Ipaaaninag Mo ba ang Kaluwalhatian ng Diyos?
Ipaaaninag Mo ba ang Kaluwalhatian ng Diyos?
“Tayo . . . ay nagpapaaninag ng kaluwalhatian ni Jehova tulad ng mga salamin.”—2 CORINTO 3:18.
1. Ano ang nakita ni Moises, at ano ang nangyari pagkatapos nito?
IYON ay isa sa mga kasindak-sindak na pangitaing naranasan kailanman ng isang tao. Habang nag-iisa sa itaas ng Bundok Sinai, ipinagkaloob kay Moises ang di-pangkaraniwang kahilingan niya. Pinahintulutan siyang makita ang hindi pa nakita kailanman ng sinumang tao—ang kaluwalhatian ni Jehova. Sabihin pa, hindi naman tuwirang nakita ni Moises si Jehova. Gayon na lamang karilag ang anyo ng Diyos anupat walang taong makakakita sa kaniya ang mabubuhay pa. Sa halip, itinakip ni Jehova ang kaniyang “palad” kay Moises bilang pantabing hanggang sa makaraan Siya, anupat maliwanag na gumamit Siya ng kinatawang anghel. Pagkatapos ay pinahintulutan ni Jehova na makita ni Moises ang naiwang sinag na ito ng kaluwalhatian ng Diyos. Nakipag-usap din si Jehova kay Moises sa pamamagitan ng isang anghel. Inilalarawan ng Bibliya ang nangyari pagkatapos nito: “At nangyari nang bumaba si Moises mula sa Bundok Sinai, . . . na ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipag-usap niya [kay Jehova].”—Exodo 33:18–34:7, 29.
2. Ano ang isinulat ni apostol Pablo tungkol sa kaluwalhatiang ipinaaaninag ng mga Kristiyano?
2 Gunigunihin ang iyong sarili na kasama ni Moises sa bundok na iyon. Tunay ngang kapana-panabik na makita ang maningning na karingalan ng Makapangyarihan-sa-lahat at marinig ang kaniyang mga sinabi! Kaylaking pribilehiyo na lumakad pababa ng Bundok Sinai kasama ni Moises, ang tagapamagitan ng tipang Kautusan! Subalit alam mo ba na sa ilang paraan, ipinaaaninag ng mga Kristiyano ang kaluwalhatian ng Diyos sa paraang nakahihigit pa sa paraan ng pagpapaaninag dito ni Moises? Ang nakapupukaw-kaisipan na katotohanang iyan ay masusumpungan sa isang liham na isinulat ni apostol Pablo. Isinulat niya na ang mga pinahirang Kristiyano ay “nagpapaaninag ng kaluwalhatian ni Jehova tulad ng mga salamin.” (2 Corinto 3:7, 8, 18) Sa isang diwa, ipinaaaninag din ng mga Kristiyanong may makalupang pag-asa ang kaluwalhatian ng Diyos.
Kung Paano Ipinaaaninag ng mga Kristiyano ang Kaluwalhatian ng Diyos
3. Paano natin nakikilala si Jehova sa mga paraang hindi naranasan ni Moises?
3 Paano ba natin maipaaaninag ang kaluwalhatian ng Diyos? Hindi natin nakita o narinig si Jehova na gaya ng naranasan ni Moises. Gayunman, nakilala natin si Jehova sa mga paraang hindi naranasan ni Moises. Hindi lumitaw si Jesus bilang ang Mesiyas kundi pagkalipas pa ng halos 1,500 taon pagkamatay ni Moises. Dahil dito, hindi nalaman ni Moises kung paano natupad ang Kautusan kay Jesus, na namatay upang tubusin ang mga tao mula sa kahila-hilakbot na paniniil ng kasalanan at kamatayan. (Roma 5:20, 21; Galacia 3:19) Karagdagan pa, nakita lamang ni Moises sa limitadong paraan ang karingalan ng layunin ni Jehova, na nakasentro sa Mesiyanikong Kaharian, at sa Paraiso sa lupa na idudulot nito. Kaya nakikita natin ang kaluwalhatian ni Jehova, hindi sa pamamagitan ng ating literal na mga mata, kundi sa pamamagitan ng mga mata ng pananampalataya na nakasalig sa mga turo ng Bibliya. Bukod diyan, naririnig natin ang tinig ni Jehova, hindi sa pamamagitan ng isang anghel, kundi sa pamamagitan ng Bibliya, partikular na sa mga Ebanghelyo, na buong-kagandahang naglalarawan sa mga turo at ministeryo ni Jesus.
