Si Kristo—Ang Itinatampok ng Hula
Si Kristo—Ang Itinatampok ng Hula
“Ang pagpapatotoo tungkol kay Jesus ang kumakasi sa panghuhula.”—APOCALIPSIS 19:10.
1, 2. (a) Simula noong 29 C.E., anong pagpapasiya ang napaharap sa Israel? (b) Ano ang isasaalang-alang sa artikulong ito?
ANG taon ay 29 C.E. Usap-usapan sa Israel ang tungkol sa ipinangakong Mesiyas. Pinatindi pa ng ministeryo ni Juan na Tagapagbautismo ang pag-asam sa Mesiyas. (Lucas 3:15) Itinanggi ni Juan na siya ang Kristo. Sa halip, ganito ang sabi niya habang itinuturo si Jesus ng Nazaret: “Nagpatotoo ako na ang isang ito ang Anak ng Diyos.” (Juan 1:20, 34) Di-nagtagal, sinusundan na ng mga pulutong si Jesus upang makinig sa kaniyang pagtuturo at upang mapagaling niya.
2 Sa sumunod na mga buwan, naglaan si Jehova ng gabundok na mga patotoo tungkol sa kaniyang Anak. May matibay na batayan ang mga nag-aaral ng Kasulatan at nakakakita sa mga ginagawa ni Jesus para manampalataya sa kaniya. Subalit sa pangkalahatan, ang tipang bayan ng Diyos ay hindi nagpapakita ng pananampalataya. Iilan lamang ang kumikilala na si Jesus ang Kristo, ang Anak ng Diyos. (Juan 6:60-69) Ano kaya ang gagawin mo kung buháy ka na noon? Mapakilos ka kaya na tanggapin si Jesus bilang ang Mesiyas at maging tapat na tagasunod niya? Isaalang-alang ang ebidensiya tungkol sa kaniyang pagkakakilanlan na ibinigay ni Jesus mismo nang akusahan siyang lumalabag sa Sabbath, at pansinin ang kasunod na katibayang ibinigay niya upang patibayin ang pananampalataya ng kaniyang matapat na mga alagad.
Si Jesus Mismo ang Nagbigay ng Ebidensiya
3. Anong mga pangyayari ang nag-udyok kay Jesus na patunayan kung sino talaga siya?
3 Panahon na ng Paskuwa noong 31 C.E. Nasa Jerusalem si Jesus. Katatapos lamang niyang pagalingin ang isang lalaking 38 taon nang may sakit. Subalit pinag-usig ng mga Judio si Jesus dahil ginawa niya ito sa araw ng Sabbath. Inakusahan din Juan 5:1-9, 16-18) Ang pagtatanggol ni Jesus sa kaniyang sarili ay naghaharap ng tatlong mabibisang hanay ng pangangatuwiran na makakakumbinsi sa sinumang tapat-pusong Judio kung sino talaga si Jesus.
nila siya ng pamumusong at hinangad na patayin siya dahil tinawag niyang kaniyang Ama ang Diyos. (4, 5. Ano ang layunin ng ministeryo ni Juan, at gaano kabisa niyang natupad iyon?
4 Una, tinukoy ni Jesus ang patotoo ng tagapagpauna sa kaniya, si Juan na Tagapagbautismo, sa pagsasabing: “Kayo ay nagsugo ng mga tao kay Juan, at nagpatotoo siya sa katotohanan. Ang taong iyon ay isang lamparang nagniningas at nagliliwanag, at sa loob ng maikling panahon ay ninais ninyong magsaya nang labis sa kaniyang liwanag.”—Juan 5:33, 35.
