Manghawakan sa Parisang Ibinigay ni Jesus
Manghawakan sa Parisang Ibinigay ni Jesus
“Nagbigay ako ng parisan para sa inyo, na kung ano ang ginawa ko sa inyo ay dapat din ninyong gawin.”—JUAN 13:15.
1. Bakit isang huwaran si Jesus na dapat tularan ng mga Kristiyano?
SA BUONG kasaysayan ng sangkatauhan, iisang tao lamang ang hindi nagkasala sa buong buhay niya. Siya ay si Jesus. Bukod kay Jesus, “walang taong hindi nagkakasala.” (1 Hari 8:46; Roma 3:23) Dahil dito, si Jesus ay itinuturing ng tunay na mga Kristiyano bilang sakdal na huwarang dapat tularan. Sa katunayan, noong Nisan 14, 33 C.E., nang malapit na siyang mamatay, sinabi mismo ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na tularan siya. Sinabi niya: “Nagbigay ako ng parisan para sa inyo, na kung ano ang ginawa ko sa inyo ay dapat din ninyong gawin.” (Juan 13:15) Sa huling gabing iyon, binanggit ni Jesus ang ilang paraan na doo’y dapat pagsikapan ng mga Kristiyano na tularan siya. Sa artikulong ito, isasaalang-alang natin ang ilan sa mga ito.
Kailangang Maging Mapagpakumbaba
2, 3. Sa anu-anong paraan isang sakdal na parisan ng kapakumbabaan si Jesus?
2 Nang himukin ni Jesus ang kaniyang mga alagad na sundin ang parisang ibinigay niya, espesipiko niyang tinutukoy noon ang kapakumbabaan. Hindi lamang niya minsan pinayuhan ang kaniyang mga tagasunod na maging mapagpakumbaba, at noong gabi ng Nisan 14, ipinakita niya ang kaniya mismong kapakumbabaan nang hugasan niya ang mga paa ng kaniyang mga apostol. Pagkatapos ay sinabi ni Jesus: “Kung ako, bagaman Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, kayo rin ay dapat na maghugas ng mga paa ng isa’t isa.” (Juan 13:14) Pagkatapos noon, sinabi niya sa kaniyang mga apostol na sundin ang parisang ibinigay niya. At napakainam nga itong parisan ng kapakumbabaan!
3 Sinasabi sa atin ni apostol Pablo na bago pumarito sa lupa si Jesus, siya ay “umiiral sa anyong Diyos.” Gayunman, hinubad niya ang kaniyang sarili at naging isang hamak na tao. Bukod diyan, “nagpakababa siya at naging masunurin hanggang sa kamatayan, oo, kamatayan sa pahirapang tulos.” (Filipos 2:6-8) Isipin ito. Si Jesus, ang pangalawa sa pinakamataas na persona sa uniberso, ay pumayag na maging mas mababa pa kaysa sa mga anghel, maisilang bilang isang walang kalaban-laban na sanggol, lumaking nagpapasakop sa di-sakdal na mga magulang, at sa wakas ay mamatay na gaya ng isang kinasusuklamang kriminal. (Colosas 1:15, 16; Hebreo 2:6, 7) Pambihirang kapakumbabaan nga ito! Posible kayang tularan ang gayong “pangkaisipang saloobin” at linangin ang gayong “kababaan ng pag-iisip”? (Filipos 2:3-5) Oo, ngunit hindi ito madali.
4. Anu-ano ang mga dahilan ng pagmamapuri ng mga tao, ngunit bakit mapanganib ang pagmamapuri?
Kawikaan 6:16-19) Ang pagmamapuri ang dahilan ng pagbagsak ni Satanas. (1 Timoteo 3:6) Madali itong tumubo sa puso ng tao, at kapag tumubo na ito, mahirap na itong alisin. Nagmamapuri ang mga tao dahil sa kanilang bansa, lahi, mga pag-aari, edukasyon, sekular na mga nagawa, katayuan sa lipunan, hitsura, mga kakayahan sa isport, at marami pang ibang bagay. Gayunman, hindi mahalaga kay Jehova ang mga bagay na ito. (1 Corinto 4:7) At kung nagmamapuri tayo dahil sa mga ito, sinisira ng mga ito ang ating kaugnayan sa kaniya. “Si Jehova ay mataas, gayunma’y nakikita niya ang mapagpakumbaba; ngunit ang matayog ay kilala lamang niya sa malayo.”—Awit 138:6; Kawikaan 8:13.
