Pakinggan ang Tinig ng Iyong Budhi
Pakinggan ang Tinig ng Iyong Budhi
“Ang mga tao ng mga bansa na walang kautusan [ng Diyos] ay likas na gumagawa ng mga bagay na nasa kautusan.”—ROMA 2:14.
1, 2. (a) Ano ang ginawa ng marami dahil sa kanilang pagmamalasakit sa iba? (b) Sinu-sino ang mga halimbawa sa Kasulatan na nagpakita ng pagmamalasakit sa iba?
ISANG 20-taóng-gulang na lalaking naghihintay sa istasyon ng tren ang sinumpong ng epilepsi at nahulog sa riles ng tren. Nang makita ito ng isa pang lalaki, binitiwan niya ang kaniyang dalawang anak na babae at tumalon sa riles para tulungan ito. Dahil dumarating na ang tren, hinila na lamang niya ang lalaki sa pagitan ng riles at dinaganan ito upang hindi ito makaladkad ng tren. Dinig na dinig nila ang pagsagitsit ng pumeprenong tren habang dumaraan ito sa ibabaw nila. Maaaring ituring ng ilan na isang bayani ang nagligtas sa lalaki, pero sinabi nito: “Dapat mong gawin kung ano ang tama. Gusto ko lamang siyang tulungan. Hindi ko ito ginawa para sumikat o purihin ng iba.”
2 Baka may kilala ka rin na sinuong ang panganib para matulungan lamang ang iba. Ganiyan ang ginawa ng marami noong Digmaang Pandaigdig II nang ikubli nila ang mga hindi nila kilala. Alalahanin din ang naranasan ni apostol Pablo at ng 275 iba pa nang mawasak ang kanilang barkong sinasakyan sa Malta, malapit sa Sicilia. Tinulungan ng mga taga-Malta ang mga taong ito na hindi nila kilala, anupat nagpakita ng “pambihirang makataong kabaitan.” (Gawa 27:27–28:2) At kumusta naman ang batang babaing Israelita na bagaman hindi niya isinapanganib ang kaniyang buhay ay nagpakita ng pagmamalasakit sa isa sa mga Siryanong bumihag sa kaniya? (2 Hari 5:1-4) Isaalang-alang din ang tanyag na talinghaga ni Jesus hinggil sa madamaying Samaritano. Hindi pinansin ng isang saserdote at ng isang Levita ang isang kapuwa Judio na halos patay na, pero isang Samaritano ang nagsikap upang tulungan ang Judio. Sa loob ng maraming siglo, maraming tao mula sa iba’t ibang kultura ang naantig sa talinghagang ito.—Lucas 10:29-37.
3, 4. Bakit salungat sa teoriya ng ebolusyon ang karaniwang tendensiya ng mga tao na tumulong sa iba?
3 Totoo, nabubuhay tayo sa “mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan”; maraming tao ang “mabangis” at “walang pag-ibig sa kabutihan.” (2 Timoteo 3:1-3) Gayunpaman, hindi ba’t nakakakita rin naman tayo ng mga gawa ng kabaitan, marahil ay nakikinabang pa nga mula sa mga ito? Napakakaraniwan sa mga tao ang tendensiya na tumulong sa iba anupat sinasabi ng ilan na talagang likas na ito sa tao.
4 Ang gayong pagnanais na tumulong sa iba kahit mangahulugan pa ito ng pagsasakripisyo ay makikita sa lahat ng lahi at kultura, at salungat ito sa itinataguyod ng teoriya ng ebolusyon na “matira ang matibay.” Ganito ang sinabi ni Francis S. Collins, isang Amerikanong siyentipiko: “Ang pagiging di-makasarili at pakikipagkapuwa [ng mga tao] ay malaking problema para sa mga ebolusyonista. . . . Salungat ito sa sinasabing pagkakaroon [natin] ng makasariling mga gene na ang layunin ay iligtas lamang ang sarili.” Sinabi rin niya: “Ang ilang tao ay handang magsakripisyo para sa iba na hindi man lamang nila kaanu-ano. . . . Hindi ito kayang ipaliwanag ng teoriya ni Darwin.”
