Pinag-uusig Ngunit Maligaya
Pinag-uusig Ngunit Maligaya
“Maligaya kayo kapag dinudusta kayo ng mga tao at pinag-uusig kayo at may-kasinungalingang sinasalita ang bawat uri ng balakyot na bagay laban sa inyo dahil sa akin.”—MATEO 5:11.
1. Ano ang tiniyak ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod may kinalaman sa kaligayahan at pag-uusig?
NANG unang isugo ni Jesus ang kaniyang mga alagad upang ipangaral ang Kaharian, nagbabala siya na sasalansangin sila. Sinabi niya sa kanila: “Kayo ay magiging mga tudlaan ng pagkapoot ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan.” (Mateo 10:5-18, 22) Gayunman, bago pa nito, sa kaniyang Sermon sa Bundok, tiniyak niya sa kaniyang mga apostol at sa iba pa na hindi naman isasapanganib ng pagsalansang na iyon ang kanilang malalim na kaligayahan. Sa katunayan, iniugnay pa nga ni Jesus ang kaligayahan sa pag-uusig bilang mga Kristiyano! Paano makapagdudulot ng kaligayahan ang pag-uusig?
Pagdurusa Dahil sa Katuwiran
2. Ayon kina Jesus at apostol Pedro, anong uri ng pagdurusa ang nagdudulot ng kaligayahan?
2 Ang ikawalong kaligayahan na binanggit ni Mateo 5:10) Sa ganang sarili, ang pagdurusa ay hindi isang kapuri-puring bagay. Sumulat si apostol Pedro: “Sapagkat anong kapurihan nga kung, kapag nagkakasala kayo at sinasampal, binabata ninyo iyon? Ngunit kung, kapag gumagawa kayo ng mabuti at nagdurusa kayo, binabata ninyo iyon, ito ay isang bagay na kaayaaya sa Diyos.” Sinabi pa niya: “Gayunman, huwag magdusa ang sinuman sa inyo bilang isang mamamaslang o magnanakaw o manggagawa ng kasamaan o bilang isang mapakialam sa mga bagay-bagay ng ibang tao. Ngunit kung siya ay nagdurusa bilang isang Kristiyano, huwag siyang mahiya, kundi patuloy niyang luwalhatiin ang Diyos sa pangalang ito.” (1 Pedro 2:20; 4:15, 16) Ayon sa mga salita ni Jesus, nagdudulot ng kaligayahan ang pagdurusa kapag binabata ito dahil sa katuwiran.
Jesus ay: “Maligaya yaong mga pinag-usig dahil sa katuwiran, yamang ang kaharian ng langit ay sa kanila.” (3. (a) Ano ang ibig sabihin ng pag-usigin dahil sa katuwiran? (b) Ano ang naging epekto ng pag-uusig sa sinaunang mga Kristiyano?
3 Nasusukat ang tunay na katuwiran sa pagsunod sa kalooban at mga utos ng Diyos. Kung gayon, ang pagdurusa dahil sa katuwiran ay nangangahulugan ng pagdurusa dahil nilalabanan ng isa ang panggigipit na labagin ang mga pamantayan o kahilingan ng Diyos. Inusig ng Judiong mga lider ang mga apostol dahil hindi sila tumigil sa pangangaral sa pangalan ni Jesus. (Gawa 4:18-20; 5:27-29, 40) Sinira ba nito ang kanilang kagalakan o pinahinto ang pangangaral nila? Hinding-hindi! “Yumaon [sila] mula sa harap ng Sanedrin, na nagsasaya sapagkat ibinilang silang karapat-dapat na walaing-dangal alang-alang sa kaniyang pangalan. At bawat araw sa templo at sa bahay-bahay ay nagpatuloy sila nang walang humpay sa pagtuturo at pagpapahayag ng mabuting balita tungkol sa Kristo, si Jesus.” (Gawa 5:41, 42) Pinagalak sila ng pag-uusig na ito at pinaningas ang kanilang sigasig sa gawaing pangangaral. Nang maglaon, inusig ng mga Romano ang sinaunang mga Kristiyano dahil sa pagtangging sumamba sa emperador.
