Pag-unawa sa Layunin ng Disiplina
Pag-unawa sa Layunin ng Disiplina
ANO ang naiisip mo kapag narinig mo ang salitang “disiplina”? Binibigyang-kahulugan ng isang diksyunaryo ang disiplina bilang “pagpapasunod sa mga tao sa mga tuntunin o mga pamantayan ng paggawi, at pagpaparusa sa kanila kapag hindi sila sumunod.” Bagaman hindi lamang ito ang tinatanggap na katuturan, iniuugnay ng maraming tao ang katulad na negatibong kahulugan sa anumang uri ng disiplina.
Subalit inihaharap ng Bibliya ang disiplina sa ibang liwanag. “Ang disiplina ni Jehova, O anak ko, ay huwag mong itakwil,” sulat ng pantas na haring si Solomon. (Kawikaan 3:11) Ang mga salitang ito ay tumutukoy, hindi sa disiplina sa pangkalahatang kahulugan nito, kundi sa “disiplina ni Jehova,” samakatuwid nga, ang disiplinang salig sa matatayog na simulain ng Diyos. Ang gayong disiplina lamang ang nagbubunga ng espirituwal na mga kapakinabangan—kanais-nais pa nga. Sa kabaligtaran, kadalasang nakasasakit at nakapipinsala ang disiplinang batay sa kaisipan ng tao na salungat sa matatayog na simulain ni Jehova. Ipinaliliwanag niyan kung bakit marami ang may negatibong saloobin sa disiplina.
Bakit tayo hinihimok na tanggapin ang disiplina ni Jehova? Sa Kasulatan, ang disiplina ng Diyos ay inilalarawan bilang isang kapahayagan ng pag-ibig ng Diyos sa kaniyang mga nilalang na tao. Kaya, sinabi ni Solomon: “Ang iniibig ni Jehova ay sinasaway niya, gaya nga ng ginagawa ng ama sa anak na kaniyang kinalulugdan.”—Kawikaan 3:12.
Disiplina o Kaparusahan—Alin?
Ang disiplina gaya ng ipinahahayag sa Bibliya ay maraming aspekto—patnubay, pagtuturo, pagsasanay, pagsaway, pagtutuwid, at kaparusahan pa nga. Gayunman, sa bawat kalagayan, ang disiplina ni Jehova ay udyok ng pag-ibig, at ang tunguhin nito ay upang makinabang ang tumatanggap nito. Ang nagtutuwid na disiplina ni Jehova ay hindi kailanman para magparusa lamang.
Sa kabilang panig, ang mga pagpaparusa ng Diyos ay hindi laging sa layuning ituwid o turuan ang tumatanggap nito. Halimbawa, mula noong mismong araw na magkasala sina Adan at Eva, dinanas nila ang mga resulta ng kanilang pagsuway. Pinalayas sila ni Jehova mula sa malaparaisong hardin ng Eden, at dinanas nila ang mga epekto ng di-kasakdalan, sakit, at pagtanda. Pagkaraan ng daan-daang taon ng paghihirap, nalipol sila magpakailanman. Lahat ng ito ay parusa nga mula sa Diyos, subalit hindi ito nagtutuwid na disiplina. Dahil sa kusang pagsuway at di-pagsisisi, sina Adan at Eva ay hindi na maitutuwid pa.
Kasali sa iba pang ulat ng pagpaparusa ni Jehova ang Baha noong panahon ni Noe, ang pagkapuksa ng Sodoma at Gomorra, at ang paglipol sa hukbong Ehipsiyo sa Dagat na Pula. Ang mga pagkilos na ito ni Jehova ay hindi nilayon upang magbigay ng patnubay, pagtuturo, o pagsasanay sa mga tumanggap nito. May kinalaman sa pagpaparusang iyon ng Diyos, sumulat si apostol Pedro: “Hindi siya nagpigil sa pagpaparusa sa sinaunang sanlibutan, kundi iningatang ligtas si Noe, isang mangangaral ng katuwiran, kasama ng pitong iba pa nang magpasapit siya ng delubyo sa isang sanlibutan ng mga taong di-makadiyos; at sa pagpapaging-abo sa mga lunsod ng Sodoma at Gomorra ay hinatulan niya sila, na naglalagay ng isang parisan para sa mga taong di-makadiyos tungkol sa mga bagay na darating.”—2 Pedro 2:5, 6.
Sa anong diwa “naglalagay ng isang parisan para sa mga taong di-makadiyos tungkol sa mga bagay na darating” ang mga pagpaparusang ito? 2 Tesalonica 1:8, 9) Maliwanag, ang gayong parusa ay hindi dinisenyo upang magturo o dalisayin ang mga tatanggap nito. Subalit, kapag inanyayahan ni Jehova ang kaniyang mga mananamba na tanggapin ang disiplina, hindi niya tinutukoy ang kaparusahan sa di-nagsisising mga makasalanan.