4 Ang kabaligtaran ng kapakumbabaan ay pagmamapuri. (Mapagpakumbaba sa Ating mga Kapatid
5. Bakit napakahalagang maging mapagpakumbaba ang matatanda?
5 Maging ang ating mga naitutulong at nagagawa sa paglilingkod kay Jehova ay hindi dapat maging dahilan upang magmapuri tayo; ni ang mga pananagutan man natin sa kongregasyon. (1 Cronica 29:14; 1 Timoteo 6:17, 18) Ang totoo, miyentras mas mabigat ang ating mga pananagutan, lalo tayong dapat na maging mapagpakumbaba. Hinimok ni apostol Pedro ang matatanda na huwag ‘mamanginoon sa mga mana ng Diyos, kundi maging mga halimbawa sa kawan.’ (1 Pedro 5:3) Hinirang ang matatanda upang maging mga lingkod at halimbawa, hindi upang maging mga panginoon.—Lucas 22:24-26; 2 Corinto 1:24.
6. Kailangan natin ang kapakumbabaan sa anu-anong pitak ng buhay-Kristiyano?
6 Hindi lamang ang matatanda ang kailangang maging mapagpakumbaba. Sa nakababatang mga lalaki, na baka nagmamapuri dahil sa kanilang mas matatalas na isip at mas malalakas na pangangatawan kung ihahambing sa mga nakatatanda, sumulat si Pedro: “Magbigkis ng kababaan ng pag-iisip sa pakikitungo sa isa’t isa, sapagkat sinasalansang ng Diyos ang mga palalo, ngunit binibigyan niya ng di-sana-nararapat na kabaitan ang mga mapagpakumbaba.” (1 Pedro 5:5) Oo, kailangang-kailangan ng lahat ang tulad-Kristong kapakumbabaan. Kailangan ang kapakumbabaan upang maipangaral ang mabuting balita, lalo na sa harap ng pagwawalang-bahala o pagkainis ng mga tao. Kailangan ang kapakumbabaan upang matanggap ang payo o upang mapasimple ang ating buhay para higit tayong makabahagi sa ministeryo. Karagdagan pa, kailangan natin ang kapakumbabaan gayundin ang lakas ng loob at pananampalataya kapag nagbabata ng mapanirang publisidad, ng mga pagsalakay salig sa batas, o marahas na pag-uusig.—1 Pedro 5:6.
7, 8. Ano ang ilang paraan para malinang natin ang kapakumbabaan?
7 Paano madaraig ng isang tao ang pagmamapuri at makagagawi nang “may kababaan ng pag-iisip na itinuturing na ang iba ay nakatataas” sa kaniya? (Filipos 2:3) Kailangan niyang ituring ang kaniyang sarili gaya ng pagturing ni Jehova sa kaniya. Ipinaliwanag ni Jesus ang tamang saloobin nang sabihin niya: “Kayo rin, kapag nagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na iniatas sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami ay walang-kabuluhang mga alipin. Ang aming ginawa ang siyang dapat naming gawin.’ ” (Lucas 17:10) Tandaan, di-hamak na mas maraming nagawa si Jesus kaysa sa atin. Gayunman, mapagpakumbaba si Jesus.
