Awit 112
Dakilang Diyos, Jehova
1. Karapat-dapat ka, O Jehova,
Papurihan nang lubos,
Sa katwiran ay lipos.
Makatarungan, ’di nagtatangi,
Aming walang-hanggang Diyos.
2. Nagpapatawad ng kasalanan,
Diyos ka na mahabagin,
Hari ding maibigin.
Makatarungang pamamahala,
Sa lahat maawain.
3. Tao’t anghel, ika’y pupurihin.
Ngalan mo’y pabanalin,
Upasala’y alisin.
Ang Kaharian mo’y magpupuno,
Kalooba’y ganapin.
(Tingnan din ang Deut. 32:4; Kaw. 16:12; Mat. 6:10; Apoc. 4:11.)