Sinanay Upang Lubusang Magpatotoo
Sinanay Upang Lubusang Magpatotoo
“Kayo ay magiging mga saksi ko kapuwa sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria at hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.”—GAWA 1:8.
1, 2. Ano ang atas ni Pedro, at sino ang nagbigay nito sa kaniya?
“SI Jesus na mula sa Nazaret . . . [ang nag-utos sa amin na] mangaral sa mga tao at lubusang magpatotoo na ito ang Isa na itinalaga ng Diyos na maging hukom ng mga buháy at ng mga patay.” (Gawa 10:38, 42) Sa pamamagitan ng mga salitang iyan, ipinaliwanag ni apostol Pedro kay Cornelio at sa pamilya nito ang atas na tinanggap niya na maging isang ebanghelisador.
2 Kailan ibinigay ni Jesus ang atas na iyon? Malamang na iniisip noon ni Pedro ang sinabi ng binuhay-muling si Jesus nang malapit na siyang umakyat sa langit. Nang pagkakataong iyon, sinabi ni Jesus sa kaniyang tapat na mga alagad: “Kayo ay magiging mga saksi ko kapuwa sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria at hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.” (Gawa 1:8) Gayunman, matagal-tagal na rin bago iyon, alam na ni Pedro na bilang alagad ni Jesus, kailangan siyang makipag-usap sa iba hinggil sa kaniyang pananampalataya kay Jesus.
Tatlong Taóng Pagsasanay
3. Anong himala ang ginawa ni Jesus, at ano ang paanyaya niya kina Pedro at Andres?
3 Mga ilang buwan pagkatapos ng kaniyang bautismo noong 29 C.E., nangaral si Jesus sa lugar na pinangingisdaan ni Pedro at ng kaniyang kapatid na si Andres sa Dagat ng Galilea. Lucas 5:4-10.
Buong gabi silang nangisda ngunit wala silang nahuli. Gayunman, sinabi pa rin ni Jesus kay Pedro: “Pumaroon ka sa malalim, at ibaba ninyo ang inyong mga lambat upang makahuli.” Nang gawin niya ang sinabi ni Jesus, “sila ay nakahuli ng napakaraming isda. Sa katunayan, ang kanilang mga lambat ay nagsimulang mapunit.” Nang makita ang himalang ito, natakot si Pedro, ngunit pinakalma siya ni Jesus, na sinasabi: “Huwag ka nang matakot. Mula ngayon ay manghuhuli ka ng mga taong buháy.”—4. (a) Paano inihanda ni Jesus ang kaniyang mga alagad upang magpatotoo? (b) Paano naiiba ang ministeryo ng mga alagad ni Jesus at ang kaniyang ministeryo?
4 Agad-agad, iniwan nina Pedro at Andres—gayundin nina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo—ang kanilang mga bangka at sumunod sila kay Jesus. Sa loob ng halos tatlong taon, sinamahan nila si Jesus sa kaniyang mga paglalakbay upang mangaral at sinanay sila na maging mga ebanghelisador. (Mateo 10:7; Marcos 1:16, 18, 20, 38; Lucas 4:43; 10:9) Sa katapusan ng panahong iyon, noong Nisan 14, 33 C.E., sinabi ni Jesus sa kanila: “Siya na nananampalataya sa akin, ang isa ring iyon ay gagawa ng mga gawa na aking ginagawa; at siya ay gagawa ng mga gawa na mas dakila kaysa sa mga ito.” (Juan 14:12) Ang mga alagad ni Jesus ay lubusang magpapatotoo gaya ni Jesus ngunit sa mas malawak na antas. Tulad ng nalaman nila di-nagtagal, sila at ang lahat ng magiging mga alagad ay magpapatotoo sa “lahat ng mga bansa,” hanggang sa “katapusan ng sistema ng mga bagay.”—Mateo 28:19, 20.
5. Sa anu-anong paraan tayo maaaring makinabang sa pagsasanay na ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod?