4. (a) Paano ipinaaaninag ng mga pinahirang Kristiyano ang kaluwalhatian ng Diyos? (b) Sa anu-anong paraan maipaaaninag ng mga may makalupang pag-asa ang kaluwalhatian ng Diyos?
4 Bagaman hindi ipinaaaninag ng mga Kristiyano ang kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng mga sinag na nagmumula sa kanilang mga mukha, ang kanilang mga mukha naman ay halos nagniningning habang ipinakikipag-usap nila sa iba ang maluwalhating personalidad at layunin ni Jehova. Hinggil sa panahon natin, inihula ni propeta Isaias Isaias 66:19) Karagdagan pa, sa 2 Corinto 4:1, 2, mababasa natin: “Yamang taglay namin ang ministeryong ito . . . , tinalikuran na namin ang mga bagay na ginagawa nang pailalim na dapat ikahiya, na hindi lumalakad na may katusuhan, ni binabantuan ang salita ng Diyos, kundi sa paghahayag ng katotohanan ay inirerekomenda ang aming sarili sa bawat budhi ng tao sa paningin ng Diyos.” Partikular nang tinutukoy ni Pablo ang mga pinahirang Kristiyano, na “mga ministro ng isang bagong tipan.” (2 Corinto 3:6) Ngunit ang kanilang ministeryo ay may epekto sa napakaraming tao na nagtamo ng pag-asang buhay na walang hanggan sa lupa. Nasasangkot sa ministeryo ng dalawang grupong ito ang pagpapaaninag ng kaluwalhatian ni Jehova hindi lamang sa kanilang itinuturo kundi maging sa kanilang paraan ng pamumuhay. Pananagutan at pribilehiyo natin na masalamin sa atin ang kaluwalhatian ng Kataas-taasang Diyos!
na ang bayan ng Diyos ay ‘tiyak na magpapahayag tungkol sa kaluwalhatian ni Jehova sa gitna ng mga bansa.’ (5. Ano ang pinatutunayan ng ating espirituwal na kasaganaan?
5 Sa ngayon, ang maluwalhating mabuting balita ng Kaharian ng Diyos ay ipinangangaral sa buong tinatahanang lupa, gaya ng inihula ni Jesus. (Mateo 24:14) Ang mga indibiduwal sa lahat ng bansa, tribo, bayan, at wika ay masiglang tumutugon sa mabuting balita at nagbabago ng kanilang buhay upang magawa ang kalooban ng Diyos. (Roma 12:2; Apocalipsis 7:9) Gaya ng sinaunang mga Kristiyano, hindi nila magawang tumigil sa pagsasalita tungkol sa mga bagay na kanilang nakita at narinig. (Gawa 4:20) Mahigit anim na milyong tao, na siyang pinakamarami sa alinmang iba pang panahon sa kasaysayan ng tao, ang nagpapaaninag ng kaluwalhatian ng Diyos sa ngayon. Kabilang ka ba sa kanila? Ang espirituwal na kasaganaan ng bayan ng Diyos ay nagbibigay ng nakakakumbinsing katunayan ng pagpapala at proteksiyon ni Jehova. Lalo nang kitang-kita na taglay natin ang espiritu ni Jehova kung isasaalang-alang ang makapangyarihang mga puwersa na nagbabanta laban sa atin. Tingnan natin ngayon kung bakit ito totoo.