Sa liham ni Pablo sa mga taga-Tesalonica, binanggit niya ang ating kaarawan bilang ang panahon kapag ang Diyos, sa pamamagitan ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, ay magpapasapit ng “paghihiganti doon sa mga hindi nakakakilala sa Diyos at doon sa mga hindi sumusunod sa mabuting balita.” Sinabi pa ni Pablo: “Ang mga ito mismo ay daranas ng parusang hatol na walang-hanggang pagkapuksa.” (Kapansin-pansin na si Jehova ay hindi pangunahing inilalarawan ng Bibliya bilang isang tagapagparusa. Sa halip, kadalasan siyang inilalarawan bilang isang maibiging guro at isang matiising tagapagsanay. (Job 36:22; Awit 71:17; Isaias 54:13) Oo, laging may kasamang pag-ibig at pagtitiis ang makadiyos na disiplina kapag inilalapat bilang pagtutuwid. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa layunin ng disiplina, ang mga Kristiyano ay nasa mas mabuting kalagayan upang tumanggap at maglapat ng disiplina taglay ang tamang saloobin.
Ang Disiplina ng Maibiging mga Magulang
Sa loob ng sambahayan at sa loob ng kongregasyong Kristiyano, may pangangailangang maunawaan ng lahat ang layunin ng disiplina. Lalo na itong totoo sa mga nasa posisyon ng awtoridad, gaya ng mga magulang. Ang Kawikaan 13:24 ay nagsasabi: “Ang nag-uurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak, ngunit ang umiibig sa kaniya ay yaong humahanap sa kaniya taglay ang disiplina.”
Paano maglalapat ng disiplina ang mga magulang? Ganito ang paliwanag ng Bibliya: “Kayo, mga ama, huwag ninyong inisin ang inyong mga anak, kundi patuloy na palakihin sila sa disiplina at pangkaisipang patnubay ni Jehova.” (Efeso 6:4) Ang payong ito ay inuulit sa sumusunod na pananalita: “Kayong mga ama, huwag ninyong yamutin ang inyong mga anak, upang hindi sila masiraan ng loob.”—Colosas 3:21.
Ang Kristiyanong mga magulang na nakauunawa sa layunin ng disiplina ay hindi kikilos nang may kalupitan. Maaaring ikapit ang simulaing binabanggit sa 2 Timoteo 2:24 sa paraan ng paglalapat ng disiplina ng mga magulang. Sumulat si Pablo: “Ang alipin ng Panginoon ay hindi kailangang makipag-away, kundi kailangang maging banayad sa lahat, kuwalipikadong magturo.” Ang di-mapigil na mga silakbo ng galit, pagsigaw, at nakaiinsultong pananalita ay tiyak na hindi maibiging disiplina at walang dako sa buhay ng isang Kristiyano.—Efeso 4:31; Colosas 3:8.
Ang pagtutuwid ng magulang ay hindi lamang nangangahulugan ng mabilis at determinadong
paglalapat ng parusa. Karamihan ng mga anak ay nangangailangan ng paulit-ulit na paalaala bago nila maituwid ang kanilang pag-iisip. Kaya, ang mga magulang ay dapat gumugol ng panahon, magtiis, at mag-isip nang mabuti hinggil sa paraan nila ng paglalapat ng disiplina. Dapat nilang isaisip na ang mga anak ay dapat palakihin sa “disiplina at pangkaisipang patnubay ni Jehova.” Nangangahulugan ito ng landasin ng pagsasanay na tumatagal nang maraming taon.Ang Kristiyanong mga Pastol ay Nagdidisiplina Taglay ang Kahinahunan
Kapit din ang gayong mga simulain sa Kristiyanong matatanda. Bilang maibiging mga pastol, pinagsisikapan nilang patibayin ang kawan sa pamamagitan ng paglalaan ng instruksiyon, tagubilin, at pagsaway kung kinakailangan. Sa paggawa nito, isinasaisip nila ang tunay na layunin ng disiplina. (Efeso 4:11, 12) Kung pagtutuunan lamang nila ng pansin ang paglalapat ng parusa, parurusahan lamang nila ang nagkasala at wala nang gagawin pa. Higit pa ang nasasangkot sa makadiyos na disiplina. Udyok ng pag-ibig, sinusubaybayan at patuloy na pinagtitiyagaan ng matatanda ang pagtulong sa nagkasala. Dahil taimtim silang nababahala, karaniwan nang nag-iiskedyul sila ng ilang sesyon ng pampatibay-loob at pagsasanay.
