Pagsulong na Makikita sa Sari-saring Grupo ng mga Tao sa Uganda
Pagsulong na Makikita sa Sari-saring Grupo ng mga Tao sa Uganda
ANG Uganda, na matatagpuan sa pagitan ng dalawang malalaking sanga ng Great Rift Valley sa Silangang Aprika at nakasasaklaw sa magkabilang panig ng ekwador, ay pinagpala ng pambihirang kagandahan. Mayroon itong iba’t ibang anyo ng lupain, mayabong na mga pananim, at kawili-wiling mga hayop. Palibhasa’y matatagpuan sa malawak at mataas na talampas ng Aprika, katamtaman ang klima rito at may kahali-halinang tanawin ng hanay ng mga burol na daan-daang kilometro ang haba.
Bibihira ang bansa na sa maliit na lugar lamang ay may klimang taglamig at tropikal, pero ganiyan ang Uganda. Sa gawing kanluran nito ay masusumpungan ang nababalutan-ng-niyebeng mga taluktok ng Kabundukan ng Buwan, ang Kabundukan ng Ruwenzori, at sa silangan naman ang medyo tigang na lupain. Makikita mo sa mga kapatagan nito ang mga elepante, buffalo, at leon. Nasa kabundukan naman at sa makapal na kagubatan ang mga gorilya, chimpanzee, at mahigit na 1,000 uri ng mga ibon. Dumaranas ng tagtuyot at taggutom ang kalakhang bahagi ng kontinente ng Aprika, ngunit ang Uganda ay pinagpala ng maraming ilog at lawa, gaya ng Victoria, ang ikalawang pinakamalaking tubig-tabang na lawa sa buong daigdig. Umaagos ang hilagang bahagi ng Lawa ng Victoria sa Ilog Nilo. Hindi nga kataka-taka na tinukoy ni Winston Churchill ang lupaing ito bilang “ang perlas ng Aprika”!
Nagniningning “ang Perlas” sa Ngayon
Subalit ang pangunahing atraksiyon ng Uganda ay ang mga mamamayan nito—palakaibigan, mapagpatuloy, at sari-sari. Sa bansang ito na nakararami ang mga “Kristiyano,” nagsasama-sama ang maraming etnikong grupo at kultura. Hanggang sa ngayon, ang sari-saring grupong iyon ng mga tao ay makikilala sa kanilang mga tradisyon at kasuutan.
Nitong kamakailan, parami nang paraming taga-Uganda ang tumutugon sa mabuting balita ng Bibliya tungkol sa panahon kapag namayani na sa buong daigdig ang namamalaging kapayapaan. (Awit 37:11; Apocalipsis 21:4) Isang hamon na ipaabot ang mensaheng ito sa lahat, sa isang bansa na halos kasinlaki ng Gran Britanya.
Mula sa isang maliit na pasimula nang bautismuhan Isaias 60:22.
sa Lawa ng Victoria ang isang tagaroon bilang nakaalay na Saksi ni Jehova noong 1955, “ang munti” ay sa wakas, naging isang libo noong 1992. Mula noon, patuloy na ang pagsulong. Kasuwato ito ng nakapagpapasiglang mga salita ng Diyos: “Ako mismo, si Jehova, ang magpapabilis nito sa sarili nitong panahon.”—Napagtagumpayan ang mga Balakid sa Wika
Ingles ang opisyal na wika at ito ang malawakang ginagamit, lalo na sa paaralan, pero hindi ito ang katutubong wika ng karamihan sa mga taga-Uganda. Kaya naman, sa pagsisikap na mapaabutan ang mga tao ng mabuting balita, binibigyang-pansin din ng mga Saksi ni Jehova ang iba pang pangunahing mga wika. Kailangan ito dahil mahigit na 80 porsiyento ng 25 milyong mamamayan ng bansa ang nakatira sa liblib na mga lugar o maliliit na bayan, kung saan ang kanilang katutubong wika ang pangunahing ginagamit ng mga tao sa araw-araw na pakikipagtalastasan. Napakalaking pagsisikap ang kailangan upang maabot ang mga grupong ito na gumagamit ng iba’t ibang wika at matugunan ang kanilang espirituwal na pangangailangan.
Magkagayunman, nagsisikap ang mga Saksi ni Jehova na matugunan ang mga pangangailangang ito sa pamamagitan ng pagpapatotoo sa mga tao sa kanilang katutubong wika at paghahanda ng mga literatura sa Bibliya sa iba’t ibang wika. Sa tanggapang pansangay na nasa kabisera, ang Kampala, pinaglilingkuran ng iba’t ibang pangkat ng mga tagapagsalin ng wika ang apat na grupo na iba’t iba ang wika: Acholi, Lhukonzo, Luganda, at Runyankore. Karagdagan pa, mahigit na doble sa bilang ng mga Saksi ni Jehova ang dumadalo sa Kristiyanong mga asamblea sa iba’t ibang wika na ginaganap sa buong bansa. Maliwanag na ipinakikita nito na ang mga pagsisikap na maabot ang mga grupong iba’t iba ang wika ay nakakatulong sa mabilis na pagsulong sa espirituwal. Pero higit pa rito ang kailangan.
