Para sa mga Kabataan
Namangha kay Jesus ang Kaniyang mga Tagapakinig
Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Isipin mong aktuwal na nangyayari ang ulat na ito.
PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG LUCAS 2:41-47.
Anu-ano kaya ang pinag-uusapan ng mga guro at ni Jesus, gaya ng inilarawan sa talata 46?
․․․․․
PAG-ARALANG MABUTI.
Sa palagay mo, bakit nagawa ni Jesus na makipag-usap sa mga lider ng relihiyon kahit napakabata pa niya? Dahil lamang ba sa sakdal siya o may iba pang dahilan?
․․․․․
PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG LUCAS 2:48-52.
Ano sa tingin mo ang saloobin ni Jesus nang magtanong siya: “Bakit kailangang hanapin ninyo ako?”
․․․․․
Bakit tayo makatitiyak na magalang pa rin ang sagot ni Jesus sa kaniyang mga magulang?
․․․․․
PAG-ARALANG MABUTI.
Bakit tama lamang na lubhang mag-alala sina Jose at Maria?
․․․․․
Bagaman sakdal si Jesus, bakit patuloy siyang nagpasakop o naging masunurin sa kaniyang mga magulang?
․․․․․
Sa palagay mo, napahiya kaya si Jesus nang sawayin siya sa harap ng mga taong humahanga sa kaniya?
․․․․․
GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .
Sa pagpapasakop o pagiging masunurin.
․․․․․
Sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa Bibliya habang bata pa.
․․․․․
ANU-ANONG BAHAGI NG ULAT NA ITO NG BIBLIYA ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?
․․․․․