Huwag Mong Kalilimutan si Jehova
Huwag Mong Kalilimutan si Jehova
TALAGA ngang kahanga-hanga ang tanawin. Milyun-milyong Israelita, na naglalakbay patungo sa Lupang Pangako, ang tumawid sa ilog nang hindi nababasa. Pinatuyo ni Jehova ang Ilog Jordan. Malamang na nasabi ng marami sa kanila ang gaya ng nasabi ng kanilang mga ninuno 40 taon na ang nakalilipas noong tumawid ang mga ito sa Dagat na Pula, ‘Hinding-hindi ko malilimutan ang ginawa ni Jehova rito.’—Jos. 3:13-17.
Subalit alam ni Jehova na may ilang Israelita na ‘kaagad na makalilimot sa kaniyang mga gawa.’ (Awit 106:13) Kaya inutusan ni Jehova ang lider ng Israel, si Josue, na kumuha ng 12 bato mula sa sahig ng ilog at ilagay ito sa kanilang pinagkampuhan. Sinabi ni Josue ang layunin nito: “Ang mga batong ito ay magsisilbing pinakaalaala sa mga anak ni Israel.” (Jos. 4:1-8) Ang mga batong iyon ay magpapaalaala sa bansa hinggil sa makapangyarihang mga gawa ni Jehova at sa kahalagahan ng paglilingkod sa Kaniya nang may katapatan sa lahat ng pagkakataon.
May matututuhan ba ang bayan ng Diyos sa ngayon mula sa ulat na iyon? Oo. Hindi rin natin dapat kalimutan si Jehova. Dapat tayong patuloy na maglingkod sa kaniya nang may katapatan. Ang iba pang mga babala sa bansang Israel ay maikakapit din sa mga lingkod ni Jehova sa ngayon. Isaalang-alang ang mga salita ni Moises: “Mag-ingat ka upang hindi mo makalimutan si Jehova na iyong Diyos anupat hindi mo matupad ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga hudisyal na pasiya at ang kaniyang mga batas.” (Deut. 8:11) Ipinakikita nito na ang paglimot kay Jehova ay maaaring humantong sa pagsuway sa kaniya. Napapaharap din tayo sa ganitong panganib sa ngayon. Nang sumulat si apostol Pablo sa mga Kristiyano, nagbabala siya laban sa “gayunding uri ng pagsuway” na ginawa ng mga Israelita sa ilang.—Heb. 4:8-11.
Isaalang-alang natin ang ilang pangyayari sa kasaysayan ng Israel na nagdiriin na hindi natin dapat kalimutan ang Diyos. Bukod diyan, makatutulong sa atin ang mga aral na matututuhan natin sa buhay ng dalawang tapat na Israelita para makapaglingkod tayo kay Jehova nang may pagbabata at pagpapahalaga.
Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Nila Dapat Kalimutan si Jehova
Sa maraming taon ng mga Israelita sa Ehipto, hindi sila kailanman nalimutan ni Jehova. “Inalaala [niya] ang kaniyang tipan kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob.” (Ex. 2:23, 24) Talagang hindi malilimutan ang ginawa niya para mapalaya sila mula sa pagkaalipin.
Nagpasapit si Jehova ng siyam na salot sa Ehipto. Walang nagawa ang mga mahikong saserdote ni Paraon para mapigilan ang mga ito. Gayunpaman, nagmatigas pa rin si Paraon, anupat hindi pinayagang umalis ang mga Israelita. (Ex. 7:14–10:29) Pero napilitan ang hambog na pinunong iyon na sundin ang kalooban ng Diyos nang sumapit ang ikasampung salot. (Ex. 11:1-10; 12:12) Pinangunahan ni Moises ang bansang Israel at isang malaking haluang pangkat palabas ng Ehipto. Lahat-lahat, mga 3,000,000 katao ang umalis sa bansa. (Ex. 12:37, 38) Hindi pa sila nakalalayo, nagbago ang isip ni Paraon. Inutusan niya ang kaniyang mga mangangabayo at mga armadong mandirigmang nakasakay sa mga karo—ang pinakamalakas na hukbo sa lupa noong panahong iyon—na muling bihagin ang kaniyang dating mga alipin. Samantala, sinabi ni Jehova kay Moises na dalhin ang mga Israelita sa Pihahirot—isang lugar sa pagitan ng Dagat na Pula at ng isang tagaytay ng mga bundok.—Ex. 14:1-9.
