Gawing Matibay at Maligaya ang Pag-aasawa
“Malibang si Jehova ang magtayo ng bahay, walang kabuluhan ang pagpapagal ng mga tagapagtayo nito.”
1-3. Anong mga hamon ang nararanasan ng mga mag-asawa? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
“KUNG magsisikap kayo nang husto at ipakikitang gusto ninyong magtagumpay sa inyong pag-aasawa, pagpapalain kayo ni Jehova,” ang sabi ng isang asawang lalaki na 38 taon nang kasal. Oo, puwedeng maging maligaya ang pagsasama ng mag-asawa, at magagawa nilang suportahan ang isa’t isa sa mahihirap na kalagayan.
2 Pero karaniwan na, ang mga mag-asawa ay dumaranas ng “kapighatian sa kanilang laman.” (1 Cor. 7:28) Bakit? Ang pang-araw-araw na mga problema pa lang ay nagdudulot na ng stress sa kanilang pagsasama. Dahil hindi sakdal, kahit ang mga mag-asawang maganda ang pagsasama ay nagkakasamaan ng loob at di-nagkakaintindihan kung minsan. (Sant. 3:2, 5, 8) Nahihirapan din ang maraming mag-asawa dahil bukod sa kanilang trabaho, may mga anak pa silang dapat asikasuhin. Dahil sa stress at pagod, wala nang gaanong panahon ang ilang mag-asawa para patibayin ang kanilang pagsasama. Ang pagmamahal at respeto nila sa isa’t isa ay baka unti-unting mawala dahil sa problema sa pera, pagkakasakit, o iba pang mga hamon. Ang pundasyon ng pag-aasawa ay puwede ring masira ng “mga gawa ng laman,” gaya ng seksuwal na imoralidad, mapangahas na paggawi, alitan, hidwaan, paninibugho o pagseselos, silakbo ng galit, at pagtatalo.
3 Bukod pa sa mga nabanggit, palasak sa “mga huling araw” ang makasarili at di-makadiyos na mga pag-uugali na nakalalason sa pagsasama ng mag-asawa. (2 Tim. 3:1-4) Gayundin, isang napakasamang kaaway ang determinadong sirain ang pagsasama ng mga mag-asawa. Binababalaan tayo ni apostol Pedro: “Ang inyong kalaban, ang Diyablo, ay gumagala-gala tulad ng isang leong umuungal, na naghahanap ng masisila.”
4. Paano posibleng maging matibay at maligaya ang pag-aasawa?
4 Inamin ng isang asawang lalaki sa Japan: “Stress na stress ako noon sa mga problema sa pera. At dahil hindi ako gaanong nakikipag-usap sa misis ko, nagiging tensiyonado rin siya. Nagkasakit pa siya nang malubha kamakailan. Dahil sa ganitong stress, nag-aaway tuloy kami kung minsan.” May mga hamon sa buhay may-asawa na hindi maiiwasan, pero puwede namang madaig iyon. Sa tulong ni Jehova, maaaring maging matibay at maligaya ang pagsasama ng mag-asawa. (Basahin ang Awit 127:1.) Talakayin natin ang limang paraan para makapagtayo ng matibay at panghabambuhay na pag-aasawa. Isasaalang-alang din natin kung bakit mahalaga ang pag-ibig para manatiling matatag ang pagsasama ng mag-asawa.
ISALI SI JEHOVA SA INYONG PAGSASAMA
5, 6. Ano ang puwedeng gawin ng mag-asawa para maisali si Jehova sa kanilang pagsasama?
5 Ang pundasyon ng matibay na pagsasama ay katapatan at pagpapasakop sa Isa na nagpasimula ng pag-aasawa. (Basahin ang Eclesiastes 4:12.) Maisasali ng mag-asawa si Jehova sa kanilang pagsasama kung susundin nila ang maibiging patnubay niya. Sinabi ng Bibliya tungkol sa sinaunang bayan ng Diyos: “Ang iyong mga tainga ay makaririnig ng salita sa likuran mo na nagsasabi: ‘Ito ang daan. Lakaran ninyo ito,’ sakaling pumaroon kayo sa kanan o sakaling pumaroon kayo sa kaliwa.” (Isa. 30:20, 21) Sa ngayon, ‘maririnig’ ng mag-asawa ang salita ni Jehova kung magkasama nilang babasahin ang Bibliya. (Awit 1:1-3) Malaking tulong din kung may regular silang Pampamilyang Pagsamba na kasiya-siya at nakapagpapatibay. Napakahalaga rin ng pananalangin nang magkasama araw-araw para makayanan ng mag-asawa ang mga pagsalakay ng sanlibutan ni Satanas.
