Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Matutulungan ba tayo ng mga anghel?

Kung paanong tinulungan noon ng mga anghel ang tapat na lingkod na si Daniel, tinutulungan din nila ngayon ang mga tao na makinabang sa mabuting balita

Nilalang ng Diyos na Jehova ang milyon-milyong anghel bago ang mga tao. (Job 38:4, 7) Ang mga anghel ay makapangyarihang mga espiritu na naglilingkod sa Diyos. Kung minsan, isinusugo sila ng Diyos para patnubayan at protektahan ang mga lingkod niya sa lupa. (Awit 91:10, 11) Ngayon, inaakay nila ang mga tagasunod ni Jesus para maihatid sa tapat na mga tao ang mabuting balita.Basahin ang Apocalipsis 14:6, 7.

Dapat ba tayong magdasal sa mga anghel para humingi ng tulong? Hindi. Ang pananalangin ay bahagi ng pagsamba na para lang sa Diyos. (Apocalipsis 19:10) Yamang ang mga anghel ay lingkod ng Diyos, sa kaniya lang sila sumusunod, hindi sa mga tao. Kaya sa Diyos lang tayo dapat manalangin, sa pamamagitan ni Jesus.Basahin ang Awit 103:20, 21; Mateo 26:53.

May masasamang anghel ba?

Gaya ng mga tao, may kalayaang magpasiya ang mga anghel. Puwede nilang piliing gumawa ng mabuti o masama. Nakalulungkot, maraming anghel ang nagrebelde sa Diyos. (2 Pedro 2:4) Ang una sa kanila ay si Satanas; sumunod ang iba at naging mga demonyo. Nang maglaon, pinalayas sa langit si Satanas at ang mga demonyo, at inihagis sa lupa.Basahin ang Apocalipsis 12:7-9.

Ang mabilis na paglago ng kasamaan at karahasan mula noong 1914 ay palatandaan na malapit nang iligpit ng Diyos si Satanas at ang mga demonyo. Pagkatapos, gagawing muli ng Diyos na paraiso ang lupa.Basahin ang Apocalipsis 12:12; 21:3, 4.