Kinokontrol ba ng mga Kalagayan Mo ang Iyong Buhay?
Kinokontrol ba ng mga Kalagayan Mo ang Iyong Buhay?
ANG nakapipighating mga kalagayan at mga problema ay palasak sa “mga panahong [ito na] mapanganib.” (2 Timoteo 3:1) Ang ilang problema ay maaaring pansamantala lamang at lilipas din sa dakong huli. Ang iba naman ay nagpapatuloy sa loob ng maraming buwan o mga taon pa nga. Bunga nito, marami ang nakadarama na gaya ng salmistang si David, na dumaing kay Jehova: “Ang mga kabagabagan ng aking puso ay dumami; mula sa aking mga kaigtingan O ilabas mo ako.”—Awit 25:17.
Nakikipagpunyagi ka ba sa matitinding problema? Kung oo, makasusumpong ka ng tulong at pampatibay-loob sa Bibliya. Pag-usapan natin ang buhay ng dalawang tapat na lingkod ni Jehova na matagumpay na naharap ang mga problema: sina Jose at David. Sa pamamagitan ng pagsusuri kung paano sila tumugon sa kapighatian, matututo tayo ng praktikal na mga leksiyong tutulong sa atin na maharap ang katulad na mga problema sa ngayon.
Napaharap sa Malulubhang Problema
Nang mag-edad 17 na siya, nagkaroon ng malubhang problema si Jose sa loob mismo ng kaniyang pamilya. Nakita ng kaniyang nakatatandang mga kapatid na lalaki na ‘inibig si Jose ni Jacob, na kanilang ama, nang higit kaysa sa lahat ng kaniyang mga kapatid.’ Dahil dito, “sila ay nagsimulang mapoot sa kaniya, at hindi sila makapagsalita sa kaniya nang mapayapa.” (Genesis 37:4) Maguguniguni natin ang kabalisahan at kaigtingan na idinulot ng situwasyong ito kay Jose. Nang maglaon, naging napakatindi ng pagkapoot ng mga kapatid ni Jose anupat ipinagbili nila siya sa pagkaalipin.—Genesis 37:26-33.
Samantalang isang alipin sa Ehipto, kinailangang tanggihan ni Jose ang imoral na pang-aakit ng asawa ng kaniyang panginoon. Palibhasa’y nagalit dahil tinanggihan siya, may-kasinungalingan niyang pinaratangan si Jose na nais siyang halayin nito. Si Jose ay ‘ibinigay sa bahay-bilangguan,’ kung saan “sinaktan nila ng mga pangaw ang kaniyang mga paa, sa mga bakal ay nalagay ang kaniyang kaluluwa.” (Genesis 39:7-20; Awit 105:17, 18) Kaylaki ngang pagsubok nito! Sa loob ng mga 13 taon, si Jose ay naging isang alipin o isang bilanggo dahil sa mga kawalang-katarungang idinulot sa kaniya ng iba, pati na ng mga miyembro ng kaniyang pamilya.—Genesis 37:2; 41:46.
Napaharap din si David ng sinaunang Israel sa mga pagsubok 1 Samuel 21:1-7) Nang malaman na tinulungan ni Ahimelec si David, ipinag-utos ni Saul na patayin hindi lamang si Ahimelec kundi gayundin ang lahat ng mga saserdote at ang kani-kanilang pamilya. (1 Samuel 22:12-19) Maguguniguni mo ba ang dalamhating nadama ni David dahil siya ang di-tuwirang naging dahilan ng trahedyang ito?
bilang isang binata. Sa loob ng ilang taon, napilitan siyang mamuhay bilang isang takas, na tinutugis ni Haring Saul na parang hayop. Laging nanganganib ang buhay ni David. Sa isang pagkakataon, nagtungo siya kay Ahimelec na saserdote para makakuha ng pagkain. (Gunigunihin ang maraming taon ng kapighatian at masamang pagtrato na binata nina Jose at David. Matututo tayo ng mahahalagang leksiyon sa pamamagitan ng pagsusuri kung ano ang ginawa nila upang mabata ang mahihirap na kalagayan nila. Talakayin natin ang tatlong paraan na doo’y karapat-dapat tularan ang mga lalaking ito.
