Kayamanang Mula sa Diyos
Kayamanang Mula sa Diyos
KUNG tapat ka sa Diyos, yayaman ka ba? Marahil, pero hindi gaya ng inaasahan mong kayamanan. Kuning halimbawa ang ina ni Jesus na si Maria. Nagpakita sa kaniya ang anghel na si Gabriel at sinabi sa kaniya na siya ay “lubhang kinalulugdan” ng Diyos at na isisilang niya ang Anak ng Diyos. (Lucas 1:28, 30-32) Pero hindi siya mayaman. Pagkatapos ipanganak si Jesus, naghandog si Maria ng “isang pares ng batu-bato o dalawang inakáy na kalapati,” na karaniwang inihahandog ng mahihirap kay Jehova.—Lucas 2:24; Levitico 12:8.
Yamang mahirap si Maria, ibig bang sabihin ay hindi siya pinagpala ng Diyos? Hindi. Nang dalawin niya si Elisabet na kaniyang kamag-anak, “si Elisabet ay napuspos ng banal na espiritu, at siya ay bumulalas ng malakas na sigaw at nagsabi: ‘Pinagpala ka [Maria] sa gitna ng mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong bahay-bata!’” (Lucas 1:41, 42) Pinagpala si Maria na maging ina sa lupa ng minamahal na Anak ng Diyos.
Si Jesus mismo ay hindi mayaman. Hindi lamang siya ipinanganak at lumaking mahirap kundi buong buhay niya rito sa lupa ay mahirap siya. Sinabi niya minsan sa isang lalaki na gustong maging alagad niya: “Ang mga sorra ay may mga lungga at ang mga ibon sa langit ay may mga dapuan, ngunit ang Anak ng tao ay walang dakong mahihigan ng kaniyang ulo.” (Lucas 9:57, 58) Magkagayon man, dahil sa ginawa ni Jesu-Kristo sa lupa, naging posible sa kaniyang mga alagad na magkaroon ng maraming kayamanan. Sumulat si apostol Pablo: “Nagpakadukha siya alang-alang sa inyo, upang yumaman kayo sa pamamagitan ng kaniyang karalitaan.” (2 Corinto 8:9) Anong kayamanan ang ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga alagad? At anong kayamanan ang taglay natin ngayon?
Anong Uri ng Kayamanan?
Kadalasang isang hadlang sa pagkakaroon ng pananampalataya ang materyal na kayamanan, yamang ang taong mayaman ay maaaring magtiwala sa kaniyang pera sa halip na sa Diyos. Sinabi ni Jesus: “Kay hirap na bagay nga para roon sa mga may salapi ang pumasok Marcos 10:23) Kaya maliwanag na hindi materyal na kayamanan ang iniaalok ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod.
sa kaharian ng Diyos!” (Sa katunayan, karamihan ng mga Kristiyano noong unang siglo ay mahihirap. Nang isang lalaking pilay mula pagkasilang ang namalimos, sinabi ni Pedro: “Pilak at ginto ay wala ako, ngunit ang mayroon ako ang siyang ibibigay ko sa iyo: Sa pangalan ni Jesu-Kristo na Nazareno, lumakad ka!”—Gawa 3:6.
Ipinakikita rin ng pananalita ng alagad na si Santiago na ang mga miyembro ng kongregasyong Kristiyano ay karaniwan nang mahihirap. Isinulat niya: “Makinig kayo, mga kapatid kong minamahal. Pinili ng Diyos ang mga dukha may kinalaman sa sanlibutan upang maging mayaman sa pananampalataya at mga tagapagmana ng kaharian, na ipinangako niya sa mga umiibig sa kaniya, hindi ba?” (Santiago 2:5) Sinabi rin ni apostol Pablo na hindi lahat ng “marunong ayon sa laman” o “makapangyarihan” o “ipinanganak na maharlika” ang tinawag upang maging miyembro ng kongregasyong Kristiyano.—1 Corinto 1:26.
Kung hindi materyal na kayamanan ang ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod, anong uri ng kayamanan iyon? Sa liham na ipinadala ni Jesus sa kongregasyon sa Smirna, sinabi niya: “Alam ko ang iyong kapighatian at karalitaan—ngunit ikaw ay mayaman.” (Apocalipsis 2:8, 9) Ang mga Kristiyano sa Smirna, bagaman mahirap, ay nagtataglay ng kayamanang higit pa sa pilak o ginto. Mayaman sila dahil sa kanilang pananampalataya at katapatan sa Diyos. Mahalaga ang pananampalataya dahil ito ay “hindi taglay ng lahat ng tao.” (2 Tesalonica 3:2) Ang mga walang pananampalataya ay talagang mahirap sa paningin ng Diyos.—Apocalipsis 3:17, 18.
Kayamanang Bunga ng Pananampalataya
Sa anu-anong paraan mahalaga ang pananampalataya? Ang mga may pananampalataya Roma 2:4) Dahil sa kanilang pananampalataya sa haing pantubos ni Jesus, natatamo nila ang “kapatawaran ng [kanilang] mga pagkakamali.” (Efeso 1:7) Nagkakaroon din sila ng karunungan mula sa “salita ng Kristo.” (Colosas 3:16) Habang may-pananampalataya silang nananalangin sa Diyos, “ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan” ay nagbabantay sa kanilang puso at isip, anupat nagkakaroon sila ng kasiyahan at kaligayahan.—Filipos 4:7.
sa Diyos ay nakikinabang sa “kayamanan ng kaniyang kabaitan at pagtitimpi at mahabang pagtitiis.” (Bukod pa rito, ang mga nananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, ay may kamangha-manghang pag-asa na mabuhay nang walang hanggan. Sinabi ni Jesu-Kristo: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16) Lalong tumitibay ang magandang pag-asang iyan kapag ang isa ay nagkaroon ng tumpak na kaalaman sa Ama at sa Anak, sapagkat sinabi rin ni Jesus: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.”—Juan 17:3.
