong anak na babae ni Reuel at tinulungan niya silang sumalok ng tubig para sa malaking kawan ng kanilang ama. Sa kanilang pag-uwi, tuwang-tuwang ibinalita ng mga kabataang babae kay Reuel na may “isang Ehipsiyo” na nagligtas sa kanila mula sa mga pastol na nanliligalig sa kanila. Dahil sa paanyaya ni Reuel, nakitira si Moises sa pamilyang ito. Ang mga hirap na kaniyang dinanas ay hindi niya ipinaghinanakit; ni hinadlangan man siya ng mga ito na matutong ibagay ang kaniyang istilo ng pamumuhay sa kaniyang bagong kapaligiran. Hindi kailanman nagmaliw ang kaniyang hangaring gawin ang kalooban ni Jehova. Sa loob ng 40 mahahabang taon, na sa panahong ito’y inalagaan niya ang mga tupa ni Reuel, pinakasalan si Zipora, at pinalaki ang kaniyang mga anak na lalaki, nalinang at napasulong ni Moises ang katangian na naging pagkakakilanlan niya. Oo, sa pagbabata ng hirap, natutuhan ni Moises ang kahinahunan.—Exodo 2:16-22; Gawa 7:29, 30.
14. Ilarawan ang isang pangyayari noong panahon ng pangunguna ni Moises sa Israel na nagpamalas ng kaniyang kahinahunan.
14 Matapos siyang hirangin ni Jehova bilang lider ng bansang Israel, ang katangian ni Moises na kahinahunan ay nakikita pa rin. Isang kabataang lalaki ang nagbalita kay Moises na sina Eldad at Medad ay gumaganap bilang mga propeta sa kampo—gayong hindi naman sila presente nang ibuhos ni Jehova ang kaniyang espiritu sa 70 matatandang lalaki na maglilingkod bilang mga katulong ni Moises. Sinabi ni Josue: “Panginoon kong Moises, pigilan mo sila!” Mahinahong sumagot si Moises: “Naninibugho ka ba para sa akin? Huwag, nais ko nga na ang buong bayan ni Jehova ay maging mga propeta, sapagkat kung gayon ay ilalagay ni Bilang 11:26-29) Tumulong ang kahinahunan upang payapain ang maigting na situwasyong iyon.
Jehova sa kanila ang kaniyang espiritu!” (15. Bagaman di-sakdal si Moises, bakit mabuting sundin ang kaniyang halimbawa?
15 Minsan, waring nawala ang kahinahunan ni Moises. Sa Meriba, na malapit sa Kades, nakaligtaan niyang iukol ang kaluwalhatian kay Jehova, ang Manggagawa ng Himala. (Bilang 20:1, 9-13)Bagaman di-sakdal si Moises, inalalayan siya ng kaniyang di-nagmamaliw na pananampalataya sa buong buhay niya, at ang kaniyang pambihirang kahinahunan ay kaakit-akit pa rin sa atin maging sa ngayon.—Hebreo 11:23-28.
Kabagsikan Laban sa Kahinahunan
16, 17. Anong babala ang makukuha natin mula sa ulat tungkol kina Nabal at Abigail?
16 Masusumpungan ang isang babalang halimbawa noong panahon ni David, di-nagtagal matapos mamatay ang propeta ng Diyos na si Samuel. Nasasangkot dito ang isang mag-asawa, si Nabal at ang kaniyang asawang si Abigail. Kaylaki ng pagkakaiba ng dalawang ito! Bagaman si Abigail ay may “mabuting kaunawaan,” ang kaniyang asawa naman ay “mabagsik at masasama ang kaniyang mga gawa.” May-kagaspangang tinanggihan ni Nabal ang kahilingang pagkain ng mga tauhan ni David, na tumulong upang bantayan ang malalaking kawan ni Nabal mula sa mga magnanakaw. Palibhasa’y may katuwirang magalit, ibinigkis ni David at ng kaniyang mga tauhan ang kani-kanilang mga tabak at naglakbay upang salakayin si Nabal.—1 Samuel 25:2-13.
17 Nang mabalitaan ni Abigail ang nangyari, agad siyang naghanda ng tinapay, alak, karne, at mga kakaning pasas at igos at lumabas upang salubungin si David. “Mapasaakin nawa ang kamalian, O panginoon ko,” ang pakiusap niya kay David. “Pakisuyo, hayaang magsalita ang iyong aliping babae sa iyong pandinig, at makinig ka sa mga salita ng iyong aliping babae.” Nabagbag ang puso ni David sa mahinahong pagmamakaawa ni Abigail. Matapos makinig sa paliwanag ni Abigail, ipinahayag ni David: “Pagpalain si Jehova na Diyos ng Israel, na siyang nagsugo sa iyo sa araw na ito upang salubungin ako! At pagpalain ang iyong katinuan, at pagpalain ka na siyang pumigil sa akin sa araw na ito mula sa pagpasok sa pagkakasala sa dugo.” (1 Samuel 25:18, 24, 32, 33) Ang kabagsikan ni Nabal ay humantong sa kaniyang kamatayan nang dakong huli. Nang maglaon, ang maiinam na katangian naman ni Abigail ay nagdulot sa kaniya ng kagalakan na maging asawa ni David. Ang kaniyang kahinahunan ay isang parisan para sa lahat ng naglilingkod kay Jehova sa ngayon.—1 Samuel 25:36-42.
