Paano Natin Dapat Malasin ang mga Tao Habang Papalapit ang Araw ni Jehova?
Paano Natin Dapat Malasin ang mga Tao Habang Papalapit ang Araw ni Jehova?
“Si Jehova ay hindi mabagal may kinalaman sa kaniyang pangako, . . . kundi siya ay matiisin sa inyo sapagkat hindi niya nais na ang sinuman ay mapuksa kundi nais niya na ang lahat ay makaabot sa pagsisisi.”—2 PEDRO 3:9.
1, 2. (a) Paano minamalas ni Jehova ang mga tao sa ngayon? (b) Anong mga tanong ang maaari nating iharap sa ating sarili?
ANG mga lingkod ni Jehova ay inatasang “gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa.” (Mateo 28:19) Habang tinutupad natin ang atas na ito at hinihintay “ang dakilang araw ni Jehova,” kailangan nating tularan ang pangmalas niya sa mga tao. (Zefanias 1:14) Paano ba niya minamalas ang mga tao? Sinasabi ni apostol Pedro: “Si Jehova ay hindi mabagal may kinalaman sa kaniyang pangako, gaya ng itinuturing ng ilang tao na kabagalan, kundi siya ay matiisin sa inyo sapagkat hindi niya nais na ang sinuman ay mapuksa kundi nais niya na ang lahat ay makaabot sa pagsisisi.” (2 Pedro 3:9) Minamalas ng Diyos ang mga tao bilang mga indibiduwal na may potensiyal na magsisi. “Ang kalooban [niya] ay na ang lahat ng uri ng mga tao ay maligtas at sumapit sa tumpak na kaalaman sa katotohanan.” (1 Timoteo 2:4) Aba, natutuwa pa nga si Jehova kapag ‘nanumbalik ang balakyot mula sa kaniyang lakad upang patuloy nga siyang mabuhay’!—Ezekiel 33:11.
2 Taglay ba ng bawat isa sa atin ang pangmalas ni Jehova hinggil sa mga tao? Tulad niya, itinuturing ba natin ang mga indibiduwal sa bawat lahi at bansa bilang potensiyal na “mga tupa ng kaniyang pastulan”? (Awit 100:3; Gawa 10:34, 35) Isaalang-alang natin ang dalawang halimbawa na nagpapakita sa kahalagahan ng pagkakaroon ng pangmalas ng Diyos. Sa dalawang pangyayaring iyon, parehong may napipintong pagkapuksa, at ito ay patiunang ipinaalam sa mga lingkod ni Jehova. Ang mga halimbawang ito ay lalo nang makahulugan habang hinihintay natin ang dakilang araw ni Jehova.
Taglay ni Abraham ang Pangmalas ni Jehova
3. Ano ang pangmalas ni Jehova sa mga naninirahan sa Sodoma at Gomorra?
3 Ang unang halimbawa ay kinasasangkutan ng tapat na patriyarkang si Abraham at ng balakyot na mga lunsod ng Sodoma at Gomorra. Nang marinig ni Jehova “ang sigaw ng pagdaing tungkol sa Sodoma at Gomorra,” hindi niya kaagad pinuksa ang mga lunsod na iyon at ang lahat ng naninirahan sa mga ito. Nagsiyasat muna siya. (Genesis 18:20, 21) Dalawang anghel ang isinugo sa Sodoma, kung saan nanuluyan sila sa bahay ng matuwid na lalaking si Lot. Noong gabi ng pagdating ng mga anghel, “ang mga lalaki ng lunsod . . . ay pumalibot sa bahay, mula sa batang lalaki hanggang sa matandang lalaki, ang buong bayan bilang isang pangkat ng mang-uumog,” anupat nagnanasang magsagawa ng homoseksuwal na pakikipagtalik sa mga anghel. Maliwanag, ang kahiya-hiyang kalagayan ng mga naninirahan sa lunsod ay nagpapatunay na karapat-dapat itong puksain. Gayunman, sinabi ng mga anghel kay Lot: “Mayroon ka pa bang iba rito? Manugang na lalaki at ang iyong mga anak na lalaki at ang iyong mga anak na babae at ang lahat ng sa iyo sa lunsod, ilabas mo mula sa dakong ito!” Binuksan ni Jehova ang daan upang iligtas ang ilang naninirahan sa lunsod na iyon, ngunit nang dakong huli, tanging si Lot at ang kaniyang dalawang anak na babae ang nakaligtas sa pagkapuksa.—Genesis 19:4, 5, 12, 16, 23-26.
