“Ang Ganda ng Picture!”
Ilang beses mo na bang nasabi iyan sa tuwing magbubuklat ka ng bagong isyu ng magasing ito? Ang magagandang larawan ay pinag-isipang mabuti at may layunin. Mga pantulong ito sa pagtuturo na mapag-iisipan at makaaantig sa atin. Lalo nang makatutulong ito sa ating paghahanda at pagkokomento sa Pag-aaral sa Bantayan.
Halimbawa, pag-isipan ang larawan sa simula ng bawat araling artikulo. Bakit iyon ang napili? Ano ang gustong sabihin nito? Ano ang kaugnayan nito sa paksa o temang teksto ng artikulo? Gayundin ang gawin sa iba pang mga larawan. Pag-isipan kung paano ito nauugnay sa iyong buhay.
Sa Pag-aaral sa Bantayan, bibigyan ng konduktor ang kongregasyon ng pagkakataong magkomento sa bawat larawan at magsabi ng kaugnayan nito sa pinag-aaralan o kung paano ito nakaapekto sa kanila. Kung minsan, mababasa sa kapsiyon kung saang parapo ito kaugnay. Sa ilang larawan, maaaring ipasiya ng konduktor kung saang parapo ito magandang talakayin. Sa ganitong paraan, lahat ay lubusang makikinabang sa ginawang pagsisikap para tulungan ang mambabasa na mailarawan sa isip ang aral na matatagpuan sa Salita ng Diyos.
Sinabi ng isang brother tungkol dito, “Ang mga larawan sa isang napakagandang artikulo ay parang icing sa cake.”