Kung Bakit Hindi Tayo Maaaring Mabuhay Nang Mag-isa
Kung Bakit Hindi Tayo Maaaring Mabuhay Nang Mag-isa
“Ang dalawa ay mas mabuti kaysa sa isa . . . Kung mabuwal ang isa sa kanila, maibabangon ng isa pa ang kaniyang kasama.”—Haring Solomon
SINABI ni Haring Solomon ng sinaunang Israel: “Ang dalawa ay mas mabuti kaysa sa isa, sapagkat sila ay may mabuting gantimpala dahil sa kanilang pagpapagal. Sapagkat kung mabuwal ang isa sa kanila, maibabangon ng isa pa ang kaniyang kasama. Ngunit paano na lamang kung mabuwal ang isa at walang ibang magbabangon sa kaniya?” (Eclesiastes 4:9, 10) Sa gayon, idiniin ng matalinong tagamasid na ito sa paggawi ng tao ang ating pangangailangan sa pakikipagsamahan at ang kahalagahan ng hindi pagbubukod ng ating sarili. Gayunman, hindi lamang ito opinyon ng tao. Ang pananalita ni Solomon ay mula sa karunungan at pagkasi ng Diyos.
Hindi matalinong ibukod ang ating sarili. Kailangan ng mga tao ang isa’t isa. Lahat tayo ay nangangailangan ng lakas at tulong na makukuha natin sa ibang tao. “Ang nagbubukod ng kaniyang sarili ay naghahanap ng kaniyang makasariling hangarin,” sabi ng isang kawikaan sa Bibliya. “Laban sa lahat ng praktikal na karunungan ay sasalansang siya.” (Kawikaan 18:1) Kaya hindi kataka-taka na hinihimok ng mga siyentipikong panlipunan ang mga indibiduwal na maging bahagi ng isang grupo o magkaroon ng interes sa iba.
Kabilang sa mga rekomendasyon para manumbalik ang buhay bilang isang pamayanan, binanggit ni Propesor Robert Putnam na dapat “palakasin ang impluwensiyang dulot ng pananampalataya sa Diyos.” Namumukod-tangi ang mga Saksi ni Jehova sa bagay na ito sapagkat nagtatamasa sila ng proteksiyon sa tulad-pamilyang mga kongregasyon sa buong daigdig. Kasuwato ng mga salita ni apostol Pedro, sila ay ‘may pag-ibig sa buong samahan ng mga kapatid,’ na mayroong mapitagang ‘takot sa Diyos.’ (1 Pedro 2:17) Naiiwasan din ng mga Saksi ang pagbubukod ng sarili at ang nakapipinsalang mga epekto nito sapagkat ang maraming positibong mga gawaing nauugnay sa tunay na pagsamba ay patuloy na nagsasangkot sa kanila sa pagtulong sa kanilang mga kapuwa na matuto ng katotohanang masusumpungan sa Salita ng Diyos, ang Bibliya.—2 Timoteo 2:15.
Binago ng Pag-ibig at Pakikipagsamahan ang Kanilang Buhay
Ang mga Saksi ni Jehova ay tunay na isang nagkakaisang pamayanan kung saan ang bawat miyembro ay gumaganap ng isang mahalagang bahagi. Halimbawa, isaalang-alang ang kalagayan nina Miguel, Froylán, at Alma Ruth, tatlong miyembro ng isang pamilya sa Latin Amerika. Sila’y isinilang na may sakit sa buto na pinagmumulan ng isang uri ng pagkaunano. Nakapirme na silang tatlo sa mga silyang de-gulong. Paano naapektuhan ng pakikisama sa mga Saksi ang kanilang buhay?
Ganito ang sinabi ni Miguel: “Dumanas ako ng mga panahon ng krisis, subalit nang makisama ako sa bayan ni Jehova, nagbago ang buhay ko. Napakapanganib na ibukod ang sarili. Ang pakikisama
sa mga kapananampalataya sa Kristiyanong mga pagpupulong, ang pagsama sa kanila sa bawat linggo, ay lubhang nakatulong sa akin na makasumpong ng pagkakontento at kasiyahan.”Ganito pa ang sabi ni Alma Ruth: “Nakaranas ako noon ng matinding depresyon; lungkot na lungkot ako. Subalit nang matutuhan ko ang tungkol kay Jehova, nadama ko na maaari akong magkaroon ng malapít na kaugnayan sa kaniya. Para sa akin, iyan ang naging pinakamahalagang bagay sa buhay ko. Sinuportahan kami nang husto ng aking pamilya, at iyan ang higit na nagbuklod sa amin.”