Inakala ni Paraon na nasukol na niya ang mga Israelita kung kaya’t tinugis ng kaniyang hukbo ang mga ito. Pero hindi malusob ng mga Ehipsiyo ang mga Israelita dahil naglagay si Jehova ng isang haliging ulap at isang haliging apoy sa pagitan ng mga Ehipsiyo at ng mga Israelita. Pagkatapos, hinati ng Diyos ang Dagat na Pula, anupat nagkaroon ng daanan sa gitna ng dagat at nagmistulang mga pader ang tubig, marahil ay mga 15 metro ang taas sa magkabilang panig. Tinawid ng Israel ang dagat sa pamamagitan ng paglakad sa tuyong Ex. 13:21; 14:10-22.
lupa. Di-nagtagal, nakarating ang mga Ehipsiyo sa baybayin at nakitang halos nasa kabilang ibayo na ang mga Israelita.—Tiyak na hindi na itutuloy ng isang matalinong pinuno ang pagtugis sa mga Israelita—pero hindi gayon ang ginawa ni Paraon. Palibhasa’y labis na nagtitiwala sa sarili, inutusan niya ang kaniyang mga mandirigma na humayo sa pinakasahig ng dagat. Sumunod ang mga Ehipsiyo. Pero bago pa nila maabutan ang mga Israelita biglang huminto ang kanilang mga karo. Inalis ni Jehova ang mga gulong ng mga ito!—Ex. 14:23-25; 15:9.
Habang nagkakagulo ang mga Ehipsiyo dahil sa kanilang nasirang mga karo, ang buong Israel ay nakatawid na sa kabilang baybayin. Sa pagkakataong ito, iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa Dagat na Pula. Pagkatapos, pinabagsak ni Jehova ang mga pader ng tubig. Milyun-milyong tonelada ng tubig ang rumagasa kay Paraon at sa kaniyang mga mandirigma anupat nalunod sila. Walang sinuman sa kanila ang nakaligtas. Malaya na ang Israel!—Ex. 14:26-28; Awit 136:13-15.
Nang mabalitaan ito ng mga bansa sa palibot, nakadama sila ng takot sa loob ng mahabang panahon. (Ex. 15:14-16) Pagkalipas ng 40 taon, sinabi ni Rahab na taga-Jerico sa dalawang lalaking Israelita: “Ang pagkatakot sa inyo ay napasaamin, . . . sapagkat narinig namin kung paanong tinuyo ni Jehova ang tubig ng Dagat na Pula mula sa harap ninyo nang lumabas kayo mula sa Ehipto.” (Jos. 2:9, 10) Maging ang mga bansang paganong iyon ay hindi nakalimot sa ginawang pagliligtas ni Jehova sa kaniyang bayan. Maliwanag, mas maraming dahilan ang Israel para hindi nila makalimutan si Jehova.
‘Iningatan Niya Sila na Gaya ng Balintataw ng Kaniyang Mata’
Pagkatawid sa Dagat na Pula, naglakbay ang mga Israelita sa Disyerto ng Sinai, isang “malaki at kakila-kilabot na ilang.” Habang naglalakad sila sa ‘uháw na lupang iyon na walang tubig’—at walang pagkain para sa gayon karaming tao—hindi sila pinabayaan ni Jehova. Naaalaala ni Moises: “Nasumpungan [ni Jehova ang Israel] sa isang lupaing ilang, at sa isang tiwangwang at umaalulong na disyerto. Pinasimulan niya siyang palibutan, upang alagaan siya, upang ingatan siya na gaya ng balintataw ng kaniyang mata.” (Deut. 8:15; 32:10) Paano sila pinangalagaan ng Diyos?
