Magbigay ng Kaaliwan sa mga Namimighati
Magbigay ng Kaaliwan sa mga Namimighati
“Pinahiran ako ni Jehova . . . upang aliwin ang lahat ng nagdadalamhati.”—ISAIAS 61:1, 2.
1, 2. Kanino tayo dapat magbigay ng kaaliwan, at bakit?
SI Jehova, ang Diyos ng buong kaaliwan, ay nagtuturo sa atin na magmalasakit kapag ang iba ay dumaranas ng kalamidad. Tinuturuan niya tayo na “magsalita nang may pang-aliw sa mga kaluluwang nanlulumo” at umaliw sa lahat ng nagdadalamhati. (1 Tesalonica 5:14) Kapag kinakailangan ang gayong tulong, tayo ay nagbibigay nito sa mga kapananampalataya. Nagpapakita rin tayo ng pag-ibig sa mga nasa labas ng kongregasyon, kahit na roon sa mga hindi nagpakita sa atin ng pag-ibig noon.—Mateo 5:43-48; Galacia 6:10.
2 Binasa at ikinapit ni Jesu-Kristo sa kaniyang sarili ang makahulang atas: “Ang espiritu ng Soberanong Panginoong Jehova ay sumasaakin, sa dahilang pinahiran ako ni Jehova upang maghayag ng mabuting balita sa maaamo. Isinugo niya ako upang bigkisan ang may pusong wasak, . . . upang aliwin ang lahat ng nagdadalamhati.” (Isaias 61:1, 2; Lucas 4:16-19) Matagal nang kinikilala ng modernong-panahong mga pinahirang Kristiyano na ang atas na ito ay kapit din sa kanila, at ang “ibang mga tupa” ay malugod na sumasama sa kanila sa gawaing iyan.—Juan 10:16.
3. Kapag ang mga tao ay nagtatanong, “Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang mga kalamidad?,” paano natin sila matutulungan?
3 Kapag may dumarating na mga kasakunaan at * Gayunman, bilang pasimula, napatunayang isang kaaliwan para sa ilang tao na makita man lamang sa Bibliya ang teksto tulad ng masusumpungan sa Isaias 61:1, 2, yamang ito ay nagpapakita na nais ng Diyos na tumanggap ang mga tao ng kaaliwan.
ang mga tao ay nawawalan na ng pag-asa, kadalasan nilang itinatanong, “Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang gayong mga kalamidad?” Maliwanag na sinasagot ng Bibliya ang katanungang iyan. Gayunman, maaaring mangailangan ng panahon yaong hindi pa estudyante sa Bibliya para lubos niyang maunawaan ang kasagutan. Ang tulong ay inilalaan sa mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova.4. Paano nakatulong sa isang nababagabag na batang babaing mag-aarál ang isang Saksi sa Poland, at paano makatutulong sa iyo ang karanasang iyon upang tulungan ang iba?
4 Ang mga kabataan, kagaya rin ng mga mas nakatatanda, ay nangangailangan ng kaaliwan. Isang nanlulumong tin-edyer na babae sa Poland ang humingi ng payo sa kaniyang kakilala. Sa pamamagitan ng mabait na pagtatanong, nabatid ng kaniyang kaibigan, na isang Saksi ni Jehova, na ang batang babae ay masyadong nababagabag ng mga katanungan at pag-aalinlangan: “Bakit labis na ang kasamaan? Bakit nagdurusa ang mga tao? Bakit nagdurusa ang aking kapatid na babaing paralisado? Bakit hindi malusog ang aking puso? Sinasabi ng Simbahan na ito raw kasi ang gusto ng Diyos. Subalit kung totoo nga ito, ayoko nang maniwala sa kaniya!” Ang Saksi ay tahimik na nanalangin kay Jehova at pagkatapos ay nagsabi: “Natutuwa ako’t itinanong mo sa akin ang tungkol dito. Pagsisikapan kong matulungan ka.” Sinabi niya na siya mismo ay may mga pag-aalinlangan din noon bilang isang bata at na tinulungan siya ng mga Saksi ni Jehova. Ipinaliwanag niya: “Natutuhan kong hindi pala pinagdurusa ng Diyos ang mga tao. Iniibig niya sila, tanging pinakamabuti lamang ang nais niya para sa kanila, at malapit na niyang gawin ang malalaking pagbabago sa lupa. Ang sakit, mga suliranin ng pagtanda, at kamatayan ay lilipas na, at mabubuhay ang masunuring mga tao magpakailanman—dito mismo sa planetang ito.” Ipinakita niya sa batang babae ang Apocalipsis 21:3, 4; Job 33:25; Isaias 35:5-7 at 65:21-25. Pagkatapos ng mahabang pag-uusap, sinabi ng batang babae, na maliwanag na naginhawahan: “Ngayon ay alam ko na ang layunin ko sa buhay. Maaari ba akong makipagkita sa iyong muli?” Isang pag-aaral sa Bibliya ang idinaos sa kaniya nang makalawa isang linggo.