Si Miguel ay maibiging tinuruan ng kaniyang ama na bumasa at sumulat. Pagkatapos ay tinuruan naman ni Miguel sina Froylán at Alma Ruth. Mahalaga ito para sa kanilang espirituwalidad. “Ang pagkatutong bumasa ay nakatulong sa amin nang malaki sapagkat mapalalakas kami sa espirituwal sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya at mga publikasyong salig sa Bibliya,” ang sabi ni Alma Ruth.
Sa kasalukuyan, si Miguel ay naglilingkod bilang isang Kristiyanong matanda. Nabasa na ni Froylán ang buong Bibliya nang siyam na beses. Pinalawak naman ni Alma Ruth ang kaniyang paglilingkuran kay Jehova sa pamamagitan ng paglilingkod bilang isang ministrong payunir, o buong-panahong tagapaghayag ng Kaharian, mula noong 1996. Sabi niya: “Naabot ko ang tunguhing ito dahil sa pagpapala ni Jehova, yamang inalalayan ako ng mahal kong mga kapatid na Saksi na tumulong sa akin hindi lamang mangaral kundi magturo rin naman upang maidaos ang 11 pag-aaral sa Bibliya na napasimulan ko.”
Isa pang mainam na halimbawa ang ipinakita ni Emelia, na naaksidente anupat kailangan niyang gumamit ng silyang de-gulong dahil sa mga pinsala sa kaniyang paa at gulugod. Inaralan siya ng Bibliya ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico City, at siya’y nabautismuhan noong 1996. Sabi ni Emelia: “Bago ko nalaman ang katotohanan, gusto kong magpakamatay; ayaw ko nang mabuhay pa. Nadama kong wala nang halaga ang aking buhay, anupat araw at gabi akong umiiyak. Subalit nang makisama ako sa bayan ni Jehova, nadama ko ang pag-ibig ng mga kapatid. Ang personal na interes na ipinakita nila sa akin ay isang pampatibay-loob. Ang isa sa mga elder ay parang isang kapatid na lalaki o ama sa akin. Isinasama niya ako at ng ilang ministeryal na lingkod sa mga pulong at sa gawaing pangangaral sa aking silyang de-gulong.”
Si José na nabautismuhan bilang isang Saksi ni Jehova noong 1992 ay namumuhay na mag-isa. Siya ay 70 taóng gulang, at nagretiro noong 1990. Dumanas noon si José ng depresyon, subalit pagkapangaral sa kaniya ng isang Saksi, agad siyang nagsimulang dumalo sa Kristiyanong mga pagpupulong. Naibigan niya ang kaniyang narinig at nakita roon. Halimbawa, napansin niya ang Filipos 1:1; 1 Pedro 5:2) Ang gayong mga kapananampalataya ay isang “tulong na nagpapalakas” sa kaniya. (Colosas 4:11) Kanilang dinadala siya sa doktor, dinadalaw sa kaniyang tahanan, at tinulungang magkaroon ng panatag na damdamin noong panahon ng kaniyang apat na operasyon. Sabi niya: “Nagpakita sila ng pagmamalasakit sa akin. Sila talaga ang aking pamilya. Nasisiyahan ako sa pakikisama sa kanila.”
pakikipagsamahan ng mga kapatid at nadama niya ang pagkabahala nila sa kaniya bilang isang tao. Siya ngayon ay inaalagaan ng mga elder at ng mga ministeryal na lingkod sa kaniyang kongregasyon. (May Tunay na Kaligayahan sa Pagbibigay
Nang sabihin ni Haring Solomon na “ang dalawa ay mas mabuti kaysa sa isa,” kasasabi pa lamang niya ang tungkol sa kawalang-saysay ng pag-uukol ng lahat ng lakas sa pagtatamo ng materyal na mga kayamanan. (Eclesiastes 4:7-9) Iyan mismo ang masikap na itinataguyod ng marami sa ngayon, kahit na mangahulugan pa ito ng pagsasakripisyo ng mabuting relasyon kapuwa sa loob at labas ng pamilya.