Binigyan sila ni Jehova ng “tinapay mula sa langit,” na tinatawag na manna. Makahimala itong Ex. 16:4, 14, 15, 35) Pinangyari din ni Jehova na lumabas ang tubig “mula sa batong pingkian.” Dahil sa pagpapala ng Diyos, hindi naluma ang kanilang mga damit, ni namaga man ang kanilang mga paa sa loob ng 40 taóng paglalakbay sa ilang. (Deut. 8:4) Ano ang nararapat na asahan ni Jehova sa kanila? Sinabi ni Moises sa Israel: “Bantayan mo lamang ang iyong sarili at ingatan mong mabuti ang iyong kaluluwa, upang hindi mo makalimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata at upang hindi mahiwalay ang mga iyon sa iyong puso sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.” (Deut. 4:9) Kung pahahalagahan at tatandaan ng mga Israelita ang mga pagliligtas na ginawa ni Jehova para sa kanila, tiyak na palagi silang maglilingkod sa kaniya at magsisikap na sundin ang kaniyang mga batas. Ano kaya ang gagawin ng mga Israelita?
lumitaw “sa ibabaw ng ilang.” (Ang Paglimot ay Humahantong sa Kawalan ng Pagpapahalaga
Ipinahayag ni Moises: “Ang Bato na naging iyong ama ay nilimot mo, at pinasimulan mong alisin sa alaala ang Diyos.” (Deut. 32:18) Di-nagtagal, winalang-bahala o nilimot ng mga Israelita ang ginawa ni Jehova sa Dagat na Pula, ang kaniyang mga paglalaan para mapangalagaan sila sa ilang, at ang lahat ng iba pang mabubuting bagay na ginawa ni Jehova para sa kanila. Naging mapaghimagsik ang mga Israelita.
May pagkakataon na sinisi ng mga Israelita si Moises dahil inakala nilang walang mapagkukunan ng tubig. (Bil. 20:2-5) Nagreklamo rin sila sa manna na inilaan bilang panustos sa kanila: “Kinamumuhian na ng aming kaluluwa ang kasuklam-suklam na tinapay.” (Bil. 21:5) Kinuwestiyon nila ang pasiya ng Diyos at itinakwil si Moises bilang lider, na sinasabi: “Namatay na sana tayo sa lupain ng Ehipto, o namatay na sana tayo sa ilang na ito! . . . Mag-atas tayo ng isang ulo, at bumalik tayo sa Ehipto!”—Bil. 14:2-4.
Ano ang nadama ni Jehova sa pagsuway ng mga Israelita? Pagkalipas ng ilang panahon, isang salmista ang sumulat hinggil sa mga pangyayaring ito: “Kay dalas nilang maghimagsik laban sa kaniya sa ilang, pinagdaramdam nila siya sa disyerto! At paulit-ulit nilang inilalagay ang Diyos sa pagsubok, at pinasakitan nila maging ang Banal ng Israel. Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay, ang araw nang tubusin niya sila mula sa kalaban, kung paanong inilagay niya ang kaniyang mga tanda sa Ehipto.” (Awit 78:40-43) Oo, labis na nasaktan si Jehova sa paglimot ng Israel.
