Pagkatuto ng Sining ng Pagiging Mataktika
Pagkatuto ng Sining ng Pagiging Mataktika
NAPANSIN ni Peggy na napakasakit magsalita ng kaniyang anak na lalaki sa nakababatang kapatid nito. “Sa palagay mo ba’y ganiyan ka dapat magsalita sa iyong kapatid?” ang tanong niya. “Tingnan mo, labis siyang nasaktan!” Bakit niya sinabi iyon? Sinisikap niyang ituro sa kaniyang anak ang sining ng pagiging mataktika at pagpapakita ng konsiderasyon sa damdamin ng iba.
Hinimok ni apostol Pablo ang kaniyang nakababatang kasama na si Timoteo na maging “banayad [o mataktika] sa lahat.” Sa paggawa nito, hindi masasaktan ni Timoteo ang damdamin ng iba. (2 Timoteo 2:24) Ano ba ang taktika? Paano ka susulong sa bagay na ito? At paano mo matutulungan ang iba na malinang ang sining na ito?
Ano ba ang Taktika?
Binibigyan-kahulugan ng isang diksyunaryo ang taktika bilang “ang kakayahang maunawaan ang sensitibong kalagayan at gumawa o magsabi ng pinakamabait o pinakaangkop na bagay.” Kung paanong nadarama ng sensitibong mga daliri kung ang isang bagay ay malagkit, malambot, makinis, mainit, o mabalahibo, nadarama ng isang taong mataktika ang damdamin ng ibang tao at nauunawaan kung paanong ang kaniyang mga salita o kilos ay nakaaapekto sa kanila. Subalit ang paggawa nito ay hindi lamang isang kasanayan; nangangahulugan ito ng taimtim na pagnanais na iwasang makasakit sa iba.
Sa ulat ng Bibliya tungkol sa lingkod ni Eliseo na si Gehazi, masusumpungan natin ang isang halimbawa ng isa na walang taktika. Isang babaing Sunamita na ang anak na lalaki ay kamamatay lamang sa kaniyang mga bisig at naghahanap ng kaaliwan ang dumating upang makita si Eliseo. Nang kumustahin kung ang lahat ay nasa mabuting kalagayan, sumagot siya: “Nasa mabuting kalagayan naman.” Subalit nang lumapit siya sa propeta, “lumapit si Gehazi upang itaboy siya.” Si Eliseo naman ay nagsabi: “Pabayaan mo siya, sapagkat ang kaniyang kaluluwa ay mapait sa loob niya.”—2 Hari 4:17-20, 25-27.
Paano nagawa ni Gehazi na kumilos nang mapusok at walang taktika? Totoo na hindi ipinahayag ng babae ang kaniyang damdamin nang siya’y tanungin. Subalit, hindi basta isinisiwalat ng karamihan ang kanilang nadarama sa kahit kanino na lang. Gayunpaman, tiyak na mahahalata ang kaniyang damdamin sa ibang paraan. Maliwanag na naunawaan ni Eliseo ang kaniyang nadama, subalit hindi ito naunawaan ni Gehazi, o kusa niya itong winalang-bahala. Angkop na inilalarawan nito ang karaniwang sanhi ng walang taktikang paggawi. Kapag ang labis na ikinababahala ng isang tao ay ang kahalagahan ng kaniyang gawain, maaaring hindi niya maunawaan o mawalan siya ng pagmamalasakit sa mga pangangailangan ng mga pinakikitunguhan niya. Katulad siya ng isang drayber ng bus na masyadong nababahala sa pagdating niya nang nasa oras anupat hindi siya humihinto upang magsakay ng mga pasahero.
Upang maiwasan na maging walang taktika tulad ni Gehazi, dapat tayong magsikap na maging mabait sa mga tao, sapagkat hindi natin nalalaman kung ano talaga ang kanilang nadarama. Dapat tayong maging alisto sa mga palatandaan na nagsisiwalat sa damdamin ng isang tao at tumugon sa pamamagitan ng isang mabait na salita o kilos. Paano mo mapasusulong ang iyong mga kasanayan sa bagay na ito?