4. Anu-ano ang ilang dahilan ng pag-uusig sa mga Kristiyano?
4 Sa makabagong panahon, pinag-uusig din ang mga Saksi ni Jehova dahil sa pagtangging tumigil sa pangangaral ng “mabuting balitang ito ng kaharian.” (Mateo 24:14) Kapag ipinagbabawal ang kanilang mga pulong Kristiyano, handa silang magdusa sa halip na hindi na magtipon gaya ng iniuutos sa Bibliya. (Hebreo 10:24, 25) Pinag-uusig sila dahil sa kanilang Kristiyanong neutralidad o pagtanggi sa maling paggamit ng dugo. (Juan 17:14; Gawa 15:28, 29) Magkagayunman, ang paninindigang ito para sa katuwiran ay nagdudulot sa bayan ng Diyos sa ngayon ng panloob na kapayapaan at kaligayahan.—1 Pedro 3:14.
Dinusta Dahil kay Kristo
5. Sa anong pangunahing dahilan pinag-uusig ang bayan ni Jehova sa ngayon?
5 Ang ikasiyam na kaligayahan na binanggit ni Jesus sa kaniyang Sermon sa Bundok ay may kinalaman din sa pag-uusig. Sinabi niya: “Maligaya kayo kapag dinudusta kayo ng mga tao at pinag-uusig kayo at may-kasinungalingang sinasalita ang bawat uri ng balakyot na bagay laban sa inyo dahil sa akin.” (Mateo 5:11) Ang pangunahing dahilan kung bakit pinag-uusig ang bayan ni Jehova ay sapagkat hindi sila bahagi ng kasalukuyang balakyot na sistema ng mga bagay. Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Kung kayo ay bahagi ng sanlibutan, kagigiliwan ng sanlibutan ang sa kaniya. Ngunit sapagkat hindi kayo bahagi ng sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula sa sanlibutan, dahil dito ay napopoot sa inyo ang sanlibutan.” (Juan 15:19) Ganiyan din ang sinabi ni apostol Pedro: “Sa dahilang hindi kayo patuloy na tumatakbong kasama nila sa landasing ito sa gayunding pusali ng kabuktutan, sila ay nagtataka at patuloy na nagsasalita nang may pang-aabuso tungkol sa inyo.”—1 Pedro 4:4.
6. (a) Bakit dinudusta at pinag-uusig ang mga nalabi at ang kanilang mga kasama? (b) Nababawasan ba ang ating kaligayahan dahil sa gayong pandurusta?
6 Nakita natin na pinag-usig ang sinaunang mga Kristiyano dahil tumanggi silang tumigil sa Gawa 1:8) Ang atas na iyan ay masigasig na ginagampanan ng tapat na mga nalabi sa pinahirang mga kapatid ni Kristo, sa tulong ng kanilang tapat na mga kasamang “malaking pulutong.” (Apocalipsis 7:9) Kaya nakikipagdigma si Satanas “sa mga nalalabi sa kaniyang binhi [ang binhi ng “babae,” ang makalangit na bahagi ng organisasyon ng Diyos], na tumutupad sa mga utos ng Diyos at may gawaing pagpapatotoo tungkol kay Jesus.” (Apocalipsis 12:9, 17) Bilang mga Saksi ni Jehova, nagpapatotoo tayo tungkol kay Jesus, ang nagpupuno na sa ngayon bilang Hari ng pamahalaan ng Kaharian, na wawasak sa mga pamahalaan ng tao na humahadlang sa matuwid na bagong sanlibutan ng Diyos. (Daniel 2:44; 2 Pedro 3:13) Dinudusta at pinag-uusig tayo dahil dito, subalit maligaya tayong nagdurusa alang-alang sa pangalan ni Kristo.—1 Pedro 4:14.
pangangaral sa pangalan ni Jesus. Inatasan ni Kristo ang kaniyang mga tagasunod: “Kayo ay magiging mga saksi ko . . . hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.” (7, 8. Anu-anong kasinungalingan ang sinabi ng mga mananalansang laban sa sinaunang mga Kristiyano?