8 Karagdagan pa, makahihingi tayo ng tulong kay Jehova upang malinang ang tamang pangmalas sa ating sarili. Tulad ng salmista, makapananalangin tayo: “Turuan mo ako ng kabutihan, ng katinuan Awit 119:66) Tutulungan tayo ni Jehova na malinang ang isang makatuwiran at timbang na pangmalas sa ating sarili, at pagpapalain niya tayo dahil sa ating mapagpakumbabang saloobin. (Kawikaan 18:12) Sinabi ni Jesus: “Sinumang nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa, at sinumang nagbababa ng kaniyang sarili ay itataas.”—Mateo 23:12.
at ng kaalaman, sapagkat nanampalataya ako sa iyong mga utos.” (Wastong Pangmalas sa Tama at Mali
9. Paano minamalas ni Jesus ang tama at mali?
9 Bagaman namuhay siya nang 33 taon kasama ng di-sakdal na mga tao, si Jesus ay nanatiling “walang kasalanan.” (Hebreo 4:15) Sa katunayan, nang humuhula tungkol sa Mesiyas, sinabi ng salmista: “Iniibig mo ang katuwiran at kinapopootan mo ang kabalakyutan.” (Awit 45:7; Hebreo 1:9) Dapat ding pagsikapan ng mga Kristiyano na tularan si Jesus sa pitak na ito. Hindi lamang nila alam kung ano ang tama at mali; kinapopootan din nila ang mali at iniibig ang tama. (Amos 5:15) Tumutulong ito sa kanila upang mapaglabanan ang kanilang likas na makasalanang hilig.—Genesis 8:21; Roma 7:21-25.
10. Kung walang-pagsisisi nating ginagawa ang “buktot na mga bagay,” anong saloobin ang ipinakikita natin?
10 Sinabi ni Jesus sa Pariseong si Nicodemo: “Siya na gumagawa ng buktot na mga bagay ay napopoot sa liwanag at hindi lumalapit sa liwanag, upang ang kaniyang mga gawa ay hindi masaway. Ngunit siya na gumagawa ng totoo ay lumalapit sa liwanag, upang maihayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa na kasuwato ng Diyos.” (Juan 3:20, 21) Isipin ito: Ipinakilala ni Juan si Jesus bilang “ang tunay na liwanag na nagbibigay ng liwanag sa bawat uri ng tao.” (Juan 1:9, 10) Subalit sinabi ni Jesus na kapag gumagawa tayo ng “buktot na mga bagay”—mga bagay na mali at di-kaayaaya sa Diyos—kinapopootan natin ang liwanag. Magagawa mo bang kapootan si Jesus at ang kaniyang mga pamantayan? Gayunman, ganiyan ang saloobin ng mga walang-pagsisising gumagawa ng kasalanan. Marahil, hindi nila minamalas ang mga bagay-bagay sa gayong paraan, ngunit maliwanag na gayon ang pangmalas ni Jesus.
Kung Paano Lilinangin ang Pangmalas ni Jesus sa Tama at Mali
11. Ano ang kailangan upang malinang natin ang pangmalas ni Jesus sa tama at mali?
11 Kailangan natin ang malinaw na pagkaunawa sa kung ano ang tama at mali ayon sa pangmalas ni Jehova. Natatamo natin ang gayong pagkaunawa tangi lamang sa pag-aaral ng Salita ng Diyos, ang Bibliya. Habang itinataguyod natin ang gayong pag-aaral, kailangan tayong manalangin na gaya ng salmista: “Ipaalam mo sa akin ang iyong mga daan, O Jehova; ituro mo sa akin ang iyong mga landas.” (Awit 25:4) Subalit tandaan na mapanlinlang si Satanas. (2 Corinto 11:14) Maaari niyang palitawin na waring katanggap-tanggap ang mali sa isang di-mapagbantay na Kristiyano. Kaya kailangan nating bulay-bulaying mabuti ang ating natututuhan at manghawakang mahigpit sa payo ng “tapat at maingat na alipin.” (Mateo 24:45-47) Ang pag-aaral, pananalangin, at pagbubulay-bulay sa ating natututuhan ay tutulong sa atin na sumulong tungo sa pagkamaygulang at mapabilang sa mga indibiduwal na “dahil sa paggamit ay nasanay ang kanilang mga kakayahan sa pang-unawa na makilala kapuwa ang tama at ang mali.” (Hebreo 5:14) Kung gayon ay mauudyukan tayong kapootan ang mali at ibigin ang tama.