Ayon sa payo na masusumpungan sa 2 Timoteo 2:25, 26, kahit na kapag nakikitungo sa mga hindi handang tumanggap ng disiplina, ang matatanda ay dapat magturo “nang may kahinahunan.” Pagkatapos, binabanggit ng kasulatan ang layunin ng disiplina: “Baka sakaling bigyan sila ng Diyos ng pagsisisi na umaakay sa isang tumpak na kaalaman sa katotohanan, at makabalik sila sa kanilang wastong katinuan mula sa silo ng Diyablo.”
Kung minsan, kailangang itiwalag mula sa kongregasyon ang di-nagsisising mga manggagawa ng kamalian. (1 Timoteo 1:18-20) Kahit ang gayong matinding pagkilos ay dapat ituring na disiplina, hindi lamang parusa. Sa pana-panahon, sinisikap ng matatanda na dalawin ang mga natiwalag na huminto na sa paggawa ng masama. Sa gayong mga pagdalaw, ang matatanda ay kumikilos na kasuwato ng tunay na layunin ng disiplina sa pamamagitan ng pagbalangkas sa mga hakbang na kailangan upang ang isang tao ay makabalik sa kongregasyong Kristiyano.
Si Jehova ang Sakdal na Hukom
Dapat dibdibin ng mga magulang, Kristiyanong mga pastol, at iba na may maka-Kasulatang awtoridad na maglapat ng disiplina ang gayong pananagutan. Hindi sila dapat mangahas na hatulan ang iba bilang mga indibiduwal na imposible nang ituwid. Kaya, ang kanilang disiplina ay hindi kailanman dapat maging mapaghiganti o may-pagkapoot na kaparusahan.
Totoo, binabanggit ng Bibliya si Jehova bilang isa na maglalapat ng matindi at pangwakas Hebreo 10:31) Subalit hindi dapat ihambing ng tao ang kaniyang sarili kay Jehova sa bagay na ito o sa anupamang ibang bagay. At walang sinuman ang may katuwirang makadama na isang nakatatakot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng isang magulang o ng isang matanda sa kongregasyon.
na kaparusahan. Sa katunayan, sinasabi ng Kasulatan na “isang bagay na nakatatakot ang mahulog sa mga kamay ng Diyos na buháy.” (Si Jehova ay may kakayahang magtamo ng sakdal na pagkakatimbang kapag naglalapat ng disiplina. Ang mga tao ay wala ng gayong kakayahan. Nababasa ng Diyos ang puso at natitiyak niya kung ang isa ay hindi na maitutuwid pa at sa gayo’y dapat tumanggap ng tiyak at pangwakas na kaparusahan. Sa kabilang dako naman, hindi kaya ng mga tao na maggawad ng gayong paghatol. Sa kadahilanang iyan, kapag kailangang maglapat ng disiplina, yaong nasa posisyon ng awtoridad ay dapat na laging magsagawa nito taglay ang layuning magtuwid.
Pagtanggap sa Disiplina ni Jehova
Kailangan nating lahat ang disiplina ni Jehova. (Kawikaan 8:33) Sa katunayan, dapat nating panabikan ang disiplina na salig sa Salita ng Diyos. Habang nag-aaral tayo ng Salita ng Diyos, makatatanggap tayo ng disiplina na tuwirang nagmumula kay Jehova sa pamamagitan ng Kasulatan. (2 Timoteo 3:16, 17) Subalit kung minsan, tatanggap tayo ng disiplina mula sa mga kapuwa Kristiyano. Ang pagkatanto sa tunay na layunin ng paglalapat ng gayong disiplina ay tutulong sa atin na kusa itong tanggapin.
Kinilala ito ni apostol Pablo: “Totoo, walang disiplina ang waring sa kasalukuyan ay nakagagalak, kundi nakapipighati.” Pagkatapos ay idinagdag niya: “Gayunman pagkatapos doon sa mga sinanay nito ay nagluluwal ito ng mapayapang bunga, samakatuwid nga, ng katuwiran.” (Hebreo 12:11) Ang disiplina ni Jehova ay isang kapahayagan ng kaniyang marubdob na pag-ibig sa atin. Tayo man ay tumatanggap o naglalapat ng disiplina, isaisip natin ang layunin ng disiplina ng Diyos at sundin natin ang matalinong payo ng Bibliya: “Humawak ka sa disiplina; huwag mong bibitiwan. Ingatan mo ito, sapagkat ito mismo ang iyong buhay.”—Kawikaan 4:13.
[Mga larawan sa pahina 21]
Ang mga di-nagsisising makasalanan ay tumatanggap ng parusang hatol ng Diyos, hindi ng kaniyang nagtutuwid na disiplina
[Mga larawan sa pahina 22]
Udyok ng pag-ibig, gumugugol ng panahon ang matatanda sa pananaliksik at pagtulong sa mga nagkakasala
[Mga larawan sa pahina 23]
May-pagtitiis at maibiging inilalapat ng mga magulang ang “disiplina at pangkaisipang patnubay ni Jehova”