Hindi Mapatatahimik ang Bayan ng Diyos
6. Bakit kailangan ang pananampalataya at lakas ng loob upang makapanindigan para kay Jehova?
6 Ipagpalagay nang ipinatawag ka upang magpatotoo sa korte laban sa isang malupit na kriminal. Alam mong may makapangyarihang organisasyon ang kriminal at gagamitin niya ang lahat upang hindi mo siya maibunyag. Upang makapagpatotoo ka laban sa gayong kriminal, kailangan mo ng lakas ng loob at pagtitiwala na ipagsasanggalang ka ng mga awtoridad laban sa kaniya. Tayo ay nasa katulad na situwasyon. Sa pagpapatotoo tungkol kay Jehova at sa kaniyang mga layunin, nagpapatotoo tayo laban kay Satanas na Diyablo, anupat ibinubunyag siya bilang mamamatay-tao at sinungaling na nagliligaw sa buong tinatahanang lupa. (Juan 8:44; Apocalipsis 12:9) Upang makapanindigan para kay Jehova at laban sa Diyablo, kailangan ang pananampalataya at lakas ng loob.
7. Gaano kalakas ang impluwensiya ni Satanas, at ano ang tangka niyang gawin?
7 Siyempre pa, si Jehova ang Kadaki-dakilaan. Pagkalaki-laki ng kahigitan ng kaniyang kapangyarihan sa kapangyarihan ni Satanas. Makatitiyak tayo na hindi lamang kaya ni Jehova na ipagsanggalang tayo kundi sabik din siya na gawin ito habang matapat tayong naglilingkod sa kaniya. (2 Cronica 16:9) Gayunpaman, si Satanas ang tagapamahala ng mga demonyo at ng sanlibutan ng sangkatauhan na hiwalay sa Diyos. (Mateo 12:24, 26; Juan 14:30) Palibhasa’y nakakulong sa kapaligiran ng lupa at punô ng “malaking galit,” walang-awang sinasalansang ni Satanas ang mga lingkod ni Jehova at ginagamit niya ang sanlibutang kontrolado niya upang tangkaing patahimikin ang lahat ng nangangaral ng mabuting balita. (Apocalipsis 12:7-9, 12, 17) Paano niya ito ginagawa? Di-kukulangin sa tatlong paraan.
8, 9. Paano ginagamit ni Satanas ang maling pag-ibig, at bakit natin dapat piliin nang maingat ang ating mga kasamahan?
8 Ang isang paraan na ginagamit ni Satanas upang tangkaing gambalain tayo ay ang mga kabalisahan sa buhay. Ang mga tao sa mga huling araw na ito ay mga maibigin sa salapi, maibigin sa kanilang sarili, at maibigin sa mga kaluguran. Hindi sila mga maibigin sa Diyos. (2 Timoteo 3:1-4) Palibhasa’y abalang-abala sa araw-araw na mga gawain sa buhay, ang karamihan sa mga tao ay ‘hindi nagbibigay-pansin’ sa mabuting balita na ipinaaabot natin sa kanila. Talagang hindi sila interesadong matuto sa katotohanan sa Bibliya. (Mateo 24:37-39) Maaaring makahawa ang gayong saloobin, anupat nililibang tayo upang maging mapagwalang-bahala sa espirituwal. Kung hahayaan nating malinang sa ating sarili ang pag-ibig sa materyal na mga bagay at mga kaluguran sa buhay, ang ating pag-ibig sa Diyos ay lalamig.—Mateo 24:12.
9 Dahil dito, maingat na pinipili ng mga Kristiyano ang kanilang mga kasamahan. “Siyang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong,” ang sulat ni Haring Solomon, “ngunit siyang nakikipag-ugnayan sa mga hangal ay mapapariwara.” (Kawikaan 13:20) ‘Lumakad’ nawa tayong kasama ng mga nagpapaaninag ng kaluwalhatian ng Diyos. Kay-inam ngang gawin ito! Habang nagtitipon tayo kasama ng ating espirituwal na mga kapatid sa mga pulong at sa iba pang panahon, nakasusumpong tayo ng pampatibay-loob sa kanilang pag-ibig, sa kanilang pananampalataya, sa kanilang kagalakan, at sa kanilang karunungan. Ang gayong mabubuting pakikipagsamahan ay nagpapatibay ng ating determinasyong magmatiyaga sa ating ministeryo.
