Tumakbo Para Makamit Ninyo ang Gantimpala
Tumakbo Para Makamit Ninyo ang Gantimpala
“Tumakbo kayo sa paraang makakamit ninyo ito.”—1 COR. 9:24.
1, 2. (a) Anong ilustrasyon ang ginamit ni Pablo para patibayin ang mga Kristiyanong Hebreo? (b) Ano ang ipinayo sa atin ni Pablo?
SA LIHAM ni apostol Pablo sa mga Hebreo, gumamit siya ng mabisang ilustrasyon para patibayin ang mga kapuwa Kristiyano. Ipinaalaala niya na hindi sila nag-iisa sa takbuhan ukol sa buhay. Napalilibutan sila ng ‘malaking ulap ng mga saksi,’ na nakatapos na sa takbuhang iyon. Kung isasaisip ng mga Kristiyanong Hebreo ang pananampalataya at pagsisikap ng mga ito, mapatitibay silang huwag sumuko sa takbuhan.
2 Sa naunang artikulo, tinalakay natin ang ilang kabilang sa “ulap ng mga saksi.” Dahil sa matibay na pananampalataya, nakapanatili silang tapat sa Diyos, gaya ng mga mananakbong nagpursigeng marating ang dulo ng isang takbuhan. May mapupulot tayong aral sa tagumpay nila. Gaya ng ipinakita sa naunang artikulo, pinayuhan ni Pablo ang kaniyang mga kapuwa lingkod, kasama na tayo: “Alisin din natin ang bawat pabigat at ang kasalanan na madaling nakasasalabid sa atin, at takbuhin natin nang may pagbabata ang takbuhan na inilagay sa harap natin.”—Heb. 12:1.
3. Ano ang matututuhan ng mga Kristiyano sa sinabi ni Pablo hinggil sa mga mananakbo sa mga palarong Griego?
3 Tungkol sa takbuhan, isang popular na palaro noong panahong iyon, sinabi ng aklat * Bagaman hindi ito katanggap-tanggap sa ngayon, ginagawa nila ito noon para makamit ang gantimpala. Inaalis ng mga mananakbo ang di-kinakailangang pabigat o pasanin na makapagpapabagal sa kanila. Idiniin ni Pablo na para makamit ang gantimpala sa takbuhan ukol sa buhay, kailangang alisin ng mga mananakbo ang anumang nagpapabigat sa kanila. Napakagandang payo nito para sa mga Kristiyano noon at ngayon. Anong mga pabigat o pasanin ang makahahadlang sa atin sa pagkakamit ng gantimpala?
na Backgrounds of Early Christianity na ang “mga Griego ay nag-eehersisyo at nakikipaglaban nang hubo’t hubad.”“Alisin . . . ang Bawat Pabigat”
4. Ano ang pinagkakaabalahan ng mga tao noong panahon ni Noe?
4 Ipinayo ni Pablo na “alisin . . . natin ang bawat pabigat.” Kasali rito ang anumang makaaagaw ng ating atensiyon mula sa takbuhang Kristiyano at hahadlang sa atin sa paggawa ng ating buong makakaya. Ano ang mga pabigat na ito? Makikita ito sa sinabi ni Jesus hinggil sa panahon ni Noe, na kabilang sa “ulap ng mga saksi.” Sinabi ni Jesus: “Kung paanong naganap noong mga araw ni Noe, magiging gayundin sa mga araw ng Anak ng tao.” (Luc. 17:26) Ang pangunahing tinatalakay ni Jesus ay hindi ang darating na pagkawasak kundi ang paraan ng pamumuhay ng mga tao. (Basahin ang Mateo 24:37-39.) Karamihan sa mga tao noong panahon ni Noe ay hindi interesadong matuto tungkol sa Diyos, lalo pa ang mapalugdan Siya. Ano ang pinagkakaabalahan nila? Mga karaniwang bagay lang sa buhay—pagkain, pag-inom, at pag-aasawa. Ano talaga ang problema? “Hindi sila nagbigay-pansin,” ang sabi ni Jesus.
