Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Pangyayari na Umaakay Tungo sa Pag-asa

Mga Pangyayari na Umaakay Tungo sa Pag-asa

Mga Pangyayari na Umaakay Tungo sa Pag-asa

“Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.”​—2 TIMOTEO 3:1.

MAY nabalitaan ka na ba o nasaksihan sa malulungkot na pangyayaring ito?

● Isang nakamamatay na sakit ang kumitil ng maraming buhay.

● Isang taggutom ang pumatay ng daan-daan katao.

● Isang lindol ang naging sanhi ng kamatayan ng libu-libo at ng pagkawasak ng maraming tahanan.

Sa susunod na mga pahina, tatalakayin ang ilang katotohanan na aakay sa iyo na pag-isipan ang mga pangyayaring gaya nito. Makikita mo rin na inihula sa Bibliya ang ganitong mga pangyayari bilang bahagi ng “mga huling araw.” *

Gayunman, hindi layunin ng mga artikulong ito na kumbinsihin kang nabubuhay na tayo sa isang daigdig na punô ng problema dahil nakikita mo na rin ito mismo. Sa halip, ang mga artikulong ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng pag-asa. Ipakikita nito na ang katuparan ng anim na hula ay nangangahulugang malapit nang magwakas ang “mga huling araw.” Isasaalang-alang din ng seryeng ito ang ilang karaniwang pagtutol sa mga ebidensiya at magbibigay ito ng matibay na dahilan para maniwala kang may magandang bukas na naghihintay sa atin.

[Talababa]

^ par. 7 Para malaman kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang masasamang pangyayaring ito, tingnan ang artikulong “Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Kasamaan at Pagdurusa?” sa pahina 16 at 17 ng isyung ito.