10. Sa anu-anong paraan ginagamit ni Satanas ang panunuya laban sa mga nagpapaaninag ng kaluwalhatian ng Diyos?
10 Ang ikalawang paraan na ginagamit ni Satanas upang tangkaing pahintuin ang lahat ng Kristiyano sa pagpapaaninag ng kaluwalhatian ng Diyos ay ang panunuya. Hindi tayo dapat mabigla sa taktikang ito. Noong panahon ng ministeryo ni Jesu-Kristo sa lupa, siya ay tinuya—pinagtawanan, kinutya, ginawang katawa-tawa, pinakitunguhan nang walang pakundangan, at dinuraan pa nga. (Marcos 5:40; Lucas 16:14; 18:32) Ang sinaunang mga Kristiyano ay naging tampulan din ng panlilibak. (Gawa 2:13; 17:32) Napapaharap sa gayunding pang-aabuso ang makabagong-panahong mga lingkod ni Jehova. Ayon kay apostol Pedro, sila, sa diwa, ay ituturing na “mga bulaang propeta.” “Sa mga huling araw,” ang hula ni Pedro, “darating ang mga manunuya na may pagtuya, na lumalakad ayon sa kanilang sariling mga pagnanasa at nagsasabi: ‘Nasaan itong ipinangakong pagkanaririto niya? Aba, . . . ang lahat ng mga bagay ay nananatiling gayung-gayon mula noong pasimula ng sangnilalang.’ ” (2 Pedro 3:3, 4) Tinutuya ang bayan ng Diyos dahil hindi raw sila makatotohanan. Ang mga pamantayan ng Bibliya sa moral ay itinuturing na makaluma. Para sa marami, ang mensaheng ipinangangaral natin ay kamangmangan. (1 Corinto 1:18, 19) Bilang mga Kristiyano, baka tuyain tayo sa paaralan, sa trabaho, at kung minsan maging sa loob ng pamilya. Palibhasa’y hindi nasisiraan ng loob, patuloy nating ipinaaaninag ang kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng ating pangangaral, yamang tulad ni Jesus, alam natin na ang Salita ng Diyos ay katotohanan.—Juan 17:17.
11. Paano ginagamit ni Satanas ang pag-uusig sa pagtatangkang patahimikin ang mga Kristiyano?
Mateo 24:9) Sa katunayan, bilang mga Saksi ni Jehova, napaharap na tayo sa malupit na pag-uusig sa maraming bahagi ng lupa. Alam natin na matagal nang inihula ni Jehova na ang gayong pagkapoot, o alitan, ay magaganap sa pagitan ng mga naglilingkod sa Diyos at ng mga naglilingkod kay Satanas na Diyablo. (Genesis 3:15) Alam din natin na sa pag-iingat ng katapatan sa ilalim ng pagsubok, nagpapatotoo tayo sa pagiging nararapat ng pansansinukob na soberanya ni Jehova. Ang kaalaman sa bagay na ito ay magpapalakas sa atin kahit sa ilalim ng pinakamahirap na mga kalagayan. Walang anumang pag-uusig ang permanenteng makapagpapatahimik sa atin kung mananatili tayong determinado na ipaaninag ang kaluwalhatian ng Diyos.
11 Ang ikatlong taktika na ginagamit ng Diyablo sa pagtatangkang patahimikin tayo ay ang pagsalansang o pag-uusig. Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Ibibigay kayo ng mga tao sa kapighatian at papatayin kayo, at kayo ay magiging mga tudlaan ng pagkapoot ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.” (12. Bakit tayo dapat magsaya habang nananatiling tapat sa harap ng pagsalansang ni Satanas?