5 Nabubuhay tayo sa “katapusan ng sistema ng mga bagay.” (Mateo 24:3) Di-tulad ng unang mga alagad na iyon, hindi tayo makasasama kay Jesus at makapagmamasid sa kaniyang pangangaral sa mga tao. Gayunman, maaari pa rin tayong makinabang sa pagsasanay na ibinigay niya sa pamamagitan ng pagbasa sa Bibliya kung paano siya nangaral at kung ano ang mga tagubilin niya sa kaniyang mga tagasunod. (Lucas 10:1-11) Subalit tatalakayin ng artikulong ito ang isa pang napakahalagang bagay na ipinakita ni Jesus sa kaniyang mga alagad—ang tamang saloobin sa gawaing pangangaral.
Pagmamalasakit sa mga Tao
6, 7. Anong katangian ni Jesus ang dahilan ng pagiging mabisa ng kaniyang ministeryo, at paano natin siya matutularan sa bagay na ito?
6 Bakit gayon kabisa ang pagpapatotoo ni Jesus? Ang isang dahilan ay ang kaniyang matinding interes at pagmamalasakit sa mga tao. Inihula ng salmista na “maaawa [si Jesus] sa maralita at sa dukha.” (Awit 72:13) Talaga namang tinupad niya ang hulang iyan. Ganito ang sabi ng Bibliya hinggil sa isang pangyayari: “Pagkakita sa mga pulutong ay nahabag siya sa kanila, sapagkat sila ay nabalatan at naipagtabuyan kung saan-saan tulad ng mga tupang walang pastol.” (Mateo 9:36) Nadama maging ng mga nagkasala nang malubha ang kaniyang pagmamalasakit at sila ay napalapít sa kaniya.—Mateo 9:9-13; Lucas 7:36-38; 19:1-10.
7 Tayo sa ngayon ay magiging mabisa rin kung ipakikita natin ang gayunding pagmamalasakit sa mga tao. Bago makibahagi sa ministeryo, bakit hindi bulay-bulayin sandali kung gaano kaapurahan ang pangangailangang maihatid sa mga tao ang impormasyong ipinakikipag-usap mo sa kanila? Pag-isipan ang posibleng mga problema nila na tanging ang Kaharian lamang ang makalulutas. Gawing kapasiyahan na magkaroon ng positibong saloobin sa lahat, yamang hindi mo alam kung sino ang tutugon sa mensahe. Baka ang susunod na taong makausap mo ay nananalangin pala na sana’y dalawin siya ng isang tulad mo at tulungan siya!
Inuudyukan ng Pag-ibig
8. Bilang pagtulad kay Jesus, ano ang nag-uudyok sa kaniyang mga tagasunod upang mangaral ng mabuting balita?
8 Ang mabuting balita na ipinahayag ni Jesus ay may kaugnayan sa pagsasakatuparan ng kalooban ni Jehova, pagpapabanal sa Kaniyang pangalan, at pagbabangong-puri sa Kaniyang pagkasoberano—ang pinakamahahalagang usapin na napapaharap sa sangkatauhan. (Mateo 6:9, 10) Dahil iniibig niya ang kaniyang Ama, naudyukan si Jesus na panatilihin ang kaniyang katapatan hanggang sa wakas at lubusang magpatotoo tungkol sa Kaharian, na siyang lulutas sa mga usaping iyan. (Juan 14:31) Dahil iyan din ang nag-uudyok sa mga tagasunod ni Jesus sa ngayon, masikap silang nakikibahagi sa ministeryo. Sinabi ni apostol Juan: “Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos, na tuparin natin ang kaniyang mga utos,” pati na ang utos na mangaral ng mabuting balita at gumawa ng mga alagad.—1 Juan 5:3; Mateo 28:19, 20.
9, 10. Bukod sa pag-ibig sa Diyos, ano pang pag-ibig ang nag-uudyok sa atin upang lubusang magpatotoo?