Ang espiritung iyon ng kasakiman at pag-iimbot ay umakay sa marami na ibukod ang kanilang sarili. Hindi ito nagdulot sa kanila ng kaligayahan o kasiyahan sa buhay, sapagkat karaniwan sa mga napadaig sa gayong espiritu ang kabiguan at kawalang-pag-asa. Sa kabaligtaran, ang mga salaysay na kababanggit lamang ay nagpapakita sa mabubuting epekto ng pakikisama sa mga naglilingkod kay Jehova at sa mga nauudyukan ng pag-ibig sa kaniya at sa kanilang kapuwa. Ang regular na pagdalo sa Kristiyanong mga pagpupulong, ang alalay at pagkabahala ng kapuwa mga Kristiyano, at ang masigasig na gawain sa ministeryo ay mahahalagang salik sa pagtulong sa mga taong ito na madaig ang negatibong mga damdaming iniuugnay sa pagbubukod ng sarili.—Kawikaan 17:17; Hebreo 10:24, 25.
Yamang umaasa tayo sa isa’t isa, natural lamang na ang paggawa ng mga bagay para sa iba ay nagdudulot ng kasiyahan. Si Albert Einstein, na dahil sa kaniyang ginawa ay nakinabang ang iba, ay nagsabi: “Ang halaga ng isang tao . . . ay dapat na makita sa ibinibigay niya at hindi sa tinatanggap niya.” Kasuwato ito ng mga pananalita ng ating Panginoong Jesu-Kristo: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.” (Gawa 20:35) Kaya, bagaman mabuti ang mapagpakitaan ng pag-ibig, lubha ring makabubuti ang magpakita ng pag-ibig sa iba.
Ganito ang sabi ng isang naglalakbay na tagapangasiwa na sa loob ng maraming taon ay dumalaw sa mga kongregasyon upang magbigay ng espirituwal na tulong at tumangkilik sa pagtatayo ng mga dakong pagpupulungan ng mahihirap na mga Kristiyano: “Ang kagalakang maglingkod sa aking mga kapatid at makita ang kanilang mga mukha na lipos ng pagpapahalaga ay nakaaantig sa akin na patuloy na hanapin ang mga pagkakataon upang tumulong. Naranasan ko na ang pagpapakita ng personal na interes sa iba ang susi sa kaligayahan. At alam ko na bilang mga elder, tayo ay dapat na maging ‘gaya ng taguang dako sa hangin . . . , gaya ng mga bukal ng tubig sa lupaing walang tubig, gaya ng lilim ng malaking bato sa lupaypay na lupain.’ ”—Isaias 32:2.
Anong Kaiga-igaya na Manahanang Magkakasama sa Pagkakaisa!
Tiyak na may malaking kapakinabangan at tunay na kaligayahan sa pagtulong sa iba at sa pakikisama sa mga naglilingkod kay Jehova. “Narito!” ang bulalas ng salmista. “Anong buti at anong kaiga-igaya na ang magkakapatid ay manahanang magkakasama sa pagkakaisa!” (Awit 133:1) Mahalagang salik ang pagkakaisa ng pamilya sa pagtulong sa isa’t isa, gaya ng ipinakita sa kalagayan nina Miguel, Froylán, at Alma Ruth. At anong laking pagpapala na magkaisa sa tunay na pagsamba! Pagkatapos magpayo sa Kristiyanong mga asawang lalaki at babae, sumulat si apostol Pedro: “Sa katapus-tapusan, kayong lahat ay magkaroon ng magkakatulad na pag-iisip, na nagpapakita ng pakikipagkapuwa-tao, na may pagmamahal na pangkapatid, mahabagin na may paggiliw, mapagpakumbaba sa pag-iisip.”—1 Pedro 3:8.
Ang tunay na pagkakaibigan ay nagdudulot ng malalaking kapakinabangan, kapuwa sa emosyonal at espirituwal na paraan. Sa pagsasalita sa mga kasamahan sa pananampalataya, nagpayo si apostol Pablo: “Magsalita nang may pang-aliw sa mga kaluluwang nanlulumo, alalayan ang mahihina, magkaroon ng mahabang pagtitiis sa lahat. . . . Laging itaguyod kung ano ang mabuti sa isa’t isa at sa lahat ng iba pa.”—1 Tesalonica 5:14, 15.