Huwag Magkimkim ng Hinanakit at Sama ng Loob
Una, tumanggi ang tapat na mga lalaking ito na malipos ng sama ng loob at hinanakit. Habang nasa bilangguan si Jose, madali lang sanang sumamâ ang loob niya at maghinanakit dahil sa pagkakanulo sa kaniya ng mga kapatid niya, na marahil pinag-iisipan ang paghihiganti na maaari niyang gawin kung sakaling makita niya silang muli. Paano natin nalaman na nilabanan ni Jose ang gayong masamang kaisipan? Isaalang-alang kung ano ang naging reaksiyon niya nang magkaroon siya ng pagkakataong maghiganti sa kaniyang mga kapatid na nagpunta sa Ehipto upang bumili ng butil. Sinasabi ng ulat: “Humiwalay [si Jose] sa kanila at nagsimulang tumangis. . . . Pagkatapos ay nag-utos si Jose, at pinunô [ng kaniyang mga lingkod] ng mga butil ang . . . mga lalagyan [ng mga kapatid niya]. Gayundin, dapat nilang ibalik ang salapi ng mga lalaki sa kani-kaniyang sako at bigyan sila ng mga panustos para sa paglalakbay.” Pagkaraan, nang isugo niya ang kaniyang mga kapatid upang dalhin ang kanilang ama sa Ehipto, pinatibay-loob sila ni Jose sa mga pananalitang ito: “Huwag kayong mayamot sa isa’t isa habang nasa daan.” Kapuwa sa salita at sa gawa, pinatunayan ni Jose na hindi niya hinayaang sirain ng sama ng loob at hinanakit ang kaniyang buhay.—Genesis 42:24, 25; 45:24.
Sa katulad na paraan, hindi nagkimkim ng hinanakit si David kay Haring Saul. Sa dalawang okasyon, nagkaroon ng pagkakataon si David na patayin si Saul. Gayunman, nang himukin siya ng kaniyang mga tauhan na gawin ito, sinabi ni David: “Malayong mangyari, sa ganang akin, mula sa pangmalas ni Jehova, na gawin ko ang bagay na ito sa aking panginoon, na pinahiran ni Jehova, sa pamamagitan ng pag-uunat ng aking kamay laban sa kaniya, sapagkat siya ang pinahiran ni Jehova.” Ipinaubaya ni David ang bagay na ito kay Jehova, na sinasabi sa kaniyang mga tauhan: “Buháy si Jehova, si Jehova mismo ang mananakit sa kaniya; o darating ang kaniyang araw at siya nga ay mamamatay, o lulusong siya sa pagbabaka, at siya ay tiyak na malilipol.” Nang maglaon, kumatha pa nga si David ng isang panambitan sa pagkamatay ni Saul at ng anak ni Saul na si Jonatan. Tulad ni Jose, hindi hinayaan ni David na 1 Samuel 24:3-6; 26:7-13; 2 Samuel 1:17-27.
malipos siya ng hinanakit.—Nagkikimkim ba tayo ng hinanakit at sama ng loob kapag nasaktan tayo dahil sa kawalang-katarungan? Madaling mangyari ito. Kung hahayaan nating pangibabawan tayo ng emosyon, maaari itong magdulot ng higit na pinsala sa atin kaysa sa kawalang-katarungan mismo. (Efeso 4:26, 27) Kahit na bahagya lamang o wala tayong kontrol sa ginagawa ng iba, maaari nating kontrolin ang ating reaksiyon. Mas madali nating palampasin ang hinanakit at sama ng loob kung may pananampalataya tayong aasikasuhin ni Jehova ang mga bagay-bagay sa kaniyang takdang panahon.—Roma 12:17-19.
