Kilala Ko Na Ngayon ang Diyos na Sinasamba Ko
Isang ebanghelisador ng Pentecostal na sinasabing may kapangyarihang magpagaling ang naging panauhin namin. Nang hipuin niya ako, nawalan ako ng malay, anupat “namatay sa espiritu.” Nang matauhan ako, naramdaman kong taglay ko na ang gusto ko—ang kapangyarihang magpagaling. Bakit ko naranasan ito, at ano ang naging epekto nito sa aking buhay? Bago ko ikuwento iyan, sasabihin ko muna kung sino ako.
ISINILANG ako sa Ilocos Norte, sa Pilipinas, noong Disyembre 10, 1968 at pampito sa sampung magkakapatid. Gaya ng karamihan sa mga Pilipino, pinalaki kami bilang Katoliko. Nagtapos ako ng haiskul noong 1986, at pangarap kong maging nars. Pero hindi iyon natupad dahil nagkasakit ako nang malubha. Akala ko nga, mamamatay na ako. Nakiusap ako sa Diyos at sinabing kung gagaling ako, paglilingkuran ko siya habambuhay.
Matagal din bago ako gumaling, at naalaala ko ang aking pangako sa Diyos. Kaya noong Hunyo 1991, pumasok ako sa Bible school ng Pentecostal. Kasama sa aming pinag-aaralan kung paano magkakaroon ng “walang-bayad na kaloob ng banal na espiritu.” Gusto kong magkaroon ng kapangyarihang magpagaling. Itinuro sa amin na makukuha ito sa pag-aayuno at pagdarasal. Para palabasing mayroon na akong “kaloob,” minsan sa panahon ng pagdarasal, lihim kong pinakinggan ang aking kaklase habang malakas itong nagdarasal sa isang sulok. Nang papatapos na siya, dali-dali akong bumalik sa kinaluluhuran ko. Pagkaraan, sinabi ko sa kaniya ang mismong hiniling niya sa kaniyang pagdarasal, at napaniwala ko siyang mayroon na akong “walang-bayad na kaloob”!
Habang patuloy ako sa pag-aaral, marami akong tanong. Halimbawa, may binabanggit sa Mateo 6:9 na “Ama” at “pangalan.” Ang tanong ko, “Sino ang Ama na binanggit ni Jesus?” at “Kaninong pangalan ang dapat pakabanalin?” Madalas na malabo at kulang ang sagot ng aking mga guro. Binabanggit nila ang tungkol sa Trinidad at sinasabing ito ay isang misteryo. Nalilito ako. Pero nagpatuloy pa rin ako sa pagsasanay para maging pastor.
Ang Pananaw Ko sa mga Saksi ni Jehova
Sa Bible school, itinuro sa amin na ang mga Saksi ni Jehova ang pinakamaling relihiyon. Sila ay tinutukoy ring antikristo. Nasuklam ako sa relihiyong ito.
Noong bakasyon namin sa ikalawang taon ko ng pag-aaral, umuwi ako para dalawin ang aking mga magulang. Nabalitaan ito ng isa kong ate, si Carmen, kaya umuwi rin siya. Isa na siyang buong-panahong ministro ng mga Saksi ni Jehova. Nang tangkain niyang turuan ako tungkol sa Diyos, pagalit kong sinabi: “Kilala ko na ang Diyos na pinaglilingkuran ko!” Matapos ko siyang insultuhin, itinulak ko siya at hindi na binigyan ng pagkakataong magsalita.
* Agad ko itong nilamukos at sinunog. Talagang galít ako sa kaniya!
Pagbalik ko sa Bible school, pinadalhan ako ni Ate Carmen ng brosyur na Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad?Naging Pastor Ako
Habang nasa Bible school, mayroon akong mga nakumberte. Tuwang-tuwa ako nang maging Pentecostal na rin ang aking nanay at kuya.
Noong Marso 1994, nagtapos ako sa Bible school ng Pentecostal. Gaya ng binanggit sa simula, isang ebanghelisador ang panauhin namin. Gustung-gusto siyang makasama ng lahat ng nagtapos dahil naniniwala kaming mayroon siyang kaloob na magpagaling. Sumama kami sa kaniya sa entablado, na naglulundagan at nagpapalakpakan sa tugtog ng banda. Mayamaya, bawat hipuin niya ay natutumba, anupat ‘namamatay sa espiritu.’ * Nang hipuin niya ako, bigla rin akong natumba at nawalan ng malay. Nang matauhan ako, natakot ako, pero nang maramdaman kong mayroon na akong kapangyarihang magpagaling, natuwa ako.