12. Anong payo sa Bibliya ang tutulong sa atin na huwag magsagawa ng katampalasanan?
12 Kung kinapopootan natin ang mali, hindi natin hahayaang tumubo sa ating puso ang pagnanasa sa maling mga bagay. Maraming taon ang nakalipas pagkamatay ni Jesus, sumulat si apostol Juan: “Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay man na nasa sanlibutan. Kung ang sinuman ay umiibig sa sanlibutan, ang pag-ibig sa Ama ay wala sa kaniya; sapagkat ang lahat ng bagay na nasa sanlibutan—ang pagnanasa ng laman at ang 1 Juan 2:15, 16.
pagnanasa ng mga mata at ang pagpaparangya ng kabuhayan ng isa—ay hindi nagmumula sa Ama, kundi nagmumula sa sanlibutan.”—13, 14. (a) Bakit mapanganib para sa mga Kristiyano ang pag-ibig sa mga bagay ng sanlibutan? (b) Paano natin maiiwasang malinang ang pag-ibig sa mga bagay na nasa sanlibutan?
13 Baka ikatuwiran ng ilan na hindi naman mali ang lahat ng bagay na nasa sanlibutan. Bagaman totoo ito, ang sanlibutan at ang mga pang-akit nito ay madaling makagagambala sa atin sa paglilingkod kay Jehova. At walang anumang inilalaan ang sanlibutan na dinisenyo upang lalo tayong mapalapít sa Diyos. Kaya kung nalilinang na natin ang pag-ibig sa mga bagay na nasa sanlibutan, maging ang mga bagay na hindi naman masama sa ganang sarili, tayo ay nanganganib. (1 Timoteo 6:9, 10) Bukod diyan, ang karamihan ng nasa sanlibutan ay talagang masama at makapagpapasamâ sa atin. Kung manonood tayo ng mga pelikula o mga programa sa telebisyon na nagtatampok ng karahasan, materyalismo, o seksuwal na imoralidad, maaaring maging katanggap-tanggap ang mga bagay na iyon—at pagkatapos ay maging tukso na sa atin. Kung makikihalubilo tayo sa mga taong ang pangunahing interes ay paunlarin ang kanilang istilo ng pamumuhay o palakihin ang mga oportunidad sa negosyo, maaaring maging pangunahin na rin sa atin ang gayong mga bagay.—Mateo 6:24; 1 Corinto 15:33.
14 Sa kabilang panig naman, kung makasusumpong tayo ng kaluguran sa Salita ni Jehova, “ang pagnanasa ng laman at ang pagnanasa ng mga mata at ang pagpaparangya ng kabuhayan ng isa” ay hindi na magiging kaakit-akit sa atin. Karagdagan pa, kung makikisama tayo sa mga taong inuuna ang mga kapakanan ng Kaharian ng Diyos, tayo ay magiging katulad nila, anupat iniibig ang kanilang iniibig at iniiwasan ang kanilang iniiwasan.—Awit 15:4; Kawikaan 13:20.
15. Gaya ng nangyari kay Jesus, paano tayo mapalalakas ng pag-ibig sa katuwiran at pagkapoot sa katampalasanan?
15 Ang pagkapoot sa katampalasanan at ang pag-ibig sa katuwiran ay tumulong kay Jesus upang mapanatiling nakatuon ang kaniyang pansin sa “kagalakang inilagay sa harap niya.” (Hebreo 12:2) Maaari ring maging totoo iyon sa atin. Alam natin na “ang sanlibutan ay lumilipas at gayundin ang pagnanasa nito.” Anumang kaluguran na iniaalok ng sanlibutang ito ay pansamantala lamang. Subalit “siya na gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman.” (1 Juan 2:17) Dahil ginawa ni Jesus ang kalooban ng Diyos, naging posible para sa mga tao na makapagtamo ng buhay na walang hanggan. (1 Juan 5:13) Tayong lahat ay tumulad nawa sa kaniya at makinabang sa naidulot ng kaniyang katapatan.