4, 5. Bakit nagsumamo si Abraham para sa mga naninirahan sa Sodoma, at ang pangmalas ba niya sa mga tao ay kasuwato ng pangmalas ni Jehova?
4 Ngayon naman, balikan natin ang panahon nang isiwalat ni Jehova ang kaniyang intensiyon na siyasatin ang mga lunsod ng Sodoma at Gomorra. Iyon ang panahon nang magsumamo si Abraham: “Ipagpalagay nang may limampung tao na matuwid sa gitna ng lunsod. Lilipulin mo ba sila, kung gayon, at hindi pagpapaumanhinan ang dako alang-alang sa limampung matuwid na nasa loob niyaon? Malayong mangyari sa iyo na ikaw ay gagawi sa ganitong paraan upang patayin ang taong matuwid na kasama ng balakyot anupat kailangang mangyari sa taong matuwid ang gaya ng sa balakyot! Malayong mangyari sa iyo. Hindi ba yaong tama ang gagawin ng Hukom ng buong lupa?” Dalawang beses na ginamit ni Abraham ang pananalitang “malayong mangyari sa iyo.” Batay sa kaniyang karanasan, alam ni Abraham na hindi pupuksain ni Jehova ang matuwid kasama ng balakyot. Nang sabihin ni Jehova na hindi niya pupuksain ang Sodoma kung may “limampung Genesis 18:22-33.
tao na matuwid sa gitna ng lunsod,” unti-unting binawasan ni Abraham ang bilang na ito hanggang sa umabot na lamang ito sa sampu.—5 Makikinig kaya si Jehova sa mga pagsamo ni Abraham kung ang mga ito’y hindi kasuwato ng kaniyang sariling pangmalas? Maliwanag na hindi. Bilang “kaibigan ni Jehova,” maliwanag na alam at taglay rin ni Abraham ang pangmalas Niya. (Santiago 2:23) Nang ibaling ni Jehova ang kaniyang pansin sa Sodoma at Gomorra, handa siya na isaalang-alang ang mga pagsamo ni Abraham. Bakit? Dahil ‘hindi nais ng ating makalangit na Ama na ang sinuman ay mapuksa kundi nais niya na ang lahat ay makaabot sa pagsisisi.’
Ang Pangmalas ni Jonas sa mga Tao ay Ibang-iba
6. Paano tumugon ang mga Ninevita sa ipinahayag ni Jonas?
6 Ngayon naman ay isaalang-alang natin ang ikalawang halimbawa—yaong kay Jonas. Sa halimbawang ito, ang lunsod na itinalagang mapuksa ay ang Nineve. Sinabihan noon ang propetang si Jonas na ipahayag na ang kasamaan ng lunsod na iyon ay ‘umabot sa harap ni Jehova.’ (Jonas 1:2) Kalakip ang karatig-pook nito, ang Nineve ay isang malaking lunsod, “na may layong nilalakad nang tatlong araw.” Nang sa wakas ay tumalima at pumasok si Jonas sa Nineve, patuloy niyang ipinahayag: “Apatnapung araw na lamang, at ang Nineve ay gigibain.” Dahil dito, “ang mga tao ng Nineve ay nagsimulang manampalataya sa Diyos, at sila ay naghayag ng pag-aayuno at nagsuot ng telang-sako.” Maging ang hari ng Nineve ay nagsisi.—Jonas 3:1-6.
7. Paano minalas ni Jehova ang nagsisising saloobin ng mga Ninevita?
7 Ibang-iba ito sa naging pagtugon sa Sodoma! Paano minalas ni Jehova ang nagsising mga Ninevita? Sinasabi ng Jonas 3:10: “Ikinalungkot ng tunay na Diyos ang kapahamakan na sinalita niyang pangyayarihin sa kanila; at hindi niya iyon pinangyari.” ‘Nalungkot’ si Jehova sa diwa na binago niya ang kaniyang pakikitungo sa mga Ninevita dahil binago naman nila ang kanilang landasin. Ang mga pamantayan ng Diyos ay hindi nagbago, ngunit binago ni Jehova ang kaniyang pasiya nang makita niya na nagsisi ang mga Ninevita.—Malakias 3:6.