Taglay ang Kaaliwang Ibinibigay ng Diyos
5. Kapag tayo ay nagpapahayag ng simpatiya, ano ang makapagbibigay ng tunay na kaaliwan?
5 Kapag sinisikap nating aliwin ang iba, angkop lamang na gumamit ng mga salitang may simpatiya. Pinagsisikapan nating ipadama sa namimighating tao sa pamamagitan ng salita at ng tono ng boses na tayo ay taimtim na nagmamalasakit sa kaniyang kalagayan. Hindi ito naisasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng walang-saysay na mga salita. Sinasabi sa atin ng Bibliya na “sa pamamagitan ng ating pagbabata at sa pamamagitan ng kaaliwan mula sa Kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa.” (Roma 15:4) Dahil dito, maipaliliwanag natin sa isang angkop na panahon kung ano ang Kaharian ng Diyos, at maipakikita natin mula sa Bibliya kung paano nito malulutas ang kasalukuyang mga suliranin. Pagkatapos ay makapangangatuwiran tayo kung bakit ito ay isang mapananaligang pag-asa. Sa ganitong paraan, makapagbibigay tayo ng kaaliwan.
6. Ano ang dapat nating ipaunawa sa mga tao upang sila’y magtamo ng lubos na kapakinabangan mula sa kaaliwang nasa Kasulatan?
6 Upang matamo ang lubusang kapakinabangan mula sa ating iniaalok na kaaliwan, kailangan ng isang tao na makilala ang tunay na Diyos, kung
anong uri siya ng Persona, at maunawaan ang pagkamapananaligan ng kaniyang mga pangako. Kapag tinutulungan natin ang isang tao na hindi pa mananamba ni Jehova, makabubuting ipaliwanag ang sumusunod na mga punto. (1) Ang kaaliwang masusumpungan sa Bibliya ay mula kay Jehova, ang tunay na Diyos. (2) Si Jehova ang Makapangyarihan-sa-lahat, Maylalang ng langit at lupa. Siya ay Diyos ng pag-ibig at sagana sa maibiging-kabaitan at katotohanan. (3) Mapalalakas tayong mabata ang mga kalagayan kung tayo ay lalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagkuha ng tumpak na kaalaman mula sa kaniyang Salita. (4) Ang Bibliya ay naglalaman ng mga kasulatan may kaugnayan sa espesipikong mga pagsubok na napaharap sa iba’t ibang indibiduwal.7. (a) Ano ang maaaring maisagawa ng pagdiriin na ang kaaliwang ibinibigay ng Diyos ay “nananagana sa pamamagitan ng Kristo”? (b) Paano mo maaaliw ang isang umaamin na ang kaniyang paggawi ay masama?
7 Ang ilan ay nagbigay ng espirituwal na kaaliwan sa mga namimighati na pamilyar na sa Bibliya sa pamamagitan ng pagbasa sa 2 Corinto 1:3-7. Sa paggawa nito, naidiin nila ang pananalitang “nananagana sa pamamagitan ng Kristo ang kaaliwan na tinatanggap namin.” Ang tekstong ito ay makatutulong sa isang tao na mapagtantong ang Bibliya ay pinagmumulan ng kaaliwan na dapat niyang bigyan ng higit na pagsasaalang-alang. Ito ay makapaglalaan din ng saligan para sa higit na talakayan, marahil sa ibang mga pagkakataon. Kapag nadarama ng isang tao na ang kaniyang mga suliranin ay dahil sa ginawa niyang masamang bagay, kung gayon ay maaari nating sabihin sa kaniya, sa paraang hindi naman humahatol, na isang kaaliwang malaman kung ano ang nakaulat sa 1 Juan 2:1, 2 at Awit 103:11-14. Sa ganitong paraan ay talagang maaaliw natin ang iba ng kaaliwang ibinibigay ng Diyos.