Di-nagtagal, ginamit ko ang kapangyarihang ito para pagalingin ang isang batang inaapoy ng lagnat. Nang magdasal ako, biglang pinawisan ang bata at nawala ang lagnat nito. Sa wakas, naisip kong matutupad ko na rin ang pangako ko sa Diyos. Pero ang nakapagtataka, pakiramdam ko’y may kulang pa rin. Naniniwala akong iisa lang ang Diyos, pero hindi ko talaga kilala kung sino siya. At hindi mawala-wala ang pagdududa ko sa mga doktrina ng aming relihiyon.
Ginamit ko ang kapangyarihang ito para pagalingin ang isang batang inaapoy ng lagnat
Mga Bagay na Nagpabago sa Aking Pag-iisip
Matapos ang mga pangyayaring iyon, lalong tumindi ang galit ko sa mga Saksi ni Jehova. Kapag nakakakita ako ng mga babasahin ng mga Saksi, sinusunog ko iyon. Pero isang bagay ang ikinagulat ko. Nalaman kong ayaw na ni Inay sa aming relihiyon. Tinuturuan pala siya ni Ate Carmen sa Bibliya! Galit na galit ako kay Ate.
Minsan, nakakita ako ng magasing Gumising! sa bahay ni Inay. Karaniwan nang sinusunog ko iyon. Pero dahil gusto kong malaman kung ano ang binabasa niya, binuklat ko iyon. Nakita ko ang isang artikulo tungkol sa isang taong panatiko sa kaniyang relihiyon. Nang mabasa ng taong ito ang mga publikasyon ng mga Saksi at ang sinasabi ng Bibliya, nakumbinsi siyang hindi makakasulatan ang turo ng Trinidad, impiyerno, at imortalidad ng kaluluwa. Natuwa ako. Ito mismo ang mga bagay na gusto kong maintindihan. Mula noon, nasabik akong maunawaan ang katotohanan sa Bibliya.
Pagkabasa ko ng isa pang talambuhay sa Gumising! tungkol sa isang lasenggo at adik na nagbago dahil sa pag-aaral ng Bibliya, nagsimula na akong magbasa ng iba * Nalaman ko roon na Jehova pala ang pangalan ng Diyos. Tuwang-tuwa ako nang malaman ko ang katotohanan tungkol sa tanging tunay na Diyos!—Deuteronomio 4:39; Jeremias 10:10.
pang publikasyon ng mga Saksi. Nakakita ako ng brosyur na Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman.Tuwang-tuwa ako nang malaman ko ang katotohanan tungkol sa tanging tunay na Diyos!
Palihim akong nagbasa ng mga publikasyon at marami pa akong natutuhang mga katotohanan sa Bibliya. Halimbawa, sa Bible school, itinuro sa amin na si Jesus ang Diyos, pero natutuhan ko mula sa Bibliya na siya “ang Anak ng Diyos na buháy.”—Mateo 16:15, 16.
Nagbago ang Aking Saloobin
Nang magkita ulit kami ni Ate Carmen, nagulat siya nang humingi ako ng brosyur na Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman at iba pang literatura. Maraming taon akong nag-aral sa Bible school, pero hindi ako tinuruan doon ng katotohanan; binulag nila ako. Nag-uumapaw ang puso ko sa kagalakan dahil sa mga katotohanang natututuhan ko mula sa Bibliya. Damang-dama ko ang sinabi ni Jesus: “Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32) Unti-unting binago ng mga katotohanang iyon ang aking buhay.
Unti-unting binago ng mga katotohanang iyon ang aking buhay
Noong una, akala ko’y puwede kong palihim na sambahin ang Diyos na Jehova habang nananatili akong pastor. Di-nagtagal, hindi ko na maatim na ituro ang mga doktrina ng aming relihiyon. Pero natatakot ako. Ano na ang ikabubuhay ko kapag nagbitiw ako bilang pastor? Malaking kahihiyan sa aming relihiyon kapag naging Saksi ni Jehova ang isa sa kanilang mga pastor! Kaya nagpatuloy ako sa pagiging pastor, pero iniwasan kong ituro ang mga maling doktrina ng aming relihiyon.
