Pag-ibig ng Diyos—Makikita sa Pag-ibig ng Ina
Pag-ibig ng Diyos—Makikita sa Pag-ibig ng Ina
“Malilimutan ba ng asawang babae ang kaniyang pasusuhin anupat hindi niya kahahabagan ang anak ng kaniyang tiyan? Maging ang mga babaing ito ay makalilimot, ngunit ako ay hindi makalilimot sa iyo.”—ISAIAS 49:15.
ISANG bagong-silang na sanggol ang kalong ng kaniyang ina habang pinasususo ito. Punung-puno ng pag-ibig at pagmamahal ang eksenang ito. “Nang una kong mayakap ang aking anak,” ang sabi ng isang ina na nagngangalang Pam, “nakadama ako ng matinding pag-ibig at malaking responsibilidad sa aking bagong-silang na anak.”
Bagaman hindi na kaila sa lahat, pinatunayan pa rin ng pananaliksik na ang pag-ibig ng ina ay may napakalaking epekto sa paglaki ng bata. Ganito ang sabi ng isang dokumentong inilathala ng World Health Organization Programme on Mental Health: “Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang mga sanggol na inabandona at napawalay sa kanilang mga ina ay malungkutin at walang-sigla, kung minsan ay takot na takot pa nga.” Sinipi rin ng dokumentong ito ang isang pag-aaral na nagpapakitang ang mga batang minamahal at binibigyan ng atensiyon mula sa kanilang murang edad ay malamang na magkaroon ng mas mataas na IQ kaysa sa mga batang pinabayaan.
Tungkol sa kahalagahan ng pag-ibig ng ina, ganito ang sabi ni Alan Schore, propesor sa psychiatry sa UCLA School of Medicine sa Estados Unidos: “Ang unang pakikipag-ugnayan ng bata, yaong sa kaniyang ina, ay nagsisilbing molde, palibhasa’y permanente nitong hinuhubog ang kakayahan ng indibiduwal na makipag-ugnayan sa mga tao paglaki niya.”
Nakalulungkot, dahil sa panlulumo, sakit, Isaias 49:15) Pero bihira lamang itong mangyari. Sa katunayan, waring nakaprograma na sa mga ina na ibigin ang kanilang mga anak. Natuklasan ng mga mananaliksik na sa panahon ng panganganak, ang mga ina ay nagkakaroon ng mas maraming hormon na oxytocin, na nagpapahilab sa matris at tumutulong para magkagatas ang ina. Ang hormon ding ito, na taglay ng mga lalaki at mga babae, ay sinasabing dahilan kung bakit nagiging mapagmahal at mapagsakripisyo ang mga ina.
o iba pang kagipitan, maaaring mapabayaan o maaari pa ngang ‘malimutan ng ina ang kaniyang pasusuhin.’ (Saan Nagmula ang Pag-ibig?
Itinuturo ng mga naniniwala sa ebolusyon na ang walang pag-iimbot na pag-ibig, gaya ng pag-ibig ng ina sa kaniyang anak, ay nagkataon lamang at patuloy itong ginagawa dahil sa mga pakinabang. Halimbawa, sinasabi ng Mothering Magazine na mababasa sa Internet: “Ang unang bahagi ng ating utak na napadagdag sa utak na minana natin sa ating mga ninunong reptilya ay ang limbic system, ang sentro ng emosyon. Ang bahaging ito ng utak ang nag-uudyok sa ina at sa kaniyang sanggol na maging malapít sa isa’t isa.”
Totoong ipinakikita ng pananaliksik na may papel na ginagampanan ang limbic system sa ating emosyon. Pero makatuwiran bang isipin na ang pag-ibig ng ina sa kaniyang anak ay bunga lamang ng di-sinasadyang pagtubo ng karagdagang bahagi sa utak ng isang reptilya?
Tingnan naman natin ang iba pang paliwanag. Sinasabi ng Bibliya na ang tao ay nilalang ayon sa larawan ng Diyos, samakatuwid nga, na may kakayahang tularan ang mga katangian ng Diyos. (Genesis 1:27) Pag-ibig ang pangunahing katangian ng Diyos. “Siya na hindi umiibig ay hindi nakakilala sa Diyos,” ang isinulat ni apostol Juan. Bakit? “Sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8) Pansinin na hindi sinasabi ng talatang ito ng Bibliya na ang Diyos ay may pag-ibig. Sa halip, sinasabi ng teksto na ang Diyos ay pag-ibig. Siya ang Bukal ng pag-ibig.
Ganito ang paglalarawan ng Bibliya sa pag-ibig: “Ang pag-ibig ay may mahabang pagtitiis at mabait. Ang pag-ibig ay hindi mapanibughuin, ito ay hindi nagyayabang, hindi nagmamalaki, hindi gumagawi nang hindi disente, hindi naghahanap ng sarili nitong kapakanan, hindi napupukaw sa galit. Hindi ito nagbibilang ng pinsala. Hindi ito nagsasaya sa kalikuan, kundi nakikipagsaya sa katotohanan. Tinitiis nito ang lahat ng bagay, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, inaasahan ang lahat ng bagay, binabata ang lahat ng bagay. Ang pag-ibig ay hindi kailanman nabibigo.” (1 Corinto 13:4-8) Makatuwiran bang isipin na ang pinakadakilang katangiang ito ay nagkataon lamang?
Ano ang Nadarama Mo?
Habang binabasa mo sa naunang parapo ang paglalarawan sa pag-ibig, nagkaroon ka ba ng hangaring sana’y may magpakita rin sa iyo ng gayong uri ng pag-ibig? Natural lamang na maghangad ka nang gayon. Bakit? Dahil “tayo ay mga supling ng Diyos.” (Gawa 17:29) Nilalang tayo para tumanggap at magpakita ng gayong pag-ibig. At makatitiyak tayo na mahal na mahal tayo ng Diyos. (Juan 3:16; 1 Pedro 5:6, 7) Ang kasulatang sinipi sa pasimula ng artikulong ito ay nagsasabi na mas matindi ang pag-ibig ng Diyos sa atin at hinding-hindi ito magmamaliw, di-gaya ng pag-ibig ng isang ina sa kaniyang anak!
Pero baka itanong mo: ‘Kung ang Diyos ay marunong, makapangyarihan, at maibigin, bakit hindi niya winawakasan ang pagdurusa? Bakit pinahihintulutan niyang mamatay ang mga bata, magpatuloy ang paniniil, at masira ang lupa dahil sa kasakiman at maling pangangasiwa?’ Magagandang tanong ito na nararapat bigyan ng makatuwirang mga sagot.
Anuman ang sabihin ng mga agnostiko, posibleng malaman ang kasiya-siyang mga sagot sa mga tanong na iyan. Milyun-milyon na sa daan-daang bansa ang nakaaalam ng gayong mga sagot sa pamamagitan ng pakikipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Inaanyayahan ka ng mga tagapaglathala ng magasing ito na gayon din ang gawin. Habang sumusulong ang iyong kaalaman tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aaral ng kaniyang Salita at ng kaniyang mga nilalang, mauunawaan mo na hindi siya malayo at na posible siyang makilala. Sa halip, malamang na makumbinsi ka na ang Diyos ay ‘hindi malayo sa bawat isa sa atin.’—Gawa 17:27.
[Blurb sa pahina 8]
Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay hinding-hindi magmamaliw, di-gaya ng pag-ibig ng isang ina sa kaniyang anak