7 Sinabi ni Jesus na dapat maging maligaya ang kaniyang mga tagasunod kahit na “may-kasinungalingang sinasalita [ng mga tao] ang bawat uri ng balakyot na bagay” laban sa kanila dahil sa kaniya. (Mateo 5:11) Talagang nangyari ito sa sinaunang mga Kristiyano. Nang mabilanggo si apostol Pablo sa Roma noong mga 59-61 C.E., sinabi ng Judiong mga lider doon tungkol sa mga Kristiyano: “Totoong kung tungkol sa sektang ito ay nalalaman namin na sa lahat ng dako ay pinagsasalitaan ito ng masama.” (Gawa 28:22) Pinaratangan sina Pablo at Silas na “nagtiwarik sa tinatahanang lupa” anupat “kumikilos nang salansang sa mga batas ni Cesar.”—Gawa 17:6, 7.
8 Tungkol sa mga Kristiyano noong panahon ng Imperyo ng Roma, sumulat ang istoryador na si K. S. Latourette: “Iba-iba ang mga paratang. Dahil tumanggi silang makibahagi sa paganong mga seremonya, tinaguriang mga ateista ang mga Kristiyano. Dahil hindi sila gaanong nakikisangkot sa buhay sa pamayanan—sa paganong mga kapistahan, mga pampublikong libangan . . .—inalipusta sila bilang mga napopoot sa lahi ng tao. . . . Sinasabing nagkikita sa gabi kapuwa ang mga babae at mga lalaki[ng Kristiyano] . . . at nagaganap ang mahalay na pakikipagtalik pagkatapos nito. . . . Dahil mga mananampalataya lamang ang dumadalo sa pagdiriwang ng [Memoryal ng kamatayan ni Kristo], lumaki ang bali-balita na regular na naghahain ng mga sanggol ang mga Kristiyano at kumakain ng dugo at laman nito.” Bukod dito, dahil tumangging sumamba sa emperador ang sinaunang mga Kristiyano, sila ay pinaratangang mga kaaway ng Estado.
9. Paano tumugon ang mga Kristiyano noong unang siglo sa maling mga paratang laban sa kanila, at ano ang kalagayan sa ngayon?
9 Hindi nahadlangan ng maling mga paratang na iyon ang mga Kristiyano sa pagganap ng kanilang atas na ipangaral ang mabuting balita ng Kaharian. Noong 60-61 C.E., nabanggit ni Pablo ang ‘mabuting balita’ na “namumunga at lumalago sa buong sanlibutan” at ‘naipangaral na sa lahat ng nilalang na nasa silong ng langit.’ (Colosas 1:5, 6, 23) Ganito rin ang nangyayari sa ngayon. Maling pinararatangan ang mga Saksi ni Jehova, kung paanong gayon din ang mga Kristiyano noong unang siglo. Sa kabila nito, sumusulong sa ngayon ang gawaing pangangaral ng mensahe ng Kaharian at nagdudulot ito ng malaking kaligayahan sa mga nakikibahagi rito.
Maligayang Pinag-uusig Gaya ng mga Propeta
10, 11. (a) Paano tinapos ni Jesus ang kaniyang pagtalakay sa ikasiyam na kaligayahan? (b) Bakit pinag-usig ang mga propeta? Magbigay ng mga halimbawa.