Juan 14:15, 21) Samakatuwid, ang pag-ibig kay Jesus ang dapat mag-udyok sa atin na magpatotoo tungkol sa katotohanan at sumunod sa iba pang mga bagay na iniuutos ni Jesus. Noong minsang magpakita siya pagkatapos siyang buhaying-muli, hinimok ni Jesus si Pedro: “Pakainin mo ang aking mga kordero. . . . Pastulan mo ang aking maliliit na tupa. . . . Pakainin mo ang aking maliliit na tupa.” Ano ang dapat magpakilos kay Pedro para gawin iyan? Ipinahiwatig ni Jesus ang sagot nang paulit-ulit niyang tanungin si Pedro: “Iniibig mo ba ako? . . . Iniibig mo ba ako? . . . May pagmamahal ka ba sa akin?” Oo, ang pag-ibig ni Pedro kay Jesus, ang kaniyang pagmamahal kay Jesus, ang mag-uudyok sa kaniya na lubusang magpatotoo, hanapin ang “maliliit na tupa” ni Jesus, at sa gayon ay maging espirituwal na pastol nila.—Juan 21:15-17.
9 Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Kung ako ay iniibig ninyo, tutuparin ninyo ang aking mga utos. Siya na nagtataglay ng aking mga utos at tumutupad sa mga iyon, ang isang iyon ang siyang umiibig sa akin.” (10 Sa ngayon, hindi natin personal na nakilala si Jesus na gaya ng pagkakilala ni Pedro. Gayunman, nauunawaan nating mabuti ang kahalagahan ng ginawa ni Jesus para sa atin. Ang ating puso ay naaantig sa matinding pag-ibig na umakay sa kaniya na ‘tikman ang kamatayan para sa bawat tao.’ (Hebreo 2:9; Juan 15:13) Nadarama natin ang nadama ni Pablo nang isulat niya: “Ang pag-ibig na taglay ng Kristo ang nag-uudyok sa amin . . . Namatay siya para sa lahat upang yaong mga nabubuhay ay huwag nang mabuhay pa para sa kanilang sarili, kundi para sa kaniya.” (2 Corinto 5:14, 15) Ipinakikita natin na lubos nating pinahahalagahan ang pag-ibig ni Jesus sa atin at na iniibig din natin siya sa pamamagitan ng dibdibang pagganap sa atas na lubusang magpatotoo. (1 Juan 2:3-5) Hinding-hindi natin nanaisin na maging mapagwalang-bahala sa gawaing pangangaral, na para bang itinuturing nating pangkaraniwan lamang ang halaga ng hain ni Jesus.—Hebreo 10:29.
Pinananatiling Nakatuon ang Pansin sa Mahahalagang Bagay
11, 12. Ano ang layunin ng pagparito ni Jesus sa sanlibutan, at paano niya napanatiling nakatuon ang kaniyang pansin sa pinakamahalagang gawain niya?
11 Noong si Jesus ay nasa harap ni Poncio Pilato, sinabi niya: “Dahil dito ay ipinanganak ako, at dahil dito ay dumating ako sa sanlibutan, upang ako ay magpatotoo sa katotohanan.” (Juan 18:37) Hindi pinayagan ni Jesus na makagambala ang anuman sa kaniyang pagpapatotoo sa katotohanan. Iyan ang kalooban ng Diyos para sa kaniya.
12 Tiyak na sinubok ni Satanas si Jesus sa bagay na ito. Di-nagtagal pagkatapos mabautismuhan si Jesus, inalok siya ni Satanas na gagawin siyang isang dakilang tao sa daigdig, na ibibigay sa kaniya ang “lahat ng mga kaharian ng sanlibutan at ang kanilang kaluwalhatian.” (Mateo 4:8, 9) Nang maglaon, gusto naman ng mga Judio na gawin siyang hari. (Juan 6:15) Maaaring iniisip ng ilan ang posibleng mga kapakinabangan kung tinanggap ni Jesus ang gayong mga alok, marahil ay ikinakatuwiran na bilang isang taong hari, baka maraming magagawang mabuti si Jesus para sa sangkatauhan. Subalit tinanggihan ni Jesus ang gayong kaisipan. Nakatuon ang kaniyang pansin sa pagpapatotoo sa katotohanan.
13, 14. (a) Ano ang hindi nakagambala sa pagtutuon ni Jesus ng pansin sa kaniyang pangunahing gawain? (b) Bagaman dukha si Jesus sa materyal, ano naman ang nagawa niya?