5 Si Juan na Tagapagbautismo ay “isang lamparang nagniningas at nagliliwanag” sapagkat bago ang di-makatarungang pagpapabilanggo sa kaniya ni Herodes, tinupad niya ang kaniyang banal na atas na ihanda ang daan para sa Mesiyas. Sinabi ni Juan: “Ang dahilan kung bakit ako dumating na nagbabautismo sa tubig ay upang mahayag [ang Mesiyas] sa Israel. . . . Nakita ko ang espiritu na bumababang gaya ng isang kalapati mula sa langit, at nanatili ito sa kaniya. Ako man ay hindi nakakilala sa kaniya, ngunit ang mismong Isa na nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ang nagsabi sa akin, ‘Sinuman ang makita mong babaan ng espiritu at panatilihan nito, ito ang isa na nagbabautismo sa banal na espiritu.’ At nakita ko iyon, at nagpatotoo ako na ang isang ito ang Anak ng Diyos.” * (Juan 1:26-37) Espesipikong ipinakilala ni Juan si Jesus bilang Anak ng Diyos—ang ipinangakong Mesiyas. Napakaliwanag ng patotoo ni Juan anupat mga walong buwan pagkamatay niya, ganito ang ipinagtapat ng maraming tapat-pusong mga Judio: “Gaanuman karaming mga bagay ang sinabi ni Juan tungkol sa taong ito ay totoong lahat.”—Juan 10:41, 42.
6. Bakit ang mga ginawa ni Jesus ay dapat sanang nakakumbinsi sa mga tao na suportado siya ng Diyos?
6 Sumunod, gumamit si Jesus ng isa pang hanay ng pangangatuwiran upang patunayan ang kaniyang mga kredensiyal bilang ang Mesiyas. Binanggit niya ang kaniyang sariling maiinam na gawa bilang ebidensiya ng suporta ng Diyos. “Taglay ko ang patotoong mas dakila kaysa sa taglay ni Juan,” ang sabi niya, “sapagkat ang mismong mga gawang iniatas sa akin ng aking Ama upang ganapin, na siyang mga gawa na aking ginagawa, ang nagpapatotoo tungkol sa akin na isinugo ako ng Ama.” (Juan 5:36) Hindi maikaila kahit ng mga kaaway ni Jesus ang ebidensiyang ito, na kinabibilangan ng maraming himala. “Ano ang ating gagawin, sapagkat ang taong ito ay gumagawa ng maraming tanda?” ang tanong ng ilan nang maglaon. (Juan 11:47) Subalit ang ilan ay positibong tumugon at nagsabi: “Kapag dumating ang Kristo, hindi siya gagawa ng higit pang mga tanda kaysa sa ginawa ng taong ito, hindi ba?” (Juan 7:31) Ang mga tagapakinig ni Jesus ay nasa pinakamainam na kalagayan upang makita sa Anak ang mga katangian ng Ama.—Juan 14:9.
7. Paano nagpapatotoo ang Hebreong Kasulatan tungkol kay Jesus?
7 Sa wakas, itinawag-pansin ni Jesus ang isang di-matututulang saksi. “Ang Kasulatan . . . mismo ang nagpapatotoo tungkol sa akin,” ang sabi niya, at idinagdag pa: “Kung pinaniwalaan ninyo si Moises ay paniniwalaan ninyo ako, sapagkat ang isang iyon ay sumulat tungkol sa akin.” (Juan 5:39, 46) Sabihin pa, isa lamang si Moises sa maraming saksi bago ang panahong Kristiyano na sumulat tungkol sa Kristo. Kalakip sa kanilang mga isinulat ang daan-daang hula at detalyadong mga talaangkanan na pawang nagtuturo tungkol sa Mesiyas. (Lucas 3:23-38; 24:44-46; Gawa 10:43) At kumusta naman ang Kautusang Mosaiko? “Ang Kautusan ay naging tagapagturo natin na umaakay tungo kay Kristo,” ang isinulat ni apostol Pablo. (Galacia 3:24) Oo, “ang pagpapatotoo tungkol kay Jesus ang kumakasi sa [o, ang buong pakay, dahilan, at layunin ng] panghuhula.”—Apocalipsis 19:10.