10 Tinapos ni Jesus ang pagtalakay sa ikasiyam na kaligayahan sa pagsasabi: “Magsaya kayo . . . , sapagkat sa gayong paraan nila pinag-usig ang mga propetang nauna sa inyo.” (Mateo 5:12) Hindi malugod na tinanggap at madalas pa ngang pinag-usig ang mga propetang isinugo ni Jehova upang magbabala sa di-tapat na Israel. (Jeremias 7:25, 26) Pinatotohanan ni apostol Pablo ang bagay na ito, anupat sumulat: “At ano pa ang sasabihin ko? Sapagkat kukulangin ako ng panahon kung ilalahad ko pa ang tungkol . . . sa iba pang mga propeta na sa pamamagitan ng pananampalataya ay . . . tinanggap . . . ang kanilang pagsubok sa pamamagitan ng mga panlilibak at mga panghahagupit, higit pa nga riyan, sa pamamagitan ng mga gapos at mga bilangguan.”—Hebreo 11:32-38.
11 Noong paghahari ng balakyot na si Haring Ahab at ng kaniyang asawa, si Jezebel, marami sa mga propeta ni Jehova ang pinatay sa pamamagitan ng tabak. (1 Hari 18:4, 13; 19:10) Inilagay sa mga pangawan ang propetang si Jeremias at nang maglaon ay inihagis sa malusak na imbakang-tubig. (Jeremias 20:1, 2; 38:6) Itinapon si propeta Daniel sa yungib ng mga leon. (Daniel 6:16, 17) Ang lahat ng propetang ito bago ang panahong Kristiyano ay inusig sapagkat ipinagtanggol nila ang dalisay na pagsamba kay Jehova. Maraming propeta ang inusig ng Judiong mga lider ng relihiyon. Tinawag ni Jesus na “mga anak niyaong mga pumaslang sa mga propeta” ang mga eskriba at Pariseo.—Mateo 23:31.
12. Bakit itinuturing natin bilang mga Saksi ni Jehova na isang pribilehiyo ang usigin gaya ng mga propeta noon?
12 Sa ngayon, kadalasang pinag-uusig tayong mga Saksi ni Jehova sapagkat masigasig tayo sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian. Ipinaparatang sa atin ng mga kaaway natin ang “agresibong pangungumberte,” subalit alam nating napaharap sa gayunding kritisismo ang tapat na mga mananamba ni Jehova na nauna sa atin. (Jeremias 11:21; 20:8, 11) Itinuturing natin na isang pribilehiyo ang magdusa sa katulad na dahilan ng pagdurusa ng tapat na mga propeta noon. Sumulat ang alagad na si Santiago: “Mga kapatid, kunin ninyo bilang parisan ng pagbabata ng kasamaan at ng pagkamatiisin ang mga propeta, na nagsalita sa pangalan ni Jehova. Narito! Ipinahahayag nating maligaya yaong mga nakapagbata.”—Santiago 5:10, 11.
Malalalim na Dahilan Para Maging Maligaya
13. (a) Bakit hindi tayo nasisiraan ng loob dahil sa pag-uusig? (b) Ano ang tumutulong sa atin na makapanindigang matatag, at ano ang pinatutunayan nito?
13 Sa halip na masiraan ng loob dahil sa pag-uusig, naaaliw tayo sa pagkaalam na sinusunod natin ang mga yapak ng mga propeta, ng sinaunang mga Kristiyano, at ni Kristo Jesus mismo. (1 Pedro 2:21) Kumukuha tayo ng kaaliwan mula sa Kasulatan, gaya ng sinabi ni apostol Pedro: “Mga minamahal, huwag kayong magtaka sa panununog sa gitna ninyo, na nangyayari sa inyo bilang isang pagsubok, na para bang isang kakaibang bagay ang nangyayari sa inyo. Kung dinudusta kayo dahil sa pangalan ni Kristo, kayo ay maligaya, sapagkat ang espiritu ng kaluwalhatian, ang espiritu mismo ng Diyos, ay namamalagi sa inyo.” (1 Pedro 4:12, 14) Batid natin mula sa karanasan na kaya lamang tayo nakapaninindigang matatag sa ilalim ng pag-uusig ay dahil namamalagi sa atin ang espiritu ni Jehova at pinalalakas tayo nito. Ang pag-alalay ng banal na espiritu ay patunay na sumasaatin ang pagpapala ni Jehova, at nagdudulot ito ng malaking kaligayahan sa atin.—Awit 5:12; Filipos 1:27-29.