6 “Kapag nawawala na ang kagalakan namin dahil sa personal na mga problema o mga di-pagkakaunawaan,” ang sabi ni Gerhard na taga-Germany, “natutulungan kami ng payo ng Salita ng Diyos na maging matiisin at mapagpatawad. Napakaimportante ng mga katangiang ito sa matagumpay na pagsasama.” Kapag sinisikap ng mag-asawa na panatilihin ang Diyos sa kanilang buhay sa pamamagitan ng paggawa ng espirituwal na mga bagay nang magkasama, nagiging mas malapít sila kay Jehova at tumitibay ang kanilang relasyon.
MGA ASAWANG LALAKI —MANGUNA SA MAIBIGING PARAAN
7. Paano dapat manguna ang mga asawang lalaki?
7 Ang paraan ng pangunguna ng asawang lalaki ay makatutulong nang malaki para maging matibay at maligaya ang pagsasama ng mag-asawa. Sinasabi ng Bibliya: “Ang ulo ng bawat lalaki ay ang Kristo; ang ulo naman ng babae ay ang lalaki.” (1 Cor. 11:3) Ipinakikita ng konteksto ng pananalitang iyan kung paano dapat manguna ang mga asawang lalaki
8. Paano matatamo ng asawang lalaki ang pagmamahal at paggalang ng kaniyang asawa?
1 Ped. 3:7) Kahit silang dalawa lang o sa harap ng maraming tao, ipinakikita ng asawang lalaki sa paraan ng pagsasalita at pakikitungo niya sa kaniyang asawa na mahalaga ito sa kaniya. (Kaw. 31:28) Sa ganitong paraan, natatamo niya ang pagmamahal at paggalang ng kaniyang asawa at pinagpapala ng Diyos ang kanilang pagsasama.
8 Hindi kailangang pilitin ng mga Kristiyanong asawang lalaki ang kanilang asawa na igalang sila. Sa halip, ‘patuloy silang nananahanang kasama nila ayon sa kaalaman [o, nagpapakita ng konsiderasyon sa kanila; maunawain sa kanila].’ “Pinag-uukulan [nila] sila ng karangalang gaya ng sa isang mas mahinang sisidlan, yaong may katangiang pambabae.” (MGA ASAWANG BABAE —MAPAGPAKUMBABANG MAGPASAKOP
9. Paano maipakikita ng asawang babae na mapagpasakop siya?
9 Kung ang pag-ibig natin kay Jehova ay di-makasarili at salig sa mga simulain niya, tutulungan tayo nito na magpakababa sa ilalim ng kaniyang makapangyarihang kamay. (1 Ped. 5:6) Maipakikita ng asawang babae na iginagalang niya ang awtoridad ni Jehova kung makikipagtulungan siya sa kaniyang asawa. Sinasabi ng Bibliya: “Kayong mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyu-inyong asawang lalaki, gaya ng nararapat sa Panginoon.” (Col. 3:18) Ang totoo, hindi laging magugustuhan ng asawang babae ang desisyon ng kaniyang asawa. Pero kung hindi naman salungat sa utos ng Diyos ang desisyon ng asawa niya, ang isang mapagpasakop na babae ay handang makipagtulungan.
10. Bakit mahalaga ang pagpapasakop?
10 Ang asawang babae ay may marangal na papel bilang “kapareha” ng kaniyang asawa. (Mal. 2:14) Kapag gumagawa ng desisyon ang mag-asawa, sinasabi ng asawang babae ang iniisip at nadarama niya, pero sa magalang na paraan at nagpapasakop pa rin siya. Ang marunong na asawang lalaki ay makikinig na mabuti sa kaniyang asawa. (Kaw. 31:10-31) Ang maibiging pagpapasakop ay nagdudulot ng kaligayahan, kapayapaan, at pagkakaisa sa pamilya. Nakadarama rin ng kasiyahan ang mag-asawa dahil alam nilang napalulugdan nila ang Diyos.