Mga Payunir ang Nanguna sa Gawain
Malugod na sinusuportahan ng mga kongregasyon ang taunang kampanya na tumatagal nang halos tatlong buwan, na sa panahong ito ay nararating ang liblib na mga teritoryo. (Gawa 16:9) Ang dumaraming masisigasig na kabataang payunir, o buong-panahong mga ebanghelisador, ang nangunguna sa gawaing ito. Naglalakbay sila sa liblib na mga lugar, na ang ilan ay hindi pa napaabutan ng mabuting balita.
Dalawang Saksi ang inatasan bilang mga special * ay pumunta sa tinitirhan namin pagkalipas ng ilang araw dala ang ilang pahina na pinagsulatan nila ng mga sagot sa mga tanong na nasa brosyur. Gusto nilang malaman kung tama ba ang kanilang mga sagot.” Sa ngayon, mayroon nang isang kongregasyon na may sariling Kingdom Hall sa bayang iyon.
pioneer sa loob ng tatlong buwan sa Bushenyi, isang maliit na bayan sa kanlurang Uganda. Sinamahan nila ang kaisa-isang Saksi ni Jehova sa lugar na iyon sa pangangaral at pag-oorganisa ng Kristiyanong mga pagpupulong. Sa loob lamang ng isang buwan, ang dalawang payunir ay nagdaraos na ng regular na pakikipagtalakayan sa Bibliya sa 40 indibiduwal, at 17 sa mga ito ang dumadalo na sa mga pagpupulong ng mga Saksi ni Jehova. Ganito ang salaysay ng mga payunir: “Ang ilang napag-iwanan namin ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?Dalawang payunir ang naglakbay sa isang teritoryo sa kanlurang Uganda kung saan hindi pa naipangangaral ang mabuting balita. Sumulat sila: “Talagang uhaw sa katotohanan sa Bibliya ang mga tao. Sa tatlong buwan na naroroon kami, nakapagpasimula kami at nakapagdaos ng 86 na pag-aaral sa Bibliya.” Hindi nagtagal at isang grupo ng mga Saksi ang pormal na naitatag sa lugar na iyon.
Iba Pang Masisigasig na Manggagawa sa Larangan
Kabilang sa masisigasig na payunir ang ilan na maraming taon nang naglilingkod. Bago naging isang Saksi ni Jehova, tumutugtog noon si Patrick ng klarinete sa banda ng hukbong panghimpapawid ng tagapamahala ng Uganda na si Idi Amin. Anim na buwan pagkatapos mabautismuhan si Patrick noong 1983, naging isa siyang buong-panahong ministro. Sa ngayon ay isa na siyang naglalakbay na tagapangasiwa na dumadalaw at nagpapatibay sa mga kongregasyon.
Nabautismuhan si Margaret noong 1962. Bagaman halos 80 taóng gulang na siya at may problema pa sa balakang kung kaya’t hirap siyang maglakad, gumugugol siya ng mga 70 oras buwan-buwan sa pagbabahagi sa kaniyang mga kapitbahay ng salig-Bibliyang pag-asa. Idinidispley niya ang mga literatura sa isang mahabang upuan sa labas ng kaniyang bahay at kinakausap ang sinumang dumaraan na gustong makinig sa mabuting balita tungkol sa mapayapang bagong sanlibutan.
Labing-anim na taon nang naghahanap ng katotohanan si Simon, isang magsasaka mula sa silangang Uganda, nang makakita siya noong 1995 ng ilang literatura na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. Dahil sa nabasa niya, nais niyang makaalam nang higit pa tungkol sa Kaharian ng Diyos at sa kamangha-manghang layunin ni Jehova para sa lupa. Walang Saksi sa Kamuli kung saan siya nakatira, kaya nagbiyahe si Simon nang mga 140 kilometro patungong Kampala para hanapin sila. Sa ngayon, may isa nang kongregasyon sa kanilang nayon.
“Mamamalagi na Rito ang mga Saksi ni Jehova”
Gaya sa iba pang lugar sa Aprika, inaasahan ng maraming tao na ang isang relihiyosong grupo ay may angkop na dako ng pagsamba. Waring napakalaking problema nito para sa ilang kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova yamang kulang sila sa pananalapi para makapagtayo ng isang angkop na Kingdom Hall. Hindi mailarawan ang pasasalamat ng mga kapatid nang pasimulan sa buong daigdig noong huling mga buwan ng 1999 ang pinabilis na programa sa pagtatayo ng mga Kingdom Hall. Makalipas ang limang taon, 40 bagong Kingdom Hall ang natapos sa Uganda. Sa ngayon, halos lahat ng kongregasyon ay mayroon nang simple ngunit presentableng Kingdom Hall. Ang mensaheng naitatawid sa mga komunidad doon dahil sa gayong pagtatayo ay, “Mamamalagi na rito ang mga Saksi ni Jehova.” Nakatulong ito sa pagsulong.