8. Bakit hindi nanampalataya sa Mesiyas ang maraming Judio?
8 Hindi ka ba makukumbinsi ng lahat ng ebidensiyang ito—ang tuwirang patotoo ni Juan, ang sariling makapangyarihang mga gawa at makadiyos na mga katangian ni Jesus, at ang gabundok na patotoo ng Kasulatan—na si Jesus ang Mesiyas? Juan 5:42) Sa halip na ‘hanapin ang kaluwalhatiang mula sa iisang Diyos,’ kanilang ‘tinatanggap ang kaluwalhatian mula sa isa’t isa.’ Hindi nga nakapagtatakang salungat sila kay Jesus, na napopoot sa gayong pag-iisip tulad ng kaniyang Ama!—Juan 5:43, 44; Gawa 12:21-23.
Mauunawaan kaagad ito ng sinumang may tunay na pag-ibig sa Diyos at sa kaniyang Salita at siya’y mananampalataya kay Jesus bilang ang ipinangakong Mesiyas. Subalit sa pangkalahatan, ang gayong pag-ibig ay hindi masusumpungan sa Israel. Sa mga sumasalansang sa kaniya, sinabi ni Jesus: “Alam na alam ko na hindi ninyo taglay sa inyo ang pag-ibig sa Diyos.” (Pinatibay ng isang Makahulang Pangitain
9, 10. (a) Bakit napapanahon ang isang tanda para sa mga alagad ni Jesus? (b) Anong pambihirang pangako ang binitiwan ni Jesus sa kaniyang mga alagad?
9 Mahigit nang isang taon ang lumipas mula nang ibigay ni Jesus ang nabanggit na katunayan ng kaniyang pagiging Mesiyas. Sumapit at lumipas na ang Paskuwa ng 32 C.E. Marami sa mga naniwala ang huminto na ng pagsunod sa kaniya, marahil dahil sa pag-uusig, materyalismo, o mga kabalisahan sa buhay. Maaaring nalito o nasiraan ng loob ang iba dahil tinanggihan ni Jesus ang mga pagtatangka ng mga tao na gawin siyang hari. Nang hamunin ng mga relihiyosong lider na Judio, tumanggi siyang magbigay ng isang tanda mula sa langit na luluwalhati sa kaniyang sarili. (Mateo 12:38, 39) Maaaring nalito ang ilan sa pagtangging ito. Bukod dito, sinimulan nang isiwalat ni Jesus sa kaniyang mga alagad ang isang bagay na napakahirap nilang unawain—“siya ay kailangang pumaroon sa Jerusalem at magdusa ng maraming bagay mula sa matatandang lalaki at mga punong saserdote at mga eskriba, at patayin.”—Mateo 16:21-23.
10 Sa susunod na mga siyam o sampung buwan, panahon na “upang umalis [si Jesus] sa sanlibutang ito patungo sa Ama.” (Juan 13:1) Palibhasa’y lubhang nababahala sa kaniyang tapat na mga alagad, ipinangako ni Jesus sa ilan sa kanila ang mismong bagay na ipinagkait niya sa walang-pananampalatayang mga Judio—isang tanda mula sa langit. “Katotohanang sinasabi ko sa inyo,” ang sabi ni Jesus, “may ilan sa mga nakatayo rito na hindi nga makatitikim ng kamatayan hanggang sa makita muna nila ang Anak ng tao na dumarating sa kaniyang kaharian.” (Mateo 16:28) Maliwanag, hindi sinasabi ni Jesus na mabubuhay ang ilan sa kaniyang mga alagad hanggang sa maitatag ang Mesiyanikong Kaharian noong 1914. Ang nasa isip ni Jesus ay bigyan ang tatlo sa kaniyang pinakamalalapít na alagad ng isang kagila-gilalas na pangitain ng kaniyang kaluwalhatian taglay ang kapangyarihan ng Kaharian. Ang pangitaing ito ay tinatawag na pagbabagong-anyo.
