Ang Tanging Lunas!
Ang Tanging Lunas!
ISANG lalaking nagngangalang Lazaro at ang kaniyang mga kapatid na sina Marta at Maria ay nakatira sa Betania, isang bayan na mga tatlong kilometro ang layo mula sa Jerusalem. Isang araw, noong wala ang kaibigan nilang si Jesus, nagkasakit nang malubha si Lazaro. Alalang-alala sa kaniya ang kaniyang mga kapatid na babae. Nagpadala sila ng mensahe kay Jesus. Dalawang araw pagkarinig sa balita, humayo si Jesus upang dalawin si Lazaro. Habang nasa daan, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na pupunta siya roon upang gisingin sa pagkakatulog si Lazaro. Hindi siya kaagad naunawaan ng mga alagad, kaya nilinaw ni Jesus: “Si Lazaro ay namatay.”—Juan 11:1-14.
Pagdating ni Jesus sa libingan ni Lazaro, ipinaalis muna niya ang batong nakaharang sa pasukan ng libingan. Pagkapanalangin nang malakas, ipinag-utos niya: “Lazaro, lumabas ka!” At lumabas si Lazaro. Binuhay-muli ang lalaking apat na araw nang patay.—Juan 11:38-44.
Ipinakikita ng ulat hinggil kay Lazaro na ang pagkabuhay-muli ang tiyak na lunas sa kamatayan. Pero totoo bang nangyari ang himala na pagbuhay-muli kay Lazaro? Isinalaysay ito sa Bibliya bilang totoong pangyayari. Basahin ang ulat sa Juan 11:1-44, at makikita mo kung gaano kalinaw ang mga detalye. Maikakaila mo bang nangyari ito? Kung ikakaila mo ito, maaaring magkaroon ka ng dahilan na pag-alinlanganan ang pagiging totoo ng lahat ng himalang nakaulat sa Bibliya, pati na ang pagkabuhay-muli ni Jesu-Kristo. At “kung hindi ibinangon si Kristo,” ang sabi ng Bibliya, “ang inyong pananampalataya ay walang silbi.” (1 Corinto 15:17) Ang pagkabuhay-muli ay isang pangunahing turo sa Kasulatan. (Hebreo 6:1, 2) Gayunman, ano ba ang kahulugan ng terminong “pagkabuhay-muli”?
Ano ang Kahulugan ng “Pagkabuhay-Muli”?
Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang salitang “pagkabuhay-muli” ay lumilitaw nang mahigit 40 ulit. Isinalin ito mula sa salitang Griego na literal na nangangahulugang “muling pagtayo.” Ang katumbas ng salitang ito sa Hebreo ay nangangahulugang “pagbuhay sa mga patay.” Gayunman, pagkamatay ng isang tao, ano ang bubuhaying muli? Hindi maaaring ang katawan, yamang nabubulok ito at bumabalik sa alabok ng lupa. Hindi ang dating katawan ang bubuhaying muli kundi ang dating persona na namatay. Kaya nasasangkot sa pagbuhay-muli ang pagsasauli sa pagkatao ng indibiduwal—ang kaniyang personalidad, ang mga ginawa niya noong nabubuhay siya, at ang lahat ng detalye na pagkakakilanlan sa kaniya.
Para sa Diyos na Jehova na sakdal ang memorya, hindi problema ang pag-alaala sa pagkatao ng mga namatay na. (Isaias 40:26) Yamang siya ang Tagapagpasimula ng buhay, kayang-kaya ni Jehova na buhaying muli ang dating persona sa isang bagong inanyuang katawan. (Awit 36:9) Bukod diyan, sinasabi ng Bibliya na ‘minimithi’—masidhing pinananabikan at hinahangad—ng Diyos na Jehova na buhaying muli ang mga patay. (Job 14:14, 15) Talagang natutuwa tayo na hindi lamang kayang buhayin ni Jehova ang isang tao kundi ibig din niyang gawin ito!
May mahalagang papel din si Jesu-Kristo sa pagbuhay-muli sa mga patay. Mahigit-higit lamang na isang taon matapos niyang simulan ang kaniyang ministeryo, sinabi ni Jesus: “Kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binubuhay sila, gayundin binubuhay ng Anak yaong mga ibig niya.” (Juan 5:21) Hindi ba’t ipinakikita ng karanasan ni Lazaro na si Jesu-Kristo ay may kapangyarihan at hangaring bumuhay ng mga patay?