12 Nilalabanan mo ba ang mga pang-akit ng sanlibutan at nananatiling tapat sa kabila ng panunuya at pagsalansang? Kung gayon ay may dahilan ka para magsaya. Tiniyak ni Jesus sa magiging mga tagasunod niya: “Maligaya kayo kapag dinudusta kayo ng mga tao at pinag-uusig kayo at may-kasinungalingang sinasalita ang bawat uri ng balakyot na bagay laban sa inyo dahil sa akin. Magsaya kayo at lumukso sa kagalakan, yamang malaki ang inyong gantimpala sa langit; sapagkat sa gayong paraan nila pinag-usig ang mga propetang nauna sa inyo.” (Mateo 5:11, 12) Ang inyong pagbabata ay nagpapatunay na nasa inyo ang makapangyarihang banal na espiritu ni Jehova, na nagpapalakas sa inyo upang ipaaninag ang kaniyang kaluwalhatian.—2 Corinto 12:9.
Nagmumula kay Jehova ang Pagbabata
13. Ano ang pangunahing dahilan ng ating pagbabata sa ating ministeryong Kristiyano?
13 Ang pangunahing dahilan ng ating pagbabata sa ministeryo ay sapagkat iniibig natin si Jehova at nalulugod tayong ipaaninag ang kaniyang kaluwalhatian. May tendensiya ang mga tao na tularan ang kanilang iniibig at iginagalang, at wala nang higit na karapat-dapat tularan kaysa sa Diyos na Jehova. Dahil sa kaniya mismong dakilang pag-ibig, isinugo niya ang kaniyang Anak sa lupa upang magpatotoo sa katotohanan at tubusin ang masunuring sangkatauhan. (Juan 3:16; 18:37) Tulad ng Diyos, hangad nating magsisi at maligtas ang lahat ng uri ng tao; kaya naman nangangaral tayo sa kanila. (2 Pedro 3:9) Ang hangaring ito, lakip na ang ating determinasyong tularan ang Diyos, ang nagpapakilos sa atin na magmatiyaga sa pagpapaaninag ng kaniyang kaluwalhatian sa ating ministeryo.
14. Paano tayo pinalalakas ni Jehova upang makapagbata sa ating ministeryo?
14 Gayunman, ang ating lakas sa pagbabata sa ministeryong Kristiyano ay pangunahin nang nagmumula kay Jehova. Pinalalakas at pinatitibay niya tayo sa pamamagitan ng kaniyang espiritu, ng kaniyang organisasyon, at ng kaniyang Salita, ang Bibliya. Roma 15:5; Santiago 1:5) Bukod diyan, hindi pinahihintulutan ni Jehova na makaranas tayo ng anumang pagsubok na hindi natin kayang batahin. Kung nagtitiwala tayo kay Jehova, gagawa siya ng daang malalabasan upang patuloy nating maipaaninag ang kaniyang kaluwalhatian.—1 Corinto 10:13.
Si Jehova ay “naglalaan ng pagbabata” sa mga handang magpaaninag ng kaniyang kaluwalhatian. Sinasagot niya ang ating mga panalangin at binibigyan niya tayo ng karunungan upang makayanan ang mga pagsubok. (15. Ano ang tumutulong sa atin na magbata?
15 Ang pagbabata sa ating ministeryo ay nagpapatunay na taglay natin ang espiritu ng Diyos. Bilang paglalarawan: Ipagpalagay nang hinilingan kang ipamahagi nang libre sa bahay-bahay ang isang uri ng tinapay. Tinagubilinan ka na gawin ito sa sarili mong gastos at panahon. Bukod dito, di-nagtagal ay nalaman mo na kakaunting tao lamang ang talagang nagnanais ng ipinamamahagi mong tinapay; sasalansangin pa nga ng ilan ang iyong pagsisikap na ipamahagi ito. Ipagpapatuloy mo pa kaya ang gayong atas buwan-buwan, taun-taon? Marahil ay hindi na. Gayunman, maaaring nagpagal ka na sa pagpapahayag ng mabuting balita sa sarili mong gastos at panahon sa loob ng maraming taon, mga dekada pa nga. Bakit? Hindi ba’t dahil iniibig mo si Jehova at sa pamamagitan ng kaniyang espiritu ay pinagpapala niya ang iyong pagsisikap sa pamamagitan ng pagtulong sa iyo na magbata? Tiyak na gayon nga!