11. Ilarawan ang pangitain ng pagbabagong-anyo.
11 Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago, at Juan paakyat sa isang napakataas na bundok—malamang na isang tagaytay ng Bundok Hermon. Doon, si Jesus “ay nagbagong-anyo sa harap nila, at ang kaniyang mukha ay suminag na gaya ng araw, at ang kaniyang mga panlabas na kasuutan ay nagningning na gaya ng liwanag.” Nakita rin sina propeta Moises at Elias, na nakikipag-usap kay Jesus. Posibleng sa gabi naganap ang kagila-gilalas na pangyayaring ito, kaya lalo itong naging napakaliwanag. Sa katunayan, totoong-totoo ito anupat nag-alok si Pedro na magtatayo siya ng tatlong tolda—isa para kay Jesus, isa para kay Moises, at isa para kay Elias. Habang Mateo 17:1-6.
nagsasalita pa si Pedro, lumilim sa kanila ang isang maliwanag na ulap at isang tinig mula sa ulap ang nagsasabi: “Ito ang aking Anak, ang minamahal, na aking sinang-ayunan; makinig kayo sa kaniya.”—12, 13. Ano ang naging epekto ng pangitain ng pagbabagong-anyo sa mga alagad ni Jesus, at bakit?
12 Totoo, hindi pa natatagalan nang magpatotoo si Pedro na si Jesus “ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buháy.” (Mateo 16:16) Ngunit gunigunihin na ang Diyos mismo ang maririnig na nagbibigay ng kaniyang patotoo, anupat pinatutunayan ang pagkakakilanlan at papel ng kaniyang pinahirang Anak! Tunay ngang nakapagpapatibay ng pananampalataya para kina Pedro, Santiago, at Juan ang pangitain ng pagbabagong-anyo! Palibhasa’y lubhang napatibay ang kanilang pananampalataya, mas handa na sila ngayon sa mangyayari at sa mahalagang papel na gagampanan nila sa kongregasyon sa hinaharap.
13 Namalagi ang epekto ng pagbabagong-anyo sa mga alagad. Pagkaraan ng mahigit na 30 taon, sumulat si Pedro: “Tumanggap [si Jesus] ng karangalan at kaluwalhatian mula sa Diyos na Ama, nang ang ganitong mga salita ay dumating sa kaniya mula sa maringal na kaluwalhatian: ‘Ito ang aking anak, ang aking minamahal, na akin ngang sinang-ayunan.’ Oo, ang mga salitang ito ay narinig naming dumating mula sa langit habang kami ay kasama niya sa banal na bundok.” (2 Pedro 1:17, 18) Naantig din si Juan ng pangyayaring iyon. Pagkaraan ng mahigit na 60 taon mula nang mangyari iyon, maliwanag na iyon ang tinutukoy niya sa mga salitang: “Nakita natin ang kaniyang kaluwalhatian, isang kaluwalhatian na gaya ng sa isang bugtong na anak mula sa isang ama.” (Juan 1:14) Gayunman, ang pagbabagong-anyo ay hindi siyang panghuli sa mga pangitaing ipinagkaloob sa mga tagasunod ni Jesus.
Higit Pang Kaliwanagan Para sa mga Matapat sa Diyos
14, 15. Paano mananatili si apostol Juan hanggang sa dumating si Jesus?
14 Pagkatapos na siya’y buhaying muli, nagpakita si Jesus sa kaniyang mga alagad sa Dagat ng Galilea. Doon ay sinabi niya kay Pedro: “Kung kalooban ko para [kay Juan] na manatili hanggang sa dumating ako, ano ang ikinababahala mo?” (Juan 21:1, 20-22, 24) Ipinakikita ba ng mga salitang ito na mabubuhay nang mas matagal si apostol Juan kaysa sa ibang mga apostol? Waring gayon nga, sapagkat halos 70 taon pa siyang nakapaglingkod nang tapat kay Jehova. Gayunman, hindi lamang iyan ang kahulugan ng sinabi ni Jesus.