13 Bukod diyan, hindi hinayaan ni Jesus na magambala siya ng paghahanap ng kayamanan. Bilang resulta, hindi siya nagbuhay-mayaman. Sa katunayan, wala siyang sariling tahanan. Minsan ay sinabi niya: “Ang mga sorra ay may mga lungga at ang mga ibon sa langit ay may mga dapuan, ngunit ang Anak ng tao ay walang dakong mahihigan ng kaniyang ulo.” (Mateo 8:20) Nang mamatay si Jesus, ang tanging iniulat na mahalagang pag-aari niya ay ang kasuutan na pinagpalabunutan ng mga kawal na Romano. (Juan 19:23, 24) Kung gayon, bigo ba si Jesus sa kaniyang buhay? Hinding-hindi!
14 Di-hamak na malaki ang nagawa ni Jesus kaysa sa nagawa ng pinakamayamang pilantropo. Sinabi ni Pablo: “Alam ninyo ang di-sana-nararapat 2 Corinto 8:9; Filipos 2:5-8) Bagaman dukha si Jesus sa materyal, binuksan naman niya ang pagkakataong matamasa ng mapagpakumbabang mga indibiduwal ang buhay na walang hanggan sa kasakdalan. Kaylaki ng pasasalamat natin sa kaniya! At gayon na lamang ang ating kagalakan sa gantimpalang tinanggap niya dahil pinanatili niyang nakatuon ang kaniyang pansin sa paggawa ng kalooban ng Diyos!—Awit 40:8; Gawa 2:32, 33, 36.
na kabaitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo, na bagaman siya ay mayaman, nagpakadukha siya alang-alang sa inyo, upang yumaman kayo sa pamamagitan ng kaniyang karalitaan.” (15. Ano ang mas mahalaga kaysa sa kayamanan?
15 Ang mga Kristiyano sa ngayon na nagsisikap tumulad kay Jesus ay tumatanggi ring magambala ng paghahanap ng kayamanan. (1 Timoteo 6:9, 10) Kinikilala nila na maaaring makapagpaalwan ng buhay ang mga kayamanan, ngunit alam din nila na ang kanilang walang-hanggang kinabukasan ay hindi nakadepende sa kayamanan. Kapag namatay ang isang Kristiyano, ang kaniyang materyal na kayamanan ay wala nang halaga sa kaniya gaya ng kasuutan ni Jesus nang mamatay siya. (Eclesiastes 2:10, 11, 17-19; 7:12) Kapag namatay ang isang Kristiyano, ang tanging tunay na mahalagang pag-aari niya ay ang kaniyang kaugnayan kay Jehova at kay Jesu-Kristo.—Mateo 6:19-21; Lucas 16:9.
Hindi Napigil ng Pagsalansang
16. Paano hinarap ni Jesus ang pagsalansang?
16 Hindi nailihis ng pagsalansang ang pansin ni Jesus sa pagpapatotoo sa katotohanan. Kahit na alam niyang sa katapusan ng kaniyang ministeryo sa lupa ay mamamatay siya bilang hain, hindi ito nakapagpahina ng kaniyang loob. Ganito ang sinabi ni Pablo tungkol kay Jesus: “Dahil sa kagalakang inilagay sa harap niya ay nagbata siya ng pahirapang tulos, na hinahamak ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng trono ng Diyos.” (Hebreo 12:2) Pansinin na ‘hinamak ni Jesus ang kahihiyan.’ Hindi siya nabahala sa iisipin ng mga kalaban tungkol sa kaniya. Nakatuon ang kaniyang pansin sa paggawa ng kalooban ng Diyos.
17. Ano ang matututuhan natin mula sa pagbabata ni Jesus?
17 Bilang pagkakapit sa aral hinggil sa pagbabata ni Jesus, pinasisigla ni Pablo ang mga Kristiyano: “Maingat . . . ninyong pag-isipan ang isa na nagbata ng gayong pasalungat na pananalita ng mga makasalanan laban sa kanilang sariling mga kapakanan, upang hindi kayo manghimagod at manghina sa inyong mga kaluluwa.” (Hebreo 12:3) Totoo, maaaring nakapapagod ang palaging pagharap sa pagsalansang o panlilibak. Maaaring nakahahapo rin ang patuloy na paglaban sa mga panghihikayat ng sanlibutan, na maaaring ikayamot pa nga ng ating mga kamag-anak na humihimok sa atin na “gumawa ng pangalan” para sa ating sarili. Gayunman, tulad ni Jesus, umaasa tayo sa tulong ni Jehova habang determinado tayong unahin ang Kaharian sa ating buhay.—Mateo 6:33; Roma 15:13; 1 Corinto 2:4.
