Panahong Mapanganib Ngayon
Panahong Mapanganib Ngayon
INIHULA ng Bibliya na daranas ang sangkatauhan ng “mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.” Inilalarawan ng Bibliya ang panahong iyon bilang “mga huling araw.” (2 Timoteo 3:1-5; 2 Pedro 3:3-7) Ang panahon ding iyon ang tinutukoy ni Jesu-Kristo nang sagutin niya ang tanong ng kaniyang mga alagad hinggil sa “katapusan ng sistema ng mga bagay.” (Mateo 24:3) Nabubuhay na ba tayo sa mga huling araw? Ihambing ang inihula ng Bibliya sa kamakailang mga ulat na sinipi sa ibaba, at tingnan mo kung ano ang masasabi mo.
Inihula ng Bibliya: alitan ng mga bansa—Lucas 21:10; Apocalipsis 6:4.
Sinasabi ng mga ulat: Sa loob ng nakalipas na 100 taon, tatlong ulit na mas marami ang namatay bunga ng digmaan kumpara sa nakaraang 1,900 taon mula nang ipanganak si Kristo.—Worldwatch Institute.
Inihula ng Bibliya: sakit at kakapusan sa pagkain—Lucas 21:11; Apocalipsis 6:5-8.
Sinasabi ng mga ulat: Noong 2004, tinatayang 863 milyong tao sa lupa ang walang sapat na pagkain, mas marami nang 7 milyon kumpara noong 2003.—United Nations Food and Agriculture Organization.
Mga isang bilyon katao ang nagtitiyagang manirahan sa maruruming lugar sa siyudad dahil sa kahirapan; 2.6 bilyon ang walang maayos na palikuran at sanitasyon; 1.1 bilyon ang walang malinis na tubig na maiinom.—Worldwatch Institute.
Apektado ng malarya ang 500 milyong tao; 40 milyong tao ang may HIV-AIDS; 1.6 milyon naman ang namatay dahil sa tuberkulosis noong 2005.—World Health Organization.
Inihula ng Bibliya: pagsira sa lupa—Apocalipsis 11:18.
Sinasabi ng mga ulat: “Maraming uri ng hayop at halaman sa lupa ang malapit nang malipol dahil sa kagagawan ng tao.” “Unti-unti nang hindi mapakinabangan ang halos dalawang katlo ng mga proseso sa kalikasan na tumutustos sa buhay.”—Millennium Ecosystem Assessment.
“Ang mga greenhouse gas na nalilikha ng tao ang isa sa dahilan kung bakit ang klima ng
Lupa ay halos tuluyan nang nasisira, na posibleng magdulot ng kapaha-pahamak na resulta sa planeta.”—NASA, Goddard Institute for Space Studies.Inihula ng Bibliya: ipangangaral sa buong lupa ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos—Mateo 24:14; Apocalipsis 14:6, 7.
Sinasabi ng mga ulat: Noong 2007, ang pinakamataas na bilang ng mga Saksi ni Jehova na 6,957,854 ay gumugol ng mahigit 1.4 bilyong oras sa pangangaral ng mabuting balita tungkol sa Kaharian ng Diyos sa 236 na lupain.—2008 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova.
Gaya ng nabanggit, inihula ng Bibliya na sa kabila ng lahat ng masasamang balita, may dahilan para umasang magkakaroon tayo ng magandang kinabukasan. Binanggit ni Jesus ang hinggil sa “mabuting balita” ng Kaharian ng Diyos. Ano ba ang Kaharian ng Diyos? Bakit makaaasa ang sangkatauhan ng isang magandang kinabukasan? At ano ang maidudulot sa iyo ng Kaharian ng Diyos?
[Blurb sa pahina 5]
Inihula ng Bibliya ang mga nangyayari ngayon sa daigdig