Gawin ang Pinakamabuti Hinggil sa Iyong Situwasyon
Ang ikalawang leksiyon na ating matututuhan ay huwag nating hayaang maparalisa ang ating buhay dahil sa mga kalagayan natin. Baka maging sobrang palaisip tayo sa kung ano ang hindi natin kayang gawin anupat nakakaligtaan na natin ang kaya nating gawin. Sa diwa, tayo na ang kinokontrol ng ating mga kalagayan. Maaari sana itong nangyari kay Jose. Sa halip, pinili niyang gawin ang pinakamabuti hinggil sa kaniyang situwasyon. Samantalang nagsisilbi bilang isang alipin, si Jose ay “laging nakasusumpong ng lingap sa . . . paningin [ng kaniyang panginoon] at patuloy na nagsisilbi sa kaniya, kung kaya inatasan niya siyang mamahala sa kaniyang bahay.” Gayundin ang ginawa ni Jose samantalang nasa bilangguan. Dahil sa pagpapala ni Jehova at sa kasipagan ni Jose, “ipinaubaya ng punong opisyal ng bahay-bilangguan sa kamay ni Jose ang lahat ng bilanggo na nasa bahay-bilangguan; at siya ang nagpapagawa ng lahat ng bagay na ginagawa nila roon.”—Genesis 39:4, 21-23.
Noong mga taon na namuhay si David bilang isang takas, ginawa rin niya ang pinakamabuti hinggil sa kaniyang kalagayan. Samantalang nananahan sa ilang ng Paran, ipinagsanggalang niya at ng kaniyang mga tauhan ang mga kawan ni Nabal mula sa mga pangkat ng mga mandarambong. “Naging pader sila sa palibot namin kapuwa sa gabi at sa araw,” ang sabi ng isa sa mga pastol ni Nabal. (1 Samuel 25:16) Nang maglaon, noong naninirahan siya sa Ziklag, nilusob ni David ang mga bayang hawak ng mga kaaway ng Israel sa timog, sa gayo’y pinatatatag ang mga hangganan ng Juda.—1 Samuel 27:8; 1 Cronica 12:20-22.
Kailangan ba nating magsikap pa nang higit upang gawin ang pinakamabuti hinggil sa ating kalagayan? Bagaman maaari itong maging hamon, maaari tayong magtagumpay. Sa pagbubulay-bulay sa kaniyang buhay, sumulat si apostol Pablo: “Natutuhan ko, anuman ang kalagayan ko, na masiyahan sa sarili. . . . Sa lahat ng bagay at sa lahat ng kalagayan ay natutuhan ko ang lihim kapuwa kung paano mabusog at kung paano magutom, kapuwa kung paano magkaroon ng kasaganaan at kung paano magtiis ng kakapusan.” Paano nalinang ni Pablo ang ganitong saloobin sa buhay? Sa pamamagitan ng patuloy niyang pananalig kay Jehova. Inamin niya: “Sa lahat ng bagay ay may lakas ako dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.”—Filipos 4:11-13.
Maghintay kay Jehova
Ang ikatlong leksiyon ay, sa halip na gumamit ng di-makakasulatang paraan upang baguhin ang ating mga kalagayan, dapat tayong maghintay kay Jehova. Sumulat ang alagad na si Santiago: “Hayaang ganapin ng pagbabata ang gawa nito, upang kayo ay maging ganap at malusog sa lahat ng bagay, na hindi nagkukulang ng anuman.” (Santiago 1:4) Dapat nating hayaan ang pagbabata na ‘ganapin ang gawa nito’ sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa pagsubok hanggang sa matapos ito nang hindi bumabaling sa di-makakasulatang paraan upang tapusin ito agad. Sa gayon ang ating pananampalataya ay masusubok at madadalisay, at mahahayag ang nagpapalakas na kapangyarihan nito. Taglay nina Jose at David ang ganitong uri ng pagbabata. Hindi nila sinikap na gumawa ng lunas na maaaring di-makalugod kay Jehova. Sa halip, ginawa nila ang pinakamabuti hinggil sa kanilang situwasyon. Naghintay sila kay Jehova, at kaylaking pagpapala ang tinanggap nila sa paggawa niyaon! Kapuwa sila ginamit ni Jehova upang iligtas at akayin ang kaniyang bayan.—Genesis 41:39-41; 45:5; 2 Samuel 5:4, 5.