Pag-unawa sa Damdamin ng Iba
Si Jesus ay namumukod-tangi sa pag-unawa sa damdamin ng mga tao at sa pag-alam kung paano sila mapakikitunguhan nang may kabaitan sa pinakamainam na paraan. Minsan ay kumakain siya sa bahay ni Simon, isang Pariseo, nang isang babae na “kilala sa lunsod bilang isang makasalanan” ang lumapit sa kaniya. Katulad ng babaing Sunamita, hindi rin nagsalita ang babae, subalit maraming Lucas 7:37-39.
mapapansin sa ikinikilos niya. “Nagdala ito ng isang sisidlang alabastro ng mabangong langis, at, pagkatapos na lumagay sa likuran ng mga paa [ni Jesus], tumangis ang babae at pinasimulang basain ng kaniyang mga luha ang kaniyang mga paa at pinunasan niya ang mga iyon ng buhok ng kaniyang ulo. Gayundin, magiliw na hinalikan ng babae ang kaniyang mga paa at pinahiran ng mabangong langis.” Alam ni Jesus ang kahulugan ng lahat ng ito. At bagaman walang sinabi si Simon, batid ni Jesus na sinasabi ni Simon sa kaniyang sarili: “Ang taong ito, kung siya nga ay propeta, ay makakakilala kung sino at kung anong uri ng babae ang humihipo sa kaniya, na siya ay isang makasalanan.”—Maguguniguni mo ba ang pinsalang maaaring nangyari kung itinaboy ni Jesus ang babae o kung sinabi niya kay Simon: “Ikaw na lalaking walang alam! Hindi mo ba nakikita na siya ay nagsisisi?” Sa halip, mataktikang inilahad ni Jesus kay Simon ang isang ilustrasyon tungkol sa isang lalaking nagpatawad sa isang tao na may malaking pagkakautang at sa isa pang tao na mas maliit ang pagkakautang. “Sino sa kanila ang iibig sa kaniya nang higit?” ang tanong ni Jesus. Sa gayon, sa halip na lumitaw na hinahatulan si Simon, pinapurihan siya ni Jesus sapagkat tama ang isinagot ni Simon. Pagkatapos ay may-kabaitang tinulungan niya si Simon na makilala ang maraming tanda ng tunay na damdamin ng babae at ang kaniyang mga kapahayagan ng pagsisisi. Bumaling si Jesus sa babae at may-kabaitang ipinahiwatig sa kaniya na naunawaan Niya ang kaniyang nadarama. Sinabi sa kaniya ni Jesus na ang mga kasalanan niya ay pinatawad na at pagkatapos ay kaniyang sinabi: “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya; humayo ka nang payapa.” Tiyak na napatibay ng mataktikang mga pananalitang iyon ang pasiya ng babae na gawin ang tama! (Lucas 7:40-50) Nagtagumpay si Jesus sa pagiging mataktika sapagkat inobserbahan niya kung ano ang nadarama ng mga tao at may-pagkahabag na tumugon.
Kung paanong natulungan ni Jesus si Simon, matututuhan at pagkatapos ay matutulungan din natin ang iba na maunawaan ang ipinahahayag na damdamin. Kung minsan, maituturo ng makaranasang mga ministro ang sining na ito sa mga baguhan sa ministeryong Kristiyano. Pagkatapos magsagawa ng isang pagdalaw kapag ibinabahagi ang mabuting balita, masusuri nila ang mga palatandaan na nagpapahiwatig sa damdamin ng kanilang mga nakausap. Ang tao ba ay mahiyain, mapag-alinlangan, nayayamot, o abala? Ano ang pinakamabait na paraan upang matulungan siya? Matutulungan din ng matatanda ang mga kapatid na maaaring nakasakit sa damdamin ng isa’t isa dahil sa kawalan ng taktika. Tulungan ang bawat isa na maunawaan ang damdamin ng iba. Nadama ba niya na siya’y nainsulto, winalang-bahala, o mali ang pagkakaunawa sa kaniya? Paano makatutulong ang kabaitan upang bumuti ang kaniyang pakiramdam?
Makabubuting tulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na linangin ang pagkamahabagin, yamang ito ang mag-uudyok sa kanila na kumilos nang mataktika. Napansin ng anak na lalaki ni Peggy, na nabanggit sa simula, na namula ang mukha ng kaniyang nakababatang kapatid, nakasibì at luhaan, anupat naunawaan niya ang kirot na nadarama ng kaniyang kapatid. Gaya ng inaasahan ng kaniyang ina, nagsisi siya at nagpasiyang magbago. Ginamit ng dalawang anak na lalaki ni Peggy ang mga kasanayang natutuhan nila sa pagkabata at pagkalipas ng mga taon sila’y naging mabubungang manggagawa ng mga alagad at mga pastol sa kongregasyong Kristiyano.
