Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Inaasam Mo ba ang Isang Daigdig na Walang Pangamba?

Inaasam Mo ba ang Isang Daigdig na Walang Pangamba?

Inaasam Mo ba ang Isang Daigdig na Walang Pangamba?

“Nabubuhay tayo sa isang ‘nakababahala at matinding kalagayan na doo’y palagi tayong nakaalerto at . . . walang kalaban-laban,’ bunsod ng ‘di-maipaliwanag na . . . panganib na maaaring sumalakay anumang oras sa anumang anyo nang walang anumang babala.’”

MASASALAMIN sa mga salitang ito, na sinipi noong nakaraang taon ng magasing Newsweek, ang damdamin ng maraming tao na nabubuhay sa napakagulong daigdig ngayon. Ipinahiwatig ni Jesu-Kristo na titindi pa ang gayong mga damdamin sa malapit na hinaharap. Inihula niya ang panahon na manggigipuspos ang mga bansa anupat hindi malaman ang gagawin at ang mga tao ay manlulupaypay dahil sa takot at sa paghihintay sa mga bagay na darating sa lupa. Subalit hindi tayo kailangang matakot ni manghina man, sapagkat sinabi rin ni Jesus: “Habang nagsisimulang maganap ang mga bagay na ito, tumindig kayo nang tuwid at itaas ang inyong mga ulo, sapagkat ang inyong katubusan ay nalalapit na.”​—Lucas 21:25-28.

Upang ilarawan ang magiging kalagayan ng kaniyang bayan sa lupa pagkatapos ng katubusang iyan, ganito ang ipinahayag ng Diyos na Jehova: “Ang aking bayan ay mananahanan sa mapayapang tinatahanang dako at sa mga tahanang may lubos na kapanatagan at sa tahimik na mga pahingahang-dako.” (Isaias 32:18) Sa pamamagitan ng kaniyang propetang si Mikas, sinabi ni Jehova: “Uupo sila, ang bawat isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos, at walang sinumang magpapanginig sa kanila.”​—Mikas 4:4.

Ibang-iba nga iyan sa buhay ngayon! Wala nang nakakubling panganib na nakaabang sa sangkatauhan. Sa halip na isang nakababahalang kalagayan na doo’y palagi tayong nakaalerto at walang kalaban-laban, hindi magwawakas ang kapayapaan at kaligayahan.