18. Anong mainam na aral ang matututuhan natin mula sa mga sinabi ni Jesus kay Pedro?
18 Ang pagtanggi ni Jesus na magambala ay nakita nang simulan niyang sabihin sa kaniyang mga alagad ang tungkol sa nalalapit na kamatayan Mateo 16:21-23) Lagi nawa tayong maging gayon katatag sa pagtanggi sa mga kaisipan ng tao. Sa halip, lagi sana tayong gabayan ng mga kaisipan ng Diyos.
niya. Hinimok ni Pedro si Jesus na “maging mabait” sa kaniyang sarili at tiniyak sa kaniya na “hindi kailanman mangyayari [kay Jesus] ang kahihinatnang ito.” Hindi pinakinggan ni Jesus ang anumang bagay na makapagpapahina sa kaniyang kapasiyahang gawin ang kalooban ni Jehova. Tinalikuran niya si Pedro at sinabi: “Lumagay ka sa likuran ko, Satanas! Ikaw ay isang katitisuran sa akin, sapagkat iniisip mo, hindi ang mga kaisipan ng Diyos, kundi yaong sa mga tao.” (Nagdudulot ng Tunay na mga Kapakinabangan ang Kaharian
19. Bagaman gumawa siya ng mga himala, ano ang pinakamahalagang bahagi ng ministeryo ni Jesus?
19 Gumawa si Jesus ng maraming himala upang ipakita na siya ang Mesiyas. Bumuhay pa nga siya ng mga patay. Naakit ng mga gawang iyon ang mga pulutong, ngunit hindi naparito si Jesus sa lupa upang gampanan lamang ang isang gawaing panlipunan. Pumarito siya upang magpatotoo sa katotohanan. Alam niya na pansamantala lamang ang anumang materyal na kapakinabangang inilaan niya. Maging ang mga binuhay-muli ay mamamatay pa rin. Matutulungan lamang niya ang ilan na matamasa ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagpapatotoo sa katotohanan.—Lucas 18:28-30.
20, 21. Paano pinananatili ng tunay na mga Kristiyano ang pagiging timbang may kaugnayan sa mabubuting gawa?
20 Sa ngayon, sinisikap ng ilang indibiduwal na tularan ang mabubuting gawa ni Jesus sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga ospital o pagsasagawa ng iba pang mga serbisyo para sa mga dukha sa sanlibutan. Sa ilang kaso, ginagawa nila ito kapalit ng malaking personal na sakripisyo, at kapuri-puri naman ang kanilang kataimtiman; ngunit pansamantala lamang ang anumang kaginhawahang inilalaan nila. Tanging ang Kaharian ang magdudulot ng permanenteng kaginhawahan. Kaya naman ang mga Saksi ni Jehova, gaya ni Jesus, ay nagtutuon ng pansin sa pagpapatotoo sa katotohanan tungkol sa Kahariang iyan.
21 Siyempre pa, nagsasagawa rin ng mabubuting gawa ang tunay na mga Kristiyano. Sumulat si Pablo: “Habang tayo ay may panahong kaayaaya para rito, gumawa tayo ng mabuti sa lahat, ngunit lalo na roon sa mga may kaugnayan sa atin sa pananampalataya.” (Galacia 6:10) Sa mga panahon ng krisis o kapag may nangangailangan, hindi tayo nag-aatubiling ‘gumawa ng mabuti’ sa ating kapuwa o sa ating mga kapatid na Kristiyano. Gayunman, pinananatili nating nakatuon ang ating pansin kung saan talaga ito nararapat—sa pagpapatotoo sa katotohanan.
