Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Nasaan ang Diyos?

Nasaan ang Diyos?

Nasaan ang Diyos?

Setyembre 11, 2001: Noon ay 8:46 n.u., isang komersiyal na jet ang sumalpok sa isang tore ng World Trade Center sa New York City. Isa lang ito sa sunud-sunod na pag-atake ng mga terorista. Pagkalipas ng 102 minuto, mga 3,000 ang namatay.

Disyembre 26, 2004

Pagkatapos yanigin ng lindol na may lakas na 9.0 ang Karagatang Indian, sunud-sunod na dambuhalang alon ang tumama sa 11 bansa, kasama na ang Aprika​—na may layong mga 5,000 kilometro. Sa loob lamang ng isang araw, 150,000 tao ang namatay o nawala, at mahigit isang milyon ang nawalan ng tirahan.

Agosto 1, 2009: Isang 42-anyos na lalaking nagdyi-jet-ski kasama ang kaniyang 5-taóng-gulang na anak ang bumangga sa daungang yari sa kahoy. Namatay ang ama. Nakaligtas ang bata pero namatay rin kinabukasan. “Umaasa kami na may mangyayaring himala at mabubuhay ang bata,” ang sabi ng isang nalulungkot na kamag-anak.

Kapag nabasa mo ang tungkol sa mga pagsalakay ng terorista o likas na mga sakuna o kapag ikaw mismo ang nakararanas ng trahedya, naitatanong mo ba kung nakikita ito ng Diyos? Pinabayaan na kaya tayo ng Diyos? Nakaaaliw ang sagot ng Bibliya sa mga tanong na ito. Alamin natin.

[Picture Credit Lines sa pahina 3]

© Dieter Telemans/Panos Pictures

PRAKASH SINGH/AFP/Getty Images

© Dieter Telemans/Panos Pictures