TAMPOK NA PAKSA | ANG DIGMAAN NA BUMAGO SA DAIGDIG
Ang Tunay na Salarin sa Likod ng Digmaan at Pagdurusa
Noong Nobyembre 11, 1918, natapos ang Digmaang Pandaigdig I. Nagsara ang mga negosyo, at nagsayawan ang mga tao sa lansangan. Pero hindi nagtagal ang pagsasaya. Isa pang banta—na mas nakamamatay kaysa sa machine gun—ang kaagad na sumunod sa digmaang pandaigdig.
Sinalakay ng nakamamatay na salot na tinatawag na trangkaso Espanyola ang mga lugar ng digmaan sa Pransiya noong Hunyo 1918. Di-nagtagal, napatunayang talagang nakamamatay ang virus na ito. Halimbawa, sa loob lang ng ilang buwan, mas maraming sundalong Amerikano sa Pransiya ang napatay nito kaysa sa napatay ng baril ng kaaway. At nang matapos ang digmaan, mabilis na kumalat ang trangkaso sa buong daigdig dahil dala-dala ito ng mga sundalong nagbalik sa kanilang bansa.
Nagkaroon din ng taggutom at problema sa ekonomiya pagkatapos ng digmaan. Ang kalakhang bahagi ng Europa ay nagutom nang matapos ang digmaan noong 1918. Noong 1923, ang pera ng Germany ay nawalan ng halaga. Pagkalipas ng anim na taon, bumagsak ang ekonomiya ng buong daigdig. At sa wakas, noong 1939, nagsimula ang ikalawang digmaang pandaigdig—sa ilang paraan ay karugtong lang ng unang digmaang pandaigdig. Ano ang nasa likod ng sunud-sunod na kapahamakang ito?
ANG TANDA NG MGA HULING ARAW
Ipinakikita sa atin ng hula sa Bibliya kung ano ang nasa likod ng ilang makasaysayang pangyayari, at totoo ito lalo na kung tungkol sa Digmaang Pandaigdig I. Inihula ni Jesu-Kristo ang isang panahon kung kailan ang “bansa ay titindig laban sa bansa” at lalaganap sa buong lupa ang kakapusan sa pagkain at Mateo 24:3, 7; Lucas 21:10, 11) Sinabi niya sa kaniyang mga alagad na ang gayong mga kalamidad ay magiging tanda ng mga huling araw. Higit pang impormasyon ang nasa aklat ng Apocalipsis, na nag-uugnay ng mga kaabahan sa lupa sa isang digmaan sa langit.—Tingnan ang kahon na “Digmaan sa Lupa at Digmaan sa Langit.”
mga salot. (Inilalarawan din ng aklat na iyon ng Bibliya ang apat na mangangabayo, kung minsan ay tinatawag itong apat na mangangabayo ng Apocalipsis. Tatlo sa mangangabayong ito ang lumalarawan sa mga kasakunaang naunang binanggit ni Jesus—digmaan, taggutom, at salot. (Tingnan ang kahon na “Kumikilos Na Nga ba ang Apat na Mangangabayo?”) Maliwanag, ang unang digmaang pandaigdig ay pasimula ng isang panahon ng kahirapan na nararanasan hanggang sa ngayon. At isinisiwalat ng Bibliya na si Satanas ang pasimuno nito. (1 Juan 5:19) Mapahihinto ba ang kaniyang kapangyarihan?
Tinitiyak din sa atin ng aklat ng Apocalipsis na si Satanas ay mayroon na lamang “maikling yugto ng panahon.” (Apocalipsis 12:12) Kaya galit na galit siya at nagdudulot ng matinding kaabahan dito sa lupa. Pero sa katulad na paraan, ang mga problemang nakikita natin ay patotoo na paubos na ang panahon ni Satanas.
SISIRAIN ANG MGA GAWA NG DIYABLO
Ang Digmaang Pandaigdig I ay isa ngang malaking pagbabago sa kasaysayan. Ito ang pasimula ng isang panahon ng malawakang digmaan, pagsiklab ng mga rebolusyon, at kawalan ng tiwala sa mga pinunong tao. Maliwanag na patotoo rin ito na pinalayas na si Satanas sa langit. (Apocalipsis 12:9) Ang di-nakikitang pinunong ito ng sanlibutan ay kumikilos na parang malupit na diktador dahil alam niyang biláng na ang kaniyang mga araw. Kapag natapos na ang mga araw na iyon, magwawakas na rin ang paghihirap na nagsimula noong Digmaang Pandaigdig I.
Sa liwanag ng hula sa Bibliya, may dahilan ka para magtiwala na malapit nang “sirain [ni Jesu-Kristo, ang ating Hari sa langit] ang mga gawa ng Diyablo.” (1 Juan 3:8) Ipinananalangin na ng milyun-milyon ang pagdating ng Kaharian ng Diyos. Ikaw rin ba? Dahil sa Kahariang iyon, makikita ng mga tapat na nangyayari sa lupa ang kalooban ng Diyos—hindi ang kay Satanas. (Mateo 6:9, 10) Sa ilalim ng Kaharian ng Diyos, hindi na kailanman magkakaroon ng digmaang pandaigdig—o anumang digmaan! (Awit 46:9) Alamin ang tungkol sa Kahariang iyon at saksihan ang panahon kapag umiral na ang kapayapaan sa buong lupa!—Isaias 9:6, 7.
^ par. 20 Tingnan ang kabanata 8 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.