15 Ang pananalitang “hanggang sa dumating ako” ay nagpapaalaala sa atin sa pagtukoy ni Jesus sa “Anak ng tao na dumarating sa kaniyang kaharian.” (Mateo 16:28) Mananatili si Juan hanggang sa dumating si Jesus sa diwa na si Juan ay bibigyan sa kalaunan ng isang makahulang pangitain tungkol sa pagparito ni Jesus taglay ang kapangyarihan ng Kaharian. Nang malapit nang mamatay si Juan, habang isang tapon sa isla ng Patmos, natanggap niya ang Apocalipsis at ang lahat ng kahanga-hanga at makahulang mga tanda nito hinggil sa mga mangyayari sa “araw ng Panginoon.” Lubhang naantig si Juan sa kagila-gilalas na mga pangitaing ito anupat nang sabihin ni Jesus: “Oo; ako ay dumarating nang madali,” ganito ang ibinulalas ni Juan: “Amen! Pumarito ka, Panginoong Jesus.”—Apocalipsis 1:1, 10; 22:20.
16. Bakit mahalaga na patuloy nating patibayin ang ating pananampalataya?
16 Si Jesus ay tinanggap ng tapat-pusong mga tao noong unang siglo bilang ang Mesiyas at nanampalataya sila sa kaniya. Dahil sa kawalan ng pananampalataya ng mga tao sa paligid nila, sa gawaing kailangan nilang ganapin, at sa mga pagsubok na darating, kailangang patibayin
ang pananampalataya ng mga naging mananampalataya. Nagbigay si Jesus ng sapat na patotoo ng kaniyang pagiging Mesiyas at naglaan ng nakapagtuturo at makahulang mga pangitain para sa ikatitibay-loob ng kaniyang matapat na mga tagasunod. Sa ngayon, mahaba nang panahon ang lumipas buhat nang magsimula ang “araw ng Panginoon.” Malapit nang lipulin ni Kristo ang buong balakyot na sistema ng mga bagay ni Satanas at iligtas ang bayan ng Diyos. Kailangan din nating patibayin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng lubusang pagsasamantala sa lahat ng paglalaan ni Jehova para sa ating espirituwal na kapakanan.Iningatan sa Panahon ng Kadiliman at Kapighatian
17, 18. Ano ang malaking pagkakaiba ng mga tagasunod ni Jesus at ng mga sumalansang sa layunin ng Diyos noong unang siglo, at ano ang kinahinatnan ng bawat grupo?
17 Pagkamatay ni Jesus, lakas-loob na sinunod ng mga alagad ang kaniyang utos na magpatotoo tungkol sa kaniya “kapuwa sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria at hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.” (Gawa 1:8) Sa kabila ng mga daluyong ng pag-uusig, pinagpala ni Jehova ng espirituwal na kaliwanagan at maraming bagong mga alagad ang bagong-tatag na kongregasyong Kristiyano.—Gawa 2:47; 4:1-31; 8:1-8.
18 Sa kabilang panig, lalong dumidilim ang pag-asa ng mga sumasalansang sa mabuting balita. “Ang lakad ng mga balakyot ay tulad ng karimlan,” ang sabi ng Kawikaan 4:19. “Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran.” Tumindi ang “karimlan” noong 66 C.E. nang kubkubin ng mga puwersang Romano ang Jerusalem. Matapos ang pansamantalang pag-atras nang walang maliwanag na dahilan, bumalik ang mga Romano noong 70 C.E., at sa pagkakataong ito ay winasak ang lunsod. Ayon sa Judiong istoryador na si Josephus, mahigit na isang milyong Judio ang namatay. Subalit nakatakas ang tapat na mga Kristiyano. Bakit? Sapagkat nang unang umatras ang mga Romano, sinunod nila ang utos ni Jesus na sila’y tumakas.—Lucas 21:20-22.
19, 20. (a) Bakit walang dahilan na matakot ang bayan ng Diyos habang papalapit na ang katapusan ng kasalukuyang sistema? (b) Anong pambihirang kaunawaan ang ibinigay ni Jehova sa kaniyang bayan noong mga dekada bago sumapit ang 1914?