“Ang Tinig ng Budhi”
5. Ano ang madalas na napapansin sa mga tao?
5 Binanggit ni Propesor Collins ang isang aspekto ng ating pakikipagkapuwa: “Ang tinig ng budhi ang umuudyok sa atin na tulungan ang iba kahit wala itong kapalit na gantimpala.” * Sa pagbanggit niya ng salitang “budhi,” maaalaala natin ang katotohanan na sinabi ni apostol Pablo: “Kailanma’t ang mga tao ng mga bansa na walang kautusan ay likas na gumagawa ng mga bagay na nasa kautusan, ang mga taong ito, bagaman walang kautusan, ay kautusan sa kanilang sarili. Sila mismo ang nagpapakita na ang diwa ng kautusan ay nakasulat sa kanilang mga puso, samantalang ang kanilang budhi ay nagpapatotoong kasama nila at, sa pagitan ng kanilang sariling mga kaisipan, sila ay inaakusahan o ipinagdadahilan pa nga.”—Roma 2:14, 15.
6. Bakit mananagot sa Maylalang ang lahat ng tao?
6 Sa kaniyang liham sa mga taga-Roma, ipinaliwanag ni Pablo na ang mga tao ay mananagot sa Diyos, yamang hindi nila maidadahilang hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makilala ang Diyos. Bakit? Sapagkat katibayan ng Kaniyang pag-iral ang mismong mga nilalang Niya at nakikita sa mga ito ang Kaniyang mga katangian. Ganiyan na ang kalagayan “mula pa sa pagkalalang ng sanlibutan.” (Roma 1:18-20; Awit 19:1-4) Totoo, ipinagwawalang-bahala ng marami ang kanilang Maylalang at namumuhay sila nang imoral. Gayunpaman, kalooban ng Diyos na kilalanin ng mga tao ang kaniyang matuwid na mga pamantayan at pagsisihan ang kanilang masamang paggawi. (Roma 1:22–2:6) May matibay na dahilan ang mga Judio para gawin ito—ipinagkaloob sa kanila ang Kautusan ng Diyos sa pamamagitan ni Moises. Pero kahit hindi pinagkalooban ng “mga sagradong kapahayagan ng Diyos” ang ibang mga bansa, dapat pa rin nilang kilalanin ang pag-iral ng Diyos.—Roma 2:8-13; 3:2.
7, 8. (a) Karaniwan ba sa lahat ng tao ang likas na kabatiran sa kung ano ang tama at mali? Ipaliwanag. (b) Ano ang ipinahihiwatig nito?
7 Ang isang matibay na dahilan kung bakit dapat kilalanin ng lahat ng tao ang Diyos at kumilos alinsunod dito ay sapagkat mayroon silang likas na kabatiran sa kung ano ang tama at mali. Ang likas na kabatirang ito ay nagpapahiwatig na mayroon tayong budhi. Bilang paglalarawan: May mga batang nakapila para bumili ng pagkain sa kantin. Mayamaya, isang bata ang sumingit sa pila at inunahan ang iba. Marami ang sumigaw, ‘Ang daya mo!’ Ngayon tanungin ang iyong sarili, ‘Paano nalaman ng mga batang iyon na mali ang ginawa ng batang sumingit sa pila?’ Kasi mayroon silang likas na kabatiran sa kung ano ang tama at mali. Sumulat si Pablo: “Kailanma’t ang mga tao ng mga bansa na walang kautusan ay likas na gumagawa ng mga bagay na nasa kautusan.” Hindi niya sinabing “Kung sakali,” na nagpapahiwatig na bihirang mangyari ang isang bagay. Sa halip ay ginamit niya ang salitang “kailanma’t” na nagpapahiwatig na madalas na mangyari ang isang bagay. Oo, madalas na ang mga tao ay “likas na gumagawa ng mga bagay na nasa kautusan.” Nangangahulugan ito na dahil sa kanilang likas na kabatiran sa kung ano ang tama at mali, kumikilos ang mga tao kasuwato ng nababasa natin sa nasusulat na kautusan ng Diyos.
8 Ang likas na kabatirang ito ay makikita sa maraming lupain. Isinulat ng isang propesor sa University of Cambridge na kasama sa mga pamantayan ng mga Babilonyo, Ehipsiyo, Griego, gayundin ng mga Australian Aborigine at mga Katutubong Amerikano ang “pagtuligsa sa pang-aapi, pagpaslang, pandaraya at pagsisinungaling, at may pare-pareho silang pamantayan sa pagpapakita ng kabaitan sa mga may-edad na, sa mga bata, at sa mahihina.” At sumulat si Propesor Collins: “Ang konsepto ng tama at mali ay karaniwan sa buong daigdig sa lahat ng tao.” Hindi ba kasuwato ito ng Roma 2:14?
