Awit 59
Sa Diyos Tayo Nakaalay!
1. Tayo’y kay Jesus inakay ni Jehova
Upang maging alagad na niya.
Buhat sa kalangitan,
Katotohana’y laan.
Tiwala’y nadagdagan,
At sarili’y tinalikdan.
(KORO)
Sa Diyos tayo nakaalay; Ating pasiya.
Sa kanya’t kay Kristo maligaya.
2. Sa panalangin sinabi kay Jehova,
Maglilingkod lagi sa kanya.
Kagalakang masidhi,
Ating ’binabahagi,
Pangalan ni Jehova,
Balita ng Kaharian niya.
(KORO)
Sa Diyos tayo nakaalay; Ating pasiya.
Sa kanya’t kay Kristo maligaya.
(Tingnan din ang Awit 43:3; 107:22; Juan 6:44.)