5. Ano ang makatutulong sa atin na magtagumpay sa takbuhang Kristiyano?
5 Gaya ni Noe at ng kaniyang pamilya, napakarami nating gawain. Kailangan nating maghanapbuhay para masuportahan ang ating sarili at pamilya. Maaari itong kumuha ng malaking bahagi ng ating panahon, lakas, at tinatangkilik. Lalo na ngayong mahirap ang buhay, napakadaling mabalisa tungkol sa ating mga pangangailangan. Bilang nakaalay na mga Kristiyano, mayroon din tayong importanteng mga pananagutan sa Diyos. Nakikibahagi tayo sa ministeryo, naghahanda at dumadalo sa mga pulong, at pinatitibay ang ating espirituwalidad sa pamamagitan ng personal na pag-aaral at pampamilyang pagsamba. Bagaman maraming iniutos ang Diyos kay Noe, “gayung-gayon ang ginawa niya.” (Gen. 6:22) Kung gusto nating makarating sa dulo ng takbuhang Kristiyano, tiyak na hindi natin pabibigatan ang ating sarili ng anumang di-kinakailangang pasanin.
6, 7. Anong payo ni Jesus ang dapat nating tandaan?
6 Ano ang ibig sabihin ng payo ni Pablo na alisin natin ang “bawat pabigat”? Siyempre, hindi naman natin puwedeng bitiwan ang lahat ng pananagutan natin. Pero tandaan ang sinabi ni Jesus: “Huwag kayong mabalisa at magsabing, ‘Ano ang aming kakainin?’ o, ‘Ano ang aming iinumin?’ o, ‘Ano ang aming Mat. 6:31, 32) Ipinahiwatig ni Jesus na ang karaniwang mga bagay gaya ng pagkain at pananamit ay maaaring maging pabigat o makasagabal sa atin kung uunahin natin ang mga ito.
isusuot?’ Sapagkat ang lahat ng ito ang mga bagay na masikap na hinahanap ng mga bansa. Sapagkat nalalaman ng inyong makalangit na Ama na kailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.” (7 Pansinin ang sinabi ni Jesus: “Nalalaman ng inyong makalangit na Ama na kailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.” Ipinahihiwatig nito na ilalaan ni Jehova ang mga pangangailangan natin. Totoo, ang “lahat ng mga bagay na ito” na inilalaan niya ay maaaring iba sa gusto natin. Gayunman, sinabi ni Jesus na huwag tayong mabalisa sa “mga bagay na masikap na hinahanap ng mga bansa.” Bakit? Nang maglaon, sinabi ni Jesus: “Bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili na ang inyong mga puso ay hindi mapabigatan ng labis na pagkain at labis na pag-inom at mga kabalisahan sa buhay, at bigla na lang na ang araw na iyon ay kagyat na mapasainyo na gaya ng silo.”—Luc. 21:34, 35.
8. Bakit napakahalaga ngayon na ‘alisin natin ang bawat pabigat’?
8 Napakalapit na ng finish line. Sayang naman kung ngayon pa natin pabibigatan ang ating sarili ng di-kinakailangang pasanin! Angkop ang payo ni apostol Pablo: “Ito ay isang paraan ng malaking pakinabang, itong makadiyos na debosyon kalakip ang kasiyahan sa sarili.” (1 Tim. 6:6) Makatutulong nang malaki ang pagkakapit sa kaniyang payo para makamit natin ang gantimpala.
“Kasalanan na Madaling Nakasasalabid sa Atin”
9, 10. (a) Sa ano tumutukoy ang pananalitang “kasalanan na madaling nakasasalabid sa atin”? (b) Paano tayo maaaring masalabid?
9 Bukod sa “bawat pabigat,” binanggit ni Pablo na dapat alisin ang “kasalanan na madaling nakasasalabid sa atin.” Ano kaya ito? Ang salitang Griego na isinaling “madaling nakasasalabid” ay sa talatang ito lang lumitaw sa Bibliya. Sinabi ng iskolar ng Bibliya na si Albert Barnes na ang isang mananakbo noong panahong iyon ay hindi magsusuot ng damit na maaaring pumulupot sa kaniyang mga binti at maging sagabal sa kaniyang pagtakbo. Sa katulad na paraan, ayon kay Barnes, aalisin ng isang Kristiyano ang anumang makasasagabal sa kaniyang pagtakbo. Paano maaaring masalabid ang isang Kristiyano anupat magiging dahilan iyon para manghina ang pananampalataya niya?
10 Hindi naman biglang naglalaho ang pananampalataya ng isang Kristiyano. Unti-unti itong nangyayari, baka hindi pa nga namamalayan. Sa pasimula ng kaniyang liham, nagbabala si Pablo tungkol sa panganib na ‘maanod tayo papalayo’ at ‘tubuan ng isang pusong balakyot na walang pananampalataya.’ (Heb. 2:1; 3:12) Kapag pumulupot sa binti ng mananakbo ang kaniyang damit, malamang na matumba siya. Kaya hindi siya magsusuot ng maling damit. Pero posibleng maipagwalang-bahala niya ang panganib na ito. Bakit? Marahil ay wala siyang ingat, sobra ang tiwala sa sarili, o may nakagagambala sa kaniya. Ano ang matututuhan natin sa payo ni Pablo?