Kung Paano Gumagana ang Iyong Budhi
9. Ano ang budhi, at paano ito makatutulong sa iyo bago mo gawin ang isang bagay?
9 Ipinakikita ng Bibliya na ang budhi ay ang likas na kakayahan na suriin ang iyong pagkilos. Para itong tinig na nagsasabi sa iyo kung tama o mali ang iyong pasiya. Binanggit ni Pablo ang tungkol sa tinig na ito: “Ang aking budhi ang nagpapatotoong kasama ko sa banal na espiritu.” (Roma 9:1) Maaaring marinig mo ang tinig na ito bago mo gawin ang isang bagay, halimbawa, habang pinag-iisipan mo kung tama o mali ang gagawin mong hakbang. Maaari ding sabihin nito kung ano ang madarama mo pagkatapos mong magawa ang hakbang na iniisip mo.
10. Kailan mas madalas gumana ang ating budhi?
10 Mas madalas na gumagana ang iyong budhi pagkatapos mong gawin ang isang bagay. Noong tumakas si David kay Haring Saul, nakagawa siya ng isang bagay na nagpapakita ng kawalang-galang sa pinahirang hari ng Diyos. Pagkatapos 1 Samuel 24:1-5; Awit 32:3, 5) Ang salitang “budhi” ay hindi ginamit sa ulat na ito; pero iyon ang nadama ni David—ang naging reaksiyon ng kaniyang budhi. Nadarama rin natin ang gayong pagkabagabag ng budhi. Kapag nakagawa tayo ng isang bagay na mali, nababalisa tayo at hindi mapalagay dahil sa ating ikinilos. Ang ilan na hindi nagbayad ng buwis ay labis na inusig ng kanilang budhi anupat sa dakong huli ay binayaran nila ang kanilang utang. Ang ilan naman ay naudyukang aminin sa kanilang asawa na nagkasala sila ng pangangalunya. (Hebreo 13:4) Gayunman, kapag kumilos ang isa alinsunod sa sinasabi ng kaniyang budhi, waring nabubunutan siya ng tinik at nagiging panatag ang kaniyang kalooban.
nito, “laging binabagabag si David ng kaniyang puso.” (11. Bakit mapanganib na basta na lamang tayo makikinig sa ating budhi? Ipaliwanag.
11 Nangangahulugan ba ito na basta na lamang tayo makikinig sa ating budhi? Buweno, wasto naman ang makinig sa ating budhi, pero baka may pagkakataong akayin tayo nito sa maling landasin. Oo, ang tinig ng “pagkatao [natin] sa loob” ay hindi laging mapananaligan. (2 Corinto 4:16) Halimbawa, sinasabi sa atin ng Bibliya ang tungkol kay Esteban, isang taimtim na tagasunod ni Kristo na “puspos ng kagandahang-loob at kapangyarihan.” Itinapon ng ilang Judio si Esteban sa labas ng lunsod at pinagbabato siya hanggang sa siya’y mamatay. Si Saul (na naging apostol Pablo nang dakong huli) ay nakatayo sa malapit at ‘sumang-ayon sa pagpaslang’ kay Esteban. Waring kumbinsidung-kumbinsido ang mga Judiong iyon na wasto ang kanilang ginawa anupat hindi sila inusig ng kanilang budhi. Malamang na ganiyan din ang nangyari kay Saul, dahil pagkatapos nito, “sumisilakbo pa [siya] ng pagbabanta at pagpaslang laban sa mga alagad ng Panginoon.” Maliwanag na hindi nakaayon sa tama ang tinig ng kaniyang budhi.—Gawa 6:8; 7:57–8:1; 9:1.
12. Ano ang isang paraan kung saan maaaring maapektuhan ang ating budhi?
12 Ano kaya ang nakaapekto sa budhi ni Saul? Malamang na may epekto ang kaniyang matalik na pakikisama sa iba. Marahil, marami sa atin ang may nakausap nang lalaki sa telepono na kaboses ng kaniyang ama. Sa paanuman ay namana ng anak ang timbre ng tinig o boses ng kaniyang ama, pero posibleng nagaya rin niya ang paraan ng pagsasalita nito. Sa katulad na paraan, maaaring naapektuhan si Saul ng kaniyang matalik na pakikisama sa mga Judiong napopoot kay Jesus at salungat sa mga turong Kristiyano. (Juan 11:47-50; 18:14; Gawa 5:27, 28, 33) Oo, naimpluwensiyahan ng mga kasamahan ni Saul ang kaniyang budhi.