Nang magkita ulit kami ni Ate Carmen, iminungkahi niyang dumalo ako sa pulong ng mga Saksi ni Jehova. Yamang madalas akong mag-report sa aming pangunahing kongregasyon sa Laoag City, palihim kong hinanap ang Kingdom Hall ng mga Saksi roon. Ipinakilala ako kay Alma Preciosa Villarin, na tinatawag ding “Precious,” isang buong-panahong ministro sa kongregasyon ng mga Saksi roon. Bagaman negatibo pa rin ako sa mga Saksi, tinanggap ko ang alok niyang pag-aaral sa Bibliya.
Napakatiyaga ni Ate sa pagbabahagi sa akin ng mga katotohanan sa Bibliya. Ganiyan din ang nakita ko kay Precious. Tinulungan niya akong mabuti na maintindihan ang Bibliya, kahit naiirita ako, nakikipagtalo, at kung minsan ay nagtataas ng boses, anupat iginigiit ang mga turong dati ko nang alam. Humanga ako
sa malasakit, kapakumbabaan, at kahinahunan ni Precious at ng iba pang mga Saksi. Ito ang nagpakilos sa akin para naising sambahin si Jehova.Noong Hulyo 1995, napag-isip-isip kong dapat ko nang iwan ang pagiging pastor. Bakit? Sa makasagisag na paraan, ganito ang sinasabi ng Apocalipsis 18:4 tungkol sa huwad na relihiyon: “Lumabas kayo sa kaniya, bayan ko, kung hindi ninyo nais na makibahagi sa kaniya sa mga kasalanan niya, at kung hindi ninyo nais na tumanggap ng bahagi ng kaniyang mga salot.” Pero ano ang ikabubuhay ko? Itinuro sa akin ng Hebreo 13:5 na kung gagawin natin ang kalooban ng Diyos, nangangako siya: “Hindi kita sa anumang paraan iiwan ni sa anumang paraan ay pababayaan.”
Bagaman galít na galít sina Itay at Kuya, dalawang linggo bago ako bautismuhan bilang Saksi, nagkalakas-loob ako na umuwi para sunugin ang lahat ng gamit ko bilang pastor. Matapos ko itong gawin, nadama kong nawala na ang kapangyarihang ibinigay sa akin noon. Dati, kapag natutulog ako, pakiramdam ko’y may nakadagan sa akin. Nawala na rin iyon. Hindi ko na rin nakikita ang mga anino sa bintana ng aking kuwarto. Natutuhan ko sa Bibliya na anumang “kaloob” sa ngayon, gaya ng kapangyarihang magpagaling, ay hindi mula sa Diyos kundi sa masasamang espiritu. Laking tuwa ko nang makalaya ako sa kanilang impluwensiya, gaya ng alilang babae na pinalaya ni Pablo mula sa “isang demonyo ng panghuhula.”—Gawa 16:16-18.
Masayang-masaya ako dahil magkasabay kami ni Inay na binautismuhan bilang mga Saksi ni Jehova noong Setyembre 1996. Pagkatapos, pumasok ako bilang buong-panahong ministro ng mga Saksi ni Jehova at naglingkod sa loob ng maraming taon.
May asawa na ako ngayon, si Silver. Magkatulong kami sa pagsasanay sa aming anak na mamuhay ayon sa katotohanan sa Bibliya. Naglilingkod na rin kay Jehova ang iba ko pang mga kapatid. Bagaman nakalulungkot na maraming taon kong hindi kilala ang Diyos, masayang-masaya na ako dahil kilala ko na ngayon ang Diyos na sinasamba ko.
^ par. 10 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova pero hindi na ngayon inililimbag.
^ par. 13 Ang pananalitang “namatay sa espiritu” ay tumutukoy sa isang kababalaghan sa ilang relihiyon kung saan ang “espiritu” ay pinaniniwalaang sumasapi sa mga mánanampalatayá at natutumba sila dahil sa puwersa nito.
^ par. 18 Inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.