Itaguyod ang Kahinahunan
18, 19. (a) Anong mga pagbabago ang makikita habang dinaramtan natin ang ating sarili ng kahinahunan? (b) Ano ang makatutulong sa atin upang makagawa ng mabisang pagsusuri sa sarili?
18 Kung gayon, napakahalaga nga ng kahinahunan. Ito ay hindi lamang basta banayad na paggawi; ito ay isang kaakit-akit na katangian ng disposisyon na nakagiginhawa sa iba. Noon, baka nakaugalian na nating magsalita nang may kabagsikan at kumilos nang may kalupitan. Subalit nang matutuhan natin ang katotohanan sa Bibliya, nagbago tayo at naging mas kaayaaya at kalugud-lugod. Binanggit ni Pablo ang pagbabagong ito nang himukin niya ang mga kapuwa Kristiyano: “Damtan ninyo ang inyong sarili ng magiliw na pagmamahal na may habag, kabaitan, kababaan ng pag-iisip, kahinahunan, at mahabang pagtitiis.” (Colosas 3:12) Inihahambing ng Bibliya ang pagbabagong ito sa pagbabago ng mababangis na hayop—lobo, leopardo, leon, oso, at kobra—tungo sa pagiging mapapayapang hayop na inaalagaan—kordero, batang kambing, guya, at baka. (Isaias 11:6-9; 65:25) Napakapambihira ng mga pagbabagong iyon ng personalidad anupat nagtataka ang mga nagmamasid. Gayunman, kinikilala natin na ang pagbabagong ito ay resulta ng pagkilos ng espiritu ng Diyos, sapagkat kalakip sa tunay na kamangha-manghang mga bunga nito ay ang kahinahunan.
19 Nangangahulugan ba ito na kapag nagawa na natin ang kinakailangang mga pagbabago at Santiago 1:23-25.
naialay na natin ang ating sarili kay Jehova, hindi na natin kailangang pagsikapang maging mahinahon? Hindi naman. Aba, ang bagong mga damit ay kailangang laging alagaan upang mapanatili itong mukhang malinis at presentable. Ang pagsusuri sa Salita ng Diyos at pagbubulay-bulay sa mga halimbawang nilalaman nito ay tutulong sa atin na gumawa ng bago at tapat na pagsusuri sa ating sarili. Ano ang isinisiwalat tungkol sa iyo ng salamin ng kinasihang Salita ng Diyos?—20. Paano tayo magtatagumpay sa pagpapamalas ng kahinahunan?
20 Likas lamang na magkaiba-iba ang mga disposisyon. Mas madali para sa ilan sa mga lingkod ng Diyos na magpamalas ng kahinahunan kaysa sa iba. Gayunpaman, kailangang linangin ng lahat ng Kristiyano ang mga bunga ng espiritu ng Diyos, lakip na ang kahinahunan. Maibiging pinaalalahanan ni Pablo si Timoteo: “Itaguyod mo ang katuwiran, makadiyos na debosyon, pananampalataya, pag-ibig, pagbabata, kahinahunan ng kalooban.” (1 Timoteo 6:11) Ang salitang “itaguyod” ay nagpapahiwatig na kailangan ang pagsisikap. Isinalin ng isang bersiyon ng Bibliya ang payong ito na “sikapin mong mamuhay.” (Ang Bibliya—Bagong Salin sa Pilipino) Kung sisikapin mong bulay-bulayin ang maiinam na halimbawa mula sa Salita ng Diyos, ang mga ito ay magiging bahagi mo, katulad ng isang sangkap na inilakip sa iyong katawan. Huhubugin ka at papatnubayan ng mga ito.—Santiago 1:21.
21. (a) Bakit dapat nating itaguyod ang kahinahunan? (b) Ano ang tatalakayin sa ating susunod na artikulo?
21 Ang paraan ng ating pakikitungo sa iba ay nagpapakita kung gaano tayo kahusay sa bagay na ito. “Sino ang marunong at may-unawa sa inyo?” ang tanong ng alagad na si Santiago. “Ipakita niya mula sa kaniyang mainam na paggawi ang kaniyang mga gawa na may kahinahunan na nauukol sa karunungan.” (Santiago 3:13) Paano natin maipamamalas ang Kristiyanong katangiang ito sa tahanan, sa ministeryong Kristiyano, at sa kongregasyon? Ang susunod na artikulo ay naghaharap ng nakatutulong na patnubay.
Bilang Repaso
• Ano ang natutuhan mo tungkol sa kahinahunan mula sa halimbawa ni
• Jehova?
• Jesus?
• Moises?
• Abigail?
• Bakit kailangan nating itaguyod ang kahinahunan?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 16]
Bakit tinanggap ni Jehova nang may paglingap ang handog ni Abel?
[Larawan sa pahina 17]
Ipinakita ni Jesus na may malapit na kaugnayan ang kahinahunan at kapakumbabaan
[Larawan sa pahina 18]
Nagpakita si Moises ng mainam na halimbawa ng kahinahunan