8. Bakit naghinanakit si Jonas?
8 Nang matanto ni Jonas na hindi na pupuksain ang Nineve, minalas ba niya ang mga bagay-bagay ayon sa pangmalas ni Jehova? Hindi, sapagkat sinasabi sa atin: “Gayunman ay lubhang di-kalugud-lugod iyon kay Jonas, at siya ay nag-init sa galit.” Ano pa ang ginawa ni Jonas? Sinasabi ng ulat: “Siya ay nanalangin kay Jehova at nagsabi: ‘Ah, O Jehova, hindi ba ito ang aking ikinababahala, habang ako noon ay nasa aking sariling lupa? Iyan ang dahilan kung bakit ako yumaon at tumakas patungo sa Tarsis; sapagkat alam ko na ikaw ay Diyos na magandang-loob at maawain, mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan, at nalulungkot sa kapahamakan.’ ” (Jonas 4:1, 2) Alam ni Jonas ang mga katangian ni Jehova. Subalit nang pagkakataong iyon, ang propeta ay naghinanakit at hindi nagtaglay ng pangmalas ng Diyos hinggil sa nagsising mga naninirahan sa Nineve.
9, 10. (a) Anong aral ang inilaan ni Jehova para kay Jonas? (b) Bakit natin masasabi na tinanggap ni Jonas sa dakong huli ang pangmalas ni Jehova hinggil sa mga Ninevita?
9 Lumabas si Jonas sa Nineve, nagtayo ng isang kubol, at naupo sa ilalim ng lilim nito “hanggang Jonas 4:5-11) Kaylaking aral nga para kay Jonas hinggil sa pangmalas ni Jehova sa mga tao!
sa makita niya kung ano ang mangyayari sa lunsod.” Hinayaan ni Jehova na tumubo ang isang halamang upo upang maglaan ito ng lilim kay Jonas. Subalit kinabukasan, ang halaman ay nalanta. Nang magalit si Jonas dahil doon, sinabi ni Jehova: “Ikaw, sa ganang iyo, ay nanghinayang sa halamang upo . . . At, sa ganang akin, hindi ba ako dapat manghinayang sa Nineve na dakilang lunsod, kung saan may mahigit sa isang daan at dalawampung libong tao na hindi man lamang nakakakilala ng pagkakaiba ng kanilang kanang kamay sa kanilang kaliwa, bukod pa sa maraming alagang hayop?” (10 Ang naging tugon ni Jonas sa sinabi ng Diyos hinggil sa panghihinayang sa mga mamamayan ng Nineve ay hindi nakaulat. Gayunman, maliwanag na binago ng propeta ang kaniyang pangmalas sa nagsising mga Ninevita. Nagkaroon tayo ng gayong konklusyon dahil ginamit naman siya ni Jehova upang isulat ang kinasihang ulat na ito.
Aling Saloobin ang Taglay Mo?
11. Paano malamang na mamalasin ni Abraham ang mga tao na nabubuhay sa ngayon?
11 Sa ngayon, napapaharap tayo sa isa pang pagkapuksa—ang pagkapuksa ng kasalukuyang balakyot na sistemang ito ng mga bagay sa panahon ng dakilang araw ni Jehova. (Lucas 17:26-30; Galacia 1:4; 2 Pedro 3:10) Paano kaya mamalasin ni Abraham ang mga taong nabubuhay sa sanlibutang ito na malapit nang mapuksa? Malamang na magmamalasakit siya sa mga hindi pa nakarinig sa ‘mabuting balita ng kaharian.’ (Mateo 24:14) Paulit-ulit na nagsumamo sa Diyos si Abraham may kaugnayan sa mga matuwid na posibleng nasa Sodoma. Personal din ba tayong nagmamalasakit sa mga tao na tatalikod sa mga landasin ng sanlibutang ito na kontrolado ni Satanas kung bibigyan sila ng pagkakataong magsisi at maglingkod sa Diyos?—1 Juan 5:19; Apocalipsis 18:2-4.