Kapag ang Buhay ay Lubhang Apektado ng Karahasan o Kahirapan sa Ekonomiya
8, 9. Paano angkop na maibibigay ang kaaliwan sa mga taong naapektuhan ng karahasan?
8 Ang buhay ng di-mabilang na mga tao ay lubhang apektado ng karahasan—mararahas na krimen sa pamayanan o mararahas na digmaan. Paano natin sila maaaliw?
9 Nag-iingat ang tunay na mga Kristiyano na sa salita man o sa gawa ay huwag silang pumanig sa alinman sa magkabilang pangkat sa mga labanang nagaganap sa daigdig. (Juan 17:16) Sa halip ay angkop nilang ginagamit ang Bibliya upang ipakita na ang kasalukuyang malupit na mga kalagayan ay hindi magpapatuloy magpakailanman. Maaari nilang basahin ang Awit 11:5 upang ipakita kung ano ang nadarama ni Jehova sa mga umiibig sa karahasan o kaya’y ang Awit 37:1-4 upang ipakita ang paghimok ng Diyos na huwag nating ipaghiganti ang ating sarili kundi manalig sa Diyos. Ang mga salita sa Awit 72:12-14 ay nagpapakita kung ano ang nadarama ng Lalong Dakilang Solomon, si Jesu-Kristo, na ngayo’y nagpupuno na bilang makalangit na Hari, hinggil sa mga taong walang kasalanan na naaapektuhan ng karahasan.
10. Kung ikaw ay nakaranas na ng mga digmaan sa loob ng maraming taon, paano makaaaliw sa iyo ang binanggit na mga teksto?
10 Ang ilang tao ay dumanas na ng maraming labanan ng magkakatunggaling pangkat ukol sa pagkakaroon ng kontrol. Minamalas nilang ang digmaan at ang nagiging resulta nito ay bahagi na ng buhay. Ang tanging pag-asang nakikita nila upang bumuti ang mga bagay-bagay para sa kanila ay ang tumakas tungo sa ibang bansa. Subalit hindi kailanman nagtagumpay ang karamihan sa kanila na magawa iyon, at ang maraming sumubok nito ay namatay sa gayong pagtatangka. Yaon namang mga nakatawid sa ibang bansa ay kadalasang nakasusumpong na kanila lamang ipinagpalit ang isang bunton ng problema sa panibagong mga problema. Ang Awit 146:3-6 ay maaaring gamitin upang tulungang maglagak ang gayong mga tao ng kanilang pag-asa sa isang bagay na higit na mapananaligan kaysa sa pandarayuhan. Ang hula sa Mateo 24:3, 7, 14 o 2 Timoteo 3:1-5 ay makatutulong sa kanila na makita ang mas malaking larawan at ang kahulugan ng mga kalagayan na kanilang binabata, alalaong baga, na tayo ay nabubuhay sa katapusan ng matandang sistema ng mga bagay. Ang mga tekstong gaya ng Awit 46:1-3, 8, 9 at Isaias 2:2-4 ay makatutulong sa kanila na mapagtantong may pag-asa nga para sa isang mapayapang kinabukasan.
11. Anong mga teksto ang nakaaliw sa isang babae sa Kanlurang Aprika, at bakit?
11 Sa panahon ng pagdidigmaan sa Kanlurang Aprika, isang babae ang lumikas mula sa kaniyang tahanan sa gitna ng nagsasalimbayang mga bala. Ang kaniyang buhay ay napuspos ng takot, kalungkutan, at kawalang-pag-asa. Nang maglaon, habang namumuhay ang pamilya sa ibang bansa, Filipos 4:6, 7 at Awit 55:22, lakip na ang maka-Kasulatang mga artikulo mula sa Ang Bantayan at Gumising!, nasumpungan niya sa wakas ang kaaliwan at layunin sa buhay.
nagpasiya ang kaniyang asawa na sunugin ang kanilang sertipiko ng kasal, palayasin ang kaniyang asawa na noon ay nagdadalang-tao at ang kanilang sampung-taong-gulang na anak na lalaki, at pagkatapos ay nagpari. Nang maibahagi sa babae ang12. (a) Anong kaginhawahan ang iniaalok ng Kasulatan sa mga lubhang nahihirapan sa ekonomiya? (b) Paano natulungan ng isang Saksi sa Asia ang isang kostumer?
