Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

TAMPOK NA PAKSA | MGA SAKSI NI JEHOVA—SINO SILA?

Ano ang Paniniwala ng mga Saksi ni Jehova?

Ano ang Paniniwala ng mga Saksi ni Jehova?

Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na “lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang.” (2 Timoteo 3:16) Ginagamit namin ang Bibliya bilang praktikal na patnubay para matuto tungkol sa Maylalang at magkaroon ng makabuluhang buhay.

Sinasabi ng Bibliya: “Upang malaman ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.” (Awit 83:18) Kaya naman, ang Diyos na Jehova lang ang aming sinasamba, at bilang mga Saksi niya, sinisikap naming ipakilala ang kaniyang personal na pangalan.Isaias 43:10-12.

Bilang mga Kristiyano, naniniwala kami na si Jesus, “ang Anak ng Diyos,” * ay dumating sa lupa at naging Mesiyas. (Juan 1:34, 41; 4:25, 26) Pagkamatay ni Jesus, binuhay siyang muli tungo sa langit. (1 Corinto 15:3, 4) Nang maglaon, naging Hari siya ng Kaharian ng Diyos. (Apocalipsis 11:15) Ang Kahariang iyon ay isang tunay na gobyerno na magsasauli ng Paraiso sa lupa. (Daniel 2:44) “Ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan,” ang sabi ng Bibliya.Awit 37:11, 29.

“Kapag binabasa nila ang Bibliya, naniniwala silang ang Diyos ay nakikipag-usap sa kanila. Kapag nagkakaproblema sila, kinukuha nila ang Salita ng Diyos at hinahanap dito ang solusyon. . . . Para sa kanila, buháy pa rin ang Salita ng Diyos.”—Klerigong Katoliko na si Benjamin Cherayath, pahayagang Münsterländische Volkszeitung, Germany

Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na kahit sa ngayon, maaaring makinabang ang mga tao sa mga simulain ng Bibliya. (Isaias 48:17, 18) Kaya maingat naming sinusunod ang mga simulaing iyon. Halimbawa, dahil nagbababala ang Bibliya na iwasan ang mga gawaing nagpaparumi sa ating isip at katawan, hindi kami naninigarilyo o nagdodroga. (2 Corinto 7:1) Iniiwasan din namin ang mga gawaing hinahatulan sa Bibliya, gaya ng paglalasing, seksuwal na imoralidad, at pagnanakaw.1 Corinto 6:9-11.

^ par. 5 Tinutukoy rin ng Bibliya si Jesus bilang ang “bugtong na Anak ng Diyos” dahil siya ang una at tanging tuwirang nilalang ni Jehova.Juan 3:18; Colosas 1:13-15.