Para sa mga Kabataan
Himala Noong Pentecostes!
Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento!
PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG GAWA 2:1-21, 38-41.
Ano ang naiisip mo habang binabasa mo ang ulat tungkol sa “malakas na hanging humahagibis” at sa “mga dila na parang apoy”?
․․․․․
Ano ang naiisip mong sinasabi ng mga tao nang mamangha sila habang naririnig nila ang mga alagad na nagsasalita ng iba’t ibang wika?
․․․․․
Ano ang nakikita mong ekspresyon sa mukha ng mga nag-aalinlangan na inilarawan sa talata 13?
․․․․․
PAG-ARALANG MABUTI.
Anong uri ng okasyon ang Pentecostes, at paano ito maaaring nakaapekto sa mga taong nagkakatipon sa Jerusalem? (Deuteronomio 16:10-12)
․․․․․
Paano nagpakita si Pedro ng paggalang nang kausapin niya ang kaniyang mga tagapakinig, at paano siya nakahanap ng paksang mapagkakasunduan nila? (Gawa 2:29)
․․․․․
Paanong ang katapangan ni Pedro noong Pentecostes ay ibang-iba sa ipinakita niya dati sa looban ng mataas na saserdote? (Mateo 26:69-75)
․․․․․
GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .
Sa pangangailangang humanap ng mapagkakasunduan mo at ng iyong mga tagapakinig at magsalita nang may paggalang sa kanila kapag ibinabahagi mo ang iyong mga paniniwalang salig sa Bibliya.
․․․․․
Sa iyong potensiyal na magpatotoo nang may katapangan para kay Jehova, kahit na ngayo’y medyo nahihiya ka o natatakot.
․․․․․
ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?
․․․․․
Para sa higit pang pagsasaliksik, tingnan Ang Bantayan, Setyembre 15, 1996, pahina 8-9.