19 Nakakatulad nito ang ating situwasyon. Mangangahulugan ng katapusan ng buong balakyot na sistema ni Satanas ang dumarating na malaking kapighatian. Pero hindi dapat matakot ang bayan ng Diyos, sapagkat nangako si Jesus: “Narito! ako ay sumasainyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng sistema ng mga bagay.” (Mateo 28:20) Upang patibayin ang pananampalataya ng kaniyang unang mga alagad at ihanda sila sa mangyayari, binigyan sila ni Jesus ng pangitain ng kaniyang makalangit na kaluwalhatian bilang Mesiyanikong Hari. Kumusta naman ngayon? Noong 1914, naging katunayan ang pangitaing iyon. At tunay ngang nakapagpatibay sa pananampalataya ng bayan ng Diyos ang katunayang iyon! Nangangako iyon ng isang napakagandang kinabukasan, at pinagkalooban ang mga lingkod ni Jehova ng pasulong na kaunawaan tungkol sa katunayang iyon. Sa gitna ng tumitinding karimlan sa sanlibutan ngayon, “ang landas ng mga matuwid ay tulad ng maningning na liwanag na lumiliwanag nang lumiliwanag hanggang sa ang araw ay malubos.”—Kawikaan 4:18.
20 Kahit bago pa man ang 1914, nagsimula nang maunawaan ng isang maliit na grupo ng pinahirang mga Kristiyano ang mahahalagang katotohanan tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Halimbawa, naunawaan nila na hindi ito makikita, gaya ng ipinahiwatig ng dalawang anghel na nagpakita sa mga alagad noong 33 C.E. habang umaakyat Gawa 1:9-11.
si Jesus sa langit. Matapos kunin ng isang ulap si Jesus mula sa paningin ng mga alagad, sinabi ng mga anghel: “Ang Jesus na ito na tinanggap sa kalangitan mula sa inyo ay gayon darating sa katulad na paraan kung paanong nakita ninyo siyang pumaparoon sa kalangitan.”—21. Ano ang tatalakayin sa susunod na artikulo?
21 Ang pag-alis ni Jesus ay nakita lamang ng kaniyang matapat na mga tagasunod. Gaya sa pagbabagong-anyo, walang pangmadlang pagtatanghal; ni hindi batid ng sanlibutan sa pangkalahatan kung ano ang nangyari. Gayundin ang mangyayari kapag bumalik si Kristo taglay ang kapangyarihan ng Kaharian. (Juan 14:19) Ang kaniyang tapat na pinahirang mga alagad lamang ang makauunawa ng pagkanaririto niya bilang Hari. Sa susunod na artikulo, makikita natin kung paano magkakaroon ng matinding epekto sa kanila ang kaunawaang iyan, anupat magtatapos sa pagtitipon ng milyun-milyong magiging makalupang mga sakop ni Jesus.—Apocalipsis 7:9, 14.
[Talababa]
^ par. 5 Lumilitaw na noong bautismuhan si Jesus, si Juan lamang ang nakarinig ng tinig ng Diyos. Ang mga Judiong kausap ni Jesus ay ‘hindi kailanman nakarinig ng tinig ng Diyos ni nakakita man ng kaniyang anyo.’—Juan 5:37.
Naaalaala Mo Ba?
• Nang akusahan si Jesus ng paglabag sa Sabbath at ng pamumusong, anong ebidensiya ang ibinigay niya upang ipakita na siya ang Mesiyas?
• Paano nakinabang sa pagbabagong-anyo ang unang mga alagad ni Jesus?
• Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sabihin niya na mananatili si Juan hanggang sa dumating siya?
• Noong 1914, anong pangitain ang naging isang katunayan?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mga larawan sa pahina 10]
Ipinakita ni Jesus ang kaniyang mga kredensiyal bilang ang Mesiyas
[Larawan sa pahina 12]
Nakapagpatibay ng pananampalataya ang pangitain ng pagbabagong-anyo
[Larawan sa pahina 13]
Mananatili si Juan hanggang sa ‘pagdating’ ni Jesus