Ano naman ang masasabi hinggil sa paniniwalang may isang bagay sa loob natin na patuloy na nabubuhay pagkamatay natin? Ang totoo, magkasalungat ang turo na pagkabuhay-muli at ang paniniwala na imortal ang kaluluwa o espiritu ng tao. Kung may isang bagay sa loob natin na Juan 11:23, 24) At nang buhaying muli si Lazaro, wala siyang ikinuwentong anumang karanasan niya sa kabilang-buhay. Patay siya noon. “Kung tungkol sa mga patay, sila ay walang anumang kabatiran,” ang sabi ng Bibliya. “Walang gawa ni katha man ni kaalaman man ni karunungan man sa Sheol [ang karaniwang libingan ng sangkatauhan], ang dako na iyong paroroonan.”—Eclesiastes 9:5, 10.
patuloy namang nabubuhay pagkamatay natin, bakit kailangan pa ang pagkabuhay-muli? Hindi inisip ng kapatid ni Lazaro na si Marta na nabubuhay pa rin ang kaniyang kapatid sa dako ng mga espiritu matapos itong mamatay. Nananampalataya siya sa pagkabuhay-muli. Nang tiyakin sa kaniya ni Jesus: “Ang iyong kapatid ay babangon,” sinabi ni Marta: “Alam kong babangon siya sa pagkabuhay-muli sa huling araw.” (Kaya ayon sa Bibliya, ang tanging lunas sa kamatayan ay pagkabuhay-muli. Pero sa pagkarami-raming taong namatay na, sinu-sino ang bubuhaying muli, at tungo saan?
Sinu-sino ang Bubuhaying Muli?
‘Ang oras ay dumarating na ang lahat ng nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng tinig ni Jesus at lalabas,’ ang sabi ni Jesus. (Juan 5:28, 29) Ayon sa pangakong ito, ang mga nasa alaalang libingan—ang mga nasa alaala ni Jehova—ay bubuhaying muli. Kaya ang tanong ay, Sa lahat ng mga taong namatay na, sinu-sino talaga ang nasa alaala ng Diyos at naghihintay na buhaying muli?
Nakatala sa aklat ng Bibliya na Hebreo kabanata 11 ang pangalan ng mga lalaki at babaing tapat na naglingkod sa Diyos. Sila pati na ang matatapat na lingkod ng Diyos na namatay nitong nakalipas na mga taon ay kasama sa mga bubuhaying muli. Paano naman ang mga taong hindi nakaabot sa mga pamantayan ng Diyos hinggil sa katuwiran, marahil dahil wala silang kaalaman? Nasa alaala rin ba sila ng Diyos? Oo, marami sa kanila ang nasa alaala ng Diyos, yamang ipinangangako ng Bibliya: “Magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.”—Gawa 24:15.
Gayunman, hindi lahat ng taong namatay ay bubuhaying muli. “Kung sinasadya nating mamihasa sa kasalanan pagkatapos na matanggap ang tumpak na kaalaman sa katotohanan,” ang sabi ng Bibliya, “wala nang anumang haing natitira pa para sa kasalanan, kundi may Hebreo 10:26, 27) Ang ilan ay nakagawa ng mga kasalanang wala nang kapatawaran. Wala sila sa Hades (karaniwang libingan ng sangkatauhan) kundi nasa Gehenna, isang makasagisag na dako para sa walang-hanggang pagkapuksa. (Mateo 23:33) Gayunman, dapat nating iwasang humatol kung bubuhaying muli ang isang tao o hindi. Ang Diyos ang hahatol. Alam niya kung sino ang nasa Hades at kung sino ang nasa Gehenna. Kung para sa atin naman, makabubuting iayon natin ang ating buhay sa kalooban ng Diyos.
nakatatakot na paghihintay sa paghuhukom.” (Pagkabuhay-Muli sa Langit—Para Kanino?
Ang pinakapambihirang pagkabuhay-muli ay yaong kay Jesu-Kristo. Siya ay “pinatay sa laman, ngunit binuhay sa espiritu.” (1 Pedro 3:18) Wala pang tao noon ang binuhay-muli sa gayong paraan. Sinabi mismo ni Jesus: “Walang taong umakyat sa langit maliban sa kaniya na bumaba mula sa langit, ang Anak ng tao.” (Juan 3:13) Oo, ang Anak ng tao ang kauna-unahang binuhay-muli bilang espiritung persona. (Gawa 26:23) At may iba pang kasunod. Sinasabi ng Kasulatan: “Bawat isa ay sa kani-kaniyang katayuan: si Kristo ang unang bunga, pagkatapos ay yaong mga kay Kristo sa panahon ng kaniyang pagkanaririto.”—1 Corinto 15:23.
Isang maliit na grupo ng mga tao—“yaong mga kay Kristo”—ang bubuhaying muli sa langit para sa isang pantanging layunin. (Roma 6:5) Mamamahala silang kasama ni Kristo bilang “mga hari sa ibabaw ng lupa.” (Apocalipsis 5:9, 10) Bukod diyan, maglilingkod sila bilang mga saserdote sa diwa na makikibahagi sila sa pag-aalis sa mga epekto ng kasalanan na namana ng sangkatauhan mula sa unang taong si Adan. (Roma 5:12) Ang mga mamamahalang kasama ni Kristo bilang mga hari at saserdote ay may bilang na 144,000. (Apocalipsis 14:1, 3) Anong uri ng katawan ang ibibigay sa kanila kapag binuhay-muli sila? “Isang katawang espirituwal,” ang sabi ng Bibliya. Dahil dito, maaari silang mabuhay sa langit.—1 Corinto 15:35, 38, 42-45.