Pagbabata Kapag Inuusig
16. Bakit hinimok ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na ibigin ang isa’t isa?
16 Binanggit ni Jesus ang isa pang halimbawa na dapat tularan sa kaniya ng mga alagad niya, na sinasabi: “Ito ang aking utos, na ibigin ninyo ang isa’t isa kung paanong inibig ko kayo.” (Juan 15:12, 13, 17) Maraming dahilan kung bakit iniibig ng mga Kristiyano ang kanilang mga kapatid. Sa pagkakataong ito, pangunahin nang nasa isip ni Jesus ang pagkapoot na daranasin nila mula sa sanlibutan. Sinabi niya: “Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, alam ninyo na napoot ito sa akin bago ito napoot sa inyo. . . . Ang isang alipin ay hindi mas dakila kaysa sa kaniyang panginoon. Kung pinag-usig nila ako, pag-uusigin din nila kayo.” (Juan 15:18, 20) Oo, kahit sa panahong inuusig sila, ang mga Kristiyano ay katulad ni Jesus. Kailangan nilang linangin ang isang matibay at maibiging buklod na tutulong sa kanila na makayanan ang pagkapoot na iyan.
17. Bakit kinapopootan ng sanlibutan ang tunay na mga Kristiyano?
Juan 17:14, 16) Neutral sila sa mga bagay na may kinalaman sa militar at pulitika, at sinusunod nila ang mga simulain sa Bibliya, anupat iginagalang ang kabanalan ng buhay at namumuhay ayon sa matataas na pamantayan sa moral. (Gawa 15:28, 29; 1 Corinto 6:9-11) Ang kanilang pangunahing mga tunguhin ay espirituwal, hindi materyal. Namumuhay sila sa sanlibutan, ngunit gaya ng isinulat ni Pablo, hindi nila ‘ito ginagamit nang lubusan.’ (1 Corinto 7:31) Totoo, may ilan na nagpahayag ng paghanga sa matataas na pamantayan ng mga Saksi ni Jehova. Ngunit hindi nakikipagkompromiso ang mga Saksi ni Jehova para lamang hangaan o tanggapin sila ng iba. Dahil dito, hindi sila nauunawaan ng karamihan sa sanlibutan, at marami ang napopoot sa kanila.
17 Bakit naman kapopootan ng sanlibutan ang mga Kristiyano? Dahil, gaya ni Jesus, sila ay “hindi bahagi ng sanlibutan.” (18, 19. Sa pagsunod sa parisang ibinigay ni Jesus, paano hinaharap ng mga Kristiyano ang pagsalansang at pag-uusig?
18 Nasaksihan ng mga apostol ni Jesus ang matinding pagkapoot ng sanlibutan nang dakpin at patayin si Jesus, at nakita nila kung paano hinarap ni Jesus ang pagkapoot na iyon. Sa hardin ng Getsemani, dumating ang relihiyosong mga kalaban ni Jesus upang dakpin siya. Tinangka ni Pedro na ipagsanggalang siya sa pamamagitan ng tabak, ngunit sinabi ni Jesus kay Pedro: “Ibalik mo ang iyong tabak sa kinalalagyan nito, sapagkat ang lahat niyaong humahawak ng tabak ay malilipol sa pamamagitan ng tabak.” (Mateo 26:52; Lucas 22:50, 51) Noong sinaunang panahon, nakipagbaka ang mga Israelita sa kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng tabak. Ngunit iba na ngayon. Ang Kaharian ng Diyos ay “hindi bahagi ng sanlibutang ito” at wala itong pambansang mga hanggahan na dapat ipagsanggalang. (Juan 18:36) Di-magtatagal at mapapabilang si Pedro sa isang espirituwal na bansa, na ang mga miyembro nito ay magiging mamamayan sa langit. (Galacia 6:16; Filipos 3:20, 21) Kaya naman mula noon, kinailangang harapin ng mga tagasunod ni Jesus ang pagkapoot at pag-uusig ayon sa ginawa ni Jesus—nang walang takot ngunit sa mapayapang paraan. May-pagtitiwala nilang ipauubaya sa kamay ni Jehova ang kalalabasan ng mga bagay-bagay at mananalig sa kaniya para sa kinakailangang lakas upang makapagbata.—Lucas 22:42.
