Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Maaari Kang Maging Panatag sa Magulong Daigdig na Ito!

Maaari Kang Maging Panatag sa Magulong Daigdig na Ito!

Maaari Kang Maging Panatag sa Magulong Daigdig na Ito!

Bibigkasin ang pahayag na ito na salig sa Bibliya sa mahigit 230 bansa sa buong daigdig. Sa karamihan ng mga lugar, mapapakinggan ang pahayag sa Linggo, Abril 15, 2007. Ano ang matututuhan mo? Isaalang-alang bilang halimbawa:

Bakit hindi mapanatag ang bilyun-bilyong tao sa buong daigdig?

Kailan lalo nang nawala ang kapanatagan?

Saan at paano ka makasusumpong ng tunay na kapanatagan?

Para malaman ang mga sagot, daluhan mo ang mahalagang pahayag na ito na salig sa Bibliya na bibigkasin sa libu-libong lokasyon. Karaniwan na, gaganapin ito sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova. Malulugod ang mga Saksi sa inyong lugar na ipaalam sa iyo ang oras at adres. Malugod ka naming inaanyayahang dumalo sa napapanahon at nakapagpapatibay na pahayag na ito na salig sa Bibliya.