12 Ang pagbagsak ng ekonomiya ay lubhang nakapinsala sa buhay ng milyun-milyong tao. Ito kung minsan ay dahil din sa digmaan at sa epekto nito. Kung minsan naman, ang di-matalinong mga patakaran ng pamahalaan at ang kasakiman at kawalang-katapatan ng mga nasa kapangyarihan ang sama-samang sumasaid sa mga naimpok ng mga tao at nagtutulak sa kanila upang sapilitang maiwala ang kanilang mga ari-arian. Ang iba ay hindi kailanman nagkaroon ng kasaganaan sa mga bagay ng sanlibutang ito. Maaaring maaliw ang lahat ng ito na malamang tinitiyak ng Diyos ang kaginhawahan niyaong mga nagtitiwala sa kaniya at na ginagarantiyahan niya ang isang matuwid na sanlibutan na doo’y masisiyahan ang mga tao sa gawa ng kanilang mga kamay. (Awit 146:6, 7; Isaias 65:17, 21-23; 2 Pedro 3:13) Nang marinig ng isang Saksi sa isang bansa sa Asia ang isang kostumer na nagsasabi ng kaniyang pagkabahala s a kalagayan ng kabuhayan doon, ipinaliwanag niya na ang nangyayari roon ay bahagi ng karaniwang mga kaganapan sa daigdig. Ang talakayan sa Mateo 24:3-14 at Awit 37:9-11 ay umakay tungo sa isang pag-aaral sa Bibliya.
13. (a) Kapag ang mga tao ay nabigo dahil sa mga pangakong napapako, paano natin gagamitin ang Bibliya upang tulungan sila? (b) Kung nadarama ng mga tao na ang masasamang kalagayan ay patotoo na walang Diyos, paano ka magsisikap na makipagkatuwiranan sa kanila?
13 Kapag ang mga tao ay nagdusa sa loob ng maraming taon o nabigo dahil sa maraming pangakong napapako, sila ay maaaring ihalintulad sa mga Israelita sa Ehipto na “dahil sa panghihina ng loob” ay hindi nakinig. (Exodo 6:9) Sa ganitong mga kalagayan, magiging kapaki-pakinabang na itampok ang mga paraan na doo’y makatutulong sa kanila ang Bibliya na haraping matagumpay ang kasalukuyang mga suliranin at maiwasan ang mga patibong na hindi naman kailangang sumira sa buhay ng maraming tao. (1 Timoteo 4:8b) Ang masasamang kalagayan na kinabubuhayan nila ay maaaring malasin ng ilan bilang patotoo na walang Diyos o hindi siya nagmamalasakit sa kanila. Maaaring mangatuwiran ka hinggil sa angkop na mga kasulatan upang tulungan silang makapag-isip-isip na ang Diyos ay naglalaan ng tulong subalit hindi ito tinatanggap ng karamihan.—Isaias 48:17, 18.
Kapag Napaharap sa mga Bagyo at mga Lindol
14, 15. Nang masindak ang marami dahil sa isang kasakunaan, paano ipinakita ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang pagmamalasakit?
14 Ang kasakunaan ay maaaring maranasan dahil sa isang bagyo, lindol, sunog, o isang pagsabog. Ang pagdadalamhati ay maaaring maging laganap. Ano ang maaaring gawin upang magdulot ng kaaliwan sa mga nakaligtas?
15 Kailangang malaman ng mga tao na mayroon namang nagmamalasakit. Pagkatapos ng isang pagsalakay ng terorista sa isang bansa, marami ang nasindak. Marami sa kanila ang nawalan ng mga miyembro ng pamilya, tagapaghanapbuhay, kaibigan, trabaho, o anumang uri ng katiwasayan na iniisip nilang nasa kanila. Ang mga Saksi ni Jehova ay tumulong sa mga ito na nasa kanilang pamayanan, na nagpapahayag ng kanilang pakikiramay sa napakalaking kawalang dinanas nila at nag-aalok ng mga salita ng kaaliwan mula sa Bibliya. Marami ang taimtim na nagpasalamat sa pagmamalasakit na ipinakita sa kanila.