11. Paano maaaring mawala ang ating pananampalataya?
11 Tandaan natin na ang pagkawala ng pananampalataya ng isang Kristiyano ay resulta ng mga bagay na ginagawa niya sa paglipas ng panahon. May isa pang iskolar na nagkomento tungkol sa “kasalanan na madaling nakasasalabid sa atin.” Sinabi niya na ang ating mga kalagayan, ang ating maling mga pagnanasa, at ang mga nakakasalamuha natin ay may napakalaking epekto sa atin. Dahil sa mga ito, maaaring manghina o tuluyang mawala ang ating pananampalataya.—Mat. 13:3-9.
12. Anong mga paalaala ang dapat nating sundin para hindi mawala ang ating pananampalataya?
12 Madalas tayong paalalahanan ng tapat at maingat na alipin na mag-ingat sa ating pinanonood at pinakikinggan dahil maaari itong makaapekto sa ating pag-iisip at magpasidhi ng ating pagnanasa. Binababalaan din tayo 1 Juan 2:15-17.
tungkol sa panganib ng materyalismo. Kung nahuhumaling tayo sa mga libangan ng sanlibutang ito o sa bawat nauusong gadyet, baka maagaw ng mga ito ang ating pansin at mawalan tayo ng panahon sa mas mahahalagang bagay. Malaking pagkakamali na isiping ang mga payong iyon ay masyadong mahigpit, o na ang mga ito ay kapit lang sa iba at hindi sa atin. Mapandaya at di-madaling mahalata ang nakasasalabid na mga bagay na inilalagay ng sanlibutan ni Satanas sa harap natin. Ang kawalang-ingat, sobrang tiwala sa sarili, at mga pang-abala ang ikinabuwal ng ilan. Kung hindi tayo mag-iingat, baka hindi natin makamit ang pag-asang buhay na walang hanggan.—13. Paano natin mapoprotektahan ang ating sarili laban sa masasamang impluwensiya?
13 Araw-araw, nakakasalamuha natin ang mga taong may makasanlibutang tunguhin, pamantayan, at pag-iisip. (Basahin ang Efeso 2:1, 2.) Pero depende sa atin kung magpapaapekto tayo sa mga ito. Ang “hangin” na tinutukoy ni Pablo ay nakamamatay. Dapat tayong mag-ingat na huwag malason ng hanging ito para matapos natin ang takbuhan. Ano ang makatutulong sa atin? Ang napakahusay na halimbawa ni Jesus, na nanguna at nakatapos sa takbuhang ito. (Heb. 12:2) Nariyan din ang halimbawa ni Pablo. Itinuring niya ang sarili bilang mananakbo sa takbuhang Kristiyano at hinimok ang kaniyang mga kapananampalataya na tularan siya.—1 Cor. 11:1; Fil. 3:14.
“Makakamit Ninyo Ito”—Paano?
14. Gaano kahalaga kay Pablo na matapos niya ang takbuhan?
14 Gaano kahalaga kay Pablo na matapos niya ang takbuhan? Sa huling pakikipag-usap niya sa matatanda sa Efeso, sinabi niya: “Hindi ko itinuturing ang aking kaluluwa na may anumang halaga at waring mahal sa akin, matapos ko lamang ang aking takbuhin at ang ministeryo na tinanggap ko mula sa Panginoong Jesus.” (Gawa 20:24) Handa siyang isakripisyo ang lahat ng bagay, pati na ang kaniyang buhay, makatapos lang sa takbuhan. Alam niyang mawawalang-saysay ang lahat ng kaniyang pagsisikap may kaugnayan sa mabuting balita kung hindi siya makatatapos sa takbuhan. Pero hindi naman sobra ang tiwala niya sa sarili na para bang sigurado na siya sa panalo. (Basahin ang Filipos 3:12, 13.) Noong malapit na siyang mamatay, saka lang niya nasabi nang may pagtitiwala: “Naipaglaban ko na ang mainam na pakikipaglaban, natakbo ko na ang takbuhin hanggang sa katapusan, natupad ko na ang pananampalataya.”—2 Tim. 4:7.