Tayo man ay puwedeng mapaharap sa mga situwasyon kung saan maaari tayong matukso na humanap ng di-makakasulatang mga lunas. Halimbawa, nasisiraan ka ba ng loob dahil hindi ka pa nakasusumpong ng isang nararapat na kabiyak? Kung gayon, iwasan ang anumang tukso na labagin 1 Corinto 7:39) May mga problema ka ba sa iyong pag-aasawa? Sa halip na magpadala sa espiritu ng sanlibutan na humihimok ng paghihiwalay o diborsiyo, sikapin ninyong lutasin ang mga problema nang magkasama. (Malakias 2:16; Efeso 5:21-33) Nahihirapan ka ba sa pag-aasikaso ng iyong pamilya dahil sa kalagayan ng iyong kabuhayan? Kalakip sa paghihintay kay Jehova ang pag-iwas sa kuwestiyunable o ilegal na mga gawain upang kumita ng salapi. (Awit 37:25; Hebreo 13:18) Oo, lahat tayo ay dapat magpagal upang gawin ang pinakamabuti hinggil sa ating mga kalagayan at magsumikap upang pagpalain tayo ni Jehova. Habang ginagawa natin ito, maging determinado tayo na maghintay kay Jehova para sa pinakaangkop na lunas.—Mikas 7:7.
ang utos ni Jehova na mag-asawa “tangi lamang sa Panginoon.” (Aalalayan Ka ni Jehova
Maaaring magkaroon ng positibong epekto sa atin ang pagbubulay-bulay kung paano matagumpay na hinarap ng mga tauhan sa Bibliya gaya nina Jose at David ang mga kabiguan at mahihirap na situwasyon. Bagaman ang kanilang mga kuwento ay inilarawan sa ilang pahina lamang ng Bibliya, ang kanilang mga pagsubok ay tumagal sa loob ng maraming taon. Tanungin ang iyong sarili: ‘Paano natanggap ng mga lingkod na iyon ng Diyos ang kanilang mga kalagayan? Paano nila napanatili ang kanilang kagalakan? Anu-anong katangian ang kinailangan nilang linangin?’
Makabubuting isaalang-alang din natin ang pagbabata ng makabagong-panahong mga lingkod ni Jehova. (1 Pedro 5:9) Ang mga magasing Bantayan at Gumising! ay naglalaman ng maraming talambuhay sa bawat taon. Binabasa at binubulay-bulay mo ba ang mga halimbawa ng tapat na mga Kristiyanong ito? Karagdagan pa, sa ating mga kongregasyon, may mga buong-katapatang nagbabata ng di-kanais-nais na mga kalagayan. Regular ka bang nakikisama sa kanila at natututo mula sa kanila sa mga pagpupulong sa kongregasyon?—Hebreo 10:24, 25.
Kapag ikaw ay nililigalig ng mapanghamong mga kalagayan, makatitiyak ka na nagmamalasakit sa iyo si Jehova at aalalayan ka niya. (1 Pedro 5:6-10) Magsikap na huwag hayaang kontrolin ng mga kalagayan mo ang iyong buhay. Tularan ang mga halimbawa nina Jose, David, at ng iba pa sa pamamagitan ng hindi pagkikimkim ng hinanakit, sa pamamagitan ng paggawa ng pinakamabuti hinggil sa iyong situwasyon, at sa pamamagitan ng paghihintay kay Jehova para sa pinakaangkop na lunas. Maging malapít sa kaniya sa pamamagitan ng panalangin at espirituwal na mga gawain. Sa ganitong paraan, magtatamasa ka ng kagalakan at kaligayahan maging sa mahihirap na panahong ito.—Awit 34:8.
[Larawan sa pahina 20, 21]
Ginawa ni Jose ang pinakamabuti hinggil sa kaniyang kalagayan
[Larawan sa pahina 23]
Naghintay si David kay Jehova para sa lunas sa kaniyang mga problema