Matuto Mula sa Halimbawa ni Jesus
22. Bakit nangangaral ang mga Kristiyano sa kanilang kapuwa?
22 Sumulat si Pablo: “Tunay nga, sa aba ko kung hindi ko ipinahayag ang mabuting balita!” (1 Corinto 9:16) Hindi niya ipinagwalang-bahala ang mabuting balita dahil ang pangangaral tungkol dito ay nangangahulugan ng buhay para sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga tagapakinig. (1 Timoteo 4:16) Gayundin ang pangmalas natin sa ating ministeryo. Gusto nating tulungan ang ating kapuwa. Nais nating ipakita ang ating pag-ibig kay Jehova. Gusto nating patunayan ang ating pag-ibig kay Jesus at ang ating pagpapahalaga sa kaniyang dakilang pag-ibig sa atin. Kaya naman, ipinangangaral natin ang mabuting balita at sa gayon ay namumuhay “hindi na ukol sa mga pagnanasa ng mga tao, kundi ukol sa kalooban ng Diyos.”—1 Pedro 4:1, 2.
23, 24. (a) Anong aral ang natutuhan natin mula sa himala hinggil sa mga isda? (b) Sino sa ngayon ang lubusang nagpapatotoo?
23 Tulad ni Jesus, hindi nalilihis ang ating pansin kapag nililibak tayo ng iba o pagalit na tinatanggihan ang ating mensahe. May natutuhan tayong aral mula sa himalang ginawa ni Jesus nang tawagin niya sina Pedro at Andres upang sumunod sa kaniya. Naunawaan natin na kung susundin natin si Jesus at, wika nga, ibababa ang ating mga lambat kahit sa tila walang-isdang katubigan, maaari tayong makahuli ng isda. Maraming mangingisdang Kristiyano ang nakahuli nang marami pagkalipas ng mga taon ng paggawa sa waring walang-isdang katubigan. Nagawa naman ng iba na lumipat kung saan mas mainam ang pangingisda at marami ang kanilang nahuli roon. Anuman ang ating ginagawa, hindi tayo titigil sa pagbababa ng ating mga lambat. Alam natin na hindi pa ipinahahayag ni Jesus na tapos na ang gawaing pangangaral sa alinmang bahagi ng lupa.—Mateo 24:14.
24 Mahigit sa anim na milyong Saksi ni Jehova ang abala ngayon sa mahigit na 230 lupain. Nasa Pebrero 1, 2005 na isyu ng Ang Bantayan ang taunang ulat sa buong daigdig hinggil sa kanilang gawain sa 2004 taon ng paglilingkod. Ipakikita ng ulat na iyon ang mayamang pagpapala ni Jehova sa gawaing pangangaral. Sa natitirang panahon para sa sistemang ito ng mga bagay, patuloy nawa nating dibdibin ang nakapagpapasiglang mga salita ni Pablo: “Ipangaral mo ang salita, maging apurahan ka rito.” (2 Timoteo 4:2) Patuloy nawa tayong lubusang magpatotoo hanggang sa sabihin ni Jehova na tapos na ang gawain.
Simula sa taóng ito, ang Ulat sa Taon ng Paglilingkod ng mga Saksi ni Jehova sa Buong Daigdig ay hindi na lalabas sa Enero 1 na isyu ng Ang Bantayan. Sa halip ay ilalathala ito sa isyu ng Pebrero 1.
Masasagot Mo Ba?
• Paano tayo makikinabang sa pagsasanay na ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga alagad?
• Ano ang saloobin ni Jesus sa mga taong pinangangaralan niya?
• Ano ang nag-uudyok sa atin upang lubusang magpatotoo?
• Sa anu-anong paraan natin maitutuon ang ating pansin sa paggawa ng kalooban ng Diyos, gaya ng ginawa ni Jesus?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 15]
Magiging mabisa tayo sa ating ministeryo kung ipakikita natin ang gayunding pagmamalasakit na ipinakita ni Jesus sa mga tao
[Larawan sa pahina 16, 17]
Pumarito si Jesus sa lupa pangunahin na upang magpatotoo sa katotohanan
[Mga larawan sa pahina 17]
Nagtutuon ng pansin ang mga Saksi ni Jehova sa lubusang pagpapatotoo