Isang Di-malilimot na Gawain
16. Nangangahulugan ng ano para sa atin at sa mga nakikinig sa atin ang pagbabata sa ating ministeryo?
16 Ang ministeryo ng bagong tipan ay isang walang-katulad na kaloob. (2 Corinto 4:7) Gayundin naman, ang ministeryong Kristiyano na isinasagawa ng ibang mga tupa sa buong daigdig ay isang kayamanan. Habang patuloy kang nagbabata sa iyong ministeryo, ‘maililigtas mo kapuwa ang iyong sarili at yaong mga nakikinig sa iyo,’ gaya ng isinulat ni Pablo kay Timoteo. (1 Timoteo 4:16) Isipin na lamang ang kahulugan niyan. Ang mabuting balita na iyong ipinangangaral ay nagbibigay ng pagkakataon sa iba na mabuhay magpakailanman. Makalilikha ka ng matibay na buklod ng pagkakaibigan sa mga tinutulungan mo sa espirituwal na paraan. Gunigunihin ang kagalakan na mabuhay nang walang hanggan sa Paraiso kasama ng mga natulungan mong matuto tungkol sa Diyos! Tiyak na hindi nila malilimot ang iyong pagsisikap na tulungan sila. Siguradong kasiyahan ang dulot nito!
17. Bakit ang ating panahon ay isang namumukod-tanging yugto sa kasaysayan ng tao?
17 Nabubuhay ka sa isang namumukod-tanging yugto sa kasaysayan ng tao. Hindi na kailanman muling ipangangaral ang mabuting balita sa gitna ng sanlibutang hiwalay sa Diyos. Nabuhay si Noe sa gayong sanlibutan, at nakita niya itong lumipas. Tiyak na nagalak siyang malaman na may-katapatan niyang naisagawa ang kalooban ng Diyos sa pagtatayo ng arka, na umakay sa kaligtasan niya at ng kaniyang pamilya! (Hebreo 11:7) Maaari ka ring magkaroon ng gayong kagalakan. Isipin na lamang ang madarama mo sa bagong sanlibutan habang ginugunita mo ang iyong gawain sa mga huling araw na ito, yamang alam mong ginawa mo ang iyong buong makakaya upang itaguyod ang kapakanan ng Kaharian.
18. Anong katiyakan at pampatibay-loob ang ibinibigay ni Jehova sa kaniyang mga lingkod?
18 Kung gayon, patuloy nating ipaaninag ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang paggawa natin nito ay isang bagay na maaalaala natin magpakailanman. Naaalaala rin ni Jehova ang ating mga gawa. Ang Bibliya ay nagbibigay ng ganitong pampatibay-loob: “Ang Diyos ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pag-ibig na ipinakita ninyo para sa kaniyang pangalan, dahil kayo ay naglingkod sa mga banal at patuloy na naglilingkod. Ngunit nais namin na ang bawat isa sa inyo ay magpakita ng gayunding kasipagan upang magkaroon ng lubos na katiyakan ng pag-asa hanggang sa wakas, upang hindi kayo maging makupad, kundi maging mga tagatulad niyaong mga sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiis ay nagmamana ng mga pangako.”—Hebreo 6:10-12.
Maipaliliwanag Mo Ba?
• Paano ipinaaaninag ng mga Kristiyano ang kaluwalhatian ng Diyos?
• Ano ang ilang taktika na ginagamit ni Satanas sa kaniyang pagtatangkang patahimikin ang bayan ng Diyos?
• Ano ang katibayan na taglay natin ang espiritu ng Diyos?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 15]
Nagpaaninag ng kaluwalhatian ang mukha ni Moises
[Mga larawan sa pahina 16, 17]
Ipinaaaninag natin ang kaluwalhatian ng Diyos sa ating ministeryo