Kaya, humanap ng praktikal na mga paraan upang gumawa ng mabuti sa iba. “Gumawa . . . ng mabuti sa lahat, ngunit lalo na roon sa mga may kaugnayan sa [iyo] sa pananampalataya,” sapagkat magdaragdag ito ng tunay na kabuluhan sa iyong buhay at makatutulong upang ikaw ay makontento at masiyahan. (Galacia 6:9, 10) Sumulat ang alagad ni Jesus na si Santiago: “Kung ang isang kapatid na lalaki o isang kapatid na babae ay nasa hubad na kalagayan at nagkukulang ng pagkaing sapat para sa araw, gayunman ay sinasabi sa kanila ng isa sa inyo: ‘Yumaon kayong payapa, magpainit kayo at magpakabusog,’ ngunit hindi ninyo sila binibigyan ng mga pangangailangan para sa kanilang katawan, ano nga ang pakinabang dito?” (Santiago 2:15, 16) Maliwanag ang sagot sa katanungang iyan. Kailangan nating ‘ituon ang mata, hindi lamang sa personal na kapakanan ng ating sariling mga bagay-bagay, kundi sa personal na kapakanan din ng iba.’—Filipos 2:4.
Bukod sa pagtulong sa iba sa materyal na paraan kung may pantanging pangangailangan o kung may mangyaring kasakunaan, ang mga Saksi ni Jehova ay abalang-abala sa pagtulong sa mga kapuwa-tao sa napakahalagang paraan—sa pamamagitan ng pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. (Mateo 24:14) Ang pakikibahagi ng mahigit na 6,000,000 Saksi sa paghahayag ng mensaheng ito ng pag-asa at kaaliwan ay katibayan ng kanilang tunay at maibiging interes sa iba. Ngunit ang pagbibigay ng tulong mula sa Banal na Kasulatan ay tumutulong din upang matugunan ang isa pang pangangailangan ng tao. Ano ba ito?
Pagtugon sa Isang Napakahalagang Pangangailangan
Upang magtamasa ng tunay na kaligayahan, kailangan nating magkaroon ng wastong kaugnayan sa Diyos. Sinasabing: “Ang katotohanang nadarama ng tao saanman at sa lahat ng panahon, mula sa pasimula hanggang sa kasalukuyan, ang simbuyo na tumawag sa isa na pinaniniwalaan niyang mas mataas at mas makapangyarihan kaysa sa kaniya, ay nagpapakita na ang relihiyon ay likas sa tao at dapat na kilalanin sa makasiyensiyang paraan. . . . Dapat tayong masindak, mamangha at magpitagan sa pagkaunawang pangkaraniwan na sa mga tao ang maghanap, at maniwala sa isang kataas-taasang persona.”—Man Does Not Stand Alone, ni A. Cressy Morrison.
Sinabi ni Jesus: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan.” (Mateo 5:3) Hindi nakabubuti sa tao ang matagal na pagbubukod ng sarili mula sa ibang tao. Gayunman, mas masahol pa na ihiwalay natin ang ating sarili sa ating Maylalang. (Apocalipsis 4:11) Ang pagtatamo at pagkakapit ng “mismong kaalaman sa Diyos” ay dapat na maging isang mahalagang bahagi ng ating buhay. (Kawikaan 2:1-5) Tunay nga, dapat na maging determinado tayong sapatan ang ating espirituwal na pangangailangan, sapagkat hindi tayo maaaring mabuhay nang mag-isa at hiwalay sa Diyos. Ang isang maligaya at tunay na kasiya-siyang buhay ay depende sa isang mabuting kaugnayan kay Jehova, “ang Kataas-taasan sa buong lupa.”—Awit 83:18.
[Larawan sa pahina 5]
Miguel: “Dumanas ako ng mga panahon ng krisis, subalit nang makisama ako sa bayan ni Jehova, nagbago ang buhay ko”
[Larawan sa pahina 5]
Alma Ruth: “Nang matutuhan ko ang tungkol kay Jehova, nadama ko na maaari akong magkaroon ng malapít na kaugnayan sa kaniya”
[Larawan sa pahina 6]
Emelia: “Bago ko nalaman ang katotohanan, . . . nadama kong wala nang halaga ang aking buhay”
[Larawan sa pahina 7]
Sinasapatan ng pakikisama sa tunay na mga mananamba ang ating espirituwal na pangangailangan