14. Anu-ano ang ating mga dahilan upang magsaya kapag pinag-uusig dahil sa katuwiran?
14 Ang isa pang dahilan kung bakit nagdudulot 2 Timoteo 3:12) Maligayang-maligaya tayo sapagkat ang ating pananatiling tapat sa ilalim ng pagsubok ay nagbibigay ng karagdagang sagot sa hamon ni Satanas na kaya lamang daw naglilingkod ang lahat ng nilalang ni Jehova sa Kaniya ay dahil sa sakim na interes. (Job 1:9-11; 2:3, 4) Nagsasaya tayo dahil may bahagi tayo, maliit man ito, sa pagbabangong-puri ng matuwid na soberanya ni Jehova.—Kawikaan 27:11.
sa atin ng kaligayahan ang pagsalansang at pag-uusig ay sapagkat pinatutunayan nito na namumuhay tayo bilang tunay na mga Kristiyano na may makadiyos na debosyon. Sumulat si apostol Pablo: “Lahat niyaong mga nagnanasang mabuhay na may makadiyos na debosyon may kaugnayan kay Kristo Jesus ay pag-uusigin din.” (Lumukso sa Kagalakan Dahil sa Gantimpala
15, 16. (a) Anong dahilan ang ibinigay ni Jesus para tayo ay ‘magsaya at lumukso sa kagalakan’? (b) Anong gantimpala ang naghihintay sa langit para sa pinahirang mga Kristiyano, at paano rin gagantimpalaan ang kanilang mga kasama na “ibang mga tupa”?
15 Nagbigay pa si Jesus ng karagdagang dahilan para maging maligaya kapag sinisiraang-puri at pinag-uusig gaya ng mga propeta noon. Sa bandang huli ng ikasiyam na kaligayahan, sinabi niya: “Magsaya kayo at lumukso sa kagalakan, yamang malaki ang inyong gantimpala sa langit.” (Mateo 5:12) Sumulat si apostol Pablo: “Ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob na ibinibigay ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon.” (Roma 6:23) Oo, ang ‘malaking gantimpala’ ay buhay, at hindi ito kabayaran na kaya nating makamit sa ganang sarili natin. Walang-bayad na kaloob ito. Sinabi ni Jesus na naroon “sa langit” ang gantimpalang ito sapagkat mula ito kay Jehova.
16 Tatanggapin ng mga pinahiran ang “korona ng buhay,” samakatuwid nga, ang imortal na buhay na kasama ni Kristo sa langit. (Santiago 1:12, 17) Nananabik naman ang mga may makalupang pag-asa, ang “ibang mga tupa,” na magmana ng buhay na walang hanggan sa paraiso sa lupa. (Juan 10:16; Apocalipsis 21:3-5) Para sa dalawang uring ito, ang “gantimpala” ay hindi isang bagay na makakamit nila sa ganang sarili. Kapuwa ang mga pinahiran at ang “ibang mga tupa” ay tatanggap ng kanilang gantimpala sa pamamagitan ng “nakahihigit na di-sana-nararapat na kabaitan” ni Jehova na nagpakilos kay apostol Pablo na sabihin: “Salamat sa Diyos dahil sa kaniyang di-mailarawang kaloob na walang bayad.”—2 Corinto 9:14, 15.
