Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 116

Ang Liwanag ay Lalong Nagniningning

Ang Liwanag ay Lalong Nagniningning

(Kawikaan 4:18)

1. Kristo’y inalam ng mga propeta,

Pag-asa ng sangkatauhan.

Espiritu’y ’siniwalat ang Mesiyas,

Katubusan ay inilaan.

Narito ngayon, Mesiyas ay hari na,

Tanda ng presensiya’y batid.

Pribilehiyo nating malaman ito;

Maging mga anghel nagmasid!

(KORO)

Landas nati’y lumiliwanag;

Higit pa siyang nagniningning.

Masdan Diyos ay nagsisiwalat;

Patnubay sa landas natin.

2. Jesus nag-atas ng aliping tapat,

Laan ay sapat na pagkain.

Katotohana’y sumisikat na rin

Sa mga puso’t isip natin.

Landas nati’y lalong nagliliwanag,

Hakbang natin ay mas tiyak.

Salamat Jehova, natuto kami,

Sa daan mo kami’y tatahak.

(KORO)

Landas nati’y lumiliwanag;

Higit pa siyang nagniningning.

Masdan Diyos ay nagsisiwalat;

Patnubay sa landas natin.