PATULOY NA PATAWARIN NANG LUBUSAN ANG ISA’T ISA
11. Bakit mahalaga ang pagpapatawad?
11 Para maging panghabambuhay ang pagsasama ng mag-asawa, napakahalaga na matutuhan nilang magpatawad. Tumitibay ang relasyon ng mag-asawa kapag ‘patuloy nilang pinagtitiisan at lubusang pinatatawad ang isa’t isa.’ (Col. 3:13) Gayunman, nasisira ang ugnayan ng mag-asawa kapag hindi nila kinalilimutan ang naging mga samaan nila ng loob at madalas na isinusumbat pa uli ang mga iyon. Kung paanong pinarurupok ng mga bitak ang isang gusali, maaaring maipon sa puso ng isa ang mga hinanakit at galit, kung kaya lalong nagiging mahirap para sa kaniya na magpatawad. Pero tumitibay ang pagsasama ng mag-asawa kapag pinatatawad nila ang isa’t isa, gaya ng pagpapatawad ni Jehova.
12. Paano tinatakpan ng pag-ibig ang “maraming kasalanan”?
12 Ang tunay na pag-ibig ay ‘hindi nagbibilang ng pinsala.’ Sa katunayan, “ang pag-ibig ay nagtatakip ng maraming kasalanan.” (1 Cor. 13:4, 5; basahin ang 1 Pedro 4:8.) Ibig sabihin, kung may pag-ibig tayo sa ating kapuwa, hindi natin lilimitahan kung ilang beses tayo magpapatawad. Nang itanong ni apostol Pedro kung gaano karaming ulit siya dapat magpatawad, sumagot si Jesus: “Hanggang sa pitumpu’t pitong ulit.” (Mat. 18:21, 22) Ipinakikita lang ni Jesus na ang pagpapatawad ng isang Kristiyano ay hindi dapat takdaan ng bilang.
13. Paano magiging mas madali ang magpatawad?
13 “Kung ayaw magpatawad ng mag-asawa,” ang sabi ni Annette, “lumalalim ang hinanakit nila at nawawalan sila ng tiwala sa isa’t isa, na sumisira sa pagsasama. Kung magpapatawaran kayo, titibay ang inyong pagsasama at lalo kayong mapapalapit sa isa’t isa.” Magiging mas madali ang magpatawad kung sisikapin ng bawat isa na maging mapagpahalaga at mapagpasalamat. Laging magbigay ng taimtim na komendasyon sa iyong asawa. (Col. 3:15) Kapag mapagpatawad ang mag-asawa, nagkakaisa sila, nakadarama ng kapanatagan, at natatamo nila ang pagsang-ayon ng Diyos.
IKAPIT ANG GINTONG ARAL
14, 15. Ano ang Gintong Aral? Paano tumitibay ang pagsasama ng mag-asawa kapag ikinakapit ito?
14 Tiyak na gusto mong respetuhin ka at bigyang-dangal ng iba. Natutuwa ka kapag isinasaalang-alang ng iba ang mga pananaw mo at nadarama. Pero may narinig ka na bang nagsabi, “Ipapatikim ko sa kaniya ang ginawa niya sa akin”? Natural lang ang ganiyang reaksiyon kung minsan. Pero ayon sa Bibliya: “Huwag mong sabihin: ‘Kung ano ang ginawa niya sa akin, gayon ang gagawin ko sa kaniya.’ ” (Kaw. 24:29) Itinuro ni Jesus ang mas magandang paraan kung paano aayusin ang mga problema. Kilalá ito bilang ang Gintong Aral: “Kung ano ang ibig ninyong gawin ng mga tao sa inyo, gayundin ang gawin ninyo sa kanila.” (Luc. 6:31) Dito, itinuturo ni Jesus na dapat nating pakitunguhan ang iba sa paraang gusto nating pakitunguhan nila tayo at huwag gantihan ng masama ang masama. Ibig sabihin, sa pagsasama ng mag-asawa, dapat nilang ihasik kung ano ang gusto nilang anihin.