16. Nang maganap ang kasakunaan sa isang rehiyon sa El Salvador, bakit naging napakabisa ng paglilingkod sa larangan ng mga Saksing tagaroon?
16 Isang malakas na lindol na sinundan ng napakalaking pagguho ng putik ang naganap sa El Salvador na kumitil ng maraming buhay. Ang 25-taóng-gulang na anak na lalaki ng isang Saksi at dalawang kapatid na babae ng kasintahan ng anak niya ay nasawi. Ang ina ng binata kasama ang kasintahan nito ay kaagad na naging abala sa paglilingkod sa larangan. Marami ang nagsabi sa kanila na ang Diyos ang kumuha sa lahat ng namatay o na iyon ay kalooban ng Diyos. Sinipi ng mga Saksi ang Kawikaan 10:22 upang ipakita na hindi nais ng Diyos na tayo ay masaktan. Binasa nila ang Roma 5:12 upang ipakita na nagkaroon ng kamatayan dahil sa kasalanan ng isang tao, hindi dahil sa ito ay kalooban ng Diyos. Ipinakita rin nila ang mensahe ng kaaliwan na masusumpungan sa Awit 34:18, Awit 37:29, Isaias 25:8, at Apocalipsis 21:3, 4. Agad na nakinig ang mga tao, lalo na nga’t ang dalawang babae mismo ay nawalan ng mga miyembro ng pamilya dahil sa sakuna, anupat maraming pag-aaral sa Bibliya ang nasimulan.
17. Sa mga panahon ng kasakunaan, anu-anong uri ng tulong ang maaari nating ibigay?
17 Kapag nagkaroon ng kasakunaan, maaaring makasumpong ka ng isang nangangailangan ng kagyat na pisikal na tulong. Maaaring ito ay may kinalaman sa pagtawag ng doktor, pagtulong sa isang tao na madala sa ospital, o paggawa ng kung ano ang posible upang makapaglaan ng pagkain at masisilungan. Noong 1998, sa isa sa gayong mga kasakunaan sa Italya, napansin ng isang peryodista na ang mga Saksi ni Jehova ay “kumikilos sa praktikal na paraan, anupat tumutulong sa mga nagdurusa, na hindi inaalintana kung ano ang kanilang relihiyon.” Sa ilang lugar, ang mga pangyayaring inihula hinggil sa mga huling araw ay nagdulot ng malaking pagdurusa. Sa mga lugar na iyon, ipinakikita ng mga Saksi ni Jehova ang mga hula sa Bibliya, at inaaliw nila ang mga tao sa pamamagitan ng katiyakang ibinibigay ng Bibliya na ang Kaharian ng Diyos ay magdudulot ng tunay na katiwasayan sa sangkatauhan.—Kawikaan 1:33; Mikas 4:4.
Kapag Namatay ang Isang Miyembro ng Pamilya
18-20. Kapag may namatay sa isang pamilya, ano ang maaari mong sabihin o gawin upang magdulot ng kaaliwan?
18 Araw-araw, milyun-milyong tao ang nagdadalamhati dahil sa kamatayan ng isang minamahal. Maaaring may masumpungan kang nagdadalamhati kapag ikaw ay nakikibahagi sa ministeryong Kristiyano o kapag nagsasagawa ng mga gawain sa pang-araw-araw na buhay. Ano ang maaari mong sabihin o gawin na magdudulot ng kaaliwan?