Ipakita na Nauunawaan Mo
Ang taktika ay lalo nang mahalaga kapag ikaw ay may reklamo laban sa isa. Napakadali mong pinsalain ang kaniyang dignidad. Laging naaangkop na magbigay muna ng espesipikong papuri. Sa halip na pintasan siya, lutasin ang problema. Ipaliwanag kung paano ka naaapektuhan ng kaniyang pagkilos at kung ano talaga ang gusto mong makitang pagbabago. Pagkatapos ay maging handang makinig. Marahil ay mali ang pagkaunawa mo sa kaniya.
Nais madama ng mga tao na nauunawaan mo ang kanilang pangmalas kahit hindi ka sumasang-ayon dito. Si Jesus ay mataktikang nagsalita, anupat Lucas 10:41) Sa katulad na paraan, kapag ang isang tao ay nagsasabi ng ilang problema, sa halip na magbigay kaagad ng solusyon bago ito marinig, maipakikita mo sa mataktikang paraan na nauunawaan mo ito sa pamamagitan ng pag-ulit mo sa problema o reklamo sa iyong sariling pananalita. Ito ang mabait na paraan upang ipakita na nauunawaan mo ito.
ipinakikita na naunawaan niya ang bumabagabag kay Marta. Sinabi niya: “Marta, Marta, ikaw ay nababalisa at nababagabag tungkol sa maraming bagay.” (Alamin Kung Ano ang Hindi Mo Dapat Sabihin
Nang gustong hilingin ni Reyna Esther sa kaniyang asawa na biguin ang pakana ni Haman na puksain ang mga Judio, mataktikang isinaayos niya ang mga bagay-bagay upang ang kaniyang asawa ay magkaroon ng kaiga-igayang saloobin. Saka lamang niya binanggit ang sensitibong paksang ito. Subalit may matututuhan din tayo kung papansinin natin ang hindi niya sinabi. Dahil sa pagiging mataktika, hindi niya binanggit ang bahagi ng kaniyang asawa sa pananagutan sa masamang pakana.—Esther 5:1-8; 7:1, 2; 8:5.
Sa katulad na paraan, kapag dumadalaw sa di-sumasampalatayang asawa ng isang Kristiyanong kapatid na babae, sa halip na ipakita kaagad sa kaniya ang Bibliya, bakit hindi magsimula sa pamamagitan ng mataktikang pagtatanong tungkol sa kaniyang mga interes? Kapag ang isang estranghero ay dumating sa Kingdom Hall na di-pormal ang pananamit o may nanumbalik pagkaraan ng matagal na hindi pagdalo, malugod siyang tanggapin sa halip na magkomento tungkol sa kaniyang pananamit o sa hindi niya pagdalo. At kapag napansin mo na ang isang baguhang interesado ay may maling pangmalas, baka makabubuting huwag mo siyang ituwid karaka-raka. (Juan 16:12) Saklaw ng taktika ang may-kabaitang pagkilala sa kung ano ang hindi dapat sabihin.
Pananalita na Nakapagpapagaling
Ang pagkatuto ng sining ng mataktikang pagsasalita ay tutulong sa iyo na magtamasa ng mapayapang kaugnayan sa iba, kahit mali ang pagkaunawa ng isa sa iyong mga motibo at masama ang loob at naghihinanakit. Halimbawa, nang ang mga lalaki ng Efraim ay ‘buong tinding nakipagtalo’ kay Gideon, kasali sa kaniyang mataktikang sagot ang malinaw na paliwanag kung ano talaga ang nangyari at isang tapat na paghahalaga sa nagawa ng mga lalaki ng Efraim. Mataktika ito sapagkat kinilala niya kung bakit sila nagdaramdam, at dahil sa kapakumbabaan ni Gideon ay huminahon sila.—Hukom 8:1-3; Kawikaan 16:24.
Sikapin na laging isaalang-alang kung paanong ang iyong pananalita ay makaaapekto sa ibang tao. Ang pagsisikap na maging mataktika ay tutulong sa iyo na maranasan ang kagalakang inilalarawan sa Kawikaan 15:23: “Ang tao ay may kasayahan sa sagot ng kaniyang bibig, at ang salita sa tamang panahon, O anong buti!”
[Larawan sa pahina 31]
Matuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magkaroon ng empatiya sa iba
[Larawan sa pahina 31]
Matuturuan ng makaranasang mga ministrong Kristiyano ang mga baguhan na maging mataktika