Idinaraos noon ng isang maliit na kongregasyon sa hilagang Uganda ang kanilang pagpupulong sa ilalim ng mayabong na mga puno ng mangga. Nang makakuha ng lote, mabilis na naisagawa ang pagtatayo. Ang mga kapatid na kabilang sa grupo ng pagtatayo, kasama ang mga Saksing tagaroon, ay nagsimulang magtayo ng Kingdom Hall. Isang dating prominenteng pulitiko sa lugar na iyon ang humanga sa isinasagawang pagtatayo. Ipinagamit niya ang kaniyang garahe para sa mga pagpupulong hanggang sa matapos ang Kingdom Hall. Tumanggap din siya ng pag-aaral sa Bibliya sa tulong ng isa sa mga boluntaryo sa pagtatayo. Ngayon, isa na siyang masigasig at bautisadong mamamahayag na maligayang sumasamba kay Jehova sa maganda at bagong Kingdom Hall na iyon!
Sa isang proyekto ng pagtatayo ng Kingdom Hall sa timog-silangang bahagi ng bansa, isang kantero na tagaroon ang labis na naantig sa espiritu ng pagkapalakaibigan, pag-ibig, at pagtutulungan na naobserbahan niya sa mga kapatid kaya nagboluntaryo siyang tumulong sa gawain. Sa pagtatapos ng proyekto, nagtrabaho pa nga siya nang buong magdamag upang maihanda ng mga kapatid ang Kingdom Hall sa pag-aalay kinabukasan. Nagkomento siya: “Kayo lang ang may tunay na pag-ibig sa isa’t isa, hindi lang sa salita.”
Sa Kabila ng mga Problema, Posible Pa Rin ang Pagsulong
Yamang nakukubrehan na ang bagong mga teritoryo sa Uganda, patuloy ang pagdami ng mga Saksi, at maraming interesadong tao ang nakikisama sa mga kongregasyon. Gayunman, ang isang kailangang bigyang-pansin kaagad ay ang malaking bilang ng mga lumikas na nagpunta sa Uganda. Nakaapekto rin sa bayan ni Jehova ang digmaang sibil sa katabing mga lupain. Ang mga Saksi na nasa kampo ng mga lumikas ay nagpapakita ng namumukod-tanging pagtitiwala kay Jehova. Naalaala ng isang dating mataas na opisyal, mula sa isang kalapit na bansa at umuusig noon sa mga Saksi nang ipinagbabawal pa ang gawain natin sa bansang iyon, ang kaniyang maalwang pamumuhay. Pagkatapos mag-aral ng Bibliya sa isa sa mga kampo ng mga lumikas at maging isang Saksi, nagkomento siya: “Wala talagang kuwenta ang materyal na kasaganaan at mataas na posisyon sa daigdig na ito. Bagaman mahirap na ako ngayon at may sakit, mas maganda ang buhay ko ngayon kaysa noon. Kilala ko si Jehova, at nagpapasalamat ako sa pribilehiyo ng panalangin. Bukod sa may matibay akong pag-asa sa hinaharap, alam ko kung bakit kailangan tayong magbata ng mga problema sa ngayon. Kaya mayroon akong panloob na kapayapaan na ngayon ko lamang nadama.”
May kasabihan sa Uganda na kung ibabaon mo sa gabi ang isang patpat sa matabang lupain nito, magkakaugat ang patpat sa kinaumagahan. Ang espirituwal na pagsulong na nagaganap sa lupaing iyon ay nagpapahiwatig na napakataba rin ng espirituwal na lupa. Nagpapasalamat tayo sa Diyos na Jehova dahil binibigyan pa niya ng pagkakataon ang sari-saring grupo ng mga tao sa Uganda na matuto hinggil sa kaniyang Kaharian. Inihalintulad ni Jesus ang kahalagahan nito sa isang “perlas na may mataas na halaga.” Nauunawaan na ito ngayon ng parami nang paraming tao sa Uganda.—Mateo 13:45, 46.
[Talababa]
^ par. 13 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
[Mga Mapa sa pahina 8]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
SUDAN
UGANDA
Ilog Nilo
Kamuli
Tororo
Kampala
Bushenyi
Lawa ng Victoria
KENYA
TANZANIA
RWANDA
[Larawan sa pahina 9]
Tatlo sa maraming masisigasig na ministrong payunir
[Larawan sa pahina 10]
Patrick
[Larawan sa pahina 10]
Margaret
[Larawan sa pahina 10]
Simon
[Larawan sa pahina 10]
Pandistritong kombensiyon sa Tororo
[Picture Credit Line sa pahina 8]
Background: © Uganda Tourist Board