Dalawang Lalaking Hindi Nakalimot
Subalit may ilang Israelita na hindi nakalimot kay Jehova. Ang dalawa sa mga ito ay sina Josue at Caleb. Kasama sila sa 12 espiyang isinugo sa Kades-barnea upang siyasatin ang Lupang Pangako. Sampu sa kanila ang nagbigay ng negatibong ulat, pero sinabi nina Josue at Caleb sa bayan: “Ang lupain na dinaanan namin upang tiktikan iyon ay pagkabuti-buting lupain. Kung kinalulugdan tayo ni Jehova, tiyak na dadalhin niya tayo sa lupaing Bil. 14:6-10.
iyon at ibibigay iyon sa atin, isang lupain na inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan. Huwag lamang kayong maghimagsik laban kay Jehova.” Nang marinig ng bayan ang mga salitang ito, gusto nilang batuhin sina Josue at Caleb. Pero nanindigang matatag ang dalawang lalaking ito at nagtiwala kay Jehova.—Pagkatapos ng maraming taon, sinabi ni Caleb kay Josue: “[Isinugo] ako ni Moises na lingkod ni Jehova mula sa Kades-barnea upang tiktikan ang lupain, at bumalik ako na may dalang salita sa kaniya ayon sa nasa aking puso. At pinangyari ng aking mga kapatid na umahong kasama ko na matunaw ang puso ng bayan; ngunit sa ganang akin, sinunod ko si Jehova na aking Diyos nang lubusan.” (Jos. 14:6-8) Dahil nagtiwala sila sa Diyos, nabata nina Caleb at Josue ang mahihirap na kalagayan. Determinado silang hindi kalimutan si Jehova sa buong buhay nila.
Pinahalagahan din nina Caleb at Josue ang pagtupad ni Jehova sa kaniyang pangakong dadalhin niya ang kaniyang bayan sa isang mabungang lupain. Oo, utang ng mga Israelita ang kanilang buhay kay Jehova. Sumulat si Josue: “Ibinigay ni Jehova sa Israel ang buong lupain na isinumpa niyang ibibigay sa kanilang mga ninuno . . . Walang isa mang pangako ang nabigo sa lahat ng mabuting pangako na binitiwan ni Jehova sa sambahayan ng Israel; ang lahat ay nagkatotoo.” (Jos. 21:43, 45) Paano natin matutularan sa ngayon sina Caleb at Josue?
Maging Mapagpasalamat
Minsan ay naitanong ng isang taong may takot sa Diyos: “Ano ang igaganti ko kay Jehova sa lahat ng mga pakinabang ko mula sa kaniya?” (Awit 116:12) Napakalaki ng ating utang sa Diyos dahil sa kaniyang materyal na mga pagpapala sa atin, sa kaniyang patnubay, at sa kaniyang paglalaan para sa ating kaligtasan sa hinaharap anupat kahit pasalamatan natin siya sa buong buhay natin ay hindi pa rin natin siya mababayaran. Ang totoo, hinding-hindi natin magagantihan ang kabutihan ni Jehova. Pero lahat tayo ay maaaring maging mapagpasalamat.
Natulungan ka ba ng payo ni Jehova na maiwasan ang mga problema? Natulungan ka ba ng kaniyang pagpapatawad upang magkaroon ng malinis na budhi? Yamang ang mga kapakinabangang nakamit mo mula sa tulong ng Diyos ay nagtatagal sa loob ng mahabang panahon, dapat na gayundin ang iyong pagpapahalaga sa kaniya. Napaharap sa malulubhang problema ang isang 14-anyos na dalagita na nagngangalang Sandra pero napagtagumpayan niya ang mga ito sa tulong ni Jehova. Sinabi niya: “Nanalangin ako kay Kawikaan 3:5, 6: ‘Magtiwala ka kay Jehova nang iyong buong puso at huwag kang manalig sa iyong sariling pagkaunawa. Sa lahat ng iyong mga lakad ay isaalang-alang mo siya, at siya mismo ang magtutuwid ng iyong mga landas.’ Sigurado ako na dahil tinutulungan ako ni Jehova hanggang ngayon, makaaasa ako lagi sa tulong niya.”