15. Anong pampatibay ang ibinigay ni Pablo sa kaniyang mga kapuwa mananakbo?
15 Bukod diyan, nais din ni Pablo na makatapos sa takbuhan ang kaniyang mga kapuwa Kristiyano. Halimbawa, hinimok niya ang mga Kristiyano sa Filipos na gawin ang lahat para makaligtas. Kailangan nilang manatiling “mahigpit na nakakapit sa salita ng buhay.” Sinabi pa niya: “Upang magkaroon ako ng dahilan na magbunyi sa araw ni Kristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan o nagpagal nang walang kabuluhan.” (Fil. 2:16) Pinasigla rin niya ang mga Kristiyano sa Corinto: “Tumakbo kayo sa paraang makakamit ninyo [ang gantimpala].”—1 Cor. 9:24.
16. Bakit dapat na maging totoo sa atin ang gantimpala?
16 Sa isang mahabang takbuhan na gaya ng marathon, hindi agad natatanaw ang finish line. Pero dito nakapokus ang isip ng mananakbo habang siya’y tumatakbo. At habang papalapit siya rito, lalo siyang nagpupursige. Ganiyan din sa ating takbuhan. Dapat na kumbinsido tayo na totoo ang gantimpala para maabot natin ito.
17. Paano makatutulong ang pananampalataya para makapagpokus tayo sa gantimpala?
17 “Ang pananampalataya ay ang mapananaligang paghihintay sa mga bagay na inaasahan, ang malinaw na pagtatanghal ng mga katunayan bagaman hindi nakikita,” ang isinulat ni Pablo. (Heb. 11:1) Handang iwan nina Abraham at Sara ang maalwang buhay at maging “taga-ibang bayan at mga pansamantalang naninirahan sa lupain.” Ano ang nakatulong sa kanila na magawa ito? “Nakita nila ang [katuparan ng mga pangako ng Diyos] mula sa malayo.” Tinanggihan ni Moises ang “pansamantalang kasiyahan sa kasalanan” at ang “mga kayamanan ng Ehipto.” Paano siya nagkaroon ng pananampalataya at lakas ng loob na gawin ito? “Tumingin siyang mabuti sa gantimpalang kabayaran.” (Heb. 11:8-13, 24-26) Kaya naman sa paglalarawan ni Pablo sa bawat isa sa mga lingkod na ito, gumamit siya ng pananalitang “sa pananampalataya.” Pananampalataya ang nakatulong sa kanila na matiis ang mga pagsubok at makita kung ano ang ginagawa at gagawin ng Diyos para sa kanila.
18. Ano ang magagawa natin para maalis ang “kasalanan na madaling nakasasalabid sa atin”?
18 Kung bubulay-bulayin at tutularan natin ang halimbawa ng tapat na mga lingkod ng Diyos na binanggit sa Hebreo kabanata 11, titibay ang ating pananampalataya at maaalis natin ang “kasalanan na madaling nakasasalabid sa atin.” (Heb. 12:1) Gayundin, ‘maisasaalang-alang natin ang isa’t isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maiinam na gawa’ kung makikisama tayo sa mga nagsisikap na patibayin ang kanilang pananampalataya.—Heb. 10:24.
19. Bakit mahalagang magpatuloy sa takbuhan ngayon?
19 Malapit na tayo sa dulo ng takbuhan. Para na nating natatanaw ang finish line. Sa pamamagitan ng pananampalataya at sa tulong ni Jehova, maaalis natin “ang bawat pabigat at ang kasalanan na madaling nakasasalabid sa atin.” Oo, makatatakbo tayo sa paraang makakamit natin ang gantimpala—ang mga pagpapalang ipinangako ng ating Diyos at Ama, si Jehova.
[Talababa]
^ par. 3 Kasuklam-suklam ito sa mga Judio noon. Ayon sa apokripal na aklat ng 2 Macabeo, nagkaroon ng malaking kontrobersiya nang imungkahi ng apostatang mataas na saserdoteng si Jason na magtayo ng isang gymnasium sa Jerusalem, sa pagtatangkang palaganapin ang kulturang Griego.—2 Mac. 4:7-17.
Natatandaan Mo Ba?
• Paano natin maaalis ang “bawat pabigat”?
• Paano maaaring mawalan ng pananampalataya ang isang Kristiyano?
• Bakit kailangang nakapokus tayo sa gantimpala?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 23]
Ano ang “kasalanan na madaling nakasasalabid sa atin,” at paano tayo maaaring masalabid dito?