12. Bakit napakadaling magkaroon ng tulad-Jonas na saloobin hinggil sa mga taong nakakausap natin sa ating ministeryo, at ano ang maaari nating gawin hinggil dito?
12 Wasto namang asamin ang wakas ng kabalakyutan. (Habakuk 1:2, 3) Gayunman, napakadaling magkaroon ng tulad-Jonas na saloobin, na hindi nagmamalasakit sa kapakanan ng mga taong maaaring magsisi. Ito ay lalo nang totoo kung palagi nating natatagpuan ang mga indibiduwal na mapagwalang-bahala, magagalitin, o palaaway pa nga kapag dumadalaw tayo sa kanilang mga tahanan dala ang mensahe ng Kaharian. Baka mawaglit na sa ating pansin ang mga titipunin pa ni Jehova mula sa balakyot na sistemang ito ng mga bagay. (Roma 2:4) Kung mahahayag, pagkatapos ng pagsusuri sa sarili, na taglay natin ang kahit kaunti sa naunang saloobin ni Jonas sa mga Ninevita, makahihingi tayo ng tulong sa pamamagitan ng panalangin upang maiayon natin ang ating pangmalas sa pangmalas ni Jehova.
13. Bakit natin masasabi na nagmamalasakit si Jehova sa mga tao sa ngayon?
13 Si Jehova ay nagmamalasakit sa mga hindi pa naglilingkod sa kaniya, at nakikinig siya sa mga pagsamo ng kaniyang nakaalay na bayan. (Mateo ) Halimbawa, “pangyayarihin niya na mabilis silang mabigyan ng katarungan” bilang tugon sa kanilang mga panalangin. ( 10:11Lucas 18:7, 8) Bukod dito, tutuparin ni Jehova ang lahat ng kaniyang pangako at layunin sa kaniyang itinakdang panahon. (Habakuk 2:3) Kasali rito ang pagpawi sa lahat ng kasamaan sa lupa, kung paanong ang Nineve ay pinuksa niya matapos manumbalik ang kabalakyutan ng mga mamamayan nito.—Nahum 3:5-7.
14. Ano ang dapat na ginagawa natin habang hinihintay ang dakilang araw ni Jehova?
14 Hangga’t ang balakyot na sistemang ito ng mga bagay ay hindi pa pinapawi sa dakilang araw ni Jehova, may-pagtitiis ba tayong maghihintay, anupat abala sa paggawa ng kaniyang kalooban? Hindi natin alam ang mga detalye hinggil sa lawak ng gawaing pangangaral na kailangan pang maisakatuparan bago dumating ang araw ni Jehova, ngunit alam natin na ang mabuting balita ng Kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa ayon sa nais ng Diyos bago dumating ang wakas. At tiyak na dapat tayong magmalasakit hinggil sa “mga kanais-nais na bagay” na kailangan pang tipunin habang patuloy na pinupuno ni Jehova ng kaluwalhatian ang kaniyang bahay.—Hagai 2:7.
Makikita sa Ating mga Kilos ang Pangmalas Natin
15. Ano ang makapagpapasidhi sa ating pagpapahalaga sa gawaing pangangaral?
15 Marahil ay nakatira tayo sa isang komunidad na doo’y hindi gaanong tinatanggap ang gawaing pangangaral at wala tayo sa kalagayan na lumipat kung saan mas malaki ang pangangailangan ukol sa mga tagapaghayag ng Kaharian. Ipagpalagay nating sampu ang maaaring matagpuan sa ating teritoryo bago sumapit ang wakas. Nadarama ba nating sulit na hanapin ang sampung iyon? “Nahabag” si Jesus sa mga pulutong “sapagkat sila ay nabalatan at naipagtabuyan kung saan-saan tulad ng mga tupang walang pastol.” (Mateo 9:36) Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya at maingat na pagbabasa ng mga artikulo sa Ang Bantayan at Gumising!, makapagtatamo tayo ng higit na kaunawaan hinggil sa kalagayan ng sanlibutang ito. Makapagpapasidhi naman ito sa ating pagpapahalaga sa pangangailangang mangaral ng mabuting balita. Bukod dito, ang mapagpahalagang paggamit ng salig-Bibliyang materyal na inilaan sa pamamagitan ng “tapat at maingat na alipin” ay makadaragdag sa ating pagiging mapanghikayat sa madalas-gawing teritoryo.—Mateo 24:45-47; 2 Timoteo 3:14-17.