19 Pagkalipas ng maraming taon, sumulat si Pedro: “Si Kristo ay nagdusa para sa inyo, na nag-iwan sa inyo ng huwaran upang maingat ninyong sundan ang kaniyang mga yapak. . . . Nang siya ay laitin, hindi siya nanlait bilang ganti. Nang siya ay magdusa, hindi siya nagbanta, kundi patuloy na ipinagkatiwala ang kaniyang sarili sa isa na humahatol nang matuwid.” (1 Pedro 2:21-23) Tulad ng ibinabala ni Jesus, nararanasan ng mga Kristiyano ang malupit na pag-uusig sa paglipas ng panahon. Kapuwa noong unang siglo at sa panahon natin, tinutularan nila ang halimbawa ni Jesus at nakagagawa ng kahanga-hangang rekord ng tapat na pagbabata, anupat ipinakikita na sila ay mapapayapang tagapag-ingat ng katapatan. (Apocalipsis 2:9, 10) Gayundin nawa ang gawin nating lahat kapag hinihiling ito ng pagkakataon.—2 Timoteo 3:12.
“Ibihis Ninyo ang Panginoong Jesu-Kristo”
20-22. Paano ‘ibinibihis ng mga Kristiyano ang Panginoong Jesu-Kristo’?
20 Sumulat si Pablo sa kongregasyon sa Roma: “Ibihis ninyo ang Panginoong Jesu-Kristo, at huwag magplano nang patiuna para sa mga pagnanasa ng laman.” (Roma 13:14) Ibinibihis ng mga Kristiyano si Jesus, wika nga, tulad ng isang kasuutan. Sinisikap nilang tularan ang kaniyang mga katangian at pagkilos hanggang sa antas na masasalamin sa kanila ang kanilang Panginoon—kahit na hindi sila sakdal.—1 Tesalonica 1:6.
21 Matagumpay nating ‘maibibihis ang Panginoong Jesu-Kristo’ kung magiging pamilyar tayo sa buhay ng Panginoon at magsisikap na mamuhay na gaya niya. Tinutularan natin ang kaniyang
kapakumbabaan, ang kaniyang pag-ibig sa katuwiran, ang pagkapoot niya sa katampalasanan, ang pag-ibig niya sa kaniyang mga kapatid, ang kaniyang pagiging hindi bahagi ng sanlibutan, at ang matiyagang pagbabata niya sa pagdurusa. Hindi tayo ‘nagpaplano nang patiuna para sa mga pagnanasa ng laman’—samakatuwid nga, hindi natin ginagawang pangunahing layunin sa ating buhay ang pagtatamo ng sekular na mga tunguhin o pagbibigay-lugod sa makalamang mga pagnanasa. Sa halip, kapag gumagawa ng pasiya o lumulutas ng problema, itinatanong natin: ‘Ano kaya ang gagawin ni Jesus sa ganitong situwasyon? Ano kaya ang gusto niyang gawin ko?’22 Kahuli-hulihan, tinutularan natin si Jesus sa pananatiling abala sa ‘pangangaral ng mabuting balita.’ (Mateo 4:23; 1 Corinto 15:58) Sa gayunding paraan, sinusunod ng mga Kristiyano ang parisang ibinigay ni Jesus, at tatalakayin ng susunod na artikulo kung paano nila ito ginagawa.
Maipaliliwanag Mo Ba?
• Bakit napakahalaga na maging mapagpakumbaba ang isang Kristiyano?
• Paano natin malilinang ang wastong pangmalas sa tama at mali?
• Paano tinutularan ng mga Kristiyano si Jesus kapag napapaharap sa pagsalansang at pag-uusig?
• Paano natin ‘maibibihis ang Panginoong Jesu-Kristo’?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 7]
Nagbigay si Jesus ng sakdal na parisan hinggil sa kapakumbabaan
[Larawan sa pahina 8]
Kailangan ang kapakumbabaan sa bawat pitak ng buhay ng isang Kristiyano, pati na sa pangangaral
[Larawan sa pahina 9]
Maaaring gawin ni Satanas na waring katanggap-tanggap sa isang Kristiyano ang di-wastong libangan
[Larawan sa pahina 10]
Ang pag-ibig sa ating mga kapatid ang magpapatibay sa atin laban sa pananalansang