Labis-labis na Kaalaman Para sa Atin?
Labis-labis na Kaalaman Para sa Atin?
Samantalang nakaupo sa dalampasigan, pinagmamasdan ng mag-asawang misyonero sa Kanlurang Aprika ang maningning na buwan. “Gaano kaya karami ang nalalaman ng tao hinggil sa buwan, at gaano pa kaya karami ang dapat malaman hinggil dito?” ang tanong ng asawang lalaki.
Tumugon ang kaniyang asawa: “Gunigunihin mo na maaari nating pagmasdan ang lupa gaya ng pagmamasid natin sa buwan—gaano na kaya karami ang kaalaman ng mga tao sa lupa, at gaano pa kaya karami ang dapat matutuhan? At isip-isipin mo ito! Hindi lamang umiikot ang lupa sa palibot ng araw kundi ang ating buong sistema solar ay kumikilos. Kaya malamang na hindi na tayo maaaring makabalik kailanman sa eksaktong lokasyon na ito sa uniberso. Sa katunayan, alam natin ang ating kasalukuyang lokasyon batay lamang sa posisyon ng pamilyar na mga bagay sa kalangitan. Napakarami nating alam hinggil sa ilang bagay, subalit masasabing hindi man lamang natin alam kung nasaan tayo!”
INILALARAWAN ng mga ideyang ito ang ilang saligang katotohanan. Wari bang napakaraming dapat matutuhan. Mangyari pa, bawat isa sa atin ay may bagong mga bagay na natututuhan araw-araw. Gayunman, gaanuman karami ang talagang natututuhan natin, waring hindi natin matututuhan ang lahat ng bagay na gusto nating malaman sa bilis na gusto natin.
Totoo, bukod sa kakayahang matuto ng bagong mga impormasyon, malaki rin ang naging pagsulong natin sa kakayahang mag-imbak ng mga kaalaman. Dahil sa teknolohiya, dumami nang husto ang natipong kaalaman ng tao. Gayon na lamang kalaki ang kapasidad ng mga hard disk ng computer anupat kailangang umimbento ng bagong mga termino sa matematika upang ilarawan ito. Napakaraming impormasyon ang kayang imbakin sa isang simpleng CD-ROM; inilalarawan ang kapasidad nito bilang 680 megabyte o higit pa. Pitong ulit namang mas marami ang maaaring imbakin sa pangkaraniwang DVD, at sa hinaharap ay mas malaki pa ang magiging kapasidad nito.
Ang mga pamamaraan ng tao sa paghahatid ng impormasyon sa makabagong panahon ay halos hindi na maarok ng ating isipan. Napakabilis ng mga rotary press sa paglilimbag ng mga pahayagan, magasin, at mga aklat. Sa isang pindot lamang sa mouse ng computer, gabundok nang impormasyon ang makukuha ng isa na gumagamit ng Internet. Sa ganito at marami pang ibang paraan, mas bumibilis ang paghahatid ng impormasyon kaysa sa kayang tanggapin ng sinuman. Kung minsan, inihahalintulad sa dagat ang dami ng impormasyong ito, sapagkat napakarami ng mga ito anupat kailangan nating matutuhang lumangoy rito, wika nga, subalit sinisikap na huwag inumin ang lahat ng ito. Ang sobrang dami ng impormasyon ay nag-uudyok sa atin na maging mapamili.
Gawa 19:35, 36) Bagaman waring alam ng lahat ang bagay na ito—baka sabihin pa nga ng marami na hindi ito mapabubulaanan—hindi totoo na nahulog mula sa langit ang imaheng iyon. Kaya naman binabalaan ng Banal na Bibliya ang mga Kristiyano na magbantay laban sa “may-kabulaanang tinatawag na ‘kaalaman.’ ”—1 Timoteo 6:20.
Kailangan din tayong maging mapamili sapagkat hindi laging kapaki-pakinabang ang napakaraming makukuhang impormasyon. Sa katunayan, ang ilan pa nga sa mga ito ay hindi kanais-nais at walang kabuluhan. Tandaan, ang kaalaman ay tumutukoy sa impormasyon—mabuti man ito o masama, positibo man o negatibo. Ang mas nakalilito pa nito, ang ilang bagay na itinuturing ng marami bilang katotohanan ay hindi naman pala tumpak. Ang mga kapahayagan maging ng pinagpipitaganang mga awtoridad ay madalas na napatutunayang kabulaanan sa dakong huli! Halimbawa, alalahanin ang tagapagtala ng lunsod ng sinaunang Efeso, na tiyak na itinuturing na isang matalinong opisyal. Iginiit niya: “Sino nga sa sangkatauhan ang hindi nakaaalam na ang lunsod ng mga taga-Efeso ang tagapag-ingat ng templo ng dakilang Artemis at ng imahen na nahulog mula sa langit?” (Ang isang matibay na dahilan kung bakit dapat maging mapamili pagdating sa kaalaman ay sapagkat napakaikli ng ating kasalukuyang buhay. Anuman ang iyong edad, tiyak na maraming larangan ng kaalaman ang gusto mong saliksikin, subalit natatanto mong hindi sapat ang haba ng iyong buhay upang magawa iyon.
Mababago pa kaya ang pangunahing problemang ito? May larangan kaya ng kaalaman na makapagpapahaba ng buhay o makapagbibigay pa nga ng buhay na walang hanggan? Posible kayang umiiral na ang gayong kaalaman? Kung oo, makukuha kaya ito ng lahat? Darating kaya ang panahon na lahat ng inaasahan nating makukuhang impormasyon ay makatotohanan? Nakasumpong ng kasiya-siyang mga sagot sa mga tanong na ito ang mag-asawang misyonero na binanggit sa pasimula, at masusumpungan mo rin ito. Pakisuyong basahin ang susunod na artikulo, na magbibigay sa iyo ng pag-asang kumuha ng kaalaman magpakailanman.