Ang mga pagpapala ng Diyos ay hindi lamang espirituwal, mayroon ding emosyonal at pisikal. Kuning halimbawa si Dalídio sa Brazil. Bago siya matuto ng tumpak na kaalaman tungkol sa layunin ng Diyos, isa siyang lasenggo. Sinira nito ang ugnayan ng kaniyang pamilya. Bukod diyan, nagkakaproblema siya noon sa pera. Pagkatapos, nakipag-aral siya ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova at lubusan siyang nagbago.
Dahil sa natutuhan ni Dalídio sa Bibliya, inihinto niya ang kaniyang masasamang bisyo. Gayon na lamang ang naging pagsulong niya sa kaalaman sa Bibliya anupat nasabi niya, “Noon, sa mga bar ako nagpupunta; ngayon ay sa bahay-bahay na.” Siya’y naging buong-panahong ministro ng Salita ng Diyos. Ang pagbabagong ito ay nakabuti hindi lamang sa kaniyang kalusugan kundi sa kaniya ring kabuhayan. Sinabi ni Dalídio, “Ang perang dati kong pinambibili ng alak ay ginagamit ko ngayon upang tulungan ang iba na nangangailangan o bilhin ang mga bagay na kailangan ko.” Nagkaroon din siya ng maraming tunay na kaibigan dahil sa pakikisama niya sa mga taong may katulad niyang pananaw. Si Dalídio ngayon ay may kapayapaan ng isip at kasiyahan na hindi niya akalaing mararanasan niya.
Ganiyan din ang nangyari kay Renato dahil sa pananampalataya sa Diyos na Jehova. Kapag nakita mo ngayon ang kaniyang masaya at nakangiting mukha, hindi mo iisiping may malungkot siyang nakaraan. Noong kasisilang pa lamang niya, inabandona siya ng kaniyang ina. Inilagay siya sa isang bag at iniwan sa ilalim ng isang upuan, punô ng galos at pasâ sa katawan at may tali pa sa pusod. Dalawang babaing nagdaraan ang nakakita sa bag. Noong una, akala nila ay may nag-iwan ng kuting doon. Nang makita nilang isa itong sanggol, agad nila itong dinala sa kalapit na ospital para magamot.
Ang isa sa mga babae ay Saksi ni Jehova, at sinabi niya kay Rita na isa pang Saksi, ang tungkol sa sanggol. Ilang beses nang nakunan si Rita, at may isa lamang siyang anak na babae. Gustung-gusto niyang magkaroon ng anak na lalaki kaya inampon niya si Renato.
Bata pa si Renato ay sinabi na sa kaniya ni Awit 27:10.
Rita na hindi siya ang tunay na ina nito. Pero inalagaan at minahal siya ni Rita at tinuruan siya ng mga simulain sa Bibliya. Habang lumalaki si Renato, naging interesado siya sa Bibliya. Gayon na lamang ang pasasalamat niya dahil hindi niya inakalang nailigtas siya sa ganoong paraan. Naluluha siya sa tuwing nababasa niya ang mga salita ng salmistang si David: “Sakaling iwan ako ng aking ama at ng aking ina, si Jehova mismo ang kukupkop sa akin.”—Bilang pasasalamat sa lahat ng ginawa sa kaniya ni Jehova, si Renato ay nabautismuhan noong 2002 at naging buong-panahong ministrong Kristiyano nang sumunod na taon. Hindi pa rin niya nakikilala ang kaniyang tunay na mga magulang at baka hindi na niya kailanman makikilala ang mga ito. Pero para kay Renato, ang isa sa pinakamahalagang regalong natanggap niya ay ang makilala at manampalataya kay Jehova bilang kaniyang maibigin at mapagmalasakit na Ama.
Marahil gusto mong magkaroon ng malapít na kaugnayan sa Diyos, na talagang makapagpapaligaya sa iyo. Ang pagkakataong magkaroon ng gayong kaugnayan sa Diyos na Jehova at sa kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, ay bukás sa lahat—mayaman at mahirap. Maaaring hindi ka yumaman, ngunit magkakaroon ka naman ng kapanatagan at kasiyahan na hindi mabibili ng pera. Totoo nga ang mga salita sa Kawikaan 10:22: “Ang pagpapala ni Jehova—iyon ang nagpapayaman, at hindi niya iyon dinaragdagan ng kirot.”
Talagang interesado ang Diyos na Jehova sa mga taong lumalapit sa kaniya: “O kung magbibigay-pansin ka lamang sana sa aking mga utos! Ang iyong kapayapaan nga ay magiging gaya ng ilog, at ang iyong katuwiran ay magiging gaya ng mga alon sa dagat.” (Isaias 48:18) At ipinangangako niya na saganang pagpapalain ang mga lumalapit sa kaniya nang may tamang motibo at saloobin: “Ang bunga ng kapakumbabaan at ng pagkatakot kay Jehova ay kayamanan at kaluwalhatian at buhay.”—Kawikaan 22:4.
[Blurb sa pahina 6]
Ang pananampalataya sa Diyos ay nagdudulot ng kapayapaan, kasiyahan, at kaligayahan
[Larawan sa pahina 5]
Bagaman mahirap, ang pamilya ni Jesus sa lupa ay saganang pinagpala ng Diyos