Jehova para tulungan niya ako, at humanga ako sa paraan ng pagtulong niya sa akin. Alam ko na ngayon kung bakit madalas sabihin sa akin ng tatay ko ang binabanggit saIpakitang Hindi Mo Nalilimutan si Jehova sa Pamamagitan ng Iyong Pagbabata
Idiniriin ng Bibliya ang isa pang mahalagang katangian na dapat nating taglayin upang hindi natin malimutan si Jehova: “Hayaang ganapin ng pagbabata ang gawa nito, upang kayo ay maging ganap at malusog sa lahat ng bagay, na hindi nagkukulang ng anuman.” (Sant. 1:4) Ano ang nasasangkot sa pagiging “ganap at malusog sa lahat ng bagay”? Kasama rito ang paglinang ng mga katangiang tutulong sa atin na harapin ang mga pagsubok nang may pagtitiwala kay Jehova at determinasyong mapagtagumpayan ang mga ito anupat hindi nanghihimagod. Ang gayong uri ng pagbabata ay nagdudulot ng masidhing kasiyahan kapag natapos ang mga pagsubok sa ating pananampalataya. At palagi namang natatapos ang mga ito.—1 Cor. 10:13.
Ipinaliwanag ng isang matagal nang lingkod ni Jehova kung ano ang nakatulong sa kaniya na makapagbata nang siya’y maging masasakitin: “Sinisikap kong isipin ang kalooban ni Jehova, hindi ang nais kong mangyari. Para maging tapat, kailangan kong ituon ang aking pansin sa mga layunin ng Diyos, hindi sa aking mga kagustuhan. Kapag napapaharap sa mga problema, hindi ko sinasabi, ‘Bakit ako pa, Jehova?’ Basta patuloy lamang ako sa paglilingkod at pagiging malapít sa kaniya kahit may dumating na mga di-inaasahang problema.”
Sa ngayon, ang kongregasyong Kristiyano ay sumasamba kay Jehova “sa espiritu at katotohanan.” (Juan 4:23, 24) Bilang isang grupo, hindi kailanman malilimutan ng mga tunay na Kristiyano ang Diyos di-tulad ng bansang Israel. Pero hindi ito nangangahulugan na kapag kabilang na tayo sa kongregasyon, mananatili na tayong tapat sa Diyos bilang indibiduwal. Gaya nina Caleb at Josue, ang bawat isa sa atin ay dapat maging mapagpahalaga at patuloy na magbata habang naglilingkod kay Jehova. May mabuti tayong dahilan para gawin ito, yamang patuloy tayong pinapatnubayan at inaalagaan ni Jehova bilang mga indibiduwal sa mahirap na panahong ito ng kawakasan.
Gaya ng mga batong inilagay ni Josue, ang ulat hinggil sa mga pagliligtas ng Diyos ay nagbibigay-katiyakan sa atin na hindi niya pababayaan ang kaniyang bayan. Kaya nawa’y madama mo ang kagaya ng nadama ng salmista nang isulat niya: “Aalalahanin ko ang mga gawa ni Jah; sapagkat aalalahanin ko ang iyong kamangha-manghang gawain noong sinaunang panahon. At bubulay-bulayin ko ang lahat ng iyong gawa, at ang iyong mga gawain ay pagtutuunan ko ng pansin.”—Awit 77:11, 12.
[Larawan sa pahina 7]
Kinailangang maglakbay ng mga Israelita sa “uháw na lupa”
[Credit Line]
Pictorial Archive (Near Eastern History) Est
[Larawan sa pahina 8]
Habang nagkakampo ang Israel sa Kades-barnea, nagsugo si Moises ng mga espiya sa Lupang Pangako
[Credit Line]
Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.
[Larawan sa pahina 9]
Pagkatapos ng maraming taon ng paglalakbay sa ilang, dapat sana’y naging mapagpasalamat ang mga Israelita sa mabungang Lupang Pangako
[Credit Line]
Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.
[Larawan sa pahina 10]
Ang pagtutuon ng pansin sa mga layunin ni Jehova ay tutulong sa atin na magbata anumang hamon ang mapaharap sa atin