15 Pinatitibay ng mag-asawa ang kanilang relasyon kapag sensitibo sila sa damdamin ng
16. Ano ang hindi dapat gawin ng mag-asawa sa isa’t isa?
16 Huwag mong ikuwento sa iba ang mga kahinaan ng asawa mo ni ulit-ulitin sa kaniya o sa iba ang mga reklamo mo tungkol sa kaniya
17. Paano maikakapit ng mga asawang lalaki ang Gintong Aral?
17 Sa ilang kultura, ang mga lalaking nananakit ng asawa ay itinuturing na tunay na lalaki. Pero sinasabi ng Bibliya: “Siyang mabagal sa pagkagalit ay mas mabuti kaysa sa makapangyarihang lalaki, at siyang sumusupil sa kaniyang espiritu kaysa sa bumibihag ng lunsod.” (Kaw. 16:32) Kailangan ng isa ang katatagan para makapagpigil gaya ng ginawa ng pinakadakilang tao na nabuhay kailanman, si Jesu-Kristo. Ang lalaking nananakit ng asawa, berbal man o pisikal, ay hindi isang tunay na lalaki, at maiwawala niya ang kaugnayan niya kay Jehova. Ang salmistang si David, na isang malakas at matapang na lalaki, ay nagsabi: “Maligalig kayo, ngunit huwag magkasala. Magsalita kayo sa inyong puso, sa inyong higaan, at manahimik kayo.”
‘DAMTAN ANG INYONG SARILI NG PAG-IBIG’
18. Bakit mahalaga na laging magpakita ng pag-ibig?
18 Basahin ang 1 Corinto 13:4-7. Pag-ibig ang pinakamahalagang katangian para sa mag-asawa. “Damtan ninyo ang inyong sarili ng magiliw na pagmamahal na may habag, kabaitan, kababaan ng pag-iisip, kahinahunan, at mahabang pagtitiis. Ngunit, bukod pa sa lahat ng bagay na ito, damtan ninyo ang inyong sarili ng pag-ibig, sapagkat ito ay isang sakdal na bigkis ng pagkakaisa.” (Col. 3:12, 14) Ang mga asawang lalaki at asawang babae ay dapat magpakita ng mapagsakripisyong pag-ibig gaya ng ipinakita ni Kristo. Kapag ang pagsasama ng mag-asawa ay salig sa gayong pag-ibig, mananatili itong matibay sa kabila ng nakaiinis na mga ugali, malulubhang pagkakasakit, mabibigat na suliranin sa pera, at problema sa biyenan.
19, 20. (a) Ano ang magagawa ng mag-asawa para maging matibay at maligaya ang kanilang pagsasama? (b) Ano ang tatalakayin sa susunod na artikulo?
19 Totoo, kailangan ang pag-ibig, katapatan, at taimtim na pagsisikap para magtagumpay ang pagsasama ng mag-asawa. Sa halip na maghiwalay agad kapag nagkaproblema, dapat maging determinado ang mag-asawa na patibayin ang kanilang pagsasama
20 Hindi madaling gawing matibay at maligaya ang pag-aasawa lalo na sa ‘mapanganib na panahong’ ito. (2 Tim. 3:1) Pero sa tulong ni Jehova, posible iyan. Sa kabila nito, kailangan pa ring makipagpunyagi ang mga mag-asawa laban sa gumuguhong moralidad ng sanlibutang ito. Tatalakayin sa susunod na artikulo kung ano ang magagawa ng mga mag-asawa para maingatan ang kanilang pagsasama laban sa imoralidad.
^ par. 12 Bagaman sinisikap ng mag-asawa na magpatawad sa isa’t isa at ayusin ang mga problema nila, ipinakikita ng Bibliya na maaaring ipasiya ng pinagkasalahang kabiyak kung patatawarin niya o didiborsiyuhin ang kaniyang asawang nangalunya. (Mat. 19:9) Tingnan ang artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Pangangalunya