16. Paano natin maaaring mapasulong ang pagiging mabisa ng ating ministeryo?
16 Ang pagmamalasakit natin sa mga maaaring tumugon pa sa nagbibigay-buhay na mensahe ng Bibliya ay mag-uudyok sa atin na isaalang-alang ang iba’t ibang oras at paraan ng paglapit sa mga may-bahay sa ating ministeryo. Nasusumpungan ba natin na marami ang wala sa tahanan kapag dumadalaw tayo? Kung gayon, maaari nating mapasulong ang pagiging mabisa ng ating ministeryo sa pamamagitan ng pag-iiba-iba sa oras at lugar ng ating gawaing pagpapatotoo. Ang mga mangingisda ay nangingisda sa panahong makahuhuli sila ng isda. Maaari ba nating tularan iyon sa ating espirituwal na gawaing pangingisda? (Marcos 1:16-18) Bakit hindi subukin ang pagpapatotoo sa gabi at pagpapatotoo sa telepono, sa mga lugar na legal ito? Nasumpungan ng ilan na ang mga paradahan, hintuan ng mga trak, gasolinahan, at mga tindahan ay mabubungang mga ‘pangisdaan.’ Ang pagkakaroon natin ng tulad-Abraham na saloobin hinggil sa mga tao ay makikita rin kapag sinasamantala natin ang mga pagkakataon upang makapagpatotoo nang di-pormal.
17. Sa anu-anong paraan natin mapatitibay-loob ang mga misyonero at ang iba pa na naglilingkod sa ibang mga lupain?
17 Milyun-milyon ang hindi pa nakaririnig sa mensahe ng Kaharian. Bukod sa ating pangangaral, maaari ba nating ipakita ang pagmamalasakit sa gayong mga tao kahit na nasa tahanan lamang tayo? Buweno, may kilala ba tayong mga misyonero o buong-panahong mga ministro na naglilingkod sa ibang bansa? Kung gayon, makabubuting padalhan natin sila ng mga liham na nagpapakitang pinahahalagahan natin ang kanilang ginagawa. Paano iyon magpapakita ng pagmamalasakit sa mga tao sa pangkalahatan? Ang ating mga liham ng pampatibay-loob at papuri ay makapagpapalakas sa mga misyonero na manatili sa kani-kanilang atas, sa gayon ay natutulungan ang marami pang tao na makaalam ng katotohanan. (Hukom 11:40) Maaari rin tayong manalangin para sa mga misyonero at para sa mga nagugutom sa katotohanan na nasa ibang mga lupain. (Efeso 6:18-20) Ang isa pang paraan upang maipakita ang pagmamalasakit ay sa pamamagitan ng pag-aabuloy ng salapi sa pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova.—2 Corinto 8:13, 14; 9:6, 7.
Maaari Ka Bang Lumipat?
18. Ano ang ginawa ng ilang Kristiyano upang maitaguyod ang mga kapakanan ng Kaharian sa bansang kinaroroonan nila?
18 Yaong mga lumipat sa mga lugar kung saan mas malaki ang pangangailangan ukol sa mga tagapaghayag ng Kaharian ay pinagpala dahil sa kanilang mapagsakripisyong mga pagsisikap. Gayunman, samantalang nananatili sa kanilang sariling bayang tinubuan, ang ibang mga Saksi ni Jehova ay nag-aral ng isa pang wika upang makatulong sa espirituwal na paraan sa mga dayuhan. Tunay na kasiya-siya ang gayong mga pagsisikap. Halimbawa, pitong Saksi na tumutulong sa mga Tsino sa isang lunsod sa Texas, E.U.A., ang malugod na tumanggap sa 114 na indibiduwal sa pagdiriwang sa Hapunan ng Panginoon noong 2001. Nasumpungan ng mga tumutulong sa gayong mga grupo na handa na ang kanilang mga bukirin para sa pag-aani.—Mateo 9:37, 38.
19. Ano ang makabubuting gawin kung ikaw ay nagbabalak na lumipat sa ibang bansa upang mapalawak pa ang gawaing pangangaral ng Kaharian doon?