13. Paano maaaring maapektuhan ng kapaligiran ang budhi ng isa?
13 Ang budhi ay maaari ding mahubog ng kultura o kapaligiran, kung paanong ang isa ay nahahawa sa puntó ng pagsasalita ng mga taong nasa paligid niya. (Mateo 26:73) Iyan ang malamang na nangyari sa mga Asiryano noon. Kilala sila sa kanilang militarismo, at ipinakikita ng mga larawan na inukit sa pader ang kanilang ginagawang pagpapahirap sa mga nabihag nila. (Nahum 2:11, 12; 3:1) Ang mga Ninevita noong panahon ni Jonas ay inilarawan bilang mga taong ‘hindi nakakakilala ng pagkakaiba ng kanilang kanang kamay sa kanilang kaliwa.’ Samakatuwid nga, wala silang tamang pamantayan sa kung ano ang wasto o di-wasto sa paningin ng Diyos. Isip-isipin na lamang ang epekto ng gayong kapaligiran sa budhi ng isa na lumaki sa Nineve! (Jonas 3:4, 5; 4:11) Sa katulad na paraan, ang tinig ng budhi ng isang tao ay maaaring maapektuhan ng saloobin ng mga nasa paligid niya.
Sanayin sa Tama ang Iyong Budhi
14. Paano nauugnay ang ating budhi sa sinasabi sa Genesis 1:27?
14 Pinagkalooban ni Jehova sina Adan at Eva ng budhi, at minana natin ito sa kanila. Sinasabi sa atin ng Genesis 1:27 na ang mga tao ay ginawa ayon sa larawan ng Diyos. Hindi ito tumutukoy sa pisikal na anyo ng Diyos, yamang isa siyang espiritu at tayo ay laman. Nilalang tayo ayon sa larawan ng Diyos sa diwa na taglay natin ang kaniyang mga katangian, pati na ang isang gumaganang budhi na may kabatiran sa kung ano ang tama at mali. Ipinahihiwatig ng katotohanang ito ang isang paraan upang masanay natin sa tama ang ating budhi at sa gayon ay mas mapananaligan ito. Ano ang paraang iyan? Iyan ay ang kilalanin nang husto ang ating Maylalang at maging malapít sa kaniya.
15. Ano ang isang paraan para makilala natin ang ating Ama?
Isaias 64:8) Saanman ang pag-asa ng tapat na mga Kristiyano, sa langit man o sa paraiso sa lupa, maaari nilang tawagin ang Diyos bilang kanilang Ama. (Mateo 6:9) Dapat nating naisin na maging mas malapít sa ating Ama at sa gayon ay matutuhan ang kaniyang pananaw at pamantayan. (Santiago 4:8) Marami ang hindi interesado na gawin ito. Katulad sila ng mga Judiong sinabihan ni Jesus: “Hindi ninyo kailanman narinig ang kaniyang tinig ni nakita man ang kaniyang anyo; at hindi nananatili sa inyo ang kaniyang salita.” (Juan 5:37, 38) Hindi natin aktuwal na narinig ang tinig ng Diyos, pero maaari nating malaman ang kaniyang pag-iisip sa pamamagitan ng pagbabasa ng kaniyang salita at sa gayon ay matularan siya.
15 Ipinakikita ng Bibliya na sa diwa, si Jehova ay Ama nating lahat. (16. Ano ang ipinakikita ng ulat ni Jose hinggil sa pagsasanay at pagsunod sa ating budhi?
16 Ipinakikita ito ng ulat hinggil kay Jose noong siya’y nasa bahay ni Potipar. Sinikap na tuksuhin ng asawa ni Potipar si Jose. Bagaman nabuhay si Jose noong panahon na wala pang nasusulat na aklat ng Bibliya at hindi pa ibinibigay ang Sampung Utos, tumugon si Jose: “Paano ko magagawa ang malaking kasamaang ito at magkasala nga laban sa Diyos?” (Genesis 39:9) Hindi niya ito ginawa para lamang paluguran ang kaniyang pamilya; nakatira sila sa malayo. Ang pangunahing dahilan ay sapagkat gusto niyang paluguran ang Diyos. Alam ni Jose ang pamantayan ng Diyos sa pag-aasawa—isang lalaki para sa isang babae anupat ang dalawa ay nagiging “isang laman.” Malamang na batid din niya kung ano ang nadama ni Abimelec nang malaman nito na may asawa si Rebeka—na kapag may kumuha kay Rebeka bilang asawa, mananagot ang bayan ni Abimelec sa kasalanang ito. Batid ni Jose na maganda ang kinalabasan nito yamang nagdulot ito ng pagpapala mula kay Jehova. Ipinakikita ng pangyayaring ito hinggil kay Rebeka at Abimelec kung ano ang pananaw ng Diyos sa pangangalunya. Tiyak na nakatulong sa namanang budhi ni Jose ang pagkaalam niya sa lahat ng ito upang idikta nito kung ano ang naaayon sa pamantayan ng Diyos. Kaya naman, tumanggi siyang gumawa ng imoralidad.—Genesis 2:24; 12:17-19; 20:1-18; 26:7-14.