Kailan magaganap ang pagkabuhay-muli sa langit ng mga kabilang sa 144,000? ‘Sa panahon ng pagkanaririto ni Kristo,’ ang sagot ng 1 Corinto 15:23. Maliwanag na ipinakikita ng mga pangyayari sa daigdig mula noong 1914 na ang pagkanaririto ni Kristo at ang “katapusan ng sistema ng mga bagay” ay parehong nagsimula nang taóng iyon. (Mateo 24:3-7) Kaya makatuwirang isipin na nagsimula na ang pagbuhay-muli sa tapat na mga Kristiyanong mabubuhay sa langit, bagaman hindi ito siyempre nakikita ng mga tao. Nangangahulugan ito na binuhay-muli na sa langit ang mga apostol at ang unang mga Kristiyano. Paano naman ang mga Kristiyanong nabubuhay ngayon na may tiyak at bigay-Diyos na pag-asang mamahalang kasama ni Kristo sa langit? Ibabangon sila “sa isang kisap-mata,” o karaka-raka pagkamatay nila. (1 Corinto 15:52) Yamang ang pagkabuhay-muli ng mga kabilang sa maliit na grupong ito ng 144,000 ay nauna sa pagkabuhay-muli ng pagkarami-raming tao na titira sa lupa, tinawag itong “mas maagang pagkabuhay-muli” at “unang pagkabuhay-muli.”—Filipos 3:11; Apocalipsis 20:6.
Sinu-sino ang Bubuhaying Muli sa Lupa?
Ayon sa Kasulatan, ang karamihan sa mga namatay ay bubuhaying muli sa lupa. (Awit 37:29; Mateo 6:10) Sa paglalarawan sa nakita niyang makapigil-hiningang pangitain hinggil sa mga bubuhaying muli, ganito ang isinulat ni apostol Juan: “Ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya, at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila, at hinatulan sila nang isa-isa ayon sa kanilang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay inihagis sa lawa ng apoy. Ito ay nangangahulugan ng ikalawang kamatayan, ang lawa ng apoy.” (Apocalipsis 20:11-14) Ang mga nasa Hades, o Sheol—karaniwang libingan ng sangkatauhan—ay nasa alaala ng Diyos. Bawat isa sa kanila ay pakakawalan sa gapos ng kamatayan. (Awit 16:10; Gawa 2:31) At ang bawat isa ay hahatulan ayon sa kaniyang gagawin matapos siyang buhaying muli. Ano naman ang mangyayari sa kamatayan at Hades? Ihahagis ang mga ito sa “lawa ng apoy.” Nangangahulugan ito na hindi na mamamatay ang mga tao dahil sa kasalanang minana kay Adan.
Lucas 7:11-17) At hinggil sa mga magulang ng isang 12-taóng-gulang na batang babae na binuhay-muli ni Jesus, ganito ang sinasabi ng Bibliya: “Karaka-rakang halos mawala sila sa kanilang sarili sa napakasidhing kagalakan.” (Marcos 5:21-24, 35-42; Lucas 8:40-42, 49-56) Sa bagong sanlibutan na ipinangako ng Diyos, malulugod tayong salubungin ang ating mga mahal sa buhay.
Isip-isipin na lamang ang maligayang pag-asa sa pagkabuhay-muli na naghihintay sa mga namatayan ng mahal sa buhay! Nang buhaying muli ni Jesus ang nag-iisang anak na lalaki ng babaing balo sa Nain, siguradong tuwang-tuwa siya! (Ano ang maaaring maging epekto sa atin ngayon ng pagkaalam sa katotohanan hinggil sa pagkabuhay-muli? “Karamihan ng mga tao ay takót sa kamatayan at ni ayaw man lamang nilang isipin ito,” ang sabi ng The World Book Encyclopedia. Bakit? Dahil para sa karamihan ng mga tao, ang kamatayan ay isang misteryo—isang bagay na walang nakaaalam at kinatatakutan. Kung alam natin ang katotohanan hinggil sa kalagayan ng mga patay at mayroon tayong pag-asa sa pagkabuhay-muli, magkakaroon tayo ng lakas ng loob sakali mang mapaharap tayo sa “huling kaaway, ang kamatayan.” (1 Corinto 15:26) Dahil sa kaalamang ito, mas madali nating mababata ang kirot na nadarama natin sa pagkamatay ng isang matalik na kaibigan o kamag-anak.
Kailan magsisimula ang pagkabuhay-muli sa lupa? Ang lupa ngayon ay punô ng karahasan, hidwaan, pagdanak ng dugo, at polusyon. Kung bubuhaying muli ang mga patay sa lupa sa ganiyang kalagayan, tiyak na pansamantala lamang ang kanilang kasiyahan. Gayunman, ipinangangako ng Maylalang na malapit na niyang wakasan ang kasalukuyang sanlibutan na kontrolado ni Satanas. (Kawikaan 2:21, 22; Daniel 2:44; 1 Juan 5:19) Malapit nang matupad ang layunin ng Diyos para sa lupa. Pagkatapos, sa mapayapang bagong sanlibutan ng Diyos, bilyun-bilyong tao na natutulog ngayon sa kamatayan ang muling mabubuhay.
[Larawan sa pahina 7]
Ang karamihan sa mga patay ay bubuhaying muli sa lupa