17. Bakit tayo maaaring maging maligaya at makasagisag na ‘lumukso sa kagalakan’ kapag pinag-uusig?
17 Sumulat si apostol Pablo sa mga Kristiyano, na ang ilan sa kanila ay malapit nang pag-usigin nang buong kalupitan ni Emperador Nero: “Magbunyi tayo samantalang nasa mga kapighatian, yamang alam natin na ang kapighatian ay nagbubunga ng pagbabata; ang pagbabata naman, ng sinang-ayunang kalagayan; ang sinang-ayunang kalagayan naman, ng pag-asa, at ang pag-asa ay hindi umaakay sa kabiguan.” Sinabi rin niya: “Magsaya kayo sa pag-asa. Magbata kayo sa ilalim ng kapighatian.” (Roma 5:3-5; 12:12) Ang pag-asa man natin ay makalangit o makalupa, ang ating gantimpala dahil sa katapatan sa ilalim ng pagsubok ay di-hamak na nakahihigit kaysa sa anumang nauukol sa atin. Walang kapantay ang ating kaligayahan sa pag-asang mabuhay magpakailanman upang maglingkod at pumuri sa ating maibiging Ama, si Jehova, sa ilalim ng ating hari na si Jesu-Kristo. Makasagisag tayong ‘lumulukso sa kagalakan.’
18. Ano ang maaasahan sa mga bansa habang papalapit na ang kawakasan, at ano ang gagawin ni Jehova?
18 Sa ilang lupain, pinag-usig at patuloy pa ring pinag-uusig ang mga Saksi ni Jehova. Sa kaniyang hula tungkol sa katapusan ng sistema ng mga bagay, nagbabala si Jesus sa tunay na mga Kristiyano: “Kayo ay magiging mga tudlaan ng pagkapoot ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.” (Mateo 24:9) Habang papalapit tayo sa kawakasan, uudyukan ni Satanas ang mga bansa upang ipakita ang kanilang poot laban sa bayan ni Jehova. (Ezekiel 38:10-12, 14-16) Ito ang magiging hudyat na oras na upang kumilos si Jehova. “Tiyak na dadakilain ko ang aking sarili at pababanalin ko ang aking sarili at ipakikilala ko ang aking sarili sa paningin ng maraming bansa; at kanila ngang makikilala na ako ay si Jehova.” (Ezekiel 38:23) Sa gayong paraan pababanalin ni Jehova ang kaniyang dakilang pangalan at ililigtas ang kaniyang bayan mula sa pag-uusig. Kaya naman, “maligaya ang tao na patuloy na nagbabata.”—Santiago 1:12.
19. Habang hinihintay ang dakilang “araw ni Jehova,” ano ang dapat nating gawin?
19 Habang papalapit nang papalapit ang dakilang “araw ni Jehova,” magsaya tayo sapagkat “ibinilang [tayong] karapat-dapat na walaing-dangal” alang-alang sa pangalan ni Jesus. (2 Pedro 3:10-13; Gawa 5:41) Tulad ng sinaunang mga Kristiyano, magpatuloy nawa tayo “nang walang humpay sa pagtuturo at pagpapahayag ng mabuting balita tungkol sa Kristo” at sa pamahalaan ng Kaharian habang hinihintay natin ang ating gantimpala sa matuwid na bagong sanlibutan ni Jehova.—Gawa 5:42; Santiago 5:11.
Bilang Repaso
• Ano ang ibig sabihin ng magdusa dahil sa katuwiran?
• Ano ang naging epekto ng pag-uusig sa sinaunang mga Kristiyano?
• Bakit masasabing inuusig ang mga Saksi ni Jehova gaya ng mga propeta noon?
• Bakit tayo ‘makapagsasaya at makalulukso sa kagalakan’ kapag inuusig?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mga larawan sa pahina 16, 17]
“Maligaya kayo kapag dinudusta kayo ng mga tao at pinag-uusig kayo”
[Credit Line]
Grupong nasa bilangguan: Chicago Herald-American