19 Marahil nadarama mo at ng iyong pamilya na nasa kalagayan kayong lumipat sa isang lugar kung saan mas malaki ang pangangailangan ukol sa mga mangangaral ng Kaharian. Siyempre pa, isang katalinuhan na ‘umupo muna at tuusin ang gastusin.’ (Lucas 14:28) Lalo na itong totoo kung ang isang tao ay nagbabalak na lumipat sa ibang bansa. Sinumang may gayong balak ay makabubuting magtanong sa kaniyang sarili ng ganito: ‘Matutustusan ko kaya ang aking pamilya? Makakakuha kaya ako ng angkop na visa? Nakapagsasalita na ba ako sa wika ng bansang iyon, o handa ba akong pag-aralan iyon? Napag-isipan ko na ba ang hinggil sa klima at kultura? Ako kaya ay talagang magiging “tulong na nagpapalakas” at hindi isang pasanin sa mga kapananampalataya sa lupaing iyon? (Colosas 4:10, 11) Upang malaman kung gaano kalaki ang pangangailangan sa bansa na binabalak ninyong lipatan, laging angkop na sumulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova na nangangasiwa sa gawaing pangangaral sa lugar na iyon. *
20. Paano ginamit ng isang kabataang Kristiyano ang kaniyang sarili para sa kapakinabangan ng mga kapananampalataya at ng iba pa sa isang banyagang lupain?
20 Isang Kristiyano na nakibahagi sa pagtatayo ng mga Kingdom Hall sa Hapon ang nakabalita na may pangangailangan ukol sa dalubhasang mga manggagawa na magtatayo ng isang dako ng pagsamba sa Paraguay. Palibhasa’y walang asawa at taglay pa ang kalakasan ng kabataan, lumipat siya sa bansang iyon at nagtrabaho roon nang walong buwan bilang nag-iisang buong-panahong manggagawa sa proyekto. Sa kaniyang pamamalagi roon, natuto siya ng wikang Kastila at nakapagdaos ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Nakita niya ang pangangailangan ukol sa mga tagapaghayag ng Kaharian sa bansang iyon. Bagaman umuwi siya sa Hapon, di-nagtagal ay nagbalik siya sa Paraguay at tumulong sa pagtitipon ng mga tao tungo sa mismong Kingdom Hall na itinayo nila.
21. Ano ang dapat nating pangunahing pagtuunan ng pansin at maging pangmalas habang hinihintay ang dakilang araw ni Jehova?
21 Titiyakin ng Diyos na lubusang maisasakatuparan ang gawaing pangangaral, kasuwato ng kaniyang kalooban. Sa ngayon, pinabibilis niya ang panghuling espirituwal na pag-aani. (Isaias 60:22) Kung gayon, habang hinihintay natin ang araw ni Jehova, maging masigasig tayo sa pakikibahagi sa gawaing pag-aani at malasin ang mga tao ayon sa pangmalas sa kanila ng ating maibiging Diyos.
[Talababa]
^ par. 19 Hindi laging makatutulong sa iyo na lumipat sa isang bansa kung saan ipinagbabawal o hinihigpitan ang gawaing pangangaral. Ang paggawa ng gayon ay maaari pa ngang magpahamak sa mga mamamahayag ng Kaharian na gumagawang maingat sa ilalim ng gayong mga kalagayan.
Naaalaala Mo Ba?
• Habang hinihintay natin ang araw ni Jehova, paano natin dapat malasin ang mga tao?
• Ano ang pangmalas ni Abraham sa mga matuwid na maaaring naninirahan noon sa Sodoma?
• Paano minalas ni Jonas ang nagsising mga mamamayan ng Nineve?
• Paano natin maipakikita na taglay natin ang pangmalas ni Jehova hinggil sa mga tao na hindi pa nakarinig ng mabuting balita?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 16]
Minalas ni Abraham ang mga tao ayon sa pangmalas ni Jehova
[Larawan sa pahina 17]
Tinaglay rin ni Jonas ang pangmalas ni Jehova hinggil sa nagsising mga Ninevita
[Mga larawan sa pahina 18]
Ang pagmamalasakit sa mga tao ang mag-uudyok sa atin na isaalang-alang ang iba’t ibang oras at paraan ng pangangaral ng mabuting balita