19 Naliligalig ba ang damdamin ng taong ito? Ang tahanan ba niya ay puno ng namimighating mga kamag-anak? Marahil ay marami kang nais sabihin, pero mahalaga ang mahusay na pagpapasiya. (Eclesiastes 3:1, 7) Ang angkop na gawin marahil ay ang makiramay, mag-iwan ng isang angkop na publikasyon sa Bibliya (isang brosyur, magasin, o tract), at pagkatapos ay dumalaw pagkalipas ng ilang araw upang malaman kung maaari nang magbigay ng karagdagang tulong. Sa isang angkop na panahon, ibahagi ang ilang nakapagpapatibay na kaisipan mula sa Bibliya. Maaaring magkaroon ito ng nakapagpapahinahon at nakapagpapagaling na epekto. (Kawikaan 16:24; 25:11) Hindi mo mabubuhay ang patay, tulad ng ginawa ni Jesus. Subalit maibabahagi mo ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kalagayan ng mga patay, bagaman maaaring hindi ito ang panahon upang sikaping pasinungalingan ang maling mga paniniwala. (Awit 146:4; Eclesiastes 9:5, 10; Ezekiel 18:4) Maaari ninyong basahing magkasama ang mga pangako ng Bibliya hinggil sa pagkabuhay-muli. (Juan 5:28, 29; Gawa 24:15) Maaari mong talakayin ang kahulugan ng mga ito, na marahil ay ginagamit ang isang ulat ng Bibliya hinggil sa pagkabuhay-muli. (Lucas 8:49-56; Juan 11:39-44) Akayin din ang pansin sa mga katangian ng maibiging Diyos na nagbibigay sa atin ng gayong pag-asa. (Job 14:14, 15; Juan 3:16) Ipaliwanag kung paano nagdulot sa iyo ng kapakinabangan ang mga turong ito at kung bakit mayroon kang pagtitiwala sa mga ito.
20 Ang pag-aanyaya sa Kingdom Hall ay maaaring makatulong sa nagdadalamhati na makilala ang mga taong tunay na umiibig sa kanilang kapuwa at nakaaalam kung paano patitibayin ang isa’t isa. Nasumpungan ng isang babaing taga-Sweden na iyon ang kaniyang hinahanap sa buong buhay niya.—Juan 13:35; 1 Tesalonica 5:11.
21, 22. (a) Ano ang hinihiling sa atin kapag tayo ay nagbibigay ng kaaliwan? (b) Paano ka makapagbibigay ng kaaliwan sa isa na alam na alam na ang Kasulatan?
21 Kapag nalaman mong may namimighati, sa loob man o sa labas ng Kristiyanong kongregasyon, nadarama mo ba kung minsan na hindi mo matiyak kung ano ang iyong sasabihin o gagawin? Ang Griegong salita na kadalasan ay isinasaling “kaaliwan” sa Bibliya ay literal na nangangahulugan ng “isang pagtawag sa tabi ng isa.” Ang pagiging isang tunay na mang-aaliw ay nagpapahiwatig na ikaw ay madaling lapitan niyaong mga namimighati.—Kawikaan 17:17.
22 Paano kung alam na ng taong nais mong aliwin ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa kamatayan, pantubos, at pagkabuhay-muli? Ang mismong pagkanaroroon ng isang kaibigan na kapareho ang mga paniniwala ay nakaaaliw na. Kung gusto niyang magsalita, maging isang mabuting tagapakinig. Hindi ka dapat makadama na kailangan mong magbigay ng pahayag. Kapag binabasa ang mga teksto, ituring ang mga ito bilang mga kapahayagan ng Diyos na nagpapatibay sa puso ninyong dalawa. Magpahayag ng matibay na pananalig na kayong dalawa ay nakatitiyak sa pangako ng Kasulatan. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng makadiyos na pagkamahabagin at pagsasabi ng mahahalagang katotohanang nasa Salita ng Diyos, matutulungan mo ang mga namimighati na magkaroon ng kaaliwan at kalakasan mula sa “Diyos ng buong kaaliwan,” si Jehova.—2 Corinto 1:3.
[Talababa]
^ par. 3 Tingnan ang mga aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan, kabanata 8; Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan, pahina 284-290, 83-87; Is There a Creator Who Cares About You?, kabanata 10; at ang brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?
Ano ang Iyong Komento?
• Sino ang sinisisi ng maraming tao na dahilan ng mga kalamidad, at paano natin sila matutulungan?
• Ano ang maaari nating gawin upang tulungan ang iba na makinabang nang lubusan mula sa kaaliwang ibinibigay ng Bibliya?
• Anong mga kalagayan ang nagdudulot ng pamimighati sa marami sa inyong lugar at paano mo sila aaliwin?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mga larawan sa pahina 23]
Pagsasabi ng mensahe ng tunay na kaaliwan sa mga panahon ng kabagabagan
[Credit Line]
Kampo ng mga lumikas: UN PHOTO 186811/J. Isaac
[Larawan sa pahina 24]
Ang mismong pagkanaroroon ng isang kaibigan ay nakaaaliw na