17. Sa ating pagsisikap na tularan ang ating Ama, bakit mas maganda ang kalagayan natin kaysa kay Jose?
17 Siyempre pa, mas maganda ang kalagayan natin sa ngayon. May kopya tayo ng buong Bibliya kung saan malalaman natin ang pag-iisip at damdamin ng ating Ama, pati na ang mga bagay na kaniyang sinasang-ayunan at ipinagbabawal. Kapag mas pamilyar tayo sa Kasulatan, mas magiging malapít tayo sa Diyos at higit natin siyang matutularan. Habang ginagawa natin iyan, ang sinasabi ng ating budhi ay magiging higit na kasuwato ng pag-iisip at kalooban ng ating Ama.—Efeso 5:1-5.
18. Sa kabila ng impluwensiya ng ating kinalakhang kapaligiran, ano ang magagawa natin para higit nating mapananaligan ang ating budhi?
18 Paano naman kung naimpluwensiyahan ng kapaligiran ang ating budhi? Baka nahubog ito ng pag-iisip at pagkilos ng ating mga kamag-anak at ng ating kinalakhang kapaligiran. Kaya maaaring malabo o mahina ang tinig ng ating budhi. Tila nagsasalita ito nang may “puntó” ng mga taong nasa paligid natin. Sabihin pa, hindi natin mababago ang ating nakaraan; pero maaari nating ipasiya na pumili ng mga kasama at kapaligiran na makabubuti sa ating budhi. Ang isang mahalagang hakbang ay ang regular na pakikisama sa mga taimtim na Kristiyanong matagal nang nagsisikap na tularan ang kanilang Ama. Ang mga pulong ng kongregasyon, pati na ang pakikisalamuha sa mga kapuwa Kristiyano bago at pagkatapos ng mga pulong, ay maiinam na pagkakataon para gawin iyan. Maaari nating tingnan ang halimbawa ng ating mga kapuwa Kristiyano, ang kanilang pananaw at mga pasiya na salig sa Bibliya, pati na ang kanilang pagiging handang makinig sa kanilang budhing nagsasabi ng kaisipan at pamantayan ng Diyos. Sa kalaunan, makatutulong ito sa atin na iayon ang ating budhi sa mga simulain ng Bibliya, na tutulong naman sa atin na higit na matularan ang Diyos. Kung iaayon natin ang ating budhi sa mga simulain ng ating Ama at tutularan ang mabuting halimbawa ng ating mga kapuwa Kristiyano, higit nating mapananaligan ang ating budhi at mas makikinig tayo sa sinasabi nito.—Isaias 30:21.
19. Anu-anong aspekto ng budhi ang nararapat na bigyang-pansin?
19 Gayunpaman, nagpupunyagi ang ilan na sundin ang sinasabi ng kanilang budhi sa araw-araw. Tatalakayin ng susunod na artikulo ang ilang situwasyong napaharap sa mga Kristiyano. Sa pagsusuri sa gayong mga situwasyon, magiging mas malinaw sa atin ang papel ng ating budhi, kung bakit magkakaiba ang budhi ng mga tao, at kung paano natin higit na masusunod ang tinig nito.—Hebreo 6:11, 12.
[Talababa]
^ par. 5 Sa katulad na paraan, isinulat ni Owen Gingerich, isang propesor sa Harvard University, E.U.A., na ang pakikipagkapuwa ay hindi maipaliliwanag sa pamamagitan ng siyensiya salig sa pagmamasid sa mga hayop. Sinabi niya na malamang na ito ay may kaugnayan sa bigay-Diyos na mga katangian ng tao, kasama na ang budhi.
Ano ang Natutuhan Mo?
• Bakit may budhi, o kabatiran sa kung ano ang tama at mali, ang lahat ng tao?
• Bakit hindi tayo dapat basta na lamang makikinig sa ating budhi?
• Anu-ano ang ilang paraan kung paano natin masasanay sa tama ang ating budhi?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mga larawan sa pahina 23]
Inusig si David ng kaniyang budhi . . .
di-tulad ni Saul ng Tarso
[Larawan sa